quatorze
Hi guys! Medo mahaba-haba ang chapter na 'to. Sana magustuhan niyo :p Enjoy!
NAGISING si Gaelle dahil sa makulit na humahalik sa kanyang mga labi. She groaned in annoyance and pushed him away.
Antok na antok pa siya at gusto pa niyang matulog. Narinig niya ang mahinang tawa nito pagkatapos ay hinalikan ulit siya sa mga labi. Nagmulat siya ng mga mata at ang nakangising mukha ni Kellan ang nabungaran niya.
"Good morning, chérie" Napakunot-noo siya at sinuri ang paligid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong wala na sila sa loob ng sasakyan kundi nasa isang magandang silid sila.
Naka-sando at shorts na si Kellan.
"Nasa'n tayo?" Naguguluhang tanong niya sa binata. Ang huling natatandaan niya ay nasa loob sila ng sasakyan nito papunta sa resthouse nito sa La Union. Ayaw niya sa idea nito pero wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod na lang at manahimik.
"Nandito na tayo sa resthouse ko. Welcome to La Union" He said as he went towards the Spanish style window. HInawi nito ang kurtina at saka binuksan ang bintana. Sumalubong sa kanya ang napakagandang panahon at ang masarap na simoy ng hangin.
Bumaba siya sa kama at lumapit rito. She gasped in awe when she saw the breathtaking view.
Nasa isang medyo may kataasan na lugar sila at kitang-kita ang kulay asul na dagat sa di kalayuan. Maraming mga puno ng niyog sa paligid na lumilikha ng tunog habang hinahangin ang mga dahon ng mga ito at tumatama sa isa't-isa. Tumingin siya sa dalampasigan at nagtaka siya nang wala man lang siyang makitang tao.
"Bakit wala man lang tao sa paligid?"
"Wala ka talagang makikitang tao diyan kasi private resort 'to. I actually just bought this last month" She gaped at him.
"Bakit mo naman 'to binili? I mean, ang layo ng La Union sa Manila" Curious niyang tanong rito. He shoved his hands inside the pockets of his shorts and then leaned back against the wall. Titig na titig ito sa kanya at gusto niyang maasiwa.
She cleared her thought and pretended to be focusing on the view ouside.
"Well, I bought this property because I knew that one day, the woman I love would come back to me. I wanted to bring her here and spend days with her in this paradise" Tila nawalan siya ng kakayahang mag-isip. 'Di niya alam kung ano ang sasabihin.
Ayaw niyang mag-assume na siya ang tinutukoy nito kahit pa ilang beses na nitong sinabi sa kanya na mahal siya nito.
"Alam ko rin kasi na mahilig siyang maligo sa dagat kaya gusto ko na kapag maliligo siya sa dagat ay ako lang ang makakakita sa katawan niya" Her cheeks flushed. Teka lang, puso! 'Wag ka munang magreact kasi baka mapahiya ka lang! 'Wag asumming!
"Di mo man lang ba tatanungin kung sino ang tinutukoy ko?" Napakagat-labi siya at nagbaba ng tingin.
Sasagot na sana siya nang bigla na lang tumunog ang tiyan niya dahil sa gutom. Lalo tuloy siyang namula.
Narinig niya ang tawa ni Kellan kaya inirapan na lang niya ito.
"Where's the bathroom?" Tanong na lamang niya rito para mabawasan ang pagkapahiya niya.
"That door" Turo nito sa isang pintuan. Akmang papasok na siya sa banyo nang magsalita ulit ito.
"Want me to join you?" She snapped her head to his direction and was expecting for him to have a playful expression on his face but he was serious.
Napalunok siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. May halo iyong pagnanasa at biglang nanuyo ang lalamunan niya. It's been a while since they made love and her body was reacting to his gaze uncontrollably.
Pinilit niyang burahin ang kakaibang damdaming lumukob sa kanya.
"I don't think so, Mister" Nagawa niyang sabihin bago siya pumasok sa banyo at ilock iyon. Napasandal siya sa likod ng pinto dahil halos 'di na siya makahinga sa bilis ng tibok ng puso niya.
Sa simpleng tingin lang nito ay nagagawa nitong pukawin ang damdamin niya at pagwalain ang puso niya. She took a deep breath in order to calm herself down. Napasapo siya sa tapat ng puso niya. Mabilis pa rin ang tibok no'n.
"Relax, Gaelle. First day niyo pa lang dito pero mukhang waley na ang depensa mo!"
PAGKATAPOS maligo ni Gaelle ay lumabas siya ng banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang 'di niya nakita ang binata sa loob ng kwarto. Lumapit siya sa isang malaking closet at binuksan iyon. Nagulat pa siya dahil maraming damit na pambabae ang naroon. Kumpleto iyon mula sa underwear, shorts, shirts and swimsuits. Saan kaya nito nabili ang mga 'yon?
Tumingin siya sa left side ng closet at nakita niya ang mga damit na panlalaki roon. It must be Kellan's, she thought to herself. Napakunot-noo siya. Ano ang ginagawa ng mga damit nito sa kwarto'ng 'yon?!
Dali-dali siyang nagbihis at nagsuklay ng buhok saka mabilis siyang nagmartsa palabas sa kwarto para hanapin si Kellan. Medyo nalito pa siya kung saan siya pupunta dahil may kalakihan rin ang resthouse at 'di pa niya iyon kabisado.
Pero nang maamoy niya ang mabangong aroma ng nilulutong pagkain ay sinundan niya iyon. At 'di nga siya ngakamali, naroon ang binata habang may pasipol-sipol pa na nagluluto.
Bigla ay parang nalunok niya ang kanyang dila dahil sa view na kanyang nakita. Kellan was busy cooking something while only in his boxer shorts. Medyo pinagpapawisan pa ito dahil sa ginagawa pero imbes na magmukha itong less attractive ay tila nakadagdag pa iyon sa appeal nito.
Napaka-unfair lang talaga ng mundo. Pa'nong gwapo pa rin itong tingnan kahit pawis ito samantalang may mga nakikita siyang mga lalaki na mukhang dugyot kapag pinapawisan na.
Every move of his arm as he stir the food he's cooking was making his muscles flex deliciously na parang gusto niya itong lapitan at ito na lamang ang gawing almusal.
"Hey, baka matunaw ako niyan, chérie" Bigla ay natauhan siya nang marinig ang mapanuksong boses ni Kellan. Napakurap-kurap siya ng ilang beses bago nahamig ang sarili.
Nag-init ang kanyang mga pisngi nang mapansing nakangisi ang loko sa kanya habang nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. 'Di na siya makakatanggi pa dahil nahuli siya nito habang pinagnanasaan ang katawan nito kaya inirapan na lang niya ito. Natawa naman ito na parang tuwang-tuwa pa sa reaction niya.
"You look so beautiful while blushing like that, chérie" He said huskily after he turned off the gas stove.
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong lumapit sa kanya at hapitin siya sa baywang. Para siyang tanga na hindi makapagsalita habang nakatingin lang rito.
"Good morning, beautiful" bago pa man niya mahulaan ang gagawin nito ay nakalapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.
"Let's eat" Yaya nito pagkatapos ng makapigil hiningan halik nito.
"W-Why did you kiss me?!" Tanong niya nang sa wakas ay mahanap niya ang kanyang boses. Nanunuksong kinindatan lang siya nito bago hawakan ang kanyang kanang kamay at hilain papunta sa lamesa. Pinaghila pa siya nito ng upuan.
Nakalagay na sa ibabaw ng mesa ang mga kubyertos. Kulang na lang ang pagkain. Binalikan nito ang niluluto kanina at kinuha ang nilutong sinangag. Marami iyong halong ham, green peas at mais kaya makulay at mukhang masarap. Maya-maya pa ay inilagay na rin nito ang pritong itlog at hotdog.
May inihanda pa itong vegetable salad. She was surprised because Kellan still knew how to make her favorite vegetable salad. Meron iyong lettuce, cucumber, apple, mais, batonnet saveur crabe ('di ko alam ang english nito) at mozzarella na nilagyan ng dressing na gawa sa asukal at balsamic vinegar. Medyo maasim 'yon pero 'yon ang gusto niya.
Nilagyan nito ng salad ang kanyang plato.
"T-Thank you" Nginitian lamang siya nito at akmang uupo na sa upuan nito ng may mapansin siya.
"'Di ka man lang ba magbibihis? You're sweating" Natigilan ito at tiningnan ang katawan.
"'Wag na. Mamaya na lang" Anito. She huffed and stood up. Pumunta siya sa kwarto at kinuha ang maliit na towel na nakita niya kanina at kumuha na rin siya ng isang t-shirt nito saka bumalik sa hapag-kainan.
"Punasan mo ang likod mo. Masama ang natutuyuan ng pawis" Aniya sabay abot dito ng towel at t-shirt. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya.
"Nag-aalala ka ba sa'kin?"
"Pwede ba, Kellan, magpunas ka na nga lang at magdamit" May bahid ng iritasyo niyang sabi.
Kinuha nito ang towel at pinunasan ang tiyan at dibdib nito. Siya naman ay pinapanuod lamang ang binata.
"Can you do my back, chérie? I can't reach it" Tinaasan niya ito ng kilay.
"Pretty please?" Nagpapa-cute pang sabi nito. Imbes na mainis rito ay natunaw na naman nito ang anumang pagtutol sa kanyang isipan. She heaved a sigh before she took the towel from him and went behind him.
Gusto niyang mainis sa sarili dahil medyo nanginginig ang mga kamay niya. Pakiramdam rin niya ay tuyong-tuyo na ang kanyang lalamunan. She started sweating too.
"Baka tuluyan na akong matuyuan ng pawis niyang pag 'di mo pa ako punasan, chérie" May bahid ng panunudyong sabi nito.
Inangat niya ang kanang kamay at nagsimulang punasan ang likod nito. Pilit niyang pinapakalma ang nagwawala niyang puso pero bigo pa rin siya. Napaka-tindi talaga ng epekto nito sa kanya.
Nakahinga lamang siya ng maluwag nang matapos siya. Dali-dali siyang lumayo rito at akmang babalik na sa kanyang upuan nang maramdaman niya ang mainit nitong kamay sa kanyang kamay.
Napatingin siya rito at nakita niya ang seryoso nitong mukha.
"S-Stop that" Kandautal niyang sita rito.
"Stop what?"
"The way you're staring at me, stop it!" Tumaas ang kilay nito.
"Why should I do that? Wala naman akong ginagawang masama ah" Painosente nitong tanggi.
"Pwede ba, Kellan, 'di ako nakikipaglaro sa'yo!" Pilit niyang hinila ang kamay pero 'di nito iyon binitawan.
"Sinabi ko na sa'yong 'di rin ako nakikipaglaro, 'di ba? Dinala kita rito para patunayan ang pagmamahal ko sa'yo and I intend to do that while we're here. Gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ako sa buhay mo ulit" Napalunok siya dahil ramdam niya ang emosyon nito habang sinasabi nito ang mga katagang 'yon.
"Let's see" She muttered.
"Get ready because I'm going to melt that stubborn heart of yours" Makahulugang saan nito bago siya nito pinaupo. Maya-maya pa ay kumakain na sila.
"Nagustuhan mo ba? I hope, perfect pa rin ang timpla ko ng dressing gaya dati" He said out of the blue. Napatigil si Gaelle sa pagnguya at tumingin rito.
"I am actually surprise dahil alam mo pa ring gawin 'to" Aniya na tinutukoy ang vegetable salad.
"Oo naman. I never forgot about it because it reminds me of you. Lagi ko nga yang ginagawa at gustong-gustong nina mommy at Jillian" nakangiting sabi nito. Wala siyang mahagilap na sabihin pero ang puso niya ay lalong nagwawala. 'Di man niya amimin ay kinilig siya sa sinabi nito.
'Di pa rin nito iyon makalimutan. She used to make him that simple dish and he loved it. Naalala niya tuloy ang nakaraan nila ng binata. Those bittersweet memories.
Iyon 'yong mga panahon na nasasakal siya sa kanyang mga magulang at gusto niyang lumayo sa mga ito kahit pansamantala...
"Gaelle, what are you still doing there? Baba ka na at kakain na tayo. Bukas na ang flight natin pabalik ng France kaya dapat kumpleto tayo sa hapagkainan. Magtatampo ang mamie at papy mo kapag 'di ka sasabay sa amin" Anang maman Belinda niya.
She sighed and sat up on her bed.
"School vacation will start tomorrow, maman. I want to stay here longer" Napakunot noo ito. Dumating sila rito dalawang linggo na ang nakararaan. Dahil malapit na ang bakasyon ay pinayagan siya ng eskwelahan na mag-absent sa condition na maipasa niya ang final exams nila. She aced it so they let her.
Mabuti na lamang at mababait ang kanyang mga guro kaya pimayag ang mga ito. Kinailangan lamang na gumawa ng sulat ng mga magulang niya at ipinasa sa school.
"What are you talking about, Gaelle? You knew very well na kaya lang tayo nandito ay dahil nagkasakit ang papy mo. Ngayong okay na siya at nakalabas na ng hospital, kailangan na nating umuwi. Alam mong hindi pwedeng iwan ang negosyo natin doon nang matagal"
"Maman, I'm already matured enough to take care of myself. You can go home with papa then I'll go home after vacation. Please, maman. I want to stay here. Boring doon. Wala rin naman akong gagawin. At least dito, kasama ko sina mamie at papy tapos meron pa sina Enricko at Gia" Bumuntong-hininga ang maman niya.
Tumayo siya at yumakap dito.
"Please? Just this once, pagbigyan niyo na ako" Lumambot ang expression ng mukha nito.
"Papayag lang ako kapag pinayagan ka ng papa mo" Bigla siyang natuwa at yumakap rito. Kahit 'di pa man niya nasasabi sa papa niya ay sigurado na siyang papayagan siya nito.
Pagkatapos nilang kumain ay sinabi na agad niya sa ama ang plano niya at tulad nang inaasahan niya ay pumayag ito. Laking tuwa niya dahil sa wakas, mararanasan rin niyang mawalay sa mga magulang kahit ngayong bakasyon lang.
"HEY COUSIN, sama ka samin mamaya, huh? May dadaluhan kaming birthday sa isang resort sa kabilang bayan" Nag-angat ng mukha si Gaelle mula sa pinapanuod niya sa MacBook niya.
"Bakit naman ako sasama? I'm not invited and I don't know the birthday celebrant personally. Nakakahiya naman kung pupunta ako. It would be awkward for sure kasi magtataka sila kung sino ako" Umupo si Enricko sa tabi niya.
"Ang dami mo na agad sinabi. Don't worry, naipaalam ko na sa kaibigan ko na dadalhin ka namin ni Gia. C'mon, Gaelle. Wala na sina tita dito kaya Malaya kang sumama samin. Wala naman tayong gagawing masama. Kakain lang tayo 'don at ipapakilala ka naming sa mga barkada namin" Saglit siyang nag-isip.
Tama naman ito. Bumalik na ang mga magulang sa France kaya pwede siyang sumama sa mga ito. Birthday celebration lang naman 'yon.
"Sige na nga"
"Yes! Buti naman at pumayag ka. Susunduin ka namin dito mamayang 5:30, ha?" Tumango siya.
"What would I wear?" Naalala niyang itanong. Napangisi ito.
"Wear something sexy" Her eyes widened.
"Bakit naman sexy?"
"Pool party 'yon at maraming boys. Malay mo, may makilala kang gwapo mamaya" Kinindatan siya nito at tumayo na.
"Pero----"
"Walang pero pero, cousin. Basta, wear something sexy. Sige, alis na ako. Ciao" She rolled her eyes heavenwards.
SINIPAT ni Gaelle sarili sa salamin. She's wearing a backless yellow sundress. Above the knee iyon kaya naman kitang-kita ang mapuputi niyang mga binti. Kita rin ang mga braso niya. Tinernuhan niya iyon ng flat sandals. She just put a light make up on and then put her hair into a ponytail. Maya-maya pa ay dumating na ang mga pinsan. As usual, Enricko was dressed up perfectly like a man while Gia was wearing a sexy black dress. She really loved black clothes.
"Wow, you look sexy" Napasipol pa si Enricko. Tumango-tango naman si Gia.
"Thanks. Sige, tayo na" Yaya ni Gaelle. Lumabas na sila sa bahay pagkatapos nilang magpaalam sa mga abuelo.
Ang kotse ni Enricko ang sinakyan nilang tatlo papunta sa venue. Pagkatapos ng halos 30 minutes ay nakarating rin sila.
She thought it was just a simple pool party with a small crowd pero nagkamali siya. Buti na lang at naaayon ang damit niya sa event kahit papano.
Nang dumating sila ay ipinakilala siya nina Gia at Enricko sa may birthday na si Beatrice Gonzalez. She looked so beautiful and elegant. Mukha din itong mabait. Nagkapalagayan sila kaagad ng loob.
"Iwan ko muna kayo, huh? May pupuntahan lang ako. See you later" Paalam ni Beatrice pagkatpos ng halos isang oras nilang pagku-kwentuhan.
"Gia, who's this beautiful lady with you? Pwede mo ba akong ipakilala?" Nakangiting tanong ng isang lalaki na lumapit sa table nila. Kumunot ang noo ng pinsan.
"Louis, pwede ba, lumayo-layo ka nga rito" Inis na saad ni Gia.
"Bakit naman, Gia? Wala naman akong masamang ginagawa ah"
"Wala akong pakialam. Chupi" Taboy pa rin nito sabay senyas na umalis na ito.
"Miss, I'm Louis by they way. My friends want to know you. Can I invite you to our table?" Kulit nito sa kanya.
"Ang kulit mo! Sabi ko nang---"
"Hayaan mo na" Sita niya sa pinsan.
"I'm Gaelle. Nice to meet you but I can't go along with you. Pasensya na" Sabi na lang niya. Ngumiti lamang ito saka tumango. Nang umalis ito ay nakahinga siya ng maluwag. Buti na lamang at 'di siya nito kinulit.
NAGPATULOY lang ang party. Malakas ang tugtog habang masayang nagsasayawan ang mga bisita. May mga naliligo rin sa pool. Marami na ang lasing. Hinanap ni Gaelle sina Enricko at Gia pero 'di na niya mahagilap si Gia. Samantalang si Enricko naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga boys. Halatang nakikipaglandian ang loko.
She heaved a sigh.
Lasing na rin siya. Pakiramdam niya ay napakainit ng paligid. Biglang sumakit ang ulo niya dahil sa ingay ng paligid kaya napag-desisyonan niyang lumabas muna at magpahangin.
Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya mula sa pool area at mapunta sa garden ng resort. The resort was so beautiful and classy. She took a deep breath in order to savor the nice breeze of air thorugh the night. Mag-isa lang niya roon. Tumagal rin siya nang ilang minuto roon. Akmang aalis na siya nang may tumabi sa kanya sa bench na inuupuan.
"I see that you like it here" She snapped her head to his direction and she didn't expect what she saw. His tantalizing green eyes were staring at her intently which made her gasp. 'Di niya inasahan ang tindi ng epekto nito sa kanya.
In front of her was the most gorgeous man she had ever laid her eyes on and that wasn't an exaggeration.
****
How's this chapter?
COMMENT
VOTE
SHARE
FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro