Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

phase 1

nakatulog na ang araw sa piling ng buwan. ito ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam. hindi kailanman mapapantayan.

gusto ko sanang sabihin sa kanya na wala akong pakialam sa nakaraan. subalit alam kong ito ang pagsubok na dapat naming lampasan. isa lang naman ang kaya kong bigyan ng kasiguruhan. anumang bahagi ng nakalipas ay hindi na madudugtungan at hanggang doon na lamang.

hindi ang nakaraan mo ang hahadlang sa hinaharap na binubuo ko. kung may naging utang ka man sa nakalipas handa akong magbayad kahit magkano. matapos lamang ang iyong pagkakabilanggo. ako ang may akda sa kwentong ito at isusulat ko sa paraan na ninanais maganap ng aking puso. gamit ang tinta ng pag-ibig para sayo sa papel na yari sa pananampalataya ko at bubuuin ito ng mga letra at numerong mauunawaan lamang ng ating mga puso. ikaw at ako.

ngayon sa isip ko lang, pero darating ang panahon masasabi ko ng harapan. pag handa ka na mahal ko. pag handa ka ng tanggapin ang pag-ibig na inaalay ko. pag handa ka ng umasa sa kinabukasang kasama ako. pag hindi ka na takot tumakas at iwan ang mundo.

jay...

sshhhh.... tulog ka pa...

giniginaw ako

buhatin na kita sa loob na tayo matulog. kapit ka na sa kin

lakad na lang ako

hindi na. antok ka na. hawak ka na sa kin

i lifted her and carried her to my room. i slowly placed her on top of my bed then caressed her cheeks

sleep na

tabi ikaw?

unless you want me to sleep on the couch

ayaw

then i'll sleep beside you. gusto mo ba munang magpalit ng damit?

yung shirt mo?

sandali kunin ko

shower lang ako

i'll prepare you warm bath giniginaw ka na eh, ilalagay ko na lang yung pantulog mo sa bathroom

thank you

i kissed the top of her head and made my way to prepare her warm bath and her things.

nuggets

hmmm?

thank you

always welcome french fries

as she took her warm shower i went to the guestroom and took a shower as well. when i came back she's tucked in so i made my way to my side of the bed then eased my self to hug her while she placed her head on my chest

until when can we do this?

do what?

i heard her sigh. then she paused for about ten seconds

this... me sleeping in your place... me finding comfort in your arms... hanggang kelan?

bakit ayaw mo na ba? hindi ka na ba masaya?

jay... ano ba namang tanong yan

answer me

she tilted her head to face me and placed her right hand on my cheek.

masaya po. masayang-masaya ako na parang ayoko ng matapos. masaya ako na kung pwede lang hilingin na lagi lang tayong ganito

eh di lagi tayong ganito.

jaaayy....

what? you want us like this di ba? then what's stopping you?

jay... hin— wala... nevermind. tulog na tayo

she laid back and closed her eyes. i lifted half of my body and caressed her left cheek

hey, i thought we only have one very important policy? being honest with each other, right? we agreed, remember? so tell me, ano bang nangyayari why all of a sudden may mga uncertainties ka? did i do anything?

she opened her eyes and looked at mine. hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot ng mga sandaling yun.

jay we can't go on like this.

bakit nga?

she sighed. held my hand that's caressing her cheek.

honesty policy di ba?

honesty policy

i'm scared

saan?

sayo. sa atin. sa lahat ng bagay na nangyayari. sa mga binibigay mo. sa pag-aalaga mong natatanggap ko.

why are you scared with us? with this? with everything?

jay...

honesty policy

she closed her eyes again. i noticed a lone tear escaped her eye. i moved my finger to wipe it. she opened her eyes and stared at me as if gauging my thoughts.

i'm falling...

to say i'm surprised at her words is an understatement. hindi ko inaasahan. my heart wants to explode. i promised myself i could wait. heck i could even wait for more than a lifetime, but this? this came like a tornado without a warning. it took me a while to recover from her words.

i'm all in to catch you

she held my lips as if telling me to keep my silence.

for a while i ignored it. for the longest time i denied myself of that feeling. palagi kong sinasabi sa sarili ko hindi pwede. hindi dapat. hindi sayo. hindi ikaw. kasi hindi ko kayang saktan ka. kasi hindi patas kung idadamay kita. kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag ikaw yung masasaktan. i told myself hindi ako ang para sayo. you don't deserve someone like me. you deserve someone better if not the best. i'm sorry... for my selfishness. for wanting this. for wanting us. ang tagal kong nagtago kasi ayokong mawala ka. kasi takot akong mawala ka. kasi hindi ko kaya kung iiwan mo ko. alam mo yung takot na hindi na halos ako makahinga? that's hiw i felt. i'm sorry for being the sun that loved you from afar, for being the sun that kept on waiting for that eclipse. yung araw na gustong-gusto ng iwanan ang mundo at buong kalangitan para tumakas kasama mo. yung araw na gusto ng kumawala sa responsibilidad mayakap ka lang ng mas matagal sa isang buntong-hininga. yung araw na gusto ng lumaban sa lahat ng elemento ng kalawakan para lamang makapiling ka... yung araw na gusto ng mawalan ng init para makalapit sa buwan ng hindi ito mapapaso... that's how selfish i can be wanting you... wanting us... and i'm sorry.... for being that selfish sun...

if her previous statement caused my heart to beat so wildly, her confession made me want to live another eternity, because i know that a lifetime will never be enough...but at the same time, i found myself lost for words... how can i counter that? how can i even equal her words? so since my words betrayed me, my lips made sure she'll feel what i needed to convey.

i captured her lips. and kissed her like there's no tomorrow. my heart smiled when i felt her kissing me back. i poured every heartbeat on that kiss. i gave my soul for her to feel how much i want her. we were both lost to that moment. eclipse. when the moon meets the sun. definitely worth it.

we were both panting when we broke the kiss off, i rested my forehead on hers and with her eyes still closed, i kissed her forehead and whispered the words i've been meaning to tell her for the longest time.

god, i love you nico. don't be afraid to fall i have been waiting a long time to catch you...

jay... dont—

ssshhhh... akin ang gabing to. atin ang gabing to. sorry i'm not great with words. hindi ko alam pano sasagutin yung sinabi mo. but i want you to know two things. one, i love you since i can't remember. two, i'm fighting for us, sa anumang laban, sa kahit anumang panahon, kahit anong pagkakataon, kahit saang parte pa ng kalawakan, kung kailangan kitang itakas sa nakaraan o sa kung saan man nakabilanggo yang puso mo, gagawin ko.

jay—

before she can continue i captured her lips again, this time it's more aggressive. i'm sorry but i can't let her own words get her away from me. not this time. not now when i know we have this chance. not ever. and since i can't fight her words i'll make sure to use a different weapon.

alam kong hindi ko laban ang kataga. at sa ngayon hindi ko pa kayang matalo. kaya dadaanin ko muna ang laban sa paraang mananalo ako. madaya. alam ko. pero gagawin ko ang lahat sa labang ito para masiguro ang pagkapanalo...

sa patuloy na pagsasayaw ng aming mga labi sa musika ng pag-ibig, isa lamang ang kailangan ko, ang maiparamdam ng buwan sa araw na pinakatatangi ng puso. sa ngayon, sa mga ulap muna magkukubli upang pagkakayapos ay maitago. habang wala pang katiyakan kung paano makakatakas ang dalawang anino ng kalangitan sa mabilis na kaganapan ng paglaho.

ito ang isa sa mga gabing magaganap kung saan ang buwan ay hindi masisilayan at kung kailan magigising ang daigdig na walang init at liwanag na mamamataan. panandalian sa ngayon. subalit nakatitiyak akong hindi sa panghabang panahon....

akin ang gabing ito. aming dalawa muna ang gabing ito. ako ang may akda. ako ang may kwento. at ito ang bahagi na patlang lamang ang makikita ng buong mundo....

***************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro