I: LIE TO YOU
"So, alam niyo ba—"
Hindi ako nakinig kay Chiz sapagkat alam ko naman kung ano ang pag-uusapan nila: si Jae Etherion Sulong Tipo. Siya ang isa sa mga pinakagwapong lalaki sa church namin na kasing edad ko lamang. But apart from his rising popularity in appearances, he is also...
"Na-DA si Oreo!"
Oreo ang tawag ni Chiz, kaibigan namin, kay Jae. Mostly, kasi he's interested in the poor boy. No. Actually, he's interested in every chismis kung saan kasali ang mga kapwa naming church goers. I guess the real reason is kasi he's like an oreo biscuit. Malaman kahit payat.
"HA?! BAKIT?!"
Malakas na hinampas nina Ces at Ren ang lamesa pagkatayo nila sa kanilang upuan. Tumingin sila kay Chiz na kinagat ang mga labi nito bago niya paupuin niya ang dalawa. "Ang ingay niyo! Ayan tuloy, nakatingin sa atin ang buong school."
Lumingon-lingon sa kanilang paligid at umupo ulit sa sobrang hiya. Humarap si Ren sa pader habang inayos ni Ces ang kanyang buhok at pagkaupo rito. "Whatever. Hindi naman nila tayo kilala. Pero, anyways, bakit bes?! Just spill it!"
Nakatingin lang ako kay Ren na tumayo agad at umalis. Pinanood ko siyang lumayas at maghanap ng iinomin bago tuluyang mawala sa dilim ng aming alma mater.
Kaibigan kasi ni Ren si Jae. Dati. Obviously. And feeling ko, alam na niya kung bakit ito na-DA pero ayaw niya lang sabihin o marinig mula sa amin. Understandable kasi nasasaktan siya sa balita. Maybe, ayaw niya lang maniwala kung totoo man ito? Basta! Hindi ko na business yon. Hopefully, it all goes well din sa end at bumalik sila sa dati.
"Okay," Huminga ng malalim si Chiz at pinalapit ang mga ulo ng kasama naming sina Ces, ang boyfriend nito na si Ring, si Jin, si Val, at si JJ. "Teka, asan si Curt? Or nevermind. Sige, so guys. Eto nga yon."
Although lumapit silang lahat kay Chiz, hindi kami sumali nina Ring dito. Malakas naman boses ni Chiz kahit hindi kami lumapit, eh. Oks na to!
"I heard a rumor... na..."
Nag-antay pa siya ng mga ilang segundo bago magpa-drum roll kina Jin, Val, at JJ. "Nag-date raw sila ng isang teacher mula rito for two months!"
Nanlaki ang mga mata nila lahat. Hindi sila makapaniwala rito. Totoo ba?! Kasi kung oo, siguro, medyo magegets ko kapag yan ang dahilan kung bakit malungkot si Ren. Pati rin ako, hindi ko alam kung ano ang irereact ko dyan. I mean, halata naman kasi na parang mala-babaero vibes nito. Pero, to that extent?! Hindi ko talaga ine-expect. "Tatawagin natin siyang Mareng X. Kasi hindi ko rin alam kung ano ang pangalan non. Classified daw, eh."
"Bakit X?" Sumimangot si Jin dito.
Mataray na kumurap si Chiz sa kanya. "Aba, malay ko! Pero maganda na yon kesa Y. Ayoko nang magtanong o manghula pa kung bakit siya nakarating sa X."
"Nag-joke pa." Sinungitan ni Ces at inakbayan lang ito ni Ring. " Hmpf! Vav, yung chips nga natin! Gutom ako."
Kada nakikita ko silang dalawa—hindi ako nag-seselos ah! Nakakaawa si Ring. Magpapakasal sana sila kaso, ayaw pa ni Ces! Ilang taon na rin kaya silang magkasama! Daig pa nila ang mga matatandang di pa nag-aasawa o nagkakaanak.
Noong nilabas ni Ring ang isa sa mga chips na dala nila, kinilig kaagad si Chiz. "Ay, Cheese Rings! Para sa atin yata, yan... hehe."
Ang harot.
"Hoy! Boyfriend ko yan, ano! Forever na kaming nagmamahalan nito, ano! Maghanap ka ng para sa sarili mo. Marami dito sa reunion, oh! Gusto mo, tulungan pa kita."
Nakatulala lang ako kay Ring. Nakita ko siyang magbuntong-hininga sa lungkot. Sabi na nga ba, pagod na to. Pinilit niya na lang ngumiti rito at parang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kasi agad siyang lumingon sa akin. Umiwas ako kaagad at pinaikot ang mga mata ko kay Ces at Chiz. Parang gawa yata sila sa keso. Ipinangalan mula sa iba't-ibang klase ng keso. Well, that is kung icoconsider natin ang totoong pangalan ni Ces—Princess Cecile Esa Franzie. Esa. From Parmesan. Keso rin yon.
"Jae! We were just talking about you!"
Napalingon kami kay Jae na lumapit sa table namin, kumakaway-kaway sa aming lahat. Kagaya namin, may name tag din siya. Almost every year kasi, nagpapahanda kasi ang school namin kasama ang mga graduating batches... katulad lang ni Jin. (Oo, siya ang dahilan kung bakit kami bumalik dito.) Wala lang, kamustahan lang siguro yung handaan o para may mga connections at options yung mga bata sa kung ano ang gusto nilang pasukan na kurso at trabaho. Pero as for Jin, gusto niya kasing magtrabaho sa mga NGOs. Gusto niya lang talagang makatulong sa tao. Kaso, since walang pera roon, pinipilit namin siyang mag-music since roon siya magaling. Lalo na at nandito kami na may mga experience at makakatulong sa kanya. Pag music pinili niya, of course.
"Uy, hello!"
Isa-isa silang bumati rito at niyakap siya. Awkward, pero... ako lang ata yon mostly. Pero kung ikukumpara ko kasi sarili ko sa kanilang lahat, maski isang beses, hindi kami nag-usap ni Jae. NEVER PA KAMI NAG-CONNECT. As in!
"Buti naman pumunta kayo! Kala ko hindi ko na kayo makikita. Matagal-tagal na rin bago tayo nagkita ulit, noh?"
"O-Oo naman!" [Ces]
"Mm-hmm." [Ring—sabay kindat]
"Ou-! Yep!" [Chiz—masyadong nag-effort ngumiti]
Hindi nagsalita ang tatlo. Syempre, hindi naman nila kasama ng matagal si Jae noon, eh. Wala rin silang paki. Pero, nilakihan ko sila ng mga mata at bumulong sa kanila. "O, kayong tatlo?"
"Hanep, oo!/Oo. Oo, brad./Tama!"
It was at this moment, I knew... they—joke lang! Hindi ako nagmumura. Pero, mga loko talaga silang tatlo. Mas lalong pinahalata na ang awkward.
"Eh, ikaw naman? Matagal ka rin naming hindi nakikita, ah! Naka-ilang absence ka na sa mga gala namin." Pangongonsensya ni Chiz sa kanya. Umupo ito sa tabi ko at bumuntong-hininga. Wala talaga tong, hiya!
"Kanina ka pa, ah! Harot mo. Baka isipin nito na may gusto ka talaga sa kanya. Bakit? Gusto mo si Jae? Sobrang miss mo na? Eh di, samahan mo na lang kayang umuwi!"
"Ay, hindi pwede yan! Meron pa yang sinusulat na love letter!" Biglang may tumawa at lumapit sa amin. Pumunta si Pastor Li sa amin at pinatong ang kamay niya sa balikat ni Jae. "Di ba, Jae? Alam ko yan, eh."
"Ninong!" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka nag-mano sa kanya. Iniwasan niya ako at ngumiti sa akin.
"Ay! Ikaw talagang bata ka. Nag-mano ka na sa akin kanina, di ba?" Napatulala ako sa kamay niya. Nag-poprocess pa utak ko, aws...
"H-Ha? Ah! Oo nga po, sabi ko nga po." Yumuko na lang ako at bumalik ako sa upuan ko.
"Ikaw talaga. Masyado kang ipinalaki na magalang! Masabihan ko nga mga magulang mo. Joke!" Pahabol nito sa akin. Nakakakaba talaga joke mo, Ninong. Insert iyak.
"Bakit nga po pala kayo napapunta rito, Pastor?" Tanong ni Val.
Oo nga. Bakit nga ba nandito si Ninong? Ano kaya ang meron, ano? Honest to God, hindi ko talaga alam. Ang alam ko, high school nga namin to, eh! Hindi siya Christian school. Wala rin Christian studies dito. Marami kayang nagmumura rito! So, nakakapagtaka talaga kung paano siya napapunta rito.
"Ah. HAHA," Tumawa lang ito sa amin. Ngumiti kaming lahat, pero syempre, confused kami. Joke time lang pala yata ang reunion na ito. Tawa na lang po tayo, guys. "I may be a pastor, but before that, I graduated from Mechanical Engineering in college. And I even worked as an ME in some projects. Out there."
Oooohhhh... big time pala si Ninong. Ang galing! Parang Ate ko. Kaso, nangibang bansa. Hindi na raw niya ako mahal. Joke lang!
"Inimbitahan nila akong magsalita rito since dito rin ako nag-high school a LONG, LONG time ago. Hindi pa kayo pinanganak, pa-college na ako non." Pagpapatuloy niya. "Anyways, they wanted me to give, and I quote, 'words of ecnouragement' since matagal na ring hindi nila ako nakikita."
"Ang galing naman po." Halos pabulong na sabi ko rito.
Totoo naman. Kaysa naman ako, di ba? Maski Top 5 sa high school, hindi ko naabutan noong mga last years ng high school ko na. At hindi counted ang homeschool, ano! So, ano ang laban ko roon, right? Except, perfect attendance.
"Hindi naman sa nagyayabang ako, ah. Pero, I'm also the Top 1 both sa high school at sa college. And alam ko yata, hindi sila kumukuha ng speakers na hindi nakapag-top 1. Eh, ako na lang sa batch ko ang hindi pa nakakapagsalita... Lahat kasi ng kasamahan ko, they all spoke na. That's why."
"Ikaw ba, Nadi?"
"Ano po..." Eto na nga, nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa yung sa akin. Lumingon ako kina Chiz at Ces—sa kanilang lahat, actually. Napaka-supportive ni Chiz sa akin. At si Ces naman, hindi masyado. Binalikan ko ng tingin si Ninong at huminga ng malalim. Aba, syempre! Konting warm-up muna. "Perfect Atten—"
Bago pa ako matapos sa sasabihin ko, biglang nahila ang atensyon nito sa iba. "Barett? Tinatawag na po kayo on stage. Halika na po!"
"Ay, sige!" Ngumiti siya at lumingon sa amin, kumakaway-kaway at dahan-dahang paalis. "It was nice seeing you guys. Kita-kits next time, ah!"
"Guys, so—"
Bago pa sila magsimulang mag-usap, naramdaman ko kaagad na napunta lahat ang atensyon kay Jae. Magnanakaw na puso, magnanakaw pa ng kaibigan. Pero gaya ng sinasabi ng parents ko, hindi dapat ako nakikipag-usap kay Jae. I know there's a reason naman. Kaya, umalis ako at hinayaan kong nakawin ni Jae ang upuan ko at ang tingin nila sa akin. Kung lumayas si Ate patungong ibang bansa, pwes. Ako rin! Lalayas din ako, noh! Joke! Hindi naman ako ganoon.
Habang naglalakad ako papunta sa mga inumin sa venue, may bumangga sa akin at kumalabit pa sa may balikat ko. "Hey—ay! Sorry po! Akala ko po kakilala ko po kayo. Pasensya na po!"
Lagi naman. Okay lang naman, Kuya. Hindi ko po ito first time. Sanay na ako. Nahiya naman ako sa inyo. At ganoon nga, lumayo siya. Tinotoo naman nito. Biglang narinig ko ang boses ni Ninong mula sa speakers. "Good evening, guys! How has the working world been treating you? Sanay na ba kayo sa pagtatrabaho o gusto niyo bumalik sa pagiging bata?"
"Maging bata po!"
"Sino yon? Parang may narinig akong may sumigaw na gusto nilang maging bata. AHAHA, pero no worries. Alam ko na feeling non." Napaubo tuloy si Ninong sa tuwa. Hala! Sorry po, Ninong! Ikaw kasi Nana! Ang dami mong alam! Pasensya na po...
"Ikaw ba yung bata?"
"Op—"
Mapapa-'opo' na sana ako nang na-recognize kung kanino yung boses.
"Jae, hindi. Matanda na ako. Pasensya na, ah? Baka, nakakahiya na sa'yo."
"So, binabawi mo na ngayon?"
Ngumisi ito sa akin. Sarap siguro tadyakin ito. Malakas naman ng pangjojoke time nito, ah! Enjoy na enjoy?
"I don't know what your sarcasm is referring to. Kung sa confidence or beauty ko, ay, talagang hindi ko mababawi yon. It goes and stays with me. If you know what I mean."
I flipped my hair at aalis na sana noong hinawakan niya ako sa braso. Napapigil niya ang pag-alis ko.
"Let me be frank with you, then. May nagsabi ba sa'yo?"
"Excuse me?"
"So, alam mo nga?"
Pinakawalan niya ako at tumitig sa aking mga mata, parang litong-lito sa kung ano man ang nangyayari sa aming dalawa.
"Ano nga yon? Is there something I must know ba?"
Kung tungkol ito sa sinasabi ni Chiz kanina, malamang alam ko na. Pero syempre, hindi ko yon sasabihin kay Jae. Ayokong mag-assume, ano! Besides, I'd rather hear it from him. Para na rin masigurado na we're on the same page. Walang miscommunication or misunderstandings. As simple as that.
"Nevermind." Umiling lang ito at napakamot sa ulo bago niya akong unahan umalis.
"What I'm trying to say is, I want you guys to stay strong in the truth. Kahit anong field man ang piliin niyo o kurso sa college, do not settle for misinformation, lack of information, dishonest use of information." Rinig kong nag-announce si Ninong.
Pagpasok ni Jae sa elevator, may sumunod na isang pamilyar na mukha... si Tita Charis. Pagkasara nito, tumakbo ako papunta rito at agad kong pinindot ang 'UP' na button. Inantay kong mag-stop ang floor bago ako sumakay sa isa pang reserve na elevator. And noong may lumipas na ilang segundo, tumigil ito sa 6th floor, the second highest floor sa buong school.
Ano kaya ang ginagawa nila sa 6th floor?
Hindi na ako nag-isip pa at sumakay ako as soon as bumukas ulit ang mga pintuan. Pero pagpasok ko, nakita kong nasa likod ko pala silang lahat nina Chiz, Ces, Jin, Ring, Val, at JJ. Kumaway sa akin si Chiz. "Hello! Akala mo, makakatakas ka sa amin, ah."
Noong pumasok na silang lahat, wala akong pinindot na floor. Para bang, nag-aantayan kaming kung sino magpipindot? Hindi kaya, alam nila kung ano iniisip kong gawin?! Nanlaki mga mata ko pero hindi pa rin ako gumalaw. Oo, baka hindi ko makita kung saan pumunta sina Tita Charis at Jae. Pero, at least, alam ko kung saan ko sila mahahanap.
Biglang nagkatinginan kami ni Chiz at parang nag-staring contest kaming dalawa. Wala isa sa amin ang kumibo.
Narinig kong may bumuntong hininga sa amin at nagpindot ng button. Tumingin kami parehas at nakitang lumitaw ang number 6. Syempre, nagulat ako habang natutuwa si Chiz. "Akala mo, ah! Nakita namin ang lahat. Also, bakit ka nga ba pupunta ng 6th floor? Ano ba ang meron don?"
Akala ko ba sabi mo, alam niyo lahat—? Aruys. Of course. Nahuli lang nila akong nakatitig sa may elevator.
"Isa sa mga restricted floors ang 6th floor. Bakit tayo pupunta roon?" Biglang gumitna sa amin si Jin. "Baka pagalitan pa tayo, ah! Wag na lang kaya tayo pumunta? Ano ba'ng meron don, Ate?"
Pagkabukas ng mga pintuan, nakita naming nakatayo si Curt sa harap namin. NOW, the whole gang is here. Ano nga ba ang meron sa floor nito? Nagtataka rin ako, Jin, eh. Parehas kaming naunang lumabas nina Chiz ng elevator at naglakad papunta kay Curt na parang nag-aantay sa amin. "Pumunta sila roon, sa kwarto sa may dulo. Pero nakita ko may mga gwardyang umaakyat dito every 10 minutes."
Tumango ako kay Curt at agad akong naglakad papunta roon nang biglang nakita ko si Ren doon, nakaupo.
Noong tumayo siya at tumalikod, para bang tumigil ang mundo niya noong nakita niya ako. Umiiyak siya. Paglapit ko sa kanya, niyakap ko na lang siya. Hindi ko rin maiwasang tumingin, pero noong tumingin ako sa harap ko, nakita kami nina Jae at Tita Charis na magkahawak ng kamay. At... mas higit pa siguro roon. Hinila ko si Ren paalis at nabangga kami kina Chiz. Sa pag-iyak nito, buti na lang at hindi sila lahat tumuloy doon.
"Hoy, anong nangyari? Bakit—"
Hindi ko na sinagot si Chiz at tinignan lang ito ng masama. Kumalma ako at nag-sorry bago pindutin ang 'DOWN' button sa may elevator. Pero bago pa nila kami tanungin, may narinig kaming mga gwardya. Paktay... Buti na lang at saktong-sakto, nagbukas ang mga elevator at nakita naming paalis sina Jae at Tita Charis ng kwarto habang papunta sa kanila ang mga gwardya.
Hindi ko sila matignan at pinikit ko ang mga mata ko. May pinindot na floor si Jin at kinagat ko ang labi ko. Pagbukas ko ng mga mata, hindi ko namalayang may sinabi na pala ako kung saan napatingin silang lahat sa akin.
"Sana nga, mahuli na lang sila."
Lalabas na sana ako nang magkahawak kami ni Ren noong sinalubungan kami ni Ninong. "O! Andito pa kayo? Patapos na yata yung party, ah! And also, nakita niyo ba si Charissa? Parang... nakita ko yata siya. Alam niyo ba kung saan siya pumunta?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro