Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

- T A T L O -

- T A T L O -

Axis P.O.V

"ST--." sisigaw na sana ako ng STAR I LOVEYOU pero napatigil ako dahil wala akong makitang Star na nakaupo sa kanyang upuan.

"Well you can see Mr.Von. Ms. LoveYou is absent. So walk silently to your chair and sitdown." sabi ni Maam Gurang.

Nakakawalang  gana naman mag-aral nito oh. Absent si Inspiration slash Love ko.

Halata namang mahal ko si Star diba? Araw-araw ko na ngang sinisigaw sakanya yun. Nagpapalate na nga ako para alam kong pagsumigaw ako siguradong rinig ng buong klase. Pero kahit anong gawin ko di parin niya alam. Tss napaka manhid naman kasi ng babaeng mahal mo, Axis. Yan tuloy tatanda kang maghihintay sa babaeng yun.

Sinubukan ko na ngang manligaw dati. Humingi pa nga ako ng permiso na liligawan ko siya pero pinagtawanan niya lang ako.

"Okay, Class dismissed." nabalik ako sa katotohanan ng marinig kong sabihin yun ng isa kong mga guro.

* *

Andito ako ngayon naglalakad papunta sa subdivision kung saan nakatira si Star. Di ko talaga kaya mabuhay ng isang araw na di ko siya nakikita. Palapit na ako sa bahay nila ng may natanaw akong humintong kotse sa tapat ng gate nila Star.

Unang lumabas sa kotse ay lalaki. Pumunta ito sa kabilang pinto ng kotse at nagulat ako dahil lumabas si Star doon. Kasama pala siya ng lalaki sa kotse. Pero bakit? Ano ba ang lalaking kasama niya sa buhay niya?

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang may kutsilyong humati sa puso ko nang makita kong hinalikan ng lalaki si Star. Kahit di ko maaninag masyado dahil nakatalikod ang anggulo nila sakin. Alam kong .. Hinalikan ng lalaking yun si Star sa labi.

Huli na nang malaman kung tumatakbo na pala ako palabas ng subdivision ni Star.

Hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako sa semento.

And everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro