Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

mga alinlangan at pangako


i'm not sure if i will feel happy or bad about myself....

why would that be?

ahm. nothing. sorry.

tumungo ang dalaga. napakunot naman ng noo ang binata.

huy. french fries. nagtatanong lang ako. why would you feel bad about what i said?

nanatiling nakatungo ang dalaga. inangat ng binata ang mukha nito.

wala. wala po.

umiwas ng tingin.

hey. tingin ka sa kin.

nanatiling nakatungo.

please?

isang pakiusap. isang sulyap.

wala po yun. sorry kasi naistorbo kita.

it's not what you're thinking. tell me.... please?

nagaalangan. muling tumungo.

what i said. i only wanted you to know i want to be your friend in every angle. i want our friensdship to give you a level of comfort, yung hindi ka maiilang sa kin. i want you to know.... no. i WANT you to FEEL comfortable around me. i want you to trust me that we could do crazy things together and laugh about it.

napatitig ang dalaga tila sinusukat ang mga salitang narinig. hindi tuminag ang binata isang titig ng paninindigan sa mga salitang binitawan.

anong gagawin mo pag tinawagan kita isang gabi. alanganing oras at sinabi ko sayo nakapatay ako ng tao

isang panunukat na tanong.

hintayin mo ko. don't touch anything. stay somewhere safe.

isang siguradong sagot.

and what would you do? bakit kita dapat hintayin?

huling pamantayan sa pahayag.

we'll make sure to get rid of the body and that there will be no evidence against you.

tuldok ng may katiyakang talastas.

katahimikan. walang gumalaw. mga titig hindi bumitaw. kung paano sumukat ang dalaga gayun naman nanindigan ang binata. walang nagpatalo. parehong determinado.

siraulo!

napailing at natawa

oh bakit???!!

nakahinga ng maluwag

baliw ka

nanatiling tumatawa

bakit nga?

ngiting lumalabas ang biloy

wala

ano nga?

ok na sige na.

ano? anong ok na?

wala

ok na tapos sige na. tapos wala? ano kaya yun!

sige na panalo ka na

may laro ba? hindi ako aware

ok na nga kasiiii

eh ano nga kasi yung ok na. you should know. i don't assume.

oo na

ano ba yang oo na yan?

oo na. tatawagan na kita.

isang napangiti sa nakuhang tiwala, maliliit na hakbang, dahan-dahan lang. isang napanatag ang kalooban, baka sakali, baka sa mga susunod na panahon, paunti-unti sigurado ang daan.

siguraduhin mo lang french fries

opo nuggets. thank you nga pala

san na naman?

for not taking me home. and for staying.

always french fries.

nuggets....konti pa ha

konti pang...?

konti pang panahon.... ituturo ko na sayo san ko tinapon yung bangkay....

mula ngayon yung suv na ang gagamitin ko

huh??

para kahit anong oras ka pa tumawag sigurado ako na yung sasakyan ready for transport.

hahaha! siraulo ka talaga

glad to see you're smiling

thank you
saan na naman

for giving me a reason to smile again

teka lang

bakit? huuyyy! bakit mo ko tinalikuran?

kikiligin lang ako ng konti

baliw ka talaga! magluto na tayo ng breakfast. gutom na ko

teka bihis ka muna. may jersey shorts ako jan kunin ko lang

oo nga pala. sorry naman. buti na lang malaki tong tshirt mo at least muka ng dress sa kin. iuuwi ko na lang to mamaya ha para malabhan. pero in fairness ang sarap pantulog, san mo pala to binili?

padala yan ni rhian. usually sya talaga bumibili ng mga damit ko

grabe ka naman sa sister mo. sayang gusto ko pa naman bumili

wag kang mag-alala mas grabe yun magkomento sa kin. tuwing uuwi yun from new york puro damit para sa kin ang dala kasi outdated daw ang fashion sense ko. sabihin ko sa kanya bili sya ng madami nyan.

naku wag na nakakahiya. pero kung meron sya mabibili bayaran ko na lang

you can keep the ones i still have wag mo na din yan iuwi may naglau-laundry ng damit ko.

nakakahiya naman. ako na nanggulo ng—

HEP! ok na tayo di ba? graduate na tayo sa stage na yan?

oo na sige na.

i'll give you half and i'll keep some here

ok. pero since sabi mo nga garapalan na ang friendship natin bakit di mo pa lubusin na ibigay sa kin lahat

i'd love to. kaya lang naisip ko na magkakaroon pa ng maraming episodes na dito ka matutulog sa bahay ko

ay grabe sya!!! bully mo talaga noh! but come to think of it oo nga noh. eh bakit di na lang ako magdala ng damit ko dito?  hahaha

best idea. kuha ko mamaya paghatid ko sayo

sira nagjo-joke lang ako tsaka hindi mo na po ako kailangan ihatid matanda na ko mag-commute na lang ako

sorry fries ako hindi nagjo-joke and again, i'll take you home

ok na sige na. ang bossy bossy talaga! grabe!

on these kinds of occasion, call me bossy or whatever name you can think of, i won't mind pero ako ang maghahatid sayo

ok na po tay!

what happened to nuggets?

mas mukha kang tatay sa sermon na yun

alam mo ikaw!

aarrraaayyyy!!! yung ilong ko! pango na nga! lalo pa mapapango

hindi ka pango ha

oh yan na ang literal na pagsisinungaling

hindi ka naman pango, maliit lang yung ilong mo

tse! ewan ko sayo! i hate you nuggets!!!

huy wag ka ngang tumakbo baka madapa ka. dahan-dahan kasi

bilis na kasi gutom na ko!

eto na po! demanding lang. ano ba gusto mo kainin?

uhmm... teka hanap ako sa ref mo ng mailuluto

what do you want ako na maghanap

you know how to cook?

basics. i can do omelettes

surprisingly impressive

ay oh! mas bully ka pala sa kin!

hindi naman po bully nakaka-surprise naman talaga na ang isang businessman na gaya mo marunong magluto. parang, kumbaga out of your profile kasi

sabi kasi ng mom ko nun, a great way to a woman's heart is thru her stomach

hahaha akala ko a way to a man's heart is thru his stomach yun, nagbago na pala?

i guess it works both ways

so madalas mo pinagluluto si alex?

she's never been here but i remember i tried cooking for her once.

once lang? tsaka bakit di mo pa sya dinadala dito?

once lang kasi she has to follow her dietician i guess. she said she has to comply with policy about the specifics of her contract with the modelling management. she was never here because we can't draw much attention. it's also part of her contract not to get seriously involved with anyone.

sorry to hear that.

i guess we enjoyed the anonimity. besides those were just the sidelines. we made it thru for four years naman. it's just that hanggang don lang talaga. wait up bakit ikaw na nagluluto dyan?

pambawi man lang sa pang-aabuso ko sa bago kong kaibigan. upo ka lang tapos kwentuhan mo na lang ako. but i'm hoping you don't have a businessman's taste buds otherwise, hindi mo magugustuhan ang lulutuin ko.

i'm not a picky eater, don't worry.

give me 20 minutes tops kakain na tayo.

so ikaw, san ka natutong magluto?

let's just say parang si alex lang. requirement.

teka naging chef ka?

hahaha! funny but no.

ahm... food critique?

keep guessing nuggets

restaurant entrepreneur?

keep it coming

michelin inspector?

hahaha! another one

grabe ang hirap naman hulaan.

kasi ang layo ng iniisip mo.

eh ano pa ba maiisip ko na trabaho na requirement ang pagluluto? wala na yata ako maisip eh

give up?

hmmmmm.... wait....

wow! still up for the challenge... ok go on then

i'm analyzing

grabe wag ka kasi magover-analyze

ok fine! i give up!

sure?

very

final answer?

no other answer

i became someone's girlfriend....

                            *********************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro