Echoes of the Dead
Isa-isang namatay ang mga kaibigan ni Tabitha sa pinakamisteryosong paraan. Ngunit, hindi siya kumbinsido sa imbestigasyon ng pulis. Hindi siya naniniwalang magagawa na lang ng kaniyang mga kaibigan na patayin ang isa't-isa, kung kaya't nagsagawa siya ng imbestigasyon upang tuklasin ang dahilan nito. Gamit ang kaniyang hindi pangkaraniwang kakayahan na damhin ang mga bagay-bagay, unti-unti siyang nahuhulog sa patibong ng totoong salarin. Magagawa ba niyang alamin kung sino ang may sala? O isa rin siya sa magiging biktima nito?…