Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥
Sigurado (Life Series #8)

Sigurado (Life Series #8)

644 198 21

[Ongoing]The Final Installment for Life Series.Si Xowie Salem na makabasag pinggan. Mayaman, matalino, at maunawain na babae. Bukod sa ugali niyang matapang at mataray ay namumukod tangi ang pagmamahal niya sa mga taong importante sakaniya, kahit na hindi siya maunawaan ng iba dahil sa kaniyang matalas na dila't tingin na nagiging rason ng mga pangit na kwento tungkol sa kaniya. Nakailang subok na rin siya sa paghanap ng pagmamahal na gusto niyang panghawakan kagaya ng kung paano niya panghawakan ang kaniyang pangarap sa buhay, at nang mahanap at makuha niya ang lalaking iyon ay wala na siyang ibang hangad na huwag pakawalan pa ito sa buhay niya.Ngunit magiging matagumpay ba ang paghangad ng pagmamahal sa panahong mas nangingibabaw ang pagkamit sakanilang indibidwal na hangarin at plano sa buhay? Gaano nga ba kasigurado ang isang tao sakaniyang buhay? Ano nga ba ang mas sigurado? Ang pagkamit ng pangarap o ang panghabang buhay na pag-ibig?Story Started: January 1, 2024Story Ended: ...…

Sandali Lang Naman (Life Series #7)

Sandali Lang Naman (Life Series #7)

1,525 309 34

[COMPLETED]Si Maria Ligaya, ang unang kasintahan ni Sebastian. Matalino, masipag, at maunawain na anak. Ang babaeng walang hinangad kundi ang mapasaya ang mga tao sa paligid niya, matulungan ang kaniyang pamilya, maging successful pagtanda, makamit ang kaniyang pangarap sa buhay at makaalis sa rehas ng kahirapan. Wala siyang ginawa kundi magsumikap sa lahat. Ngunit tila ba hindi nakikisama ang panahon sa kaniya. Lahat ng pinaghirapan niyang makuha ay tila hindi tumatagal.At kahit ilang taon na ang lumipas, at ilang trabaho't gawain ang kaniyang gawing libangan, sa tuwing nakikita niya ang dating kasintahan sa kanto ay bumabalik ang dating damdamin noong sila'y highschool. Ang highschool life na hindi niya makakalimutan. Ang parte ng buhay niya na ang kasiyahan at kalungkutan ay hindi magandang kombinasyon para maramdaman ng sabay. Ang parte ng buhay niya kung saan pinaniniwalaan niyang nagkandamalas malas ang takbo ng kaniyang tadhana. Mawalan man siya ng materyal na bagay, ngunit ang pagmamahal niya ay nananatili sa isang taong hirap siyang pakawalan.Story Started: April 15, 2023Story Ended: February 4, 2024…

Minsan, Madalas (Life Series #1)

Minsan, Madalas (Life Series #1)

23,937 4,153 36

[COMPLETED]Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata.Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?Story Started: June 17, 2020Story Ended: August 29, 2020…

Kapag Gusto, May Paraan (Life Series #2)

Kapag Gusto, May Paraan (Life Series #2)

6,564 1,448 23

[COMPLETED (UNEDITED) - BOOK 2 OF M,M]Ikalawang semestre at nalalapit na ang pagtatapos nila jaq sa kolehiyo. Isa sa mga panibagong hamon sa kanila ay ang Internship sa isang seat leasing company. Sa panibagong mga tao na kanilang nakakahalubilo ang siya namang pagkakaroon nila ng bagong kaalaman tungkol sa buhay. Habang nasa proseso ng paghihilom ng nakaraan si jaq, malalaman niya ang mga lihim na itinatago ng ibang tao sa loob ng kompanyang kaniyang pinapasukan at dahil dito ay mas naunawaan niya na mayroon din palang masamang bahagi ang pagmamahal at magmahal, ngunit mamumukod tangi kaya ang makulay na ibig sabihin ng pagmamahal para sa kanya? matututunan na din kaya niyang magmahal muli sa pagkakataon na ito?Story Started: August 28, 2020Story Ended: October 5, 2020…

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series #3)

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series #3)

5,963 1,008 31

[COMPLETED]Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam.Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas?Story Started: October 24, 2020Story Ended: December 27, 2020…

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)

3,467 720 32

[COMPLETED]Pagkatapos sa kolehiyo, Si Niccolo ay nakikipagsapalaran sa pag-ibig. Ang kaniyang mga nakaraan na pag-ibig ay hindi tumatagal at lahat nito ay hindi maganda ang kinahahantungan. Kahit nasa kaniya na ang lahat, magandang buhay, magandang trabaho, at maaasahan na mga kaibigan ay tila ba ayaw dumagdag ng pag-ibig sa kaniyang buhay. Hanggang sa nag alok ng isang pansamantalang trabaho si lucas sa isang community college bilang isang part time professor.Habang patuloy pa din sa paghahanap ng tamang pagmamahal dahil napapansin nito na ang mga tao sa paligid niya ay nakakahanap nang kani-kanilang end game at pakiramdam nito ay nahuhuli na siya sa kanila...mahahanap na nga ba ni niccolo ang pagmamahal na matagal niya ng gustong maramdaman? maiintindihan na kaya niya ang tunay na ibigsabihin ng pagmamahal at pag-ibig?Story Started: October 08, 2020Story Ended: April 22, 2021…

Ganito, Ganiyan (Life Series #5)

Ganito, Ganiyan (Life Series #5)

3,206 582 37

[COMPLETED]Sining Fedeli, ang babaeng walang hinangad kundi ang matupad ang pangarap ng kaniyang magulang kahit na siya ay nahihirapan na. Pagka-graduate sa kolehiyo na may latin honors, siya ay nakakuha ng magandang trabaho bilang stenographer sa supreme court. Ginugol niya ang lahat ng oras at panahon sa trabaho upang maibigay ang lahat ng luho sa buhay ng kaniyang magulang...hanggang sa makalimutan na nito ang kaniyang sarili at mismong pag-ibig.Ilang beses na din siyang nabigo sa pag-ibig dahilan ng kaniyang pagsuko dito. Ngunit isang lalaki sa kaniyang nakaraan ang muling magpapaalala sa kaniya kung paano ba ang isang sining magmahal. Tama na kaya ang pag-ibig na darating sa kaniya? Kahit na alam niyang pareho sila nitong may bitbit na responsibilidad sa kanilang magulang? Ano ang kaniyang uunahin, magulang? pag-ibig? O, ang kaniyang sarili?Story Started: April 24, 2021Story Ended: November 2, 2021…

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)

Ewan, Hindi Ko Alam (Life Series #6)

2,980 454 36

[COMPLETED]Si Lucas, isang matalino't mahusay na computer programmer at isa ding baguhang part time instructor sa isang community college. Dahil bilang isang bread winner sa kanilang pamilya, kailangan niyang magkayod at mag-ipon ng pera upang mabayaran ang kanilang mga inutang noong siya'y nag-aaral pa lamang ng kolehiyo. Naging instructor siya sa programming ng mga baguhang estudyante at inalukan din siya maging isang teacher assistant ng isang grupo ng third year I.T students para sa kanilang capstone project. Doon niya nakilala ang isang babaeng hindi makabasag pinggan ngunit nang lubos niya itong makilala ay kakaiba din pala.Ang babaeng ito na nga ba ang daan upang maramdaman muli ni lucas ang epekto ng pag-ibig at pagmamahal? O, pipiliin ni lucas ang tama at uunahin ang isipan bago ang kaniyang puso? O, may iba pang balak ang tadhana't oras para sa kaniya?Story Started: November 05, 2021Story Ended: April 9, 2023…