gravitational force
balik tayo sa kasalukuyan...
"hey sweetheart, this is maine. a friend from florida and her date richard. this is georgina, MY WIFE"
"oh hi!" magiliw na bati ng babae
inilahad ng babae ang kanyang kamay. ni minsan hindi ko naramdaman mapaso ng apoy o ng kumukulong tubig. pero ito yung pakiramdaman. yung para kang sinisilaban. yung buong pagkatao ko nauupos ng dahan-dahan.
hi! ahm... i think we better go ahead. may pupuntahan pa kasi kami ni nicomaine after dinner.
"oh sure go ahead. we won't be interrupting your date. sweetheart? luke? let's go? the kids are waiting"
"oh yes. we're heading out. enjoy your dinner, maine, richard..." tumango ang lalaki
of course we will. love? let's go
muling nagkamay ang dalawa. sa puntong ito, mahigpit. parang may panunukat sa kanilang paningin.
ms. georgina, nice to meet you
"oh it's mrs. castillo actually. have a good evening you two. nicomaine? right?"
bumaling ang tingin nya sa akin. inilapit ang pisngi sa akin para bumeso. ito yung pagkakataon na hindi ko gustong marining ang pangalan ko na sinasambit ng ibang tao. ubos na ubos ako...
ahhh... yes... si—ssi—sige... ahm... jay? ahmm...—
yes love... i'm here
hindi ko alam. pero ng mga oras na yun. yun ang kailangan ko. yun ang nagpakalma sa akin. yung mga bisig na nakahawak sa kin. sa kanya lang. his arms will always be my safest haven. pumikit ako. tumango. kahit alam kong ito na yung araw na maaari na siyang mawala sa akin.
nice meeting you both
"and you as well, let's go sweetheart" matamang tumingin muli si luke kay jay. matapos ay ibinaling ang tingin sa akin.
huling sulyap. hindi ko alam kung dapat ko pang salubungin. pero dapat ko ng harapin. tiningnan ko rin luke. isang tingin na may pinaaabot na mensahe. tama na. tapos na. wala ng babalikan. wala ng karugtong ang nakaraan...
dumiretso na kami ni jay sa loob ng kainan. hindi nya ako binitawan. hindi pa rin ako makatingin sa kanya. hindi ko alam kung paano. hindi ko alam kung saan ako magsisimula. hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.
would it make you feel better kung aalis na tayo? we can just go home if you—
i'll go home...
akmang tatayo na ako. hindi ko kaya. hindi ko yata kayang sabihin. hindi sa taong nagmalasakit sa akin. hindi sa taong bumuong muli ng pagkatao ko. naramdaman ko ang paghawak nya sa mga kamay ko.
we'll go home. uuwi tayo sa bahay.
jay—
uuwi na tayo french fries...
jay kaya ko ng umuwi. you don't have to—
i have to nico... i need to... so please... let's get you home... let me get us home
kaya ko nam—
alam kong kaya mo. but please... i'll beg if i have to... uuwi na tayo.
jay, hindi mo kailangang gawin to
i won't leave you nico...
you have to
i won't... uuwi na tayo... sandali lang i'll just settle the reservation
hindi nya binitiwan ang kamay ko. gustong-gusto kong hindi kumawala. pero alam kong dapat ng bumitaw. hindi ko kayang makasakit. hindi si jay. hindi sa ganitong paraan. hindi sa kahit anong paraan...
let's go home... nasa labas na si kuya eric.
jay—
please?
—
don't think about anything... ako lang ang isipin mo ngayon. pwede ba? tayo lang.
—
look at me... i'm not going anywhere... i'm here... i'll always be here...
jay...
hmmm?
i... i need you...
ang sarap marinig... isa pa nga...
pwede... pwede bang.... ahm... pwede pa ba na.... ahmm pwed—
kasabay ng pagpatak ng luha ang isang mahigpit na yakap. hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing nakakulong ako sa kanyang mga bisig. yung parang ayoko ng umalis. ayoko ng bumitaw...
let's go home french fries.
jay....
sa bahay na french fries... we'll talk... kapag gusto mo na... kapag handa ka na... pero ngayon... akin to ha... happy anniversary french fries...
isang halik sa aking noo ang dumampi... napapikit ako. hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya... gusto kong iparamdam na kailangan ko sya... na hindi ko kakayanin na wala sya... napakamakasarili ko lang talaga... pero magalit na ang lahat ng planeta at kung anumang elemento sa kalawakan... hindi na kayang magkubli ng araw... hindi na kayang sa malayo na lamang...
happy anniversary nuggets... thank you
let's go home...
i'd like that... let's go home...
^^^^^^^
kuya pakihatid na po kami sa bahay sumama po kasi ang pakiramdam ni nico
"naku iha kumusta ang pakiramdam mo? gusto nyo ba sa ospital na tayo dumiretso"
hindi na po kuya eric... sa bahay na lang po... mas magaling po ang doctor ko dun?
"hah? kelan pa nagkaron ng doktor sa bahay mo ricardo?"
si kuya eric talaga... ang ibig ko pong sabihin mas magaling mag-alaga si richard. di ba nuggets? kayang-kaya mo naman akong alagaan?
oo naman french fries.
"eh di sige pa tayo sa keso! haaayyy mga kabataan talaga... seatbelt na para mahatid ko na kayo" iling ni kuya eric
salamat kuya
"walang anuman french fries"
kuyaaa erriicccc! ano ba!
"o eh di walang anuman french fries ni richard. ok na ba yun?"
ok na ok kuya
humilig ako kay jay. idinantay ang aking ulo sa kanyang dibdib. agad ko namang naramdaman ang kanyang mahigpit na yakap. kung ito na yung huli. kukunin ko na talaga lahat ng pwede. susulitin ko na ang pagiging makasarili.
nilalamig ka ba? gusto mo bang pahinaan ko yung aircon?
ayaw
sigurado ka?
hindi ako lalamigin
eh bakit parang giniginaw ka?
hindi ako lalamigin kapag niyakap mo ko...
yakap lang pala eh.... uuuuuhhhhmmmmm....
jay?
hmm?
kumusta yung sinusulat mo?
huh?
hindi mo na maalala
teka... my own version of the sun and moon's life journey and love story?
oo
nahihirapan ang buwan. pero hindi pa rin sya nawawalan ng pag-asa
pag-asa na?
na sa tamang panahon... makumbinsi ko ang araw na iwan lahat....
iwan ang lahat?
para tumakas kasama ng buwan
paano mo sya makukumbinsi?
sisiguraduhin ko na hindi mapapabayaan ang mundo at mga planetang kumukuha ng lakas at nabubuhay dahil sa kanya...
naisip ko ng mga panahong iyon... napakaswerte naman ng araw... yung araw sa kwento ni jay kung saan sya ang buwan... at kahit masakit... kahit ilang beses kong paulit-ulit na sabihin sa sarili kong hindi ako dapat masaktan, hindi ko talaga mapigilan... hindi ko mapigilan ang puso kong masaktan... hindi ko magawang iwasan yung isiping sana ako na lang... pwede bang ako na lang.... maaari bang hilingin na ako na lang... ako na lang sana ang araw sa kwentong yun...
promise me one thing
i promise...
hindi mo ba muna tatanungin kung ano yun?
i can promise anything to you nico. anything.
have your sun fight for the two of you too...
my sun does not have to
bakit naman?
cause all i need for her is to believe...
******************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro