Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

assumption vs. confirmation


"boss busangot agad? darating na bukas oh" tukso ni jerome

"oy je tikom mo bibig kung hindi ka pa handang mawalan ng trabaho. mainit ang ulo ni nuggets—aaarrraaayyy!!!!" bawal ni albert sa kaibigan

"ssshhhhh tumigil na nga kayo! mukang ako pa yata nagpabad vibes dyan sa boss nyo" saway ni chloe

"uy babe ano ginawa mo?" tanong ni nuel

"eh kasi naman babe di ba nga nakila andrea ako kanina eh malapit yung bahay nya kila richard sabi ko makikisabay ako. hindi ko naman alam na kausap nya pala si kumander. ayun nakita ako sa video chat yun pa naman yung inaya ko na si boss na umalis"

"ay naku cleng ikaw pala ang may sala eh! uyy nuel lagot kayo ng jowa mo!!!! haaallaaahhh!!!" tukso ni je

"babe bakit naman kasi kay boss ka pa sumabay sana nagpasundo ka na lang sa kin" baling ni nuel sa nobya

"hoy aswang! tinext kita sabi mo nga di ba ok lang na kay boss na ko sumabay kasi malapit lang kila boss? wag ka nga! tsaka hindi ko rin naman kasi alam na magka-facetime sila ni french fries!!!"

"naakkuuuu!!!! hindi ka pa naman kilala ni french fries wala na sya nung sinagot mo si nuel! mukhang hindi ako ang unang mawawalan ng trabaho hehehe"

"ang gago nyo talaga solusyunan na lang natin" sabat naman ni greg

"ayan naman ang gusto ko sayo gregoryo eh! sige ano gagawin natin? tawagan si french fries at tayo magpaliwanag eh di pa nga natin natat—"

FUCK!!! she's not answering my calls!

"aahhhh boss.... kalma lang tayo baka masira yang phone mo lalong di mo matawagan" suway ni albert

naka-voice mail na pano ko pa matatawagan?!

"boss tama naman si bert. relax muna baka naman nagpapahinga na si french fries maaga pa ang flight nun di ba?" segunda ni greg

teka lang. bakit nakiki-french fries kayo? french fries ko lang yun! wag nga kayo! baka bigwasan ko kayo dyan eh

"ayun na nga ang sinasabi namin boss baka nagpapahinga lang si french fries MO... next time kasi guys linawin nyo... french fries kasi ni rj yun ganun! tsaka sayo naman talaga boss. walang aagaw. support system mo kami oh" tanggol ni je sa mga kaibigan

she dropped the call. hindi ginagawa sa kin yun ni nico.

"boss sorry na po... hindi ko naman kasi alam na kausap mo pala si ms. maine"

ei cleng it's not your fault. hindi kasi ako nakapagpaalam na lalabas ako ngayon. biglaan naman kasi tong lakad natin

"boss baka naman nagselos kay babe si maine. hindi kaya?" tanong ni albert

selos? bakit naman? girlfriend mo si chloe ano naman ipagseselos ng french fries ko dun?

"alam mo ricardo matalino ka lang talaga sa negosyo at gwapo ka lang dahil sa dimple mo pero ang shunga mo sa pag-ibig"

iayos mo je baka bukas ipa-update ko na curriculum vitae mo!

"boss sabi ko nga di ba ang gwapo at ang talino mo di ba? ang sinasabi ko lang naman eh baka naman kasi.... alam mo na hindi pa naman nya alam na girlfriend nitong si nuel si chloe eh akala nya ka-date mo ganun!"

bakit naman niya maiisip na ka-date ko si chloe?

"sabi na eh! je sayo ko dito. pero dahil siya pa rin ang boss magiging mahinahon ako. boss ang ibig namin sabihin kinakalawang na ang instinct mo. bakit ka naman biglang papatayan ng facetime nung biglang nakita si chloe? spell natin S sor sierra E for echo L for lima O for oscar S for sierra. oh repeat after me boss" sabat ni albert

teka ibig mong sabihin may posibilidad na nagseselos si nico?

"ay boss hindi... hindi talaga.... ang slow nga! booosssss!!!! hindi ba obvious? di ba binabaan ka ng tawag?" paliwanag ni je

oo

"oh tapos tumawag ka ulit"

oo

"tapos di ka na sinagot?"

oo

"oh tapos nagmessage ka?"

oo

"hindi ka nireplayan?"

hindi

"sinubukan mo ulit na tawagan?"

oo nga

"hindi ka pa rin sinagot?"

hindi nga

"ngayon voice mail na?"

oo — teka!!! paisa-isa eh ano ba!

"ayun na nga boss oh! bingo! jackpot! eureka! game over! checkmate! hole in one! selos yan"

nagse— nag— nagseselos si nico?

"ricardo isa pa. je pigilan mo ko bibigwasan ko yang boss mo" pahayag ni nuel

"oh easy... easy lang! gwapo lang talaga eh! mahina sa pakiramdaman" suway naman ni greg

"ako rin eh kanina pa ko nagpipigil! gigil ka dude!" biro ni albert

anong gagawin ko?

"HUWAW! ano ba ginagawa sa babaeng nagseselos?" tanong ni je

wala naman syang dapat ipagselos.

"teka boss... kinikilig ako"

"hoy cleng di ka pa abswelto dyan mamaya ka na sumali sa usapan" anas ni greg

"eh bakit ba? sa kinikilig ako eh! ang sweet kaya pag nagseselos kaming mga girls... tapos aamuin nyo kami... haaayyy..."

wait! so cleng kailangan kong amuin si nico?

"ayyy babe oo nga tama si je..."

"ano naman itinama nyang tukmol na yan?"

"confirmed! gwapo lang si boss. pero shunga"

ewan ko nga sa inyo! aalis na ko! walang matinong kausap sa inyo!

"boss naman kasi! yun na nga yun eh! amuin mo! ibeybi mo ganun! lambingin mo, chance mo na boss oh!" paliwanag ni nuel

"boss pagkakataon na to! totohanin mo na yang pagpapanggap! umamin ka na! ayan na yung sign oh!" gatong naman ni albert

anong sign?

"inlove din sayo yang babaeng tinitibok ng puso mo"

"ang lalim nun gregoryo! pero infairness, may katotohanan!" sang-ayon ni nuel

"boss pagdating sunggab agad ganun! wag mo ng bigyan ng pagkakataon na makapalag. butterfly guard tapos sundan mo ng double leg take down tapos geta-katami!" biro ni albert

"oh sige i-mix martial arts mo pa! siraulo ka eh. pero boss dun ako sa sunggab agad!" suhestiyon ni je

hindi pwede. hindi PA pwede....

"boss bakit naman? ang tanda nyo na. kilala naman na si maine nila tita. boto nga di ba. pinapakasal na nga kayo oh. pareho naman kayong single. higit sa lahat mahal na mahal mo. and by the looks of it, kampante akong mahal ka rin. anong problema?"

je, she's not yet ready

"how did you know? tinanong mo na ba?" tanong ni albert

"oo nga boss. tinanong mo na ba?" segunda naman ni greg

"oo nga tinanong mo ba?" ulit ni je

i don't need to ask. i know

"by assumption? ikaw ang nagsabi sa min di ba, hanggang walang confirmed rejection tuloy ang presentation" kontra naman ni albert

nicomaine is not a business proposal

"boss hindi naman yun ang ibig sabihin ni bert ang punto lang naman namin it's the right time to let her know kasi ang tagal ng panahon na pinaparamdam mo di ba? baka naman bilang babae gusto din nyang marinig" paglilinaw ni greg

"boss i couldn't agree more. siyempre sa aming mga girls ang sarap maramdaman pero kung wala rin kayong sasabihin to confirm your actions mahirap naman mag-assume baka mamaya humopia lang kami tapos pa-fall lang pala yung guy" paliwanag ni chloe

salamat sa concern nyong lahat but we're not yet there. SHE's not yet there. and it's ok..... i'm ok.... loving her from afar....

"boss malala pagka-inlove mo kay maine noh? never... as in never kita nakita nagkaganyan sa babae" testimonya ni je

"so what makes her different? i mean, don't get me wrong, we like maine for you, gusto ko lang malaman para alam namin pano kami magbaback-up pag naipit ka" tanong ni greg

walang dahilan. there's no logical reason i can give. basta ang alam ko sigurado akong mahal ko siya kahapon, ngayon, mamaya, bukas, sa mga susunod na araw at gabi, sa kahit anong oras at panahon.

nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan na parang nagkakaintindihan. para sa kanilang mga lalake, eto na yun. tapos na ang laban. yung end game sabi nga ng karamihan.

"pucha! may first lady na ang kumpany! pare congrats! final stretch na tayo!" biro ni je

"pare kahit anong suporta. kung gusto mo kidnappin na namin. sabihin mo lang. wag kang mag-alala hindi kami papayag na mawala sayo yan" panigurado ni greg sabay tapik sa balikat ni rj

"kung gusto mo, gabi-gabi haranahin natin, o kaya magtanim na ako ng flower farm para araw-araw papadalan natin ng bulaklak. 101% ang suporta namin sa lovelife mo" pahayag ni nuel

"basta ako sagot ko na yung kalapati!" tukso ni albert

"ahm.. boss.."

yes cleng?

"ako boss isa lang ang sagot sayo at eto talaga garantisado"

and that would be...?

"she does love you too... and i'm not guessing..."

sana nga cleng... sana nga because it would make me the happiest...

*********************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro