Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

textmate


thank you, richard.... i had fun

i had more than that

huy grabe ka naman... pero on a serious note, mahal na mahal ka ni alex, give her a chance

let's not talk about her. sige na go inside it's late.

gusto nyo muna magkape ni kuya eric?

i'd like that.... i mean we'd like that tawagin ko lang si kuya eric

————————

"maine mag-isa ka lang dito?" tanong ni kuya eric

ha? ahhh.... ay opo kuya... ako lang po

"para ka rin pa lang tong alaga ko ang laki ng mga bahay nyo tapos mag-isa lang kayo"

hindi naman po ganun kalaki. nagkataon lang po na nasa australia ang mga parents ko tapos yung kuya ko po may family na, sa chicago po sila naka-base kaya ako na lang po nandito

don't you feel lonely here? mag-isa ka lang?

not really. homebased din naman kasi ang work ko kaya ok lang

homebased?

i uhm.... ahh... i write... and do consults for a publishing house

wow! really? what do you write about? anong pseudonym?

hay naku wag na... besides hindi napupublish dito sa pinas yung mga books na nasulat ko

i'd love to read them

i'm sure hindi mo magugustuhan ang genre ko

try me

bilisan mo na lang uminom ng coffee para makapagpahinga na si kuya eric

"ay naku maine ok lang ako usap lang kayo. wala naman akong pasok dito kay boss bukas at sa isang araw. carry on" sabay kindat sa binata

nakakatuwa ka talaga kuya eric, doblehin ko kaya ang sweldo mo, sa akin ka na lang mag-work

MS. NICOMAINE MENDOZA! ANO TOH?!

"hahaha grabe ka naman makasigaw tisoy, alam mo naman na loyal ako sayo, pero alam mo iha pag may lakad ka at wala talaga magddrive para sayo eto ang number ko SIGURADO ako na papayagan naman ako ni tisoy na ipagdrive ka, di ba rj?"

hahaha yung pout mo talaga richard nakakagigil. joke lang kasi yun pero half meant

hihirit ka pa talaga ha

ang cute mo noh?!

alam ko na yun ms. mendoza but im not taking the bait..... although... kung emergency talaga papayag naman ako ipagdrive ka ni kuya eric

"sabi ko sayo maine eh"

sige kuya, oh ayan nagmessage ako sayo save mo na lang po number ko

"ay sige maine, tsaka pag bored ka dito textmate tayo"

KUYA ERIC! may asawa ka at dalawang anak!

"makasigaw ka naman rj! ikaw bata ka! tsaka para hindi masyado malungkot si maine, text text kami habang hinihintay ko matapos mga meeting mo tsaka para naman may nakakausap si maine, tsaka pwede ba para ko na kayong mga anak"

hahaha ang cute nyo naman pong dalawa pero kuya eric gusto ko yan.... wala po kasi ako talaga madalas kausap

"kita mo na rj. basta maine pag nalulungkot ka text ka  lang madami lagi nilo-load si rj sa telepono ko eh"

hoy kuya eric naka-post paid ka wag ka nga

"ay oo nga pala. unli-text tayo"

sige po kuya gusto ko yan

"baka naman may magalit ha"

mabilis na napawi ang ngiti sa labi ng dalaga na nagbaba ng tingin.... hindi ito nakaligtas sa mga mata ng dalawang kausap.

wala po.... wala na po.... wala na po siguro....

ahm nicomaine, tuloy na rin kami para makapagpahinga ka na rin

sige, ahm ingat kayo pauwi. kuya eric ingat po sa pagdrive

"lagi naman iha. wag ka mag-alala text kita pag nakauwi na kami. pahinga ka na ha"

opo, hatid ko lang po kayo

wag na dito ka na, auto lock naman ang gate mo di ba?

ahhh.... ahhmmm.... ok sige ingat kayo

"bye maine, good morning! salamat sa kape"

bye kuya eric!

dumiretso na si kuya eric sa sasakyan. naiwan ang binata. sumulyap sa mga mata ng dalaga

thank you richard

i'm the one who should be thanking you tonight ms. mendoza. thank you for showing up

happy anniversary

happy anniversary. and im not letting you off the hook

what do you mean

i'd love to read your books

haaay.... wag ka na nga

when you're ready

richard

i will wait and i can wait, nicomaine

sige na. ingat kayo

sige bye. pasok ka na sa loob.

ngunit bago tuluyang makapasok ang dalaga, hindi nakapagpigil ang binata

ahm nicomaine?

yes richard?

can we do this again?

huh?

have dinner? hang out?

uh— o- oo naman, bakit naman hindi

just making sure. good night nicomaine

goodnight richard

tumalikod na ang binata. pumasok na ang dalaga. parehong di maintindihan bakit naging madali ang gabing ito para sa kanila. parehong may pakiramdam na kakaiba. parehong hindi malaman paano tatanggalin sa isip ang mga nangyari kanina. parehong nag-iisip, nakaraan na ang kanina, ngayon ano nga ba, at kung bukas meron pa kaya.....

                         ***********************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro