taguan - hanapan - hulaan
hi baby!!!
"ssshhhh!!!! kakatulog lang" saway ng kaibigang si alex
aayyyy sorrryyyy!!!
"oh bat ngayon ka lang? ang tagal mo magshopping. baka naligaw ka ha"
uy hindi ah! ang hirap kasi hanapan ng pasalubong ni richard kasi naman lahat pwede na nyang mabili
"so anong binili mo para sa jowa mo?"
jowa ka dyan!
"ayy bakit? hindi pa ba?"
kaibigan ko si jay. end of discussion
"ay hindi ako nakikipagdiskusyon sayo ha. nagtatanong ako"
weh?! tanong? talaga ba? so for the nth time hindi ko po boyfriend ang ex mo at magkaibigan po kami clear?
"if you say so.... haaayyy!!! ang tagal naman! hindi ko alam kung mabagal ang ex ko o manhid lang ang bestfriend ko"
ano bang sinasabi mo?
"well kung hindi pa sinasabi sayo ni rj, nababagalan na ko kaya ako na magsasabi - inlove sayo si rj"
dami mong alam gutom lang yan. oh eto kumain ka ng pistachio
"bakit ba kasi ayaw mong maniwala?"
wag mo ngang bigyan ng malisya yung pagkakaibigan namin. pati kami idadamay mo pa sa mga kalokohan mo
"ahhhhh! mukang hindi naman makupad ang manok ko -mukhang manhid lang ang bestfriend ko"
alam mo lex tigilan mo na ang kakatukso sa akin kay jay. walang patutunguhan
"soooo! hindi ka inlove kay rj?"
haaayyy!!!! eto na naman po kami!!! endless discussion.... wala na sa bokabularyo ko ang salitang inlove
"alam mo ikaw! ewan ko nga sayo! pag yang si rj nainip at nagsawa! sige ka baka maghanap yan ng iba"
again! kaibigan ko si jay. and he deserves to find his match. hindi ako yun
"what's stopping you?"
stopping me from what?
"from falling inlove with rj? ang bait-bait nung tao. sa pinapakita naman nyang pag-aalaga sayo imposible namang hindi sya inlove sayo noh! so bakit ayaw mong mainlove kay rj?"
marunong ka pa sa nararamdaman ko.
"anooo nggaaaa???!!!"
magkaibigan kami. yun lang yun. hindi inlove sa kin ang ex mo. ok na?
"is it lukas? mahal mo pa ba yun—"
NO! please lex.... matagal ng tapos yung episode kay lukas.
"so bakit nga? at wag mong i-deny na may nararamdaman ka kay rj! lahat lokohin mo pati sarili mo, pero wag ako maine!"
i don't deserve anyone. especially jay... i dont deserve his kindness... i deserve to be alone... sa lahat ng ginawa ko lex. i dont deserve to be happy. and i feel guilty kasi everytime kasama ko si jay, he makes me the happiest and i'm afraid to tell him who i really am and what have i done in the past because i'm so scared of losing the happiness he's making me feel... so no! i'm not inlove with him... para sa isang taong nanira ng maraming buhay, i don't deserve to have anyone.... and not jay...
"bes.... don't you think it's time? naka-move on na lahat ng tao. stop feeling guilty. kung ano man yung nangyari noon, tapos na yun. give yourself a chance.... and si rj? he deserves to have that chance"
chance of ruining his life?
"a chance to build your life back and free yourself from your past"
i bought domori for him... mahilig sya sa chocolates. i got the madagascar one. tingin mo magugustuhan nya?
"stop changing the topic."
yung white from south africa kumuha din ako ng 50 pounds hindi kasi sya masyadong mahilig sa white eh
"you deserve your life back... you deserve to smile again... you both do... please give it a chance... give him a chance..."
alam mo si kuya eric magugustuhan siguro tong bag na binili ko, in fairness mas mura talaga ang bottega venetta dito
"push mo yan. magbingi-bingihan ka pa... alam mo mas dapat kang nag-artista. ang galing mong magmaang-maangan school of aktingan! ewan ko sayo. anyway nag-text na yang KAIBIGAN mo. hindi ka daw nya makontak ang sabi mo daw magface time kayo. nakatulog na at lahat yang inaanak nyo kakakwento sa ninong nya waley pa rin ang ninang nya kaya paki-tawagan mo na lang ang KAIBIGAN mo na kanina pa umiikot ang tumbong sa pag-aalala sa KAIBIGAN nya" inis na sabi ni alex
ewan ko sayo. sige na. mag-impake pa ko.
"tawagan mo si rj. nag-aalala na yun"
oo na po! kulit.
"and maine..."
ano na naman?
"rj deserves to be loved... you have my blessing"
i wish i could alex. but i won't....
^^^^^^^^
nuggets! hi
what happened? kanina pa ko tumatawag sayo straight to voice mail. hindi ka rin sumasagot sa mga text ko. si chico nakatulog na kakahintay sayo. san ka nagpunta?
hinay-hinay naman po sa sermon tay
ayan na naman tayo sa tatay na yan. tigil mo nga
eh pano kasi kung makatanong para namang menor de edad ako.
nico
eto na nga po. na-empty bat nga po kasi ako. di ko napansin kasi nasa loob ng bag ko. sorry na po
i was just worried. ang layo mo kasi eh
opo na. sorry na po. wag ka na po magtampo
hindi ako nagtatampo. tsk. ang hirap kasi ng malayo ka eh. hindi talaga ako sanay.
wag ka na po magworry. eto na oh kausap mo na po ako. smile ka na nuggets.... ppuuuhhhlleeeaaassseee
hay naku! yan! yang mga pa-cute mong yan eh. sige na ok na. did you have dinner?
yup! i had canneloni and raspberry sorbet
good girl naman pala si french fries.
lagi naman. dinner tayo pagdating ko ha
oo naman. san mo gusto?
ahhmmm... sa rosario pwede po?
gusto mo ipasara ko pa
baliw!
miss na miss na kita
mas miss na miss kaya kita!
patingin ng na-miss
hintayin mo paguwi ko! koala hug ka sa kin
looking forward. madami akong mahigpit na hug?
ssoooobbbrrraaa!!! baka nga di ka na makawala eh
gusto ko yan
alin?
yung di mo ko pakakawalan
ang harot mo dun!
bakit? bawal ba?
ewan ko nga sayo! yang ngisi mo nakakaloko. but i'll let it pass. ang sarap tingnan pag nakangiti ka eh
suuss!!! binola pa ko
totoo kaya. mas gusto ko yang mukha kang 5 years old na tumatawa kesa naman pag kunot yung noo mo pagkagaling mo sa office na mukha kang 45
grabe ka naman sa 45
eh totoo naman! ang yaman na kasi gusto pa lalo yumaman
hindi naman i just to want to have everything stable for future's sake
point taken.
oh naghihikab ka na. sleep na?
pahinga konti napagod po kasi yung paa ni french fries maglakad
naakkuuu!!! naglalambing ng masahe.
wala kasi namamassage ng paa ko dito hanggang makatulog ako
sus may panguso pa! sige get yourself home na french fries i'll take care of that tired feet
promise yan ha?
promise! gusto mo habang kumakain ka pa ng butong-pakwan
yey!!! gusto ko yan!
happy na si french fries?
lagi naman ako pinapasaya ni nuggets eh
good to hear. oh sige pahinga ka na maaga pa ang flight mo bukas
ok po. good night na dito. don't forget to eat your din—
"rich let's go naghihintay na sila je"
sige una ka na sa sasakyan
may lakad ka pala? sino yun?
nagyaya sila je kumain. that's chloe
ah ok. sige. ingat.
sleep well
ok. enjoy. bye
huy nagtatampo ka ba?
why would i. sige bye.
french—
—nico ended the video call—
****************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro