agam-agam
"oh ano hindi mo na naman nasabi" bungad ni kuya eric
baka po kasi talagang hindi pa oras
"hoy tisoy.... halos isang taon mo nang binabalak to, nagbago na ba ang isip mo?"
hindi po. pano ko rin naman sasabihin eh hindi nga dumating. nagpadala pa nga ng re-inforcement
"eh yun na nga, mukang yung re-inforcement nga ang —-"
kuya eric please lang wag nating idamay si nicomaine sa usapang to
"WOW!!!! sabi ko na nga ba iba ta—-"
sssshhhhh!!! ano ka ba kuya! hindi pa nagpapatay ng ilaw mukang di pa tulog
"at hihintayin natin na magpatay ng ilaw bago tayo umalis? ano na tisoy?" may panunukso sa kanyang tanong sa binata
kuya please lang wag muna natin isama sa usapan si nicomaine
"ok balato ko sayo ngayon ang gabing to.... pero iba kasi yung ningni—- sabi ko nga hindi kasama sa usapan si ms. maine.... makatingin naman tong alaga ko! o sige aber pano na ang plano mo purnada na naman. eh ilang beses mo ng pinaplano yan mukang wala na yata balak makipagkita yang girlfriend mong hilaw"
kelangan ko na siyang makausap kuya.
"matagal mo na syang dapat kinausap, puntahan mo na lang kasi, puro ka plano puro ka plano ilang beses ng sumasablay ang plano mo kelan mo pa masasabi kay alex?"
kuya alam mo naman na hindi kami pwedeng basta-basta magkita.
"ano? dahil masisira ang career ng modelo mong girlfriend? lahat na lang patago? hanggang sa planong ito ba naman patago pa rin? eh pagkatapos naman ng balak mo hindi na magiging problema eh"
alam ko nama— kuya sandali lang si alex tumatawag...
"hon?"
alex
"galit ka pa?"
i'm not
"i love you hon"
kaya ba hindi ka na naman nakarating?
"hon may shoot kasi ako biglaan"
look alex, we need to meet up
"alam ko hon marami na akong atraso.... i'll fix this... last project na"
let's have dinner tomorrow
"hon....."
you have a commitment, i guess
"hon..."
i get it alex.... you're committed to work, but not to our relationship
"hon... i thought you understood.... from the start napag-usapan naman natin ang set up na to di ba?"
i know alex.... believe me alam ko ang pinasok ko. but we have to talk. it's very important. i wont accept anymore excuses
"hon.... tinatawag na nila ko... i have to go... i'll text you sige na, i love you hon, bye"
———
"oh ano? binabaan ka na naman?"
kuya eric you're not helping
"hindi ka man lang binigyan ng chance makapag-aylabyutu. pero mag-aaylabyutu ka nga ba?"
mas lalo mong pinapasakit ulo ko kuya
"kanina lang kaya ang lapad ng ngiti mo! ngayon sambakol ka na naman! text ko nga si mai— hoy! bakit mo ba inaagaw celfone ko—"
kuya eric isa! wag mo nga kasi idadamay dito si nicomaine. tsaka akina na muna tong number nya hindi ko nakuha kanina
"HOY RICHARD PINALAKI KITA NG MAAYOS! kung gusto mong malaman ang number ng isang babae hingin mo sa kanya at wag mong magamit-gamit sa kin yang pag-nguso-nguso mo dahil kay maine lang yan umeepek! WAG AKO RICHARD!"
sorry na po! kuya eric please naman pakuha na ng number ni nicomaine
"pag-isipan ko.... tanong ko muna sa kanya kung ok lang — uy halika na at nagpatay na ng ilaw mukang natulog na"
sige tara na kuya. tsaka bukas mo na itext ha baka magising mo pa
"oo na! pero parang awa mo na tisoy tapusin mo na yang plano na yan kay alex"
opo kuya... ngayon pa ba?
"yang ngiti mo uy, mapupunit na yang pisngi mo"
tigilan mo na nga kakatukso kuya! wag muna... tatapusin ko muna ang dapat kong tapusin
"dapat lang. tsaka tisoy matagal ko na kasing sinabi sayo hindi mo na maibabalik yung pagmamahal na yun kasi nawala na. tigas din naman kasi ng ulo mo eh"
kuya kasi nung mga panahong yun mahirap naman hindi ko isipin, tatlong taon na kami nun eh.... hindi ko naman alam na posible pala talaga....
"posible ang alin?"
na dahil ilang gabi ka ng napapagod kakaisip ng mga dahilan nakatulog ka na lang tapos kinabukasan nagising ka na lang na wala yung pagod kasi naipahinga mo na. kaya lang kasama nung pagkatanggal ng pagod wala na rin pala yung pagmamahal....
"alam mo nak.... hindi kita kailanman masisisi.... minahal mo naman talaga si alex NOON.... nakita ko yun eh.... pero may isang bagay akong hindi nakita sayo kahit nung mga panahon na alam kong mahal mo sya"
ano po yun kuya?
"hindi ko nakitang masaya ka"
anong ibig mong sabihin kuya
"hindi ko nakita yung mga ngiti at tawang nakita ko kanina"
mali ba?
"kung hindi mo muna aayusin ang magulo magiging mali"
ayokong isipin nya na may kinalaman sya
"bago mo pa sya nakilala matagal ka ng nakapagdesisyon na tapusin na ang relasyon nyo ni alex"
gusto ko lang naman syang maging kaibigan
"ahhhh!!!! talaga ba?!"
kuya eric bestfriend nya si alex
at?
at magiging ex-boyfriend ako ni alex
at?
sa tingin mo ba gusto nya pa kong maging kaibigan?
"so hindi ka makikipaghiwalay kay alex para manatili kayong magkaibigan ni ms. maine?"
———
"anak, kung ayaw mong mapaso wag kang maglalaro ng apoy"
hindi ko naman po balak paglaruan si nicomaine. pero naguguluhan po ako. kung mawawala si alex ngayon. mawawala din si nicomaine.
"anak dun ako sa tama. kung mawala man sya sayo ngayon dahil sa tamang desisyon mas may pagkakataon ka pa sa bukas. kesa sa maling hakbang na hindi sya mawala sa ngayon pero mas wala namang pagkakataon na magkaroon ng kinabukasan.... "
***********************
kay wandermagz at @cruzcmc salamat ulit sa walang sawang pagpapalakas ng loob at inspirasyon 😘😇
at dahil may isang "friend" na nadulas HAPPY ANNIVERSARY pala ha 😍😍😍 yung kaluluwa ko namasyal na naman sa kabilang ibayo!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro