Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unsaid Poem

Iikot ang mundo,
didilim ang kalangitan
at sisilip ang buwan
na magsisilbing liwanag sa gabi.

Sa pagpikit ng aking mga mata,
doon ko lang ulit masisilayan
ang iyong maamong mukha,
ang iyong maningning na mga mata,
na mas maliwanag pa sa mga bituin,
na hindi papatinag sa kapal ng ulap.

Ang iyong mga labi na minsan
ko nang natikman
at ang iyong katawang
minsan ko nang nahagkan.

Ang hugis at korte ng iyong mukha
ay kabisado ko na kahit pa
nakapikit ang aking mga mata.

Hahayaan ang sarili
na lunurin ang katawan sa pawis,
na bahain ang mga mata ng luha
at lamunin ang isipan na lahat
ng ito ay totoo.

Bahala na sa kinabukasan,
bahala na sa pagmulat ng mga mata.
Bahala na sa muling paggising.

***

FANART by -Muraw-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro