lunar eclipse: first contact
eto na... yung panahon na kinatatakutan ko... siguro masyado na rin akong umabuso kaya ngayon dapat ko ng harapin yung katotohanan... yung mga panahong hiniram ko para maging masaya sa piling nya... kailangan ko ng isoli... yung mga panahong alam ko sa sarili kong sandali lang... kailangan ko ng bayaran...
nauna syang pumasok sa pintuan dala nya yung tatlong order ng bff fries, dalawang order ng nuggets, dalawang spaghetti, dalawang monster float at dalawang tuna pie. pagkasara ko ng pinto sumunod lang ako sa kanya. dumiretso sya sa lanai. favorite spot ko sa bahay nya... dun kasi madalas tinatanaw ko ang buwan... dun madalas napagmamasdan kung gaano kaganda yung liwanag na dulot ng buwan sa kabila ng kadiliman...
nung bata ako laging sinasabi ng nanay ko sa amin lahat may counterpart... birth and death, start and finish, begin and end, build and destroy, win and lose... siguro lang umasa kasi ako talaga noon sa mga salitang maaari ring may karugtong... gaya ng resurrection, re-start, part two, renovate, at rematch... siguro nung mga panahong yun nakalimutan ko na ako pala ang araw - sunrise at sunset - wala namang re-sunrise, ang matindi pa, nakalimutan ko rin yata na paglubog ng araw gabi ang kasunod... dilim...
jay...
kain na tayo... gutom ka na sigurado ako
jay yung kan—
kain muna tayo french fries
ok
tumungo ako at lumapit sa kanya. gusto ko ng sabihin. lahat. hangga't may lakas pa ko ng loob. gaya nung gabing sinabi ko pero alam kong di nya maaalala.
hindi ko alam kagaya ba ng dati na mabilis nyang mabasa ang nasa isip ko, lumapit sya sa kin. he cupped my face and made me look at him in his eyes... yung mga mata nyang gustong-gusto kong titigan...pero ngayon parang ayokong masilayan...
akin tong gabing to ha? atin lang ang gabing to
kahit siguro lahat ng gabi ko hingin mo gugustuhin kong ibigay sayo. hindi ko masabi kaya tumango na lang ako... hinalikan nya yung noo ko at niyakap nya ako ng mahigpit... hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman... gusto kong maging masaya dahil nandito pa sya pero gusto kong magalit sa sarili for being selfish... i closed my eyes and inhaled his scent. baka kasi hanggang ngayon na lang. susulitin ko na
i'm here. you have me. you'll always have me.
napapikit ako sa mga katagang iyon. ang sarap marinig... para tuloy naduduwag na naman akong sabihin sa kanya ang mga bagay na nagawa ko... ngayon naiintindihan ko yung kalagayan ni alex nung sinabi nya na hindi nya kayang mawala si richard... ako kaya... paano ko kaya kakayanin... si alex may chico na nakunan nya ng lakas... ako? wala. sya lang kasi yung meron ako. si jay lang.
don't jay
sshhhh... nothing and no one will make me leave your side nico
please don't make it hard for me to lose you
you will not lose me. andito ako french fries.
jay ayok—
kain na tayo french fries... please... ako muna... tayo lang muna....
minsan lang naman siyang humiling. ngayong gabi sa kanya lang lahat. kahit magalit ang buong mundo sampu ng iba pang mga planeta at mga bituin... pagbibigyan muna ng araw ang buwan. siya lang. ang gabing ito. para lang sa kanya. ngumiti ako at tumango... hinaplos ko ang kanyang kanang pisngi kasabay ng paglapat nya ng kanyang noo sa aking noo.
ikaw lang... tayo lang muna....
thank you french fries
kain na tayo
kumain kami ng mapayapa. walang nagbanggit ng pangyayari kanina. pagkatapos naming kumain at magligpit bumalik kami sa lanai. pinili kong mahiga upang mas matanaw ang kalangitan. kung saan nandoon ang buwan.
nuggets tabi ka sa kin
gusto ko yan
pwede mo ba akong yakapin?
lumapit sya sa akin at niyakap ako. naisip ko pang kung ito na ang huling beses na makukulong ako sa mga bisig nya lulubusin ko na. hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
ang lungkot siguro ng buwan ngayong gabi....
why would you think that?
the moon is alone... there are no stars...
mga bituin lang ba ang pwedeng magpasaya sa buwan?
i guess so.... mga bituin lang naman kasi ang pwede nyang makasama...
sometimes the things that are around may not always be the things that we want to be with... but it's just that we have to stick with them because they are convenient.
do you know what they say kapag walang mga bituin sa langit?
uulan?
uulan....
is it a good or a bad rain?
i guess it depends
on what?
kung tuyot na ang mga halaman at wala ng tubig ang dagat well then it's a good thing... pero paano kung nagmamaneho ka sa highway at sira ang wiper mo at basag ang headlight mo.... i guess that's a bad thing
i'd pull over
huh?
kung ako yung driver ng sasakyan na sira ang wiper at walang headlight... pag bumuhos ang ulan i'd pull over and wait for the rain to stop
paano kung hindi ito huminto?
it will... eventually
eh paano nga kung hindi?
it will... lahat ng ulan huminto... even the great storm... it took 40 days and 40 nights but still it did stop
what if you really need to go home and can't wait for the rain to stop
give me a reason
anong reason?
give me a reason why i need to be home
may naghihintay sayo
who?
what do you mean who?
sino ang naghihintay sa akin sa bahay para magmadali akong umuwi?
i.... i don't.... i don't know...
then if you can't tell me whose waiting for me i won't take my chances.... i'd pull over and wait for the rain to stop. and i know for a fact na whoever is waiting for me would want the same thing. that i come home safe
you're right.... you're deductions are always right
sometimes you just have to stop for a while... at kadalasan kasi yung mga maling bagay at pangyayari sa buhay natin hindi naman talaga para ipahamak tayo instead to make us better people...
i braved the storm... baliw kasi talaga ako eh.... bakit nga ba hindi ko naisip na pwede pala akong huminto? bakit di ko naisip na mas mapapahamak ako kung pinilit kong sumabak sa isang laban na walang dalang sandata.... i just dived in without even thinking. i dived in knowing i would lose in every possible way... pero tanga kasi ako eh kaya tumuloy pa rin ako...
you braved the rain because you think you can... lumaban ka kasi kaya mo pa... hindi ka sumuko kasi ayaw mong matalo... you have your reasons and they were valid at that time
walang kahit anong anggulo ang tama sa ginawa ko. had not been for my bad decision of going thru the storm. wala sanang mga batang nasaktan. wala sanang mga taong nahirapan. but because i chose to be selfish i got people hurt.... lives ruined and most of all, family broken... ang sama-sama ko kasi... sobrang selfish ko.... and you? i took advantage of your kindness... i didn't tell you anything about my past because i'm scared to let go of your kindness... it scared the shit out of me to lose your friendship... to lose you...
isa muling mahigpit na yakap. mga palad nya'y pinahiran ang aking mga luha
then stop being scared. hindi ako aalis. hindi ako bibitaw... hindi kita iiwan. not now. not ever
i'm sorry jay... hindi dapat kita niloko
hindi mo naman ako niloko
stop being kind will you?! magalit ka sa kin because that's a valid anger. tell me how bitchy i am to have your questions unanswered about who i am and what i've done!
why?
what do you mean why?
why should i be angry at you?
because you should be!
and why is that? because you did not tell me about your past? a past that i'm not even part of? hindi ako kabilang sa mga taong nasaktan mo sa nakaraan mo nico... wala ako dun...
you may not be part of my past but somehow what i did... jay, somehow in my past i am that person who ruined your family. the one that does not have any conscience para manira ng pamilya. i was that.
you're not her nico...
how can you say?
look, everyone made a mistake at some point. but you don't need to stay in the shadow of your past, you have to move forward. with me.
i can't...
so ano? paparusahan mo yang sarili mo habang buhay? may mangyayari ba? maitatama ba nun yung mga maling nagawa mo? will it re-build the lives that were ruined? you cannot turn back time. but you can take a step and start fixing what was left of... andito ako nico...
jay...
let's pause. di ba sabi ko akin ang gabing to? ako lang muna... tayo lang muna...
saglit muna. pahinga. ngayon kami lang muna.
ikaw lang muna. tayo lang muna.
*********************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro