Celeste: Of Beauty and Secrets
Lumaki siya na nakilala lamang sa pangalang Trese. Isang espesyal na kodigo para sa mga batang ipinanganak na walang mahika. Dahil dito, itinuturing silang mas mababa pa kaysa sa mga basura.Sa murang edad ay namulat na siya sa masalimuot na realidad. Ganoon pa man ay hindi siya sumuko sa laban ng buhay. Ginagawa niya itong inspirasyon para makamit ang mga pangarap.Dumating ang kaniyang pagkakataon nang misteryosong lumitaw ang isang lagusan sa pagitan ng impiyerno at ng kanilang mundo.Para matakasan ang madilim na nakaraan ay sumali siya sa isang grupo. Ngunit makakaya ba niyang isakripisyo ang mga tungkulin para sa inaasam na kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?…