Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

- D A L A W A -

- D A L A W A -

Star P.O.V

Recess na, kaya nandito kami ngayon sa Canteen.

Hinihintay ko si Axis siya na kasi ang bibili ng pagkain namin. Andun siya ngayon nakapila.

Ang sweet namin noh? Para kaming magboyfriend and girlfriend. Masaya sana kung ganun talaga kami.

Pero hindi eh. One-sided love lang tong nararamdaman ko. Oo inaamin ko naman eh na ako lang talaga ang nagmamahal saming dalawa. Don't get me wrong mahal naman ako ni Axis pero bilang magkaibigan nga lang. Bestfriend niya ko ee.

"STAR I. LOVEYOU." alam niyo naman siguro kung sino lang ang tumatawag sakin ng ganyan este mali sumisigaw pala.

"Axis, hwag ka ngang sumigaw. Atsaka ilang beses ko na bang sinabi sayo na Star lang ang itawag mo sakin." sabi ko sakanya nang makalapit na siya.

"Ayaw." yan na naman lagi ang sagot niya with matching pailing-iling pa.

"Bakit ka na naman nagpuyat kagabi?" tanong ko sakanya. Yan kasi lagi ang dahilan kung bakit siya laging nalalate dahil napupuyat siya. Kahit alam ko ang sagot. Si Mon na naman siguro.

Si Monique Star girlfriend ni Axis. Kahit di ko pa siya nakikita alam kung mabait at maganda ito. Oo na, masakit rin sa part ko yun kasi may 'Star' rin sa name niya yung girlfriend ni Axis. Minsan nga gusto ko ring sabihin dito sa Axis na to. Na bakit di nalang ako. May Star ba sa name yung type niya? May Star naman ako ah. Nasa first name ko nga lang.

"Oo eh. Di kasi niya ako tinitigilan tuwing gabi--"

"Ahh ganun ba." pinutol ko na ang sasabihin niya. Di na kasi kaya ng puso ko na madinig yang 'tuwing gabi' nayan.

Dapat siguro lumayo na ako sa kanya. Tama! Panahon na siguro para tigilan ko na tong kahibangan ko sakanya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro