Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

unang bahagi matapos ang patlang


french fries????

yez?

anong oras ba ang eta mo?

5:45pm friday manila time
nga po. nag-email na ko sayo😡

eh bakit galit ka?

hindi ako galit nuggets

yung emoticon mo

wala kasing emoticon na makulit

ako? makulit ako?

ay hindi nuggets! ako! ako yung makulit

o ayan pikon ka na naman

kasi naman jay ilang beses
mo na ko tinatanong as if naman
nabago yung flight details

musta si alex at chico?

ok naman. ang kulit ng inaanak mo

ahhhhh ganyan! pag makulit
inaanak ko lang? pag mabait
ikaw ang ninang ganun?

hahaha! exactly! pareho kayong
makulit. buti na lang talaga
late yung recognition nya.

oo nga eh. at least isa sa atin nandyan

and with that, may drawing sya for you

can't wait to see that. andyan ba sya?

wala eh. pag-uwi ko video call kami.

why? where are you?

i went out. nagshopping ako
ng konti. pasalubong

wag na hindi naman ako choosy.
uwi ka na kasi

hahaha grabe ang lakas
ng kumpiyansa mo na ikaw yung papasalubungan ko ha!

bakit may iba pa ba?

si je at kuya eric kaya yung
binibili ko. tapos na  kasi
yung kila greg, albert at nuel.

ahhh ganun?!

hahaha pikon. sige na ang kulit mo.

sinong kasama mo?

parang di ka naman nasanay sa kin. syempre i'm on my own.

bakit di ka nagpasama kay alex?

wala kasing makuha
na babysitter ni chico.

hindi ba delikado dyan?

grabe ka na ha! nuggets
ipapaalala ko lang,
nasa italy ako! wala ako sa pinas.

bakit zero crime rate ba dyan?

TAAAAAYYYY!!!! TAMA NA!!!!
nasa italy na nga ako
makapagsermon ka pa rin wagas

naku nico wag ka nga sa tatay na yan!

eh di itigil mo na din
yang pagiging tatay mode mo.
safe dito ok. sige na mahal na naman babayaran ko sa roaming ko

wow! parinig ka naman dyan. wag ka mag-alala. your roaming charges are covered

anong covered ka dyan?

the roaming charges will be
charged to the owner

yyyeeezzzzzzz!!!! ang sarap
talagang makipagtext sayo.
usap pa tayo dali!!!!!

tingnan mo 'to! 

libre kaya

kuripot mo talaga noh?

ako? ako ba talaga jay?

alangan naman ako?
eh ako nga ang magbabayad

hindi ako kuripot. galante ka
lang tsaka hello sayo kaya
yung telecom! wag ka nga

nagrarason ka pa talaga ha.
lagot ka sa kin pag-uwi mo

weh?! and what would you do?

hindi ka pwedeng kumain sa kotse ko

🤬😡🤬😡🤬

😂😂😂

huuyyy!!!

psssttt!!!

seen

😂 text message talaga, seen?

active 1m ago

huy nico!

offline

french fries😔 huyyyy

subscriber cannot be reached

😭😭😭french friesssss✌🏼

sige na allowed na kahit butong-pakwan pa🙏

sinabi mo yan ah!!!

shhooooottt! butong-pakwan lang pala

jaaayyyyyy!!!!! magpromise ka!!!

oo na

nuggetssssss!!! PROMISE MUNA!!!

french fries i PROMISE to allow you to eat BUTONG-PAKWAN in my car. there happy?

😍😍😍😍😍SOOOBBBRRRAAA!!!!

yan tayo eh! pa-spoil talaga!

i know right! and it's always effective

yan! yang mga ganyan mo talaga nico

whatever jay,
di mo kaya ako matitiis!

yun na nga eh kahit umaabuso ka na

😏

really french fries? you're smirking?

😎 o ayan para di mo makita 😋

smirk tapos mata yung tinakpan mo??? talaga ba french fries?

🤭 oh okay na ba?

ang bully mo talaga. umuwi ka na nga

malapit na po. sa friday na nga oh

tsk. tagal ng friday

two days. tagal talaga?
palibhasa wala kang ma-bully dyan

hindi noh! miss ko na yung french fries ko

hoooohhhh!!! ang sabihin mo
di ka na mapagtyagaan nila je!

it's the other way around. sila ang hindi ko na mapagtyagaan

weeehhh! lagi kaya sinasabi ni nuel
na ang sungit-sungit mo na naman daw tapos, si greg  lagi ka daw iritable sa mga meeting mo, si albert sabi late ka daw sa mga field occular, si je sabi sobrang bugnutin mo daw and to top it off si kuya eric sabi you've been drinking

yung apat nagsisinungaling.
french fries ang bait-bait ko kaya.
yung kay kuya eric... partly true
pero konti lang naman.

exact milli-litre?

mga 2 shots but not more than 3

single, double?

double

neat/on the rocks?

neat

that's  135ml per night multiplied by?

anong multiplied by?

nights you've been drinking

since you fly out

so thats 135ml times 28night equals?

oo na!

equals?

3,780ml

which brand?

glenglassaugh 51 years cask 3301

which is 700 ml per bottle, so,
that means you consumed almost 5
and a half bottles for only a month.
so yun na ang konti ngayon sayo jay?

sorry na

jay may problema ba?

walang problema french fries.
hirap lang makatulog

becaauuussseee????

wala na kasing nagpapatulog sa kin

jay, ikaw yung taong tinutulugan
lang ako pag kinakausap kita
tungkol sa manuscript ko gabi-gabi.
walang palya! hindi ko nakita
ni minsan na nahirapan ka matulog.
wag ka nga!

yun na nga

anong yun na nga?

wala na kasing nagbabasa ng
manuscript para makatulog ako

ewan ko sayo. wag mo nga kong
dinadaan sa mga pagpapa-cute
mo. hindi bagay. ikaw ang lagot
sa kin pag-uwi ko

sorry na nga po. wag ka na magalit.

hindi ako nagagalit. but
of all people, alam mo naman
na mahina ang lungs mo di ba?

liver ang nadadamage sa pag-inom french
fries

jay wag mo kong pilosopohin ngayon. bibingo ka talaga sa kin

relax. french fries wag ka na magalit.
dito na lang natin pag-usapan.
nagsho-shopping ka pa di ba?

ok. but just so you know.
i will not let this slide jay

i know french fries.

sige na. magbabayad na ko
then uwi na ko. mag-video call
kami nila alex at chico

ingat ka pag-uwi french fries

don't worry nuggets, hindi
kasama ang geography sa listahan
ng mga kashungahan ko

haay salamat! narinig ko rin

ano? na shunga-shunga ko? sa pagkakatanda ko matagal
mo ng alam yun

hindi kasi yun

eh anong narinig mo?

nakahinga na ko ng maluwag

ano nga?

i heard you called me nuggets.

eh yun naman talaga tawag ko sayo

not when you're upset with me

so ngayon alam mo na,
what would you do

hindi mo rin naman ako matitiis eh

oo na. wala kasi tayo pareho choice

we'll always have a choice

you do, but i don't....
walang ibang makakapag-tyaga
sa kin noh! ikaw lang kaya

hindi kita pinagtyatyagaan

aaannnggg sssswweeeetttt
talaga ng nuggets ko!

makabola ka naman dyan.
uwi ka na french fries

oo na po. grabe ka
naman maka-miss

ikaw kasi sinanay mo ko na lagi
kang nandito. yan tuloy may sepanx na ko

hahaha! patingin nga ng
separation anxiety

umuwi ka lang talaga makikita mo

aasahan ko yan nuggets

ako ba di mo namimiss?

syempre nami-miss
soooobbbrrrraaaaaa!!!!!

labas sa ilong

uy hindi ah! nakakamiss ka talaga.
yung pambu-bully mo.
yung mga pa-dinner mo.
yung mga late night stargazing natin.
yung movie nights.
yung mga road trip natin.
yung pagmamasahe mo ng paa ko.
yung pag-aayos ko ng mga
meeting mo at schedule mo.
yung pag-oorganize ko
ng mga gamit mo.
o ayan ha detalyado na yan

bolera!

kita mo to! bahala ka na nga.
oh sya sige na. i need to go home.
mag-video call kami ha

sige ingat ka. hintay ko video call nyo.

sige na. later nuggets!

later french fries

                             ********************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro