pano magsisimula ang di pa natatapos?
i tried.... i attempted to... kill her....
richard....
a week after mom left i felt so lost. i was drinking non-stop. i guess everything got caught up on my head. i grabbed my keys and drove to her place. rhian was able to catch me, sumakay din siya sa kotse, she tried to talk me out of going there. hindi ako nakinig. when we got there, hindi ko alam basta nagdilim yung paningin ko when she said she's not letting my dad go and that dad will be filing for annulment. i strangled her... with my bare hands... rhian was there para awatin ako unfortunately her built did not match mine. next thing i knew rhian was lying on floor with a bleeding head.... that got me to my senses
hey... we can stop
i nearly got her killed because of my clouded thinking... i rushed her to the hospital. dumating si dad. siguro he saw me so devasted that time he just hugged me and begged for my forgiveness... i felt so weak that time. my family is all i have so when it was shattered i guess i felt... i don't know... empty... walang direksyon. i prayed that night... for the first time after a long time, i begged for Him to spare my sister's life. sabi ko kahit anong kapalit mabuhay lang ang kapatid ko. He did. my sister lived. so i kept my promise. i learned to forgive...
i.... uhmm...i should not have asked.... i'm.... sorry....
i'm sorry you have to hear that.... ayoko lang magsinungaling sayo.... i want you to know me completely.... whole package. yung mga mali at tama. my best and my worst. highs and lows. ups and downs.
what you did.... it's understable.... ako... ako man mapunta sa ganung sitwasyon.... malaking percentage na magagawa ko yung binalak mong gawin.
you still wanna be friends with me?
oo naman...
exactly... what we did in the past does not define who we are now. may mga mali tayong nagawa but in my opinion, those mistakes happened to make us better people. stop hiding from your guilt. own your mistakes. stop living the wrong things and start making it right. but try to remember, there are people who'll help you in the process. isa ako sa mga taong yun.
sana nga richard.... sana nga....
i will nicomaine
napatawad mo na ba sya?
my dad? yes.
no. the woman he had an affair with. were you able to forgive her? the woman who almost ruined your family?
somehow. hindi naman sya humingi ng tawad. but i know in my heart wala na yung galit.
kung makikita mo sya ngayon, may masasabi ka ba sa kanya?
i wanna know why.
why...???
why she was able to break a family. why was she not able to pull up a conscience for her to realize that she's destroying a family. a happy one. but i guess it wouldn't matter.
why not?
my mom told us. what's done is done. and what happened made us a better family. it somehow strengthen our bond. mas gusto kong isipin na may magandang naidulot.
i'm glad you were able to look at it positively.
ganito ba talaga kabigat ang usapan natin?
hahaha... oo nga eh. sige what's your favorite color?
hahaha ang galing ng transition mo ah. to answer that, black. and you?
yellow. favorite food?
hmmmm.... kahit ano yata. pero recently, yung fishballs. ikaw?
hahaha grabe ka sa kin! akala ko nuggets. ako french fries talaga.
i'll keep that in mind....
richard
yes?
bago pa ko malasing ng tuluyan, salamat.... salamat sa friendship.... kahit sandali lang.... i'm so thankful we had a chance to meet...
hindi to sandali....
wait til you know
alam ko man at hindi. lasing ka man o normal. hindi sandali yung pagkakaibigan natin
sige na. pagbibigyan na kita. but just know na balang araw maiintindihan ko....
and i assure you that day will not come. i'll stay.
marahang pagdantay ng kamay at ngiting malamlam. pinaaabot ang pagdamay para mapagaan ang pakiramdam. kahit ang oras man sa ngayon ay hiram. hindi palalampasin na ang pagsuyo ay maiparamdam. isang laban man na hindi sigurado at may agam-agam. pagkahulog ay hindi na mapipigilan.
^^^^^^^^
nicomaine.... we're here
hmmmmm....
wake up....
uhhhmmm....
where are your keys?
i'm drruuunnnkkkk.....
give me your keys
ayoookkoooonnggg. ummuuwwwiiii
san mo gustong magpunta
ANYWHERE!!!! ayoko dito richard... please....
sa pagsilip sa dalaga, napansin agad ang pag-agos ng luha. isa lang ang solusyon na naisip ng binata. ang hiling na ito ay hindi pwedeng isawalang-bahala.
pinaandar nyang muli ang makina ng sasakyan. hindi sigurado kung saan ang patitunguhan. alam nyang kailangang magpahinga ng dalaga. minabuti nyang iuwi ito sa kanyang bahay sa laguna. ng sila'y makarating. binuhat nya ito at dinala sa isang guest room. naghanda ng maligamgam na tubig at pinunasan ang mukha nito. ngunit hindi nya inasahan ang ginawa ng dalaga. bigla nitong inalis ang suot na damit. hindi alam ng binata kung ano ang gagawin. tinakpan na lamang nya ito ng kumot at nagtungo sa kanyang silid para kumuha ng kanyang damit. ng makabalik ito, mahimbing ng natutulog ang dalaga. huminga ito ng malalim at sinuot ang kanyang puting t-shirt. pinanatili nyang nasa ilalim ito ng kumot. ilang dasal din ang kanyang inusal. pinilit labanan ang tukso. akmang tatayo na sya ng biglang dumantay ang kamay ng dalaga sa kanyang braso.
....don't go.... i'm scared....
i'll just be on the couch.... babantayan kita....
stay.... richard.... please stay
ayan na naman ang pakiusap. pakiusap na hindi nya kayang tanggihan. marahang hinawi ang buhok at ang mukha nito'y tinitigan. paano ka nga ba nasaktan. isang tanong na hindi maalis sa isipan. pero ngayon isasantabi muna ang katanungan. at mas pipiliin na lang na siya'y samahan.
i'll stay.... sleep tight...
marahan nyang hinalikan ang noo ng dalaga. dahilan upang mapayakap ito sa kanya.
thank you richard.... i'm sorry...
sshhhhh.... tulog ka na.... you'll be ok.
niyakap nya ito. kahit ngayon lang. nakiusap sya sa kalangitan. kahit ngayon lang payagan. pagbibigyan nya ang sarili na mahawakan at mahagkan. kahit ngayon man lang. sa panahong pwede nya itong alagaan.
dala ng pagod. nakatulog ang binata. nakayakap sa dalagang nakaunan sa kanyang dibdib. magkahawak ang mga kamay. payapa ang mga damdamin. wala munang tanong. wala munang sakit. wala munang agam-agam. isa munang pahinga. sandaling pagtigil ng magulong mundo nila. sa mga nararamdaman na sadyang nakakalito - sa nakalilitong silakbo ng mga puso.....
sa pagtatapos ng gabi.... simula naman ng bagong umaga...
bahagyang gumalaw ang dalaga. bagamat nakaramdam ng kaunting sakit ng ulo, hindi maikakaila na masarap ang nakaraang pagtulog. sa matagal na panahon ngayon lang nya ito muling naramdaman. muli siyang gumalaw, doon nya lamang naramdaman ang mga bisig na sa kanya ay nakayakap. nadama din nya ang banayad na pagtaas at pagbaba ng dinadantayan ng kanyang pisngi. pagkalito. sandaling nanalangin na sana wala siyang ginawang kahihiyan. pilit inalala ang nakalipas na gabi. huling memorya. ang pagtatapat sa kanya ni richard ng tungkol sa naging problema ng kanyang mga magulang at tatlong basong sunod-sunod nyang ininom.... dahan-dahan nyang inangat ang kanyang ulo. nasilayan nya ang mukha ng binata. payapang natutulog na nakayakap sa kanya. kinakabahan. tiningnan nya ang ilalim ng kumot... nakadamit naman sya. ngunit hindi ito ang suot nya kagabi. nakadamit din ang binata. wala naman sigurong naganap na hindi dapat.
tiningnan muli ng dalaga ang natutulog na binata. sinubukang alisin dahan-dahan ang pagkakayapos. nagising ang binata napatingin sa mga matang may bahid ng pagtataka.
ahm... ah... hey... ah gising ka - ah gising ka na pala... ahm... yung ... ah... ano... yung—
good morning french fries
namula ang dalaga. tila nahihiyang tumingin sa binatang nakangiti sa kanya.
ahm... gu— good morning richard. ahm... kagabi... ahm—
i bet you're hungry. wala ka masyado kinain kagabi eh. and masakit ba yung ulo mo? i'll fix breakfast and get you meds.
bumangon na ang binata at lumakad patungo sa pinto. bahagyang nangiti sa dalagang mukhang puno ng pagkalito.
ahm... ahh... rich—richard... ah.. ano.. kasi.. yung... ah... yung—
lumingon ang binata. bahagyang nginitian ang dalaga.
nasa bahay kita. i drove you home but you said you don't want to go home. i know you're drunk, it must be the alcohol talking, but you asked me to take you anywhere as long as hindi sa bahay mo. i don't know any other place i could take you to, that's safe for you. so i decided to take you to my place. you took of your dress, i think by instinct, so i got you my shirt. don't worry coz i wrapped you under the blanket and closed my eyes. i tucked you in but you asked me to stay with you. so i did. i kinda dozed off too that's why i was not able to move to the couch. sorry i'm quite a heavy sleeper.
ahm no... ahh that's- ah that's fine. ako nga ang may atraso sayo— sorry kung nagiging sobrang pabigat na kaibigan na ko. i'll— i'll try to be better next time...
hey, you did not do anything wrong. gusto ko lang sana kung mauulit yung kagabi. ako sana ulit yung gusto mong makasama.
nais kong ang sakit ay iyong makalimutan. gagawin ko kahit anong paraan. sa iyong tatahakin kasama mo ako sa iyong pagdaraanan. ang mga sugat ng kahapon na iyong naranasan. iiwanan na natin sa iyong nakaraan. ang aking pangako'y patuloy kitang hahagkan. kakayanin nating dalawa ang kahit na sino at ano pang kalaban. ipangako mo lang na kamay ko'y di mo bibitawan...
******************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro