paano magtago ang araw
hey! got an earlier flight no need to pick me up i'm home already. enjoy your day!
bakit di mo tinext ang flight details. pwede naman kitang sunduin ng mas maaga.
it's fine. ano ka ba ang tanda ko na para sunduin. sige i have to go na tambak pa yung manuscript ko
on my way to your house.
some other time na lang pwede? pagod na ko tapos ang dami ko pang trabaho
may problema ba?
wala. pagod lang and work
still coming
jay please. wag muna.
incoming call
..... nuggets
call rejected
incoming call
..... nuggets
call rejected
incoming call
..... nuggets
call rejected
je ikaw na muna bahala dito
"huy alas singko pa dating ni kumander ang lapit lang ng airport. excited masyado boss?"
aparently, she arrived already. nasa bahay na
"huh? eh bakit nandito ka pa? himala hindi mo sinundo?"
she did not tell me she changed her flight sched
"naku boss ayan na nga yun! mukhang mahaba-habang paliwanagan yan. mahirap amuin ang mga babaeng nagseselos"
mamaya ko na yan iisipin. miss na miss ko na kaya. yayakapin ko muna.
"goodluck boss kung makalapit ka"
ewan ko nga sayo. alis na ko.
"boss dahan-dahan sa pagmamaneho ha!"
magpapadrive ako kay kuya eric.
"ahhhh! buti naman sige na boss. kaya ko na dito update na lang kita"
sige je. salamat
"para sa love of your life boss"
siraulo. sige na
^^^^^^^^^
nico?
french fries?
walang sagot. pupunta sana ako sa kwarto nya ng makita kong natutulog sya sa recliner. tumabi ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. hinalikan ang kanyang noo at bumulong
i missed you french fries.... sobra...
hmmmm...
sleep some more...
jay?
hey.... nagising ba kita?
anong.... bakit ka nandito?
i told you i'm coming over. hindi na nga kita nasundo—
jay i'm ok... matanda na ko besides i told you pagod ako at marami pa ko tatapusin na trabaho
and i told you i need to see you. alam ko hindi mo ako na-miss pero ako miss na miss na kita.
payakap naman oh
may sinat ako. baka mahawa ka
may sakit ka na hindi mo pa sinasabi sa kin. nico may problema ba?
wala
mula ng maging magkaibigan tayo tuwing nagkakasakit ka ako ang tinatawagan mo. so bakit ngayon ayaw mo na nga ko papuntahin sa bahay mo hindi mo pa sinabi na may sakit ka. anong problema nico? may nagawa ba ko? tell me
wala. matamlay lang ako dahil sa sinat.
please?
hindi naman kasi talaga dapat. masyado ka lang nasanay na inaabuso ko yang kabaitan mo. but i want you to know na may sarili ka naman talagang buhay other than being my friend. please enjoy your life more
wait. teka lang. hindi ko maintindihan. ano bang sinasabi mo? masaya ako sa friendship natin. ano bang problema.
wala jay. please. masama talaga pakiramdam ko
then kung walang problema. we'll do our routine. may sakit ka. aalagaan kita. same as always
wag na nga kasi. malaki na ko.
wala akong sinabing maliit ka. but if you say walang problema then let me do my part. and that part is taking care of my french fries
wag na nga. enjoy your time na lang with chloe
ahhh. so this is about chloe?
what? no! ang gusto ko lang mag-enjoy ka sa company ng girls. matanda ka na. ang huling girlfriend mo may asawa na.
so nagseselos ka kay chloe?
why would i?
why wouldn't you?
bahala ka na nga dyan. masakit talaga ang ulo ko.
you're jealous
i'm not. again. matagal ka na dapat nag-girlfriend
chloe is nuel's girlfriend. sinagot sya ni chloe 3 days after you left for italy kaya di mo sya nakilala nung inintroduce sya ni nuel. hindi ko girlfriend si chloe at wala akong balak mag-girlfriend
bakla ka ba?
nico ulitin mo yang tanong at makakatikim ka ng halik. at sisiguraduhin ko na hinding-hindi mo makakalimutan ang halik na yun
nananakot ka ba?
natatakot ka ba?
hindi!
good.
so bakit hindi ka pa nagkakaroon ulit ng girlfriend after alex? are you still hung up on her? hindi ka pa nakaka-move on?
kanina sexuality ko ang kinukwestyon mo, ngayon naman yung move on phase. what's with all these questions nico? as far as i know nung nagpunta ka sa italy we're ok. masaya tayo. all of a sudden you have all these crazy questions. be honest what's running in your head
ang tagal na kasi di ba? since nung naghiwalay kayo ni alex. baka kailangan mo ng humanap ng babaeng makakasama mo habang-buhay. i don't want our friendship to hinder your search.
french fries come here. miss na miss kita. payakap muna please....
jay....
sige na naman. isang mahigpit na yakap muna tapos we will talk....
hmmmm.... ang sarap talaga ng yakap mo.... mamimiss kita pag nagka-girlfriend ka na....
hindi ako maggi-girlfriend para hindi mo ako mamiss. ok na ba?
ayoko! maghanap ka na ng mamahalin mo. matanda ka na
ah ganun?! ayokong maghanap. if it will cause your hugs and our time then i won't go there.
ewan ko nga sayo! bolero. let go na.
ayoko pa. isang buwan kitang hindi nayakap. tapos pagbalik mo nagtatampo ka pa. kulang tong yakap na to.
eehhhh! hindi nga ako nagtatampo. bakit naman ako magtatampo kung lumabas ka with friends or any girls na gusto mong i-date.
hindi nga ako nakipag-date. later ipapakilala ko sayo si cleng. girlfriend yun ni nuel. higpitan mo naman yung yakap mo. hindi mo ba ko namiss?
na-miss. sobra.
sarap naman. pero may sinat ka nga. higa ka muna ulit. magprepare lang ako ng food para pagkakain mo inom ka ng gamot
jay....
hmmm?
dito ka muna.
wala na tampo mo?
hindi nga kasi ako nagtatampo
hindi ka na nagseselos?
hindi din ako nagseselos! bahala ka na nga
ang pikon talaga ng french fries ko.... ayan na po hindi na ko aalis sa tabi mo.
let me sleep.
ok. sige na sleep ka na. pag nakatulog ka na tsaka ako magprepare ng food mo.
hindi po ako nagugutom.
hindi pwedeng hindi ka kumain. kelangan mong uminom ng gamot.
gagaling ako. nandito ka naman eh. basta yakapin mo lang ako. dito ka lang sa tabi ko.
ayan na po. lika nga. sige hindi na ko aalis. sleep ka na muna.
promise?
promise. now go sleep....
jay...
hmm?
you can ask me a question.
pag makulimlim. natatakpan ng mga ulap ang araw. ano ang ginagawa ng araw sa mga panahong yun?
yun siguro ang mga panahon na hindi nya kinakaya ang sakit....
anong sakit?
yung sakit na tanggap nya sa sarili nya hindi nya maaaring makapiling ang buwan, may mga panahon pa rin na hinihiling nya na baka sakaling may pag-asa kahit alam nyang wala kaya nagtatago muna sya ng panandalian para ikubli yung sakit. para hindi makita ng buwan yung lungkot. yung panghihinayang na hindi talaga pwede. yung malalim na buntong hininga na indikasyon na hindi nya kayang lumaban. yung singhap na pagpapatunay na hindi sila nakalaan. yung isang pikit mata na pagtanggap na hanggang doon lang ang lahat....
isn't it unfair?
unfair saan? unfair sa buwan kasi gumagawa sya ng paraan tapos parang sa araw ganun na lang?
hindi.
then what?
don't you think it's fair for the sun to make her love for the moon a reason to fight? a reason to think they might have a shot?
the sun can't
why?
because the sun does not deserve the moon...
**************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro