doon na lang dapat sa nakaraan
from: 0917#######
12nn rosario's. upper deck private room.
napangisi ang lalaki. napaisip. hindi mo ko matitiis maine. babalik ka pa rin sa akin.
{rosario's}
"hi babe"
akmang hahalik ang lalaki sa pisngi ng dalaga. umiwas ang huli. hindi na maaring madarang. naramdaman na ang sakit ng pagkapaso. masyado ng marami ang nasaktan. masyado ng marami ang nadamay. kakayanin ang sakit. itatama ang mali. ito ang dapat gawin. dahil ito ang tama. dahil matagal ng dapat itinama. kakayanin ang sakit. dapat kayanin.
sit down lukas
"sabi ko naman sayo babe hindi mo ako matitiis. you lov—"
what did you do to alex?
"ano bang —"
TAMA NA! HINDING-HINDI MO NA MABIBILOG ANG ULO KO! HOW DARE YOU DO THAT TO ALEX! WHO GAVE YOU THE RIGHT TO THREATEN HER?!
"talaga? nakakata—"
for the last time luke. HINDI MO NA KO MADADAAN SA MGA KASINUNGALINGAN MO! enough of you destroying my life. i'm done with you tearing my life apart. i should have never allowed you make my life miserable. TIGILAN MO NA AKO. MATAGAL NA DAPAT.
"is that a threat maine? YOU NEED TO DO MORE THAN THAT to convince me."
it's not a threat. alam kong hindi ka matatakot. PAKIUSAP. kaya nakikiusap ako.
"pinapunta mo ako dito ngayon to tell me tama na? yun ba talaga? you came here all the way from australia for this? come on maine. alam ko naman how your parents manipulated you para hindi ka dumating dun sa napag-usapan natin. namimiss mo na ba ako kaya ka nandito sa pilipinas? come with—"
isang sampal. isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki galing sa nagaapoy na palad ng isang dalagang nasaktan. nadurog.
ang kapal ng mukha mo! UULITIN KO. TIGILAN MO NA AKO! tapos na ang mga panahong nagpakatanga ako. tapos na ang mga oras ng pagsira mo sa buhay ko. TAPOS NA TAYO! PAKIUSAP. tama na
"ang tapang mo ah! bakit? sino pinagmamalaki mo? may bago na ba? may mas magali—"
LEAVE! UMALIS KA NA! nagkamali ako na nakipagkita pa ko sayo. everything about you is a HUGE MISTAKE after all.
"fine maine. for now. pero tandaan mo. BABALIK KA SA KIN. I OWN YOU NICOMAINE MENDOZA. remember that. BABE"
tumalikod ang lalaki para umalis. tiim-bagang ang dalaga. hindi na. tapos na. wala na. nagtaas ng mukha ang dalaga. nagsalita.
i'd rather die luke. remember that. mas gugustuhin ko pang mamatay. mas gugustuhin ko pang PAULIT-ULIT na mamatay kesa bumalik sayo. death is way much better than hell
ngumisi ang lalaki. sabay bukas ng pintuan.
"we'll see maine. we'll see."
nagpahid ng luha. nag-ayos ng sarili. huminga ng malalim. kinausap ang sarili
kaya mo to. matagal mo ng dapat ginawa to. hindi ka na babalik. wala ka ng dapat balikan. tatalikod ka. wala ka ng lilingunin pa. nakaraan. dapat sa nakaraan. piliin mong maging nakaraan na lang. dahil yun ang tama. dahil yun ang dapat.
hindi nya napansin ang waiter na pumasok sa silid.
"mam? ah mam?"
oh sorry. kanina ka pa?
"hindi naman po. gusto nyo na po ba mag-order?"
ahm. no. pakidala na lang yung bill
"ahh mam yung vanila toffee nut latte pa lang po na-order nyo kas—"
don't worry alam ko ang minimum charge ng room. here's my card.
"pero mam—"
it's ok. ahm raffy? di ba? charge mo na jan.
"eh kasi po mam—"
sige na ok lang.
lumabas ang waiter. maka-ilang saglit. may binatang pumasok sa silid. at dahil sa malalim na pag-iisip hindi muling napansin ng dalaga.
mam. here's your card. your latte is on the house.
tila pamilyar ang tinig. lumingon ang dalaga. may nakangiting binata na nagaabot ng kanyang credit card.
richard? what are you doing here? bakit nasayo ang card ko? don't tell me ikaw ang nagbayad ng inor—
hey! wait up! andami ng tanong. isa-isa lang mahina ang kalaban
sorry.
it's ok. i'm here to return you credit card ayaw mo na daw kasing umorder sabi ni raffy. and no, hindi ako ang nagbayad ng latte mo
so who paid for my drinks then mr. faulkerson?
it's on the house
says who?
says the owner
OOHHH MY GOD!!! YOU OWN ROSARIO'S?
teka naman wag ka naman sumigaw.
sorry sorry sorry. nabigla lang ako.
nakakatuwa ka naman mabigla. but yes, we own rosario's, we, meaning my family. wait up. are you... ahh... have you been crying?
nope. ahm. puyat lang.
hindi kumbinsido ang binata. subalit ayaw nyang manghimasok. sa kabila ng lungkot na nakikita nya sa mga mata ng dalaga. isa lang ang naisip nya. paano ba nya ito mapapasaya.
mukang di mo gusto ang food namin. may malapit na mcdo dito. let's have french fries?
isang alaala mula kagabi. yung ngiti. french fries. sobra pa nga sa ngiti ang nakuha nya. may yakap pang kasama. french fries. baka sakaling gumana. baka sakaling ngumiti ulit sya.
oh no. actually favorite ko dito. the moment i found out about this place naging favorite ko na. parang love at first sight ganun. madalas ako dito lalo na pag nag-proofread ako. but fries sounds good. libre kita?
gumana. napangiti sya. french fries. hindi man yakap ang kasama ng ngiti. pumayag naman syang bumili sila. magkasama.
if i remember it correctly ms. mendoza, ako ang nagyaya, so technically it should be my treat
on the house na yung latte ko. bawi lang? please?
hmmmm.... sige na nga. mahirap makipagtalo sa pagkakasabi mo ng please.
ahm. wait. book lang ako ng uber
i have my car
kasama mo si kuya eric?
really? si kuya eric talaga ang hinanap mo? well, sorry to disappoint you but he's off. and i guess now is my chance to redeem myself sa claim ko kagabi na pinagdudahan mo. i'll drive this time
hahaha! owwkkeeiiii!
sana lagi kang ganyan. nakangiti. masaya. may kislap ang mga mata. mas bagay sayo. gusto kitang tanungin anong dahilan ng iyong kalungkutan, subalit alam kong di ko yun karapatan. ngunit hindi ko man malaman ang kasalukuyan mong pinagdadaanan, sisikapin kong mapangiti ka sa lahat ng alam kong paraan. makakalampas ka. bukas. sa mga susunod na araw. makakalampas ka sa kalungkutan. at lahat ng ito magiging nakaraan na lamang.
let's go?
let's go then.
******************
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro