isang plano na nabuo kahapon
je!!! anong nangyari?
"maine sorry ha. naistorbo ba kita? hindi ko kasi alam san dadalhin itong boss ko eh"
pasok ka. anong nangyari kay jay?
"ayan medyo kinalaban ang alak. natalo eh. buti nga nasa visitor's list mo si rj pinapasok kami nung guard"
sige dito na lang muna sa sofa. sandali lang kuha muna ako ng maligamgam na tubig.
umalis panandalian ang dalaga upang kumuha ng mga gagamitin para mapunasan ang binata. pagbalik nito naabutan nya si je na hinuhubad ang damit ng kaibigan.
hooohhh! bakit ang init? nicomaine lasing si jay shake it off whatever it is you're thinking. she mentally reprimanded herself.
uhhmm... je...
"uy maine pwede ikaw na? kukuhanan ko lang siya ng gamit sa sasakyan."
ok lang may damit dito si jay. pupunasan ko muna tapos pakitulungan na lang ako na iakyat siya sa kwarto.
nakita kong nangiti si je sa sinabi ko. medyo may pagtukso kaya inunahan ko na.
huy may damit siya dito for emergency purposes. ikaw ang dumi ng isip mo
"uy ms. maine wala akong sinasabi ha! ikaw mapagparatang ka"
talaga ba?
"oo naman cross my cross heart my heart hindi ko iniisip na may malisya ang malaman na may gamit ang boss ko dito sa bahay mo."
ewan ko nga sayo. magkape ka muna. kuha ka na lang sa pantry.
umalis ang kaibigan na tatawa-tawa. binalingan naman ni maine ang pag-aasikaso kay jay na mukhang knock-out sa ininom nito.
bakit ka ba kasi uminom? alam mo naman na mahina ang baga mo tapos iinom ka pa. may problema ka ba? sana sinabi mo na lang sa kin.
uhhmmmm... french fries
sshhhh.... i'm here... jay... i'm here...
nagmulat ng mata ang binata at hinawakan ang mukha ng dalaga.
is..... is that you french fries?
opo... behave ka na ha. pupunasan muna kita tapos bibihisan ka namin ni je. may masakit ba sayo?
umiling ito ng paulit-ulit at ngumiti.
you're here.... for real?
i'm here... bakit ka po ba uminom?
kasi ang gago ko! sorry french fries...
yumakap si jay kay maine sa bewang na parang bata na nakagawa ng kasalanan.
huy... wag ka masyado malikot baka mahulog tayo
ngumiti muli ang binata at hinawakan ang mukha ng dalaga.
matagal na akong nahulog
nagulat naman ang dalaga sa pahayag ng binata.
uhhmm... jay lasing ka. please don't say anything you might regret tomorrow
sshhh... lasing? ako?... hindi ako lasing... sino lasing?
sakto naman ang pagpasok ni je mula sa kusina.
yan! si je... french fries yan lasing yan!
"ako? bakit ako?"
psst wag ka ng kumontra. kasalanan mo naman na lasing ang boss mo eh.
"hah? ms. maine naman! wala akong kinalaman. dumating ako dun sa bar kasi tinawagan ako nung may-ari. ka-batchmate kasi namin yun nung college pero nun—"
sshhh...basta ako na bahala...
bumaling muli ang dalaga sa binata.
nuggets hayaan mo na papagalitan ko po si je kasi lasing siya. now i need you to lift yourself para mapunasan kita so i can get you changed... can you do that for me?
tumango ang binata at umayos. inalalayan naman ito ng dalaga
very good yang nuggets ko... we're almost done
"wow ha! ang laking baby—"
tinignan naman ng masama ni maine ang kaibigan.
"sabi ko nga shut up na lang ako"
je alalayan mo muna si jay, kukuha lang ako ng damit nya sa taas.
akmang tatayo na sana si maine ng maramdaman ang mahigpit na hawak ni rj sa kanyang braso
ayaw ko french fries... wag mo ko iiwan...
kukuha lang po ako ng damit mo para makapag-pahinga ka na. mabilis lang po ako...
ayaw
"ay grabe ang pagpapa-baby mo faulker— tatahimik na po boss maine"
bawi ni je ng makitang nakatingin ng masama ang dalaga
nuggets di ba sabi mo kay french fries behave ka?
opo
pag behave ka. dito ka lang muna tapos hihintayin mo ako kasi kukuha ako ng damit mo... ok na po
bilis ka lang?
"anak ng— sabi ko nga ms. maine di ako magco-comment di ba? ingay ko talaga eh"
dito ka lang. alalayan mo yan. pag nagalusan yan je lagot ka sa kin
"grabe ms. maine mas nakakatakot ka pala. oo na po, babantayan na si nuggets. grabe kayong dalawa sa kin"
pagbalik ng dalaga inabutan nya ang magkaibigan na nagtatalo
ayoko nga kasi... si nico ang gusto ko...
"boss bababa na nga kumuha lang ng damit—"
eh bakit mo ba ko hinahawa—
"faulkerson umayos ka ayokong mabigwasan ni french fries!"
bakit ka nakiki-french fries?! french fries ko yun! akin lang ang french fries ko!
"sabi ko nga kasi french fries mo boss! sayo nga lang kasi si french fries walang aagaw"
nagmamadali ang dalaga na sumaklolo sa kaibigan na mukhang hirap ng pigilan ang binata sa pagpupumiglas
nuggets andito na po ako... sige na je ako na... salamat. — sshhhh... sabi ko sayo behave ka lang di ba? bakit mo inaaway si je?
pangit kasi yan
"ms. maine sige na paisa lang — bukas hindi nya na maaalala lusutan mo na lang yung pasa"
uhm... papatulan pa lasing na nga oh
"ms. maine narinig mo ba sinabihan akong pang— bakit ka tumatawa? huwaw! ano to? kampihan??! grabe kayo sa kin!"
huy natatawa lang ako. walang ibig sabihin
"talaga ba ms. maine sa word na pangit ka talaga natawa? eh kanina beast mode na yung banta mo sa kin! wag ka nga. isa ka pa eh!"
uyy wag ka na magtampo. tulungan mo na lang ako iakyat to sa kwarto para makapagpahinga na.
"yan tayo eh! mamimintas kayo tapos bigla hihingi kayo ng tulong! iba talaga kayo eh noh?!"
sorry na nga. sige na tulungan mo na ko. mabigat to hindi ko kaya.
"eh may choice ba ko? eh di hindi ako nakauwi. basta alalay lang ako ms. maine ah baka mamaya magwala pa yan pag ako nakitang nakayakap sa kanya"
oo na ako na bahala basta dun ka sa kabilang side nya
bumaling ang dalaga sa binata na mukhang nakatulog na
nuggets... i'll lift you up pero i need you to work with me ha kasi mabigat ka po hindi ka kaya ni french fries...
he moved his body closer to hers and attempted to lift himself up
kapit ka kay french fries ha... then we'll walk slowly. aakyat tayo sa kwarto ha
sa room mo french fries?
opo sa room ko
tabi tayo?
opo... tabi tayo but i need you to make it easy for us ok?
ok na ok french fries... let's go!
"eh di kayo na ang magkaibigan"
sshhh!!!
bakit may problema ka kung gusto kong katabi ang french fries ko matulog?
kulit kasi eh
"tabi pa more!"
ssshhhh.... wag ka na nga
tumayo ang dalawa na nakaalalay si maine kay rj sa balikat at sa bewang. si je naman ay nasa kaliwang side ni rj para tumulong.
nang maiakyat nila si rj sa kwarto ni maine at maihiga ito lumabas muna ang dalawa.
"ahmm ms. maine alis na ko" paalam ni je
hep! not so fast jerome!
"sabi ko nga damay ako eh! yes boss may ipaglilingkod pa ba ako?"
tumaas ang kilay ng dalaga
first, kaya mo bang umuwi ng safe? baka lasing ka rin may guest room naman
"ay ms. maine kaya ko po, hindi po ako nakainom. tutuloy na—"
upo
"sabi ko nga uupo muna po ako. baka nga pwede na rin maki-midnight snack"
sandali kukuha ako
"joke lang ms. maine. sige na tanong na agad"
bakit lasing yun?
"eh kasi ms. maine... ganito nga kasi yan... hindi ko din alam kasi nga hindi naman nya ako kasama na nag-inom"
tumingin ng masama ang dalaga
"totoo yun ms. maine. may clue lang ako pero hindi ako sure na yun talaga ang dahilan"
i'm waiting
"nabanggit nya sayo yung dream house na siya ang nag-design di ba? and the story behind it?"
yes
"it was featured in a magazine. he wanted to buy it out. unfortunately, he can't for some reason na hindi ko din alam. after his phone call to whomever that person was, nagdabog tapos umalis na sa office. next thing i knew tumatawag na si harold, yung batchmate namin na may-ari ng bar at pinapasundo na siya."
napatulala si maine. he only designed one house. and the plates for those designs were in the possession of her ex-girlfriend, bianca. so could it be? will she be back in his life?
"ahm ms. maine. medyo nag-space out tayo ng konti noh. pwede na ba akong umuwi?"
ahhmm... ahhh sorry... yeah. you can go. pero sure ka talaga na kaya mo at hindi ka nakainom ha?
"yes ma'm. alis na po ako. dito ka na lang boss autolock naman gate mo eh. ako na bahala. ay oo nga pala, iniwan ko yung sasakyan nya sa bar ipasundo mo na lang yan kay kuya eric bukas ha"
sige je. salamat ha.
"wala yun boss"
sira! ingat ka
"ahhmm ms. maine..."
hmm?
"he will never ever get back with bianca. statement yun hindi tanong"
ngumiti lang si maine kay je.
she can have him back why not— but i'll never give him up without a fight... i may not deserve his love but he does not deserve to be hurt that way... knowing what jay went thru and how important that design is to him — this time i will fight back... kahit wala akong karapatan. kahit wala akong dahilan. kahit hindi ko ito laban... at sisiguraduhin ko hindi ako ang uuwing luhaan...
****************
note: bahagi pa rin po ito ng nakaraang naganap...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro