mga iba't-ibang tanong ng puso
i'm sorry richard...
wala ka namang kasalanan
naiintindihan kita... pero sana intindihin mo rin na lahat gagawin po para kay alex... i can never hurt her anymore... i still feel guilty kasi alam ko na may isa ako sa dahilan kaya kinailangan nyang gawin ang mga nagawa nya... sorry... i— uuhhh— i—
please don't cry... don't do this... i already feel guilty hurting alex... and it's... fuck it's becoming more difficult na umiiyak ka....
sorry... richard - i.... i just.... i don't —
shhhhh.... stop... i need to do this... i need to end things with alex. i have to do this. it's also for her. you may not be able to see it now but trust me this is the right thing to do. fix what was broken so everyone can heal. including you.
isang yakap. pahid ng luhang galing sa ulap. ulap ng pighating makakapagpalaya sa hinaharap. isang kurap. upang mabawasan ang sakit at hirap. upang mapawi ang pighati sa hinagap. at baka sakaling makuha ang katahimikang pinapangarap.
salamat... sa pag-iintindi mo. sorry my judgement was clouded. siguro konting panahon pa. pag hindi na nasasaktan si alex. baka maintindihan ko rin. sa ngayon, i'll respect your decision. as your friend. but i also need to be alex's friend.
isang panghihinayang. na maaring ang lahat ay walang kahitnan. na maaaring ang lahat ngayon ay matuldukan. mula sa pagkakaibigan. hanggang sa pagkakataon na makilala ng lubusan. ngayon haharapin muna ang kalungkutan. sa pag-asang bukas wala ng masaktan.
i understand. pasok ka na. kailangan mo ng magpahinga.
thank you... sige.... ingat ka sa pag-drive
salamat.... ahm... nicomaine... sandali lang....
ano yun?
when you're ready. i won't change my mind.
salamat.
hatid kita sa loob?
ahm... okay
dahan-dahan. mga yapak may kaunting kabigatan. parehong damdaming may pinagdaraanan. sana man lang ito'y panandalian. pero kung ito man ay may katagalan. may pag-asa pa na maghihilom din ang nakaraan. ang mga ngiti'y maaaring muling masisilayan.
thank you richard. for this day. thank you for being selfless.... and i'm sorry.... for being selfish...
you don't have to
no. sorry richard. i need to. kahit ngayon lang. habang may puwang sa isip ko na maging patas tingnan ang sitwasyon. kasi tama ka. all the pain must end somewhere. thank you for being the better person. na kahit nasaktan ka mas pinili mong intindihin lahat ng anggulo. i'm sorry.... for being selfish... thank you for being that person.... because i can and will never be that better person.... goodnight richard.
nicomaine.
isang haplos. nais pigilan ang nagbabantang pagtatapos. pagkakaibigan nais maayos. kahit na ang puso pa'y maaaring maigapos. ang oras man sa ngayon sadyang kapos. baka sakali sa sasabihin humupa ang unos.
sandali lang. it doesn't end here. we'll take a pause. but it does not and will not stop here.
isang tango. tugon ng dalaga sa isang pagsamo. isang pangako. pahayag ng binata na walang panlolokong kahalo. isang tango at isang pangako na tila ngayon ay magkasalo. panghahawakan ng bawat isa upang bigyang linaw ang sa ngayon ay malabo.
a pause.
goodnight nicomaine.
apat na hakbang. nagawa itong mabilang. hindi mapakali at tila ilang. may nais sabihin. bago ang binata tuluyang makalisan.
richard!
isang lingon. puso'y nais tumalon. umaasang may karugtong ang kahapon. baka damdamin may pag-asang lumaon. baka ang sasabihin maging daan sa solusyon. baka sakaling ang dadamin ay hindi manatili lang sa kahon.
sandali lang
tatlong hakbang. walang pag-aalinlangan. parang paglayo hindi makayanan. hindi man sigurado anong nararamdaman. isa lang ang totoo sa litong isipan. ang binata sa buhay di nais lumisan.
uhm.... ano ba.... sorry... kasi—
shhhh... you don't have to say anything. i'll wait.... i'm not leaving nicomaine... just... just when you're ready.
isang tanong parehong nasa isipan. bakit tila nagkakaintindihan. bakit sasabihin ng isa'y parang kayang hulaan. parehong nagtataka sa damdaming naguguluhan. sa mga susunod na araw siguro mayroon ng kasagutan.
thank you.
go inside. malamig na. baka magkasakit ka pa. i'll go ahead.
mag-iingat ka.
i will.
bakit parang parehong nabibigatan. sa dalaga ang makitang paglisan at pakiramdam ng naiwan. sa binata pag-alis na walang kasiguraduhan kung maari pang may balikan. parehong nagtatanong at nalilito sa maaaring maramdaman. bakit nga ba parang kay sakit ng kasalukuyan. dapat bang ipaubaya na bukas lahat may magiging kaayusan?
nuggets!!!
hindi na hakbang, pinili ng tumakbo. sa binatang naghihintay, ang dalaga'y nagtungo. isa lang marahil ang napagtanto. hindi lahat matatapos dito. kung ngayon man lahat ay siguro. maaaring bukas naman ay maging sigurado.
what did you call me?
nagtataka man. pagngiti ay di napigilan. hindi man ito inaasahan. tila nagbibigay ng senyales ang kalangitan.
nuggets. favorite mo yun eh. di ba?
ohhh-kaayyy!
bye nuggets. till next time?
till next time french fries.
hahaha. ang cute... sige na. totoo na to. magaan na yung loob ko.
tandaan mo pag mabigat, tingin ka lang sa gilid mo o sa likod mo. meron at merong gustong tumulong sayo. when you're tired. hinto ka lang sandali. pahinga ng konti. wag mong kayanin lahat.
i will. pag mabigat na. pag di ko na kaya. i'll remember your words nuggets.
i'd like that french fries.
glad you did nuggets. sige na totoo na to. gagabihin ka na.
ok na wag mo na ko ipagtabuyan. i'll go now.
mas magaan. mga damdamin parehong nabuhayan. tila nakakuha na pareho ng kasiguruhan. ngayon ma'y tila ba nasasaktan. bukas lahat naman unti-unti ng malilinawan.
sa isip ng dalaga. tila may pagkalito pa rin. bakit ba iba ang bugso ng damdamin. hindi ba mali ito at dapat manatiling lihim. ang nararamdaman na kakaiba dapat na lang kimkimin. maling maramdaman dahil sa kaibigan. dapat lamang itong pigilan. ngunit puso'y nagtatanong kung sa paanong paraan. ang umuusbong na damdamin hindi na yata kayang tigilan.
sa isip ng binata. isa lamang ang sigurado. iba ang nararamdamang ligaya ng puso. isasaalang-alang muna ang sa ngayon ay gusto. bibigyang daan ang mga dapat iwasto. hihintaying maghilom ang sakit na dulot nito. magiging matyaga hanggang sa dulo. tamang panahon din ay masisigurado.
dalawang damdamin. sa mga susunod na kabanata ano nga ba ang sasapitin. tadhana ano nga kaya ang iyong gagawin. paano nga kaya mga damdamin ay paglalapitin. bakit nga kaya kumplikasyon kailangang sapitin. ang tamang panahon hanggang kailan hihintayin. kung paano aayusin. nanaising alamin. kung ang mga pagsubok ba kayang tiisin. at magagawang ang hinaharap ay pagtibayin. ang lahat ng ito ngayon ay nasa hangin. hahayaang umihip sa direksyong dapat tahakin. ipagpapaubaya sa tadhana pagtagpuin ang damdamin. wala naman sigurong di kaya ang panalanging taimtim.
tapos na ang kahapon. ang kasalukuyan nangyayari na ngayon. ang kinabukasan.... mananatili munang isang tanong....
***********************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro