Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ang pagbibigay ng hinihinging kamay


oh my gahhddd!!! nakakahiya ang pamilya ko!!!! nico said and covered her face

hahaha grabe ka naman sa kanila... i love them

juskopo! wala na akong mukhang ihaharap sayo!

love... huy.... ang saya nga ng pamilya mo eh

he tried to take off her hands that's covering her face

iiihhhh... bakit di pa ko maging halaman ngayon

he laughed at that then hugged her

o sige ulan na lang ako para babasain kit— ARRRAAYYY!! looovveee... ang sakit ng ngipin mo

napakaharot mo! pati ba naman pagiging halaman ko may banat ka pa rin

ako pa ba? ok ka na?

ok na

o tuloy na natin yung marriage seminar part 202, tatay version...

           [ going back where we left off in australia ]

"teddy nandito na kami" sigaw ni nanay pagpasok namin sa bahay nila

bigla naman lumabas si tatay galing sa kusina na may dalang pyrex

"mabuti naman aba eh baka lumamig na itong mga niluto ko, o rj musta ang biyahe?"

lumapit ako sa tatay para magbigay-galang

mano po tito.

"tatay! batukan kita diyan eh. kaawaan ka ng Diyos"

"hay naku tay sinabihan ko na yan kanina eh" pahabol ni nanay

sorry po nakalimutan lang

"mas guwapo pala sa personal itong mamanugangin ko no. sigurado ako magaganda at mga gwapo rin ang mga magiging apo ko sa inyo" biro ni tatay

"oy tay bakit gwapo naman si mackie ah" sabat ni dean

"eh natural gwapo talaga si mackie, ang ganda kaya ni mimi! tumigil ka nga!" baling ni tatay kay kuya dean

"wow naman! tay ako yung anak mo dito oh paalala naman" singhal ni dean

"aangal pa siyempre naman gwapo ka kamukha kaya kita! di ka na mabiro."

"parang napilitan lang ah!"

lumapit ang tatay kay dean at hinawakan ang mukha nito

"ang gwapo oh! sa tingin mo ba papatol sa atin yang mga magagandang asawa natin kung hindi tayo saksakan ng gwapo?!"

"weh! stir ka pa dyan tay! kain na nga tayo gutom na ko. ay bayaw upo na ganito talaga lang kami masanay ka na"

ang saya nga eh. wag kang mag-alala kuya ganito din ang pamilya ko

"anak, upo na hintayin lang natin si nanay at mimi, hoy nicholas nasan na ba ang nanay at asawa mo?"

"taayy! dean kasi!"

"batukan kita dyan eh alalahanin mo ako nagbigay ng pangalan mo!"

"nasa taas po pinapalitan na ng pantulog si mackie" maktol ni kuya dean

it really felt home. a family it is....

after the mendoza matriarch and dean's wife came back we all sat for dinner.

"anak kain ka ng marami, si tatay lahat ang nagluto nyan. tinanong namin kay bunso ang mga paborito mo eh, pero wag kang mag-alala di namin sinabi na pupunta ka" nanay said while pouring some water in my glass

"unahin mo yang bopis sabi ni bunso yan daw yung hindi nya maluto na paborito mo eh" sabi ni tatay

true enough all the dishes i love the most are prepared. during dinner i learned that nico's father is working as a chef de cuisine in a french restaurant while her mom teaches at an international school. his brother is a web developer and michelle is a front desk manager. they also have a helper that they treat as a family, yaya pearl who took care of nico and dean when they were young.

after dinner we settled in their patio to have a few drinks while yaya pearl watched over mackie who was knocked out since they also arrived early this morning from chicago.

"anak umiinom ka ba ng beer?" tanong ni tatay

opo pero konti lang po

"ay naku nay binawalan yan ni bunso!" biro ni dean

uy hindi naman kuya, medyo pinapaalalahanan lang kasi alam nya na mahina ang baga ko  paliwanag ko

"o! bingo! sabi ko na eh! hayaan mo brad hindi ka naman namin maisusumbong eh" sabi ni dean sabay tawa

"ikaw talaga dean, natural malamang takot yang kapatid mo na mabiyuda agad" sabi naman ni tatay sabay tapik sa balikat ko

"ay oo nga pala, tay ikaw naman ang maglitanya sa anak mo" utos ni nanay

"kelan ba ang kasal?" tanong ni tatay sa akin

napakamot tuloy ako ng ulo. kung ang iba halos mamatay sa takot sa pamamanhikan ako naman hindi pa nga sinasagot ng anak nila tanggap na

tay naman hindi ko pa nga po napapasagot eh

"oh anong balak? kilos-kilos din pag may time" pang-aasar sa akin ni tatay

"sabi ko nga tay dapat nga ang tanong natin kelan manganganak eh!" dagdag pa ni nanay

naubos ko yata yung laman ng bote ng beer sa isang tunggaan

nay naman... hindi pa nga po handa si nicomaine magpaligaw eh

"eh kung hindi mo madaan sa santong dasalan aba eh sabi nga dun ka na sa santong paspasan!" sabay tawa pa ni tatay

"yun nga rin sinasabi ko tay eh, aba'y tumatanda na tayo gusto ko pang masabayan na tumakbo ang mga magiging apo ko sa kanila ni bunso" sang-ayon ni nanay

"bayaw hindi naman halata na gustong-gusto ka nila nanay at tatay noh?" sumali na rin si ate mimi sa pang-aasar

"bayaw ganito kasi yan, yang si bunso mahal na mahal namin. don't get us wrong. hindi naman sa pinamimigay namin si maine. pero parang ganun na rin hehe joke lang. gusto lang namin na maging masaya siya."

"totoo yun rj. bilang ama wala naman akong ibang hiniling kundi ang maging masaya ang mga anak ko... alam mo kasi hijo, ang tagal-tagal kasing nalungkot ng anak ko eh. and tagal kong hindi nakita yung mga ngiti nya. ang sakit nun sa akin anak... yung wala akong magawa para sumaya ang anak ko... ang sakit dito" hinawakan pa ni tatay ang kaliwang dibdib nya kasabay ng seryosong pahayag

napansin ko ang pangingilid ng luha nila ni nanay. hindi ko man alam ang pinagdaanan nya pero ramdam kong naging mabigat iyon para sa kanya at sa kanilang buong pamilya.

"alam mo anak, malamang hindi pa niya nasasabi sayo pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng pinagdaanan nya maibabalik yung mga ngiti nya ulit. yung dating bunso namin na hindi nawawalan ng dahilan para ngumiti."

"nay, wag ka ng umiyak. nalampasan na ng anak natin yun." niyakap ni tatay si nanay na sa puntong iyon hindi na napigilan ang mga luha

"mabait ang kapatid ko rj. she never failed to make us all happy. she was selfless. she was our own ball of sunshine. not until she made a wrong decision. she was never the same after that... hindi man niya sinasabi sa amin but we felt her pain no matter how much she tried to hide it. i lost my baby sister... we lost her, rj... until you came..." testimonya ni kuya dean na sa ngayon ay hinahagod naman ni ate mimi ang likod

wala akong masabi. ramdam na ramdam ko yung sakit. parang dinudurog ang puso ko.

"mula nung nakilala ka niya, she started to open up again. her calls became more frequent. she learned to smile again. then we started hearing her laughter more often. you gave her back to us, rj. binalik mo sa amin yung bunso namin... maraming salamat anak"

hinawakan ni tatay ang balikat ko at sabay sila ni nanay na yumakap sa akin. hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. i may not know what she's been thru but i'm glad to know i made her smile again

"akala ko nun hindi ko na ulit makikitang masaya ang bunso namin ng tatay. pero palagay ko malakas ako sa nasa itaas at nagawan nya ng paraan na magkakilala kayo. at yun ang habang buhay na ipagpapasalamat ko anak... yung dumating ka..."

nay mas nagpapasalamat ako kasi nakilala ko po siya... wag na po kayong umiyak nay, hinding-hindi ko po iiwan ang bunso nyo. pangako po

"buntisin mo na kasi!" kuya dean said to break the ice

we all laughed. a good one. without any heartbreaks. free from the hurt of the past. it may be a scar right now which only meant one thing, the wound has healed. and i'm grateful i took part on healing it...

papakasalan ko po muna...

tinitigan ako ni tatay, matapos ay bumaling siya kay nanay na nagbigay ng isang ngiti at tango. muli niya akong tiningnan at hinawakan ako sa balikat

"rj, kung ito na yung pagkakataon na humihingi ka ng permiso para kunin na ang kamay ng dalaga ko... buong-buo ko na itong ibinibigay sayo..."

                                ***************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro