how will the truth hurt you?
"hello french fries" bati ng driver ni rj
hi kuya eric! musta po?
teka lang kuya bakit naman pati ikaw nakiki-french fries ka dyan? akin lang yun!
"huy ricardo umayos ka dyan sa tampung-bata mo ha ang laki-laki mo maka-nguso ka dyan para kang bisugo!"
ay grabe naman si kuya eric kay nuggets. huy nuggets... wag ka na mag-pout! kuya eric naman kasi eh sabi na nga gusto nya sya lang may tawag sa kin nung french fries eh, bully ka rin kasi
"nakkkuu! nagpapa-baby lang yan sayo kaya ganyan yan maka-arte! ricardo umayos ka nga dyan!"
oo na po. eh kasi naman - ako nga lang kasi tata—
ok na po... sige na po... ikaw lang po ang tatawag sa kin ng french fries... smile ka na? please?
eh kas—
mmmmhhhhh... o ayan ha may kiss ka na sa cheeks let it go na, ok? parang three years old grabe!
kuya, sige pa nga tawagin mo pa syang french fries
"oh akala ko ayaw mo pag iba tumatawag sa kin ng french fries?"
eh kung may kiss ako lagi ok na
baliw ka talaga! kuya tara na nga po, yung alaga mo sinasapian na naman
"sure french fries" hagikgik ni kuya eric
KUUUYYYAAA!!! isa ka pa dyan eh!!!
oh dali na kiss mo na ulit si nuggets
tse! ewan ko nga sayo! kaya ka hindi nagkaka-girlfriend eh
ano na naman kinalaman ng love life ko sa usapan?
kasi naman akala pa rin ng madaming kababaihan ako pa rin ang girlfriend mo. para sabihin ko sayo nuggets, tumatanda ka na po
aaahhh ganun? so pipilitin mo akong mag-girlfriend dahil tumatanda na ko?
opo!
alam mo french fries sabihin mo lang kung nagsasawa ka na sa kin hindi yung ipagtatabuyan mo ko. idadamay pa yung idad ko
huuyyy... hindi po ganun... hala nagtatampo na talaga? nuggets... huy... tingin ka sa kin
—
hindi pa rin ako pinansin. kinuha ko yung pisngi nya at pilit ko syang pinaharap sa kin. yung mga mata nya. yung mga matang hindi ako magsasawang titigan. kung pwede lang.... kung maaari lang...
huuuyyy.... nuggets.... hindi na... kung ayaw mong mag-girlfriend hindi na kita pipilitin. ako na lang —
napahinto ako sandali.
ikaw na lang—?
teka parang mali. medyo hindi yata tama sa pandinig. baka kung ano pang isipin. pero para sa akin, ang ang sarap pangarapin... kaya sarili ko ay pagbibigyan, tutal sa pangarap lang naman... isang pangarap na hindi naman maisasakatuparan...
uhmm... ako... uhmm.. oo ako nga... ako na lang mag-aalaga sayo... yun... ako yung mag-aalaga sayo
isang palusot. kumbaga sa kanta, dinaan na lang sa adlib. umaasang hindi nya rin kabisado ang lyrics.
sinabi mo yan ah! wala ng bawian
kung pwede nga lang. kung papayag ka lamang. kung kaya ko lang sanang maging matapang. ilalaban ko hangga't gusto mo, kakayanin ko. kakayanin kong lumaban para sayo...
oo naman nuggets. wag ka ng magtampo please?
hindi na... narinig ko na yung gusto kong marinig...
ano ba yung gusto mong marinig?
hinawakan niya ang mga kamay ko. sa totoo lang nananalangin ako na sana hindi nya naririnig ang malakas na tibok ng aking puso.
yung pangako mo... yung pangako mong ikaw na lang mag-aalaga sa kin. yun lang naman ang gusto kong marinig.
hindi ko alam kung bakit parang nadurog ang puso ko. maaaring dahil sa alam ko imposible namang tuparin kahit pa nga gusto ko
at dahil ikaw sa ngayon ay pinangakuan - wala naman munang bukas ang ating usapan. para sa ngayon naman ang kasunduan. kahit dito man lang sa kasalukuyan. kahit ito man lang mabigyan ng katuparan.
promise.
naramdaman kong marahan na pinisil nya ang aking kamay na kanyang hinahawakan. parang nangungusap at humihingi ng kasiguraduhan. at dahil ang pangako naman ay kasalukuyan, isang ngiti ang aking pinakawalan.
"oi lovebirds nandito na tayo. mamaya na ituloy ang lambingan. tisoy text mo na lang ako pag uuwi na kayo ha"
sabi ko nga nandito na tayo. let's go french fries. sige kuya text na lang po kita.
"enjoy"
salamat po kuya. kain ka na rin po ha.
"oo naman ms. french fries. ako pa ba magpapa-gutom? mag-eenjoy ako sa french fries at nuggets" ngumisi pa si kuya eric
paglabas ng sasakyan nakalahad na ang kamay ni jay para alalayan ako sa pagbaba. inabot ko naman ito at ngumiti.
teka lang. bakit tayo nandito? ano ba talaga ang pasabog mo mr. faulkerson?
hmmmm... you don't remember, don't you?
naguguluhan ako. tapos naman na ang birthday nya. lalo namang hindi ko birthday. what am i missing? i asked myself internally.
haayy naku french fries... ikaw yata ang tumatanda eh
bahagya pa nyang pinisil ang aking ilong.
ilong ko na naman! kainis ka!!! ano nga kasi? ano bang meron?
later. i'll remind you later. but i'm guessing you'll figure it out along the way
ehhhh! ngayon na nga kasi!
impatient are we?
padabog naman akong lumayo sa kanya at humakbang papasok sa pinto ng kainan. nakita ko pa siyang ngumiti at umiling. eh di ikaw na ang may malalim na dimple! hmph tusukin ko yang biloy mo eh! when suddenly —
nico!
hindi ko napansin ang nagmamadaling babae mula sa likuran ko. mabilis akong niyakap ni jay para hindi matumba.
ok ka lang?
opo kelan ba ako hindi naging ok sa yak—
hindi ko alam kung anong nangyari. hindi ako nakapagsalita. natulala lang ako bigla. hindi ko inaasahan. siguro nga hindi ako pwedeng maging masaya. mabilis talaga ang karma. bakit ngayon pa? bakit kung kailan may pangako pa akong tutuparin sa kasalukuyan. akala ko ba walang hinaharap at nakaraan sa usapan?
"ms. mendoza, fancy seeing you here"
napatingin ako kay jay na mukhang may halong pag-aalala at pagtataka na nakatingin sa akin subalit hindi naman ito natinag. lumapit pa siya at maingat na hinapit ang aking katawan palapit sa kanya. ibinaling ko ang tingin sa lalaking matamang nakatitig kay jay.
"aren't you going to introduce me to your date?"
hindi ko ito inasahan. hindi sa ganitong paraan. hindi ito ang panahon para sa isang nakaraan. tinanong ko ang aking sarili, si jay nakayakap naman. pero bakit parang hindi naglalaho ang multo na aking napapaniginipan... pwede bang gumising na lang... panaginip, ito ang gustong ilaban ng isipan...
ahhmm... uhhh—
it's richard. richard faulkerson jr. nicomaine's date
inabot ni jay ang kamay ng lalaking naglahad ng palad. ramdam ko ang tensyon sa kanilang mga tinginan. tila may naganap na sukatan. bumaling ang tingin ng lalaki sa akin sabay ngisi.
"luke. lukas castillo. maine's.... friend"
ilang segundo ding tumigil ang aking buong mundo.
ahm luke. nice meeting you pare, but i think we better get go—
"sweetheart? i didn't know we have company"
tumingin ang babae sa amin ni jay at ngumiti. marahang lumapit ang lakaki sa babaeng dumating.
"hey sweetheart, this is maine. a friend from florida and her date richard. this is georgina, MY WIFE..."
****************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro