
37: Healthier Option
Wross will live his life as what it used to before. Inisip na lang niyang panaginip lang ang mga nangyari sa kanya simula nang makilala niya si Sheika. Nanumbalik na ulit ang buhay na nakasanayan niya noon, noong mga panahon na wala pa ito sa buhay niya. Hinayaan na niyang muli ang kanyang apartment sa dati nitong hitsura at amoy, kahit pa mahihirapan siyang muling guluhin at hayaang mapuno ng alikabok ang tinutuluyan niyang minsan nang nilinis ni Sheika.
Wala pinaggagagawa si Wross buong araw at halos nagmumukmok lang siya sa isang sulok. Sheika has been his world. Nasanay na ang puso niyang kasa-kasama ito. Nami-miss niya ang madalas nitong pagnakaw ng halik sa kanya, ang natural na amoy nito, ang hindi pantay nitong braided hairstyle, ang pagiging madaldal nito, ang paborito nitong orchestra live music, ang pagiging clingy nito sa kanya, ang magaganda nitong mapang-akit na mga mata, ang nakakakiliti nitong paghinga sa likod ng kanyang tainga at ang nakahahawa nitong magaan na presenya ay hindi basta-basta nawawala sa isipan niya. Ang mga alaala nila ay nananatili pa rin sa kanya kahit na pilit niya itong binubura sa kanyang utak.
Wross missed everything about her. Kahit na sobrang hirap, sobrang sakit at sobrang nakapapanibago ay kanyang gagawin alang-alang dito. Connie realized him things and he should do it now before it gets too late. Kinausap siya nito at pinaintindi ang mga bagay na hindi pa siya aware. Naikuwento nito kung ano ang buhay na mayroon si Sheika at mga pinagdaanan nito bago pa sila magkakilala. Ang buong akala niya ay ganoon na kalalim ang pagkakakilala ni Wross kay Sheika, ngunit ay marami pa pala siyang mga bagay na hindi alam tungkol dito, lalo na ang mga pinagdaanan nito sa buhay noon. Paano niya maiintindihan ang pinanggagalingan ni Sheika kung hindi pa niya ito nakikilala nang lubusan?
Hindi naman naramdaman ni Wross na pinagtatabuyan siya nito at inilalayo kay Sheika, siguro iyon ang tanging pamamaraan nito upang mas mapabuti ang kalagayan ni Sheika. Kahit naman sino ay hindi gagawing hadlang ang isang bagay na nakapagpapasaya sa isang tao. No offense meant, but it's for the better.
Wross made the decision to avoid, leave, and remove everything that makes her think of Sheika, especially the experiences they've shared. Bago pa mahuli ang lahat at bago pa niya madamay ito nang tuluyan.
Nahihirapan man si Wross at sinubukan niyang magbalik sa dati niyang buhay, ngunit mas madalas na nga lang siyang manigarilyo at mag-inom ngayon. Hindi siya gaanong nakakatulog sa gabi, namumutla na siya sa biglang pagbabago ng kanyang lifestyle. Nanunumbalik na ang dumi at amoy sa apartment niya. Nagkalat na naman ang mga bote at basura kung saan-saan. Tambak na naman ang hugasin sa lababo at haya-haya na naman ang mga hindi pa nalabhan na damit sa sahig.
Mas nakabuti rin na walang cell phone si Wross upang tawagan o i-text si Sheika, pero sa kabila ng pagpipigil niyang marinig ang boses nito o makausap man lang ito... mas lalo lang siyang nate-tempt na makita ito. He wants to give her a bear hug. He desires to savor her full lips. He longs to squeeze her soothing hand. He wants to cheer her up and give her lilies. He would like to try braiding her hair. He yearned for her so much.
It's been three days—or four (he doesn't know), since he started to not show himself up to her and to forget all about her. Ang buong akala niya ay madali lang itong kalimutan, na sa isang pitik ay mabubura na ito at ang mga alaala nila... pero hindi iyon ganoon kadali lalo pa't walang araw ma hindi sasagi si Sheika sa isipan niya. Panandalian siyang maglilibang sa harap ng kanyang computer upang manood, makinig at maglaro... pagkatapos niyon ay babalik na si Sheika sa isipan niya. Ganoon na ito kaimportate sa kanya.
Wross made every effort to completely forget about her. He wanted to remove her scent from his skin because it was still present on him. Gusto niyang gawin ang lahat upang kalimutan ito nang sapilitan, kaso gumagawa ang tadhana upang maalala niya itong muli. Lalo na noong oras na ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang jacket, nakapa niya pa rin doon ang pinilas na papel na iniwan ni Sheika para sa kanya. Mali niya rin dahil imbes na itapon niya iyon ay nagawa pa niya iyong basahin.
I love you, lalaking masungit! :3
Napapikit siya at mahinang napamura. Muli na namang nagwala ang puso niya ng dahil dito. Mas lalo lang niyang hinanap-hanap ito. Lalo lang niya itong gustong makapiling at mahagkan.
Inaasar ba siya ng tadhana? Gumagawa ba ito ng paraan upang ipaalala sa kanya si Sheika? Para muli na naman siyang magkapag-asang nariyan lang ito para sa kanya? Para muli lang siyang mag-asam na ito lang ang tangi niyang kailangan bago siya mawala sa mundo? Pero nakapagdesisyon na si Wross, tinalikuran na niya si Sheika upang hindi na ito madamay sa kanyang paglisan. Para kapag nawala na siya, mananatili pa rin itong masaya.
But there's still something that he couldn't unpack the baggage she left. Naroroon pa rin si Sheika sa puso niya at naghuhumiyaw iyon na muling balikan niya ito.
Then the day came when he no longer looked forward to seeing her when he woke up in the morning. Her voice and laughter didn't bother him anymore when he was driving alone. When he looks up at the sky, it's just him all alone. He's not even using the moongazing technique she had previously taught him; instead, he immediately closes the window to his room when he sees the moon. Ang naalala niya lang sa pagsulyap sa liwanag ng buwan ay ang layo sa pagitan nito at ng mundo, parang silang dalawa ni Sheika, nariyan ngunit imposibleng magkalapit.
Nevertheless, even if the pain is kicking him, he will just let his brain refined itself to forget all about her. He would still pick the healthier option... even if it kills him.
◆◇◆◇◆
Mukhang nakikisama ang panahon sa lungkot na nararamdaman ni Wross. Bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay no'n ang kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat.
He was seated in the chair by the window. He is observing as the city is drenched in torrential rain. Ngunit hindi iyon mismong sentro ng tinatanaw ng mga mata niya, bagkus ay nakatagos lang ito sa malayo at kawalan dahil malalim ang kanyang iniisip. Uuwi at uuwi pa rin talaga kay Sheika ang laman ng isipan niya. Thinking about her feels like home.
Sa isipan niya ay kinukumusta niya ito. Ano na kaya ang lagay ni Sheika? Maganda na kaya ang kalagayan nito? Maayos na kaya ang pakiramdam nito?Nakalabas na ba kaya ito ng ospital? Kumusta na ang katawan nito? Sana'y maayos lang ang lahat dito. Iniisip kaya siya nito sa mga sandaling iniisip niya ito? Sana ay hindi. Mas gugustuhin ni Wross na kalimutan na siya nito pati na ang existence niya.
Mas papangarapin na lang ni Wross na magka-amnesia si Sheika, para instant na mabura na siya nang tuluyan sa isipan nito. Lahat ng mga masasayang alaala nilang dalawa ay minumulto siya sa kaisipang pilit niyang binubura ito sa kanyang isipan. Ginagawa niya ito upang matahimik na siya, pero nilalagay lang siya ng pamamaraang iyon sa alanganin. Sinasaktan lang niya ang kanyang puso sa pagmamalabis na kalimutan na lang niya ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa.
Gusto na niyang sukuang kalimutan ito dahil habang pinipilit ni Wross ang kanyang sariling alisin si Sheika sa kanyang isipan, mas lalo lang niya itong naiisip at naaalala, kabaligtaran ng gusto niyang mangyari. Kaya ay nagtungo na lang siya sa kanyang computer at nanood doon ng mga tutorial videos kung paano ang tamang pag-braid sa mga mahahabang buhok. Sa kanyang panonood pa lang ay nahihirapan na siya lalo pa't wala naman siyang mahabang buhok upang pag-ensayuhan. Sinunod at kinabisa na lang niya ang pattern saka paulit-ulit na pinanood. Sa maghapong iyon, ang panonood ng hair braiding tutorial ang pinagkaabalahan niya.
Manood man siya no'n o hindi, maaalala at maaalala niya pa rin si Sheika sa kahit na anong anggulo. Sheika's rent-free living in his head.
A moment later, Wross restarted his computer while leaning back against the chair. Noong muling nagbukas iyon at ni-log in niya ang kayang email account ay tumambad sa kanya ang isang mensaheng nanggaling kay Connie Alvarez.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kabang bumalot sa kanya lalo na noong naglakas-loob siyang buksan ang email message na iyon.
To: [email protected]
Subject: PLS READ ASAP!!!
If this is your real email address, I'm glad you'd be able to read it. I'm so sorry for looking at your funeral form just to contact you, I promise... I didn't read anything, I just want your email and that is all.
Wross, nakalabas na ng Lucent Hospital si Sheika and she's healthier now if you're wondering about her. Palagi ka niyang hinahanap sa amin at palagi kong sinasabi na magbakasyon ka lang sa malayong lugar...
Mahaba pa ang email ni Connie kay Wross ngunit naputol ang pagbabasa niya nang mapalingon siya dahil sa magkakasunod na tunog ng doorbell ng apartment niya.
Walang inaasahan si Wross na kahit na sino. Kaya ganoon na lang ang pag-aalinlangan niya sa taong nag-doorbell sa apartment niya.
Nang sumilip siya sa maliit na peeking hole ng pinto ay nagtaka siya kung sino ang taong nakatayo roon dahil nakikita niya lang ay ang pantalon na suot nito at puting rubber shoes. Nang mag-angat siya ng tingin dito ay naka-cap ito, may itim na facemask na suot at itim na salamin sa mata. Kung sino man ang taong iyon, wala siyang ideya.
The girl in front of him took off her cap, face mask, and sunglasses as soon as he finally opened the door. Tumambad sa kanya si Sheika na malapad na nakangiti. Iyon ang ngiting nakasanayan ni Wross dito. Bigla-bigla na lang siyang nabato at nanlambot ang mga tuhod sa pagsulpot nito.
"Hi, Wross!" she greeted him with her sweetest smile and a waving hand.
Napansin ni Wross ang mahabang payong na hawak ng isang kamay nito na tumutulo-tulo pa roon habang ang paligid sa labas ay binabasa ng malakas na ulan. Ngayon, may dala na itong payong. Mukhang handa na ito at hindi na kailangan pa kahit wala siya.
Masama man sa loob ni Wross at mabilis niyang pinagsaraduhan ito ng pinto. Labis-labis na lang ang pagwawala ng kanyang puso nang muling makita ito, subalit ay ginawa na niya iyong bato upang hindi na nito mapalambot agad iyon.
Kahit na nabighani siya sa magaan nitong presensya ay kailangan pa rin niyang pigilan ang sariling mas makita ito nang matagal. Para na rin sa kapakanan ng bawat isa, sinakripisyo iyon ni Wross alang-alang sa lahat ng pinagdaanan nila nitong nakalipas na linggo.
Paulit-ulit nitong pinipindot ang buton ng doorbell. "Wross, mag-usap naman tayo!" Narinig pa niya ang sigaw nito sa labas.
"We don't have anything to talk about. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa akin! Makaaalis ka na!"
"Ano ba'ng problema mo, Wross? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo at nagkakaganyan ka?" she said with so much tension and conviction behind her voice. Ang kalidad ng tono nito, parang may pinaglalaban.
"Wala akong panahong sagutin ang lahat ng tanong mo. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security at ireklamo kang nambubulahaw ng tenant dito!" Wross said hiding the pain residing in his voice.
Bakit ba iyon ginagawa ni Wross? Sheika's outside his apartment and had no idea what's going on with him. Wala man lang itong matinong dahilan kung bakit ganoon na lang niya ito kung itaboy.
"Kaya mong gawin 'yon sa akin?! Ang ipakaladkad ako sa security para lang hindi mo ako makausap? Naduduwag ka na naman ba? What's the matter? You're hiding again? Avoiding me because of what? Tell me!"
Hindi na nakapagpigil si Wross at pinagbuksan na niya ito ng pinto at hinarap itong umigting ang mga panga.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan kong magpaliwanag sa 'yo. Gusto ko lang mapag-isa, Sheika. Mahirap bang hilingin 'yon?" Matalim ang mga titig ni Wross. Hindi maaaring lumambot ang puso niya rito kahit pa naaawa na siya kay Sheika.
"Kailangan mong mapag-isa? Kailangan mong muling sungitan ako nang ganyan ngayon? Who are you now? Your old self? Wross, ako ito... si Sheika. Marami pa tayong mga plano! Wouldn't you want me or miss me? Ilang araw tayong hindi nagkita at nagkasama, natiis mo akong hindi makita, 'tapos ngayong naririto na ako ganyan mo pa ako pakikitunguhan? Sa ganyang paraan mo pa ako sasalubungin? I don't understand you! Ano ba kasi talagang problema?"
Wross' hands balled into fist on his side. "Ikaw! Ikaw ang problema! Mahal na mahal kita, Sheika, pero kailangan nating huwag nang magkita bago pa kita masaktan kapag umalis na ako! I don't want to ruin your life or break your heart because of me! Alam ko na ang kuwento mo bago pa ako dumating sa buhay mo... you've suffered enough when your father died, I don't want you to suffer again from agony when the time I'm leaving you. Tumigil ka na! Itigil mo na kung ano man ang gusto mong mangyari sa ating dalawa! Mas mabuti na itong hindi tayo nagkikita para kapag iniwan na kita, hindi ka na sobrang masasaktan!"
Wross' heart felt such pain when he saw the tears running down on Sheika's cheek. "Akala mo ba ganyan lang kadali ang gusto mong mangyari? Wross, sa ginagawa mong 'yan, sinasaktan mo pa rin ako! I don't understand where you're coming from, hindi ka naman ganyan dati, ah? Hindi naman tayo ganyan noon! Sino ba ang nagsabi sa 'yo ng mga bagay upang layuan ako at pagtabuyan nang ganito? Si Mama? Si Connie? Ang doctor na sumuri sa akin? Bakit, sa tingin mo ba matutulungan mo akong hindi masaktan kapag sinumulan mo na akong layuan? Masasaktan at masasaktan pa rin ako lalo na't alam kong lalayuan at tatalikuran mo na ako! Mahal na mahal kita, Wross! Sana maramdaman mo 'yan!" Pumalahaw ito ng galit sa harap niya. Damang-dama niya ang pinanghuhugutan nito dahil nakuha rin nitong magmura ng mahina.
Ganoon ba nasaktan ni Wross ang loob nito at tila galit na galit itong nakipag-argumento sa kanya?
"We don't have time left, Wross! Ganito mo ba gustong gugugulin ang natitira mong oras? Ganito mo ba gustong aksayahin ang buhay na mayroon ka pa? Para kang naglulustay ng pera para sa wala! Aalis ka na nga lang nagkakaganyan ka pa—"
"Sheika, tumigil ka na! Malapit na akong umalis dito sa mundong 'to! At kahit na mahalin pa kita, hindi pa rin tayo magiging masaya!" singhal ni Wross habang titig na titig sa mga mata ni Sheika na patuloy ang pagluha.
Natigilan ito sa sinabi niya na tila may natamaan siya sa parte nito upang matahimik ito. Ramdam na ramdam niya ang lalim ng kanyang paghinga dahil sa matinding emosyong nararamdaman kaharap ito. Gusto na ni Wross na layuan ito, na hindi na muling magpakita pa rito upang hindi na niya ito masaktan pa sa oras na mawala na siya. Ano ba'ng mahirap intindihin doon?
"Gano'n na lang 'yon, Wross? Akala ko ba ayaw mo sa mga taong iniiwan ka? Hindi mo ba naiintindihan, naririto ako at hinding-hindi ka iiwan hanggang sa huling sandali ng buhay mo, 'tapos ngayon tinataboy mo ako na parang wala lang? Sa ating dalawa, ikaw ang dapat kinakalbo, eh!"
Wross closed his eyes and breathe. "Look, Sheika... I get it. This is hard for me too, but I'm doing this for you! Look at you, you looked so—"
"Look so what... weak? Ugly? Disgusting? Mahina at kaawa-awa? Iyon ba ang ibig mong sabihin?"
"No, I mean—"
"Just say it straight to my face! Huwag mo nang pagtakpan! Diretsahin mo na ako! Alam kong susubukan mo akong iwasan para hindi ako tuluyang masaktan kapag umalis ka na. I knew you'll play hide and seek with me when you found out about my condition. Kahit pa iwasan mo ako ngayon, layuan o hindi na kausapin pang muli... mababago ba no'n ang lahat? Magiging okay ba ako kapag ginawa mo 'yon? Hindi! Masasaktan at masasaktan pa rin ako, Wross! Lalo na't ang taong pinakamamahal ko ay nagawa akong iwasan, talikuran at kalimutan para lang hindi niya ako masaktan? It won't happen that way,
"Hindi na kita pipilitin o makikipagtalo sa 'yo. Gusto ko na lang na pumili ka ngayon at tatanggapin ko ng bukal sa aking puso ang magiging desisyon mo. Kiss me if you want to be with me again and if you're wanting me dead, close the door and leave me like a penny in the rain."
Nakatingin lang si Sheika sa kanya habang gumawa ng dalawang pariralang pagpipilian ni Wross. He must pick one wisely, before he regrets it all.
Why is it impossible for us to be with the person we truly love? When it comes to this kind of circumstance, does the word sacrifice really matter?
"Sheika, please..." napupundi na niyang sambit dito.
Nakahalukipkip itong matamang nakatitig sa kanya. "Pumili ka! Hinihintay ko ang sagot mo."
Without any second guessing, Wross closed the door.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro