Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

pahinga muna ang sagot


sarrraaaapppp!!!! thank you richard

saya mo ah. grabe yung enjoyment mo sa fishball. pero mas nag-enjoy si manong sayo

bakit naman eh hindi naman sya yung kumain

eh pano maaga syang makakauwi inubos mo na kaya yung paninda nya hahaha

grabe ka sa kin. hindi ko kaya naubos may mga natira pang kwek-kwek at kikiam

inubos mo na kasi yung suka tsaka sauce

alam mo ikaw!!!

arrraayyy! bakit ka ba nangungurot ng pisngi. masakit ah

sorry na po. kasi napaka-bully mo. tsaka nakakagigil kaya yung pisngi mo ang fluffy

HHOOYYY! grabe ka sa pisngi ko. fluffy talaga ang description. na-conscious naman ako bigla. nga pala, pano na yan. busog ka na. yung drive-thru mukhang pang-dinner na

hala oo nga! uy wag na next time naman. masyado ko ng inabuso ang oras mo

it's a saturday. wala naman akong lakad.

alam mo richard hindi mo na kailangan magpalakas sa kin. kuhang-kuha mo na ang boto ko! wag mo lang sasaktan ha! kundi friendship over na rin tayo!

banta. bantang pabiro. ngayon balik sa siguro. ngayon naghahanap ng paano. parang ngayon ay gumulo. ang isipan na kanina sigurado - ngayon balik sa pagkatuliro. hindi pa nasisimulan mukha na ngang talo. parang wala naman pagpipilian sa dulo. paano nga ba magpapakatoo, kung ikaw naman ang kapalit nito. biro nga ba o totoo. hindi na alam kung paano.

wala naman akong balak saktan si alex. at least, not intentionally.

bakit ba parang masakit. bakit parang puso'y naninikip. saan ba kakapit. dapat yata hindi na lumapit. hindi maipaliwanag kung bakit. hindi sigurado sa sarili ano ba ang kapalit. sa simula dapat bumalik. kaibigan. kaibigang matalik. bawal makasakit.

that's good enough richard. mahal na mahal ka ni alex. may mga pagkukulang sya at alam nya yun but she'll come around. you just need to understand her. and what she's going thru....

bahala na. sige na. kaibigan muna. pero baka kahit konting pahapyaw pwede na. pasakalye kung baga sa kanta. kahit paano may konting babala. para kung sakali sarili'y maihanda.

how would i understand something i don't know? mahirap naman yata yun nicomaine.

nahihirapan ka na ba? be honest richard. bestfriend ko si alex. but i'm also your friend. you told me i can tell you everything. i'm giving you the same favor. i promise kung ano man ang sasabihin mo i'll be objective. just.... just whenever you're ready.

buntong-hininga. hindi isa kundi dalawa. isang nagpapahatid ng pangunawa. isang gustong maging malaya. pahinga. siguro yun muna. ang pakakaibigan ang dapat inaalala. para ang ngayon may maging bukas pa. saglit lang sana para maitama. pahinga. dapat naman di ba. nakasakit na nung una. ang pag-ulit sa ngayon iwasan na, para ang sakit bukas hindi na madama. kaibigan pahinga muna. makikiusap na bukas nawa'y maging masaya.

thanks. thanks for the opportunity you're giving me. for the friendship. anyhow, do you need to go home early?

hindi naman... but you can drop me off naman kung may lakad ka—

NO! ahhh... i mean... no that's not what i meant. baka kasi pwede kitang dalhin somewhere we could talk

ahhh. sure. wala naman akong gagawin. just a few pages of proofreading ng isang magazine article lang ako for today

so editor ka rin pala? care to share?

aahhmmm.... richard...

that's fine. when you're ready nicomaine. just when you're ready.

there's a reason behind me working home based. a reason i'm not proud of. and i will never be proud of. one day i'll have the courage to tell you..... pag hindi ka na masyadong mabait.

huh? hindi yata kita masyadong na-gets yung part na mabait ah

for more than 5 years now i was like... ahm - let's put it this way - parang ibon.

living freely? carefree?

the exact opposite.

umiwas muna ng tingin at binaling sa kabilang dako. ang isipan napunta sa malayo. pumikit muna

caged. thinking about it, it would have been much much better if i had just committed a crime and be imprisoned rather than.... ahhmm... paano ba—uhhmm... ganito na lang, other than my family and alex - ikaw lang yung nagpakita sa kin ng kabaitan. you were the only one who treated me nicely and became my friend. i'm sorry pero medyo selfish yung reason ko. i want to experience more of your kindness because i forgot how it felt for a long time. pag ready na kong mawala yung kabaitan mo sasabihin ko sayo.

that deep huh? but i don't get it bakit mo nasabing magbabago ako

from what you'll know i'm sure you'll agree i don't deserve your kindness.

nicomaine.

i was selfish. until now. mukang may pagka-selfish pa rin ako. konti na lang

i'll stay. so thus our friendship. just remember i owe you a night to listen. oh, and by the way, i'm a businessman.

hmmmmm..... meaning?

i always take into consideration my return of investment.

teka lang.... dapat ba akong matakot?

i offered you a night if you need someone to listen to your sentiments. and from that time i offered it until you consume it you'll earn daily interest. each day you're not redeeming my offer is equivalent to another night i owe you. start counting.

palugi ka palang mag-negosyo mr. faulkerson. that's not return of investment. mukang bankcruptcy at liquidation yung ending ng offer mo.

trust me i'm good at this. wala pa akong pinasok na negosyo na hindi ko nabawi ang kapital ko at higit sa lahat wala pa akong naging negosyong nalugi. i'll bet on this. if you want, i can still raise the ceiling for the interest of your collateral.

no wonder she loves you that much....

hmm?

alex. she's head over heels in love with you. i can see why. kahit sino sigurong babae maiinlove sayo.

totoo ba? kahit sino sabi nya. maari kayang pati kausap na dalaga. galing sa kanya. posible bang umasa. na kapag lahat tama na. pagkakaibigan maisasantabi muna. makakapagtapat sa damdaming kakaiba. mamahalin din ba. puso kaya'y may pag-asa.

ahm talga ba? kahit sino?

nais sagutin ng totoo. kung maari lang ipahayag sayo. ngunit hindi maaari sapagkat kumplikado. hindi mawari kung paano. dahil sa sitwasyong ganito kalabo. hindi sigurado. alam naman na mali ito. bakit ba ang lakas ng kabog ng puso. dapat ngayon pa lang mapigilan na ito. makakasakit na naman ng ibang tao. hindi ito ang kwento. hindi ito ang kwentong para sayo.

oo naman. ahm— i mean... ahm — what i mean is — or i meant was — sa bait mong yan marami talagang maiinlove sayo. ahm. pero sure naman ako na loyal ka sa bestfriend ko.

akala lang kasi. ngayon hindi mapakali. umaasa at nagbabaka-sakali. ang ibig sabihin at nasa isip pala ay mali. nasa isip na hindi maari. panahon at pagkakataon ngayon ay mali. bukas, bukas pwede pang bumawi. sa ngayon ang nararamdaman mananatili munang nasa pakiwari.

magugustuhan mo yung pupuntahan natin. gusto mo bang bumili ng fries bago tayo magpunta dun?

matagal ba tayo dun?

up to you. we'll leave as soon as you tell me

hmmmm... baka kasi magutom tayo. sige daan tayo ng fries ko tsaka nuggets mo.

mcdo it is

dalawang ngiti. nagmula sa magkaibang labi. sa ngayon pagkakaibigan mananatili. hangga't di pa naiwawasto ang mali. sa kasalukuyang sitwasyon man pansamantala nakatali. sa mga damdaming naka-pahinga sandali. ito ang panahong hindi dapat magbaka-sakali. ang puso walang dapat maging kahati. hindi maaaring lagyan ng puwang kahit isang maliit na pagkakamali. lahat ng kalituhan kailangang mawari. bibigyang daan muna ang paglipas ng kaunting sandali. baka bukas makalawa lahat mas maging madali. baka sa susunod na mga bukas mabuo na rin ang kalahati....

                            ********************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro