Ang Panaginip ni Nathaniel
Isang paulit-ulit na panaginip ang bumabagabag kay Nathaniel. Paano kung isang araw, magising na lamang siya na hindi panaginip ang lahat kundi isang kasuklam-suklam na katotohanan na siya mismo ang may gawa?…
Isang paulit-ulit na panaginip ang bumabagabag kay Nathaniel. Paano kung isang araw, magising na lamang siya na hindi panaginip ang lahat kundi isang kasuklam-suklam na katotohanan na siya mismo ang may gawa?…
Romance writer si Carrie Salvacion. 'Yon nga lang, romantic tragedy ang tema ng lahat ng mga nobelang isinusulat niya. Mabenta naman ang mga akda niya lalo nang sa mga kagaya niyang nagmahal subalit iniwan kaya nagmamapait pa rin sa pag-ibig. Subalit nang mag-demand ng kwentong may happy ending ang publisher niya, doon nagtapos ang maliligayang araw niya. Paano siya magsusulat ng kwentong may happy ending e hindi nga nauwi sa happy ending ang relasyon nila ng ex niya. Walang puwang sa buhay niya ang sinasabi ng publisher niya na happy ending. At ang malalala, wala siyang lovelife, period! Aasa na lamang sana siya ng posibleng inspirasyon sa mga inirereto ng mga kaibigan at tiyahin niya kung hindi lang dumating si Aki, ang gwapo subalit medyo supladito na bagong salta sa neighbourhood nila. Kaya lang, kung galit siya sa love mas galit naman sa life ang lalaki. Hindi tuloy makabwelo ang balak niyang pagpapa-cute rito. Subalit mukhangmalakas talaga ang epekto ng pagdarasal at pagnonobena ng tiyahin niya dahil isang araw, nagulat na lamang siya nang ayain siya ni Aki na mag-date! Na-excite ang mga naghuhumimbing niyang mga hormones! Muntik na siyang mapasigaw ng "It's a miracle!"Is it really a miracle or just another story without a happy ending?…
When Tala Eloise Sandejas learned that her billionaire father was looking for a man to marry her to finally put an end to her 'wild and carefree days', inunahan na niya ito. She offered a contract marriage to some handsome and willing random guy in a club she frequents to and got hitched instantly. Subalit matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ng kanyang bagong asawa, natagpuan na lamang ni Tala ang sariling tumatakas mula rito dahil hindi ito katulad ng bayarang lalaking inaakala niya. The man she married is no other than Knoxx Iossif Stefanos Stavropoulos, the owner of a motosport company and was actually... a prince. Realizing that her plan didn't go the way she wanted to, she hid from Knoxx, hired someone to destroy their marriage records and decided to fight against her father's selfish schemes alone. Four years later, muli silang nagkita ni Knoxx. Kliyente na niya ito ngayon sa sikat na fashion house na kanyang pagmamay-ari. At mukhang determinado rin itong pagbayarin siya sa kasalanang akala niya'y naitama na niya noon. Magawa kaya ulit ni Tala na takasan si Knoxx? Will she successfully guard her heart from falling for the prince when he is now more handsome and irresistible than ever? Will she surrender to sinful kisses and just accept her punishment from running away?Or will she fight for her freedom at all cost for the sake of their son-- another prince who will be caught between the dangerous game of revenge, deceit and power for the sake of the Maritrian throne?…
Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal.Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba.Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure.Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala…
Girl friday sa umaga, estudyante sa gabi. Ganyan ang ikot ng buhay ni Samantha Bautista araw-araw. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang lalong matustusan ang pangangailangan nila ng nanay niyang may sakit. Wala sa mga priority niya ang pag-ibig subalit may secret crush siya sa bagong CEO ng kanilang kumpanya na si Aaron Miguel Sandejas. Isang gabing lasing si Aaron, nagtagpo ang kanilang landas at nalagay sila sa isang sitwasyon na nagpangyari upang kusang isuko ni Samantha ang sarili sa lalaki. Pangyayari na nagresulta sa kanyang pagdadalang-tao. Napilitan si Samantha na itago ang kanyang kalagayan. Kasabay niyon ang kanyang pagbabagong-buhay nang matuklasan niya ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Apat na taon ang nakalipas, muling nagtagpo ang landas nila ni Aaron. This time, hindi na niya ito boss, kundi isa na sa mga kliyente sa events planning company na pag-aari niya. Ikakasal na ang lalaki at siya ang events planner para sa engagement party at nalalapit na kasal nito. Ayos lang sana siya, kaya niyang magpanggap na wala nang epekto sa kanya ang presensiya nito. Kaso, kahit na anong tanggi niya, panay ang tanong nito sa kanya ng, "Have we met before?"Aaminin ba si Samantha? O maninindigan siya na hindi niya ito kilala at hindi nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila na hanggang ngayon, tila hindi nito maalala.…
Matalik na magkaibigan sina Rob at Sophie. They've known each other since time immemorial. They were inseparable. They were partners in crime. Were.Somewhere in between, may nagbago sa kanilang pagitan. Pagbabagong hindi nila kayang pangalanan. Pagbabagong nag-udyok upang tapusin nila ang kanilang pagiging magkaibigan. And just when they thought that everything is already settled and their hearts are moving on, fate gave them the biggest twist in their story-- much stronger than what they feel, more precious than their friendship, and more exciting than their own careers-- a baby! started: August 10,2016 finished: December 19,2016 edited: 202002dec…
Feeling pogi supladito at chronic womanizer, ganyan i-describe ni Belle ang ultra rich at most sought after bachelor na si Zyrone Craig . Kaya nang masaksihan niya mismo ang 'di pagsipot ng fiancee nito sa tinaguriang wedding of the year ng mga ito, kulang na lang ay magpafiesta siya dahil naniniwala siyang deserve na deserve iyon ng antipatikong binata. Achieve na achieve na niya sana ang pagbubunyi kaso habang tinatakasan nito ang makukulit na taga-media para sa isang exclusive interview ay walang sabi-sabing isinama siya nito sa pag-eeskapo!Gigyerahin na sana niya ito kaso naging sabaw lahat ng braincells niya nang bigla siya nitong alukin ng kasal! At take note, um-oo siya!Anyare?Ma-achieve naman kaya nilang dalawa ang happily every after kung para sa kanilang dalawa ay parehas silang, stranger?…
Si Raine, ang dalagang walang alaala sa kanyang madilim na nakaraan at ang tanging pangarap lang ay magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Subalit hindi naging madali sa kanya ang pagkamit ng hangarin niyang iyon dahil kay Carlo Reyes, ang lalaking nuknukan ng pilyo at kahambugan na anak ng kanyang guardian at siya ring lalaking kauna-unahan niyang minahal.Nang maghiwalay sila ni Carlo at tuluyang magbago ang takbo ng kanilang buhay, akala ni Raine hindi na sila magkikita pa. Subalit muling nagkrus ang kanilang landas nang 'di inaasahan. At sa puntong iyon, kailangang mamili ni Raine, pagtiisan ang presensya ni Carlo sa buhay niya o harapin nang mag-isa ang mga kaaway niyang konektado sa kanyang nakaraan na hindi niya maalala. #866 Date started: Dec 13, 2016 Date Finished : April 21, 2017…
Mabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di kaya ay stalker ang mga nagiging nobyo niya. At dahil parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kapalaran niya sa mga lalaki, naisipan niyang maglunoy sa alak isang gabi. Ang kaso, nabiktima siya ng mistaken identity nang muntik na siyang ma-kidnap sa bar na pinuntahan. Ang akala niya, katapusan na niya kaso may knight in shining armor pa pala sa katauhan ni Ivan Sandoval. Guwapo ito, matangkad, misteryoso, at may mga matang sing-itim ng gabi. Kaso, may pagka-antipatiko. Sinagip lang pala siya nito upang ikulong sa presinto dahil sa pag-aakalang isa siyang prostitute at drug addict! Abot-langit tuloy ang inis niya rito. Hiniling niya sa langit na sana h'wag nang muling mag-krus ang kanilang landas. Kaso pati 'yata panalangin niya sablay na rin nang matagpuan na lamang niya ang sariling nakikitira sa bahay ng lalaki matapos siya nitong muling sagipin sa mga 'kidnappers' niya. "Don't worry you're safe with me," sabi pa nito. Safe? Duda siya. Dahil sa kabila ng inis na nararamdaman niya sa lalaki, ganado sa pagtambol ang puso niya tuwing napapalapit siya rito. Mukhang willing magpabihag kay Ivan ang puso niya anumang oras. Delikado!Date posted: August 31, 2019…
To make Chief proud, 'yan ang pangako ni Andrea Cortez o Andie nang pumasok siya sa The Organization, a group sanctioned by the CIA and are tasked to protect the famous and ultra-rich. Seryoso si Andie na tuparin ang pangako niyang iyon, bayad man lamang sa pagkupkop ni Chief Elias Sandoval sa kanya mula noong katorse siya. Subalit nagbago ang lahat nang makilala niya si Damien Xander Lavigne o Dax-ang guwapo subalit hambog na roommate at training partner niya. Binalak niyang pagtiyagaan ang mga kapalpakan at kahambugan ng lalaki, kahit na makulit ito at panay ang pagpapalipad-hangin sa kanya. She even promised herself, Dax will not get under her skin. Never. Not ever. Kaya lang, Dax was more than the trouble she thought he was. And she just found herself slowly defying the very first rule in The Organization: never to fall in love with a fellow protector. Andie was suddenly placed in a crossroad. And now, she must choose which promise she needs to fulfill-- ang tawag ba ng kanyang tungkulin o ang kabig ng kanyang puso. Will she be mission accomplished or mission failed? Drafted: May 25 2017Started: August 30 2017Re-started July 27 2021…
Ang sabi nila, sa anumang social occasion, pinaka-memorable ang last dance. At plano ni Maggie na siya ang maging last dance ng bestfriend at matagal na niyang secret love na si Phil sa kanilang college graduation ball. Ang kaso, gaya sa mga teleserye, may kontrabida nang gabing 'yon na bumulilyaso sa plano niya. Umuwi siya tuloy na luhaan. At ang malala, napaamin siya kay Phil tungkol sa tunay niyang nararamdaman para dito. Kaso mukhang the feeling is not mutual, dahil mula noon, umiwas na nang tuluyan si Phil at hindi na nakipag-usap pa sa kanya. Six years later, muli silang nagkita. At ang nakakainis, kinukulit siya nito sa utang niya na hindi naman niya maalala. Plano niyang iwasan na lamang ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya kahit pa mas guwapo na ito ngayon at mas irresistible. Kumbinsido ang isip niya na madali lang naman niya iyong magagawa dahil naka-move na siya. Wala nang epekto si Phil sa kanya. Wala na talaga. Pero... kung ang puso niya ang tatanungin, wala na nga ba talaga?…
Masipag at mabuting anak si Maria Gabriela Tereza Centeno o Gabbie, for short. Pangarap niyang makapag-abroad upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Kaso, nang magpaulan ng kamalasan ang langit, mukhang may bitbit siyang drum at sinalo niya lahat! Nabangga niya ang basketball superstar na si Phoenix Castro. At labag man sa loob niya, napilitan siyang maging therapist nito nang walang bayad para lamang hindi siya nito idemanda.Noong una, ay halos isumpa niya ang gwapong basketbolista dahil sa kasungitan nito. Kaso habang tumatagal, naramdaman na lamang ni Gabbie na unti-unti na siyang nahuhulog dito. Ang walangya! Mukhang ginamit nito nang husto ang gandang lalaki nito at ang signature 3-point shot nito para tuluyang mai-shoot ang puso niya sa basket ng pagsintang tunay para dito. Kaya lang may problema. Mukhang their feelings will never be mutual dahil si Phoenix, hindi na naniniwala sa pag-ibig. Ever!Aray! Magrereklamo na ba siya ng foul? Dahil ang kamalasan, mukhang wala pa siyang balak lubayan.Date started: Nov 8, 2019…
Bangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Json dela Vega. Ayos lang ang sakit ng ulo, inaasahan niya iyon, pero ang pagkirot ng mga kasu-kasuan niya pati na rin ng pinakaiingatan niyang kabibe, iyon ang 'di niya inexpect ng bongga! Mas lalo pang nawindang ang mahilo-hilo niyang mundo nang matanto niyang katabi niya ang lalaking sinumpa niya kagabi dahil sa kahambugan nito. At ang malala mga katoto, tulad ng ganda niya, hubad din ang ginoo!Ang lalaki, walang iba kundi ang ubod ng gwapo, ubod ng yaman at lodi sa abs at crush ng buong universe na si Tyrone San Miguel. Ayos lang sana na ito ang unang lalaking naglunoy sa kagandahan niya, ang kaso nag-iwan ito ng remembrance ng isang gabing pinagsamahan nila. Hindi calling card, hindi rin kissmark, kundi bata- bata na nasa sinapupunan niya.…
Siya si Alexandria Reyes. Ang babaeng walang pahinga. Dakilang raketera ng century. Kung saan pwedeng kumita nandun din ang lola niyo. Sales lady, tutor, driver, delivery girl etc. name it she does it! No. 1 fan ni Gabriela Silang. Magsindami ng toyo ni Sisa. Tagapagtaguyod ng mga babaeng inapi, iniwan, at niloko ng mga talipandas na alipores ni Adan. Maitaguyod pa kaya niya ang mithiin ni Gabriela sa pakikibaka kung mas marami na ang toyo niya kaysa kay Sisa dahil sa pikit mata siyang nagpakasal kay Json de la Vega- ang mortal enemy #1 niya? Sundan ang mga windang moments nina Alexa at Json sa kwentong ito. ********** Highest Rank: #11 Oct 29 017 Draft started: March 10 2017 Date Published: 5/2/2017 Date Finished: 9/29/2017…
One-Shot StoryChino and Mia…
A collection of flash fiction stories and poems.…
Kolesyon ng mga dagli na di hihigit sa isanlibong salita.…
A love lost.A miracle given.A love forgotten.Can the heart really remembers what the mind forgets?Story ON HOLD…
"That, made it wrong. That, made us wrong. That, made me wrong."…
Walang kasalanang 'di kayang lusawin ng pagmamahal. Dahil ang puso, patuloy na magmamahal sa kabila ng maraming kahit na.…