Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

french fries

"mam, sir last order na po" wika ng waiter

sige just get me the bill. grabe it's 10pm na pala.

oo nga. let's split the check

no i got this. happy anniversary?

hahahaha! why not! happy anniversary. oh shoot, i forgot to book an uber. mauna ka na ha baka kasi matagalan pa ko

uber? you don't know how to drive?

let's just say i'm not allowed to drive

can i drive you home?

uhhhmmmm....

if you don't feel comfo—

no it's.... uhm.... nakakahiya kasi

i offered

i mean malayo kasi... baka out of the way

nicomaine. that's ok i offered remember?

ah. sa batangas pa kasi ako

mararating naman pala ng sasakyan

sure ka ba?

i will not offer something if i can't do it, let's go

o...okay... richard, sure ka talaga ha

im from laguna. so if it makes you feel any better, hindi ka out of the way. sandali lang tawagan ko si kuya eric

huh?

driver ko

soooo ikaw ang hindi marunong mag-drive?

haha! alam mo nakakatawa ka. marunong ako magdrive

hmmmmm..... bakit parang duda ako?

well i want to at least let you know you can trust me on my judgement, nakainom ako ms. nicomaine hindi ko isusugal ang buhay mo just because you don't believe my claim na marunong akong magmaneho

oohhhh! sorry

nah! we're good.... kuya eric uwi na tayo nandito na kami sa may lobby

makaraan ang ilang minuto, pumarada ang isang itim na sasakyan, binuksan ng binata ang pintuan at inalalayan ang dalaga

good evening po kuya eric

"ay naku magandang gabi po mam"

naku wag na pong mam, maine na lang po

oo nga pala kuya eric, si nicomaine bestfriend ni alex, nicomaine si kuya eric bestfriend ko

"hahaha hay naku tisoy makapagpakilala ka naman - bespren talaga! pero naku maine pag may gusto kang malaman tungkol sa alaga ko tanungin mo la—"

kuya eric gabi na po malayo pa ang byahe

hahaha naku kuya mukang magkakasundo po tayo ibibigay ko po number ko sayo para pag may kalokohan to text mo ko sumbong ko sa girlfriend nya

"hay naku maine dun ako walang maisusumbong. sa apat na taon loyalista yang alaga ko"

buti naman po

nandito lang ako in case nakakalimutan nyong dalawa

"ay naku maine, wag kang magagalit ha pero minsan gusto ko na nga rin yan magloko kasi naman ang kaibigan mo mukang nakalimutan na yata boyfriend pa nya ang alaga ko"

hindi naman po kuya medyo busy lang po talaga sya pero mahal na mahal po nun si richard

"talaga ba?"

opo kuya eric.... hindi nyo lang alam

"hay naku minsan pakipaalalahanan naman na may boyfriend pa sya"

wag ka po mag-alala kuya hindi po nya nakakalimutan

EHHHEEEMMM! andito lang ako ano ba kayong dalawa

huy wag ka na mag-pout ang cute naman

pinisil ng dalaga ang pisngi ng binata na dahilan ng kanyang bahagyang pagngiti at pamumula ng tenga na bagamat hindi nakita ng dalaga dahil sa dilim hindi nakalampas sa mata ni kuya eric ang insidente, isang bagay ang sumagi sa kanyang isipan

ilang taon ko na ding hindi nakita ang ganyang ngiti mo tisoy... at ang ningning ng mata mo hindi ko nakitang tingnan mo si alex ng ganyan... kilala kita.... kilalang-kilala

tama na ang lovelife ko pwede.

sus sige na po hindi na... ay kuya baka po gutom kayo pag may nadaanan tayo na resto hinto nyo po libre ko kayo

"ang bait naman ni maine pero ok na iha pinakain naman ako ng boss ko kanina, next time"

ay naku kuya kung may next time pa ha

biglang napatingin ang binata, tila napakunot din ang noo

bakit naman may kung? hindi na ba kita pwedeng maimbita ulit?

napailing si kuya eric at napaisip - hindi ako nagkamali tisoy. kilala talaga kita - sabay ngiti

h—hindi naman sa ganun.... ahhh.... kasi.... ahmmm....

may magagalit ba?

ahh... hindi naman.... yung.... kasi....

ok lang nicomaine. you dont have to explain

hindi naman sa ganun. mahirap naman mag-assume na gusto mo pa makipag-hang out kasama ako di ba?

at dahil kilala ni kuya eric ang alaga, kelangan nyang gumawa ng paraan....

"uy mcdo! maine, rj drive thru tayo medyo bitin yung dinner ko kanina libre mo ko maine ha"

ay opo kuya sige po daan po tayo

kuya eric order mo ko ng nuggets tsaka monster float

"sure. ikaw maine ano gusto mo?"

ahhhmmm.... kuya.... ano po.... wala po

dont tell me hindi ka kumakain sa fastfood?

hindi kasi.m — ahmm.... pwede ba?

what do you mean pwede ba?

pwede rin ba akong umorder?

of course you can... bakit naman hindi pwede?

hindi napigilan ng dalaga parang maiiyak na ngumiti ito sa binata sabay wikang

you will allow me to eat fries? in your car? pero promise french fries lang

nagtaka naman ang binata subalit may kung anong pakiramdam na hindi maipaliwanag ang kanyang nadama

of course i would... bff fries? hati tayo?

THANK YOU RICHARD! sobrang thank you!

at hindi napigilan ng dalaga na yakapin ang binata at nagulat man hindi rin napigilan ng binata na ibalik ang yakap sa dalaga, napapikit pa ito sabay hinga ng malalim kung saan di nya rin napigilan ang malanghap ang bango ng dalaga... at sa isang sulok may isang pares ng mga matang di mapigil ang ngiti at mapaisip - tisoy kung nakikita mo lang ang ngiti mo ngayon haaayyy

ay sorry na-excite lang po, nagusot ko yata yung suit mo sorry

ok lang nicomaine.... ilang taon ka na bang hindi kumakain ng fries at mukang sobrang excited ka

you have no idea richard....

mapait ang ngiti ng dalaga sabay tingin sa labas ng bintana, napaisip tuloy ang binata - kahit ilang fries siguro bibilin ko kung sa bawat french fries makikita ko ang ganyang mga ngiti mo

at si kuya eric ito ang naisip -mukang bukas madadagdagan ng branch ang mcdo

***********************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro