Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ang paghingi ng kamay


love, i went to australia a week after you flew to milan...

you what!?! teka lang jay, magkalinawan tayo ha pumunta ka sa australia and... and you... you asked my hand for marriage?

he grinned at her like a kid who just brought home 5 stars from school

yes love he confirmed sheepishly

now confusion is very much evident on her eyes. and he knows that's valid, after all they were not even a couple.

bakit? ang gulo-gulo. isn't it that we agreed to establish our relationship yesterday night?

correct

sooo... that being said hindi pa tayo namanhikan ka na sa mga magulang ko?

uhhmmm parang ganun na nga... he said while grinning

uhmm... pano nangyari yun?

he laughed at her bewildered face. he then ran his fingers to trace the outline of her face and kissed her to ease her out. he knows she's overthinking.

love sabihin na lang natin na sure akong pakakasalan kita. na ikaw lang ang babaeng hihintayin ko sa altar. kaya kahit na hindi ako sigurado kung papayag ka i took the liberty of doing the right thing

alam nila tita rose?

and dad and riza. they flew in two days after i arrive

she bolted and nearly jumped off the bed

WHAT?! si tito?! pati si riza?!

uhhmmm... love... ga-galit ka ba?

hi—hindi po... nabibigla lang ako

kwento gusto mo?

i definitely deserve that

         [ balikan natin ang naganap sa australia ]

"richard! hijo!"

he smiled when she saw the lady waving at her. he just deplaned from a seven hour flight to melbourne. he approached the lady, beside her is nico's brother, dean, whom he also met thru skype last christmas.

tita meann kumusta po

"naku halika nga payakap nga ako"

he gladly accepted the warm hug given by nico's mom, while he nodded to dean who patted his shoulder

"musta flight bro?" dean asked while getting his luggage

ok naman kuya, tinulog ko lang eh. ako na medyo mabigat yan

"ako na. hindi ka na pakakawalan ni nanay. nay mauna na po ako sa sasakyan"

"o sige na para hindi mo na ako madaliin maglakad"

"rj, hintayin ko na kayo sa may parking nakatulog kasi si mackie kaya hindi na sila bumaba ni misis" dean said then waved at the two

sige ako na bahala kay tita

"anong tita?!?! NANAY!." nico's mom debated

he scratched his head. he confessed to her mom that he's inlove with nico for the longest time. boto naman agad ito sa kanya. ito rin ang laging nangungulit sa kanya na umamin na kasi hindi na daw sila bumabata.

"o bakit ka nagkakamot diyan? wag mong sabihin na pumunta ka lang dito sa australia para lang kumustahin kami at wala kang balak mamanhikan?" nico's mom glared at him

ahh tita.... eh... yun naman talaga ang balak ko pero siyempre po mag-eexplain pa ko he shyly admitted

"buti naman akala ko madidisappoint kami ng tatay eh"

PO?! paano po nalaman ni tito?

"siya kaya ang nagsabi sa kin"

pano po ny—

"hahaha naku ewan ko pero nung gabing tumawag ka sa amin na nagtatanong kung pwede mo kaming dalawin pagka-end mo nung video call tumatawa si teodoro"

bakit po?

"sabi nya, nanay ipagpatahi mo na ko ng barong tinanong ko pa siya bakit, tinawanan ako sabi niya, nay ganyan na ganyan itsura ko nung kinausap ko ang papang para mamanhikan, ayun ako pa ang nagulat sabi ko pa nga hindi ka pa umaamin eh"

bistado na pala ako ni tito ted

"tatay. mula ngayon bahagi ka na ng pamilya. alagaan mo ang bunso ko ha"

nay pangako po yan. salamat po sa tiwala nyo.

"pagpasensyahan mo na ha. may pinagdaanan kasi yang bunso namin eh. masasabi din nya sayo anak, hintayin mo lang ha. wag kang maiinip"

hindi po mangyayari nay. hindi po ako maiinip at higit sa lahat hindi naman po mahalaga sa kin kung malaman ko o hindi. hindi naman po importante yung nakaraan, ang mahalaga po yung ngayon at yung mga susunod na bukas

"anak salamat." she said as her tears fell.

naku nay wag naman po kayong iiyak. baka sabihin nila masamang anak ako niyan  he told her soon to be mom then wiped the tears on her cheeks

"naku oo nga." she said while both her and rj are drying her tears, "pero masayang-masaya ako, rj. panatag na ako kasi alam kong mamahalin mo ng buong-buo ang anak ko"

promise yan nay. mahalin man ako ng bunso nyo o hindi, mamahalin at mamahalin ko pa rin po siya

"naku hijo. mahal ka nun. natatakot lang"

sana nga po nay... sana po

he opened the car door and asisted nanay while getting inside the car.

"o brad, mukhang tapos na yung marriage seminar part 101 mo ah" dean grinned when they entered the vehicle

"ikaw na bata ka! tara na nga at naghihintay ang tatay"

"ay brad misis ko nga pala si michelle, and our son mackie, kaso tulog pa rin, maghanda ka mamaya kukulitin ka nyan, mimi, si rj, future husband ni maine"

"uyy hello, congrats naman and welcome to the family" bati ni michelle at bumeso sa pisngi ng binata

nice to meet you, ms. michelle

"ate mimi na lang, bawal ang pormal sa pamilya, oh nay nasabi mo na ba ang litanya mo sa mamanugangin mo?" baling ni mimi sa nanay nila sabay tawa

"kayo napaka mga sutil nyo talaga! hintayin nyo kaya ang litanya ng tatay! wag nga kayo diyan. akin na yang apo ko at lumipat ka na sa harap para makapagpahinga kahit papano si rj"

"wow bayaw spoiled ka agad kay nanay ah! kuhang-kuha ang boto ah!"

"hoy nicholas gaudencio! ako tigil-tigilan mo baka hindi ko ipauwi tong apo ko sa chicago!"

"buong pangalan talaga nay?! sabi ko nga nay titigil na oh! makabanta! bakit kasi di na lang kayo pumunta ni tatay sa chicago"was

"oo nga nay, magbakasyon muna kayo ng tatay" sang-ayon ni mimi

"sa isang buwan kami pupunta, gusto nyo isabay na namin si mackie pagpunta dun"

"nay sabi ko nga oh hindi na kita aasarin. magmamaneho na lang ako"

"oy hala kayo baka naku-culture shock na si rj sa pamilya natin sige kayo baka tayo pa maging dahilan ng pag-atras nyan" biro ni mimi

ate hindi mangyayari.  mabilis na sagot ni jay sabay ngiti

"naks!!! yun naman eh! kaya pala botong-boto si tatay eh halos ipamigay na si bunsoy" tawa ni dean

"gusto mo pa ba talagang maisabay nyo pabalik ng chicago si mackie?" banta ng nanay

"eto na nay shatap na talaga ko" kontra ni dean

"oh kayo naman rj, kelan nyo kami bibigyan ng apo?" bigla nitong tingin kay richard

biglang napaubo si rj sa tanong ng nanay ni nico. sino ba naman ang hindi. hindi naman mapigil ang kakatawa ng mag-asawa sa harap ng sasakyan.

"wow naman tayo nay sa tanong oh! hot seat agad si bayaw?! ano bayaw ok ka pa?" pang-aasar ni mimi

ok pa naman. nagulat lang. si nanay kasi yung tanong... sabay kamot ng binata sa batok

"oh bakit? ano bang mali sa tanong ko? isa pa, wala pa ba kayong balak?"

nay naman hindi ko pa nga maligawan oh tapos hihingan mo kami agad ng apo?

"aahhh... aba malay ko ba na hindi pa kayo gumagawa eh kung hindi si maine ang natutulog sa bahay mo, ikaw naman ang natutulog sa bahay nya. anong ginagawa nyo magdamag, aber?
nagmo-mobile legends?" kantiyaw ni nanay na ikinapula ni rj.

alam naman talaga nila ang set-up ng dalawa at talagang naguguluhan sila kung bakit ang pakilala ni maine kay rj ay kaibigan lang. yung mag-asawa naman sa harapan hindi na halos makahinga sa kakatawa.

"nay, ikaw kaya tigilan mo na si rj! grabe na yung pula ng tenga oh! hahaha" paninita ni mimi

"oh eh bakit naman? ano naman ang masama sa sinabi ko? masama bang isipin na gumagawa na sila ng apo namin ng tatay nyo? tsaka kaya nga ako nagtatanong. TO CONFIRM. mga ano din kayo eh" balik ni nanay

ahm nay. sinasabi at nagpapaalam naman po ako kapag sinasamahan ko si nicomaine, at kapag nagpapasama lang naman po. wala po kaming ginagawang masama

"ay hindi naman masama kung gagawin nyo—"

"NAY!!!" sabay na bawal nung dalawa

"OY! magdahan-dahan kayong dalawa diyan, sinisigawan nyo ba ang nanay?!"

"hindi naman po nay nagpapaalala lang po" pagklaro ni dean

"ano bang mali sa sinabi ko? ke tatanda na nila o! tsaka hindi naman masama kung gagawa na sila in advance para makarami, di ba?"

"nay pinagpapawisan na si rj. ibahin na nga kasi ang usapan"

nay hayaan mo po pag sinagot na ko magpapaalam ako agad sa inyo ni tatay

"ay naku pag sinagot ka pwede ba ideresto mo na! papaalam pa? ano kayo teenager?"

hay naku nay pinagpapawisan ako sayo sobra

"eh ano pa pag ang tatay na ang kausap mo? ano malulunod  ka na??? "

he swallowed hard.... this is going to be a long night....

                                **************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro