Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥
Farewell in Tears

Farewell in Tears

6,170 2,973 16

Sabi nila, hindi lahat ng wakas, masaya. Sa fairytale lang naman may happy ending na kapag nakita mo na si prince charming, sa huli hahanap ang tadhana para magtagpo kayo at umibig sa isa't isa. Pero kung totoong buhay ang pagbabatayan, malabo. Malayo. Si Megan ay lumaki sa may kayang pamilya. Lahat ng kailangan at luho niya ay naibibigay ng kaniyang mga magulang pero ang pagmamahal at aruga mula sa kanila ay parang ipinagkakait pa sa kaniya. Napunan ang kakulangan na iyon sa tulong ng kaniyang mga kaibigan. Simula noon, marami siyang nagawang bagay na lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Hanggang sa isang pagkakamali ang kaniyang lubos na pinagsisihan. Nagtiwala siya. Nagmahal siya nang sobra-sobra na umabot sa puntong wala na siyang itinira sa sarili. Iniyak niya lahat ng mag-isa. At siniguro niyang iyon na ang huli. Pero anong gagawin niya kung isang araw, dumating ang lalaking magpapatibok ulit ng namatay niya ng puso? Date Started: May 25, 2020Date Finished: ------…

Behind her Curse

Behind her Curse

105 29 1

[One shot story]Taglay ni Gale ang katangian ng isang babaeng pinapangarap ng lahat ng kalalakihan. Ika nga nila, nasa kanya na ang lahat kaya hindi malabong maraming lalaki ang umaaligid sa kanya. Isa sa mga ito ang nakakuha ng puso niya ngunit mayroong humahadlang.Ang sumpang nakadikit sa kanya.SUMPA NG PAG-IBIG AT KAMATAYAN. Lahat ng lalaking manliligaw sa kanya ay mamamatay sa brutal na paraan. Noong una, inakala niyang bahagi lamang ito ng sumpa ngunit nagkamali siya. Ang tanong, handa ba siyang makilala ang pumapatay gayong malapit lang ito sa kanya?…

Pangitain

Pangitain

40 21 1

[One shot story]Nagsimula ito sa panaginip. Panaginip na puno nang kahindik-hindik na pangyayari sa buhay ng isang tao. KAMATAYAN. Susundan ito ng pagkikita. Pagkikitang nagpapahiwatig ng nalalabing araw ng tao sa mundong ibabaw. ORAS NG KAMATAYAN. Paulit-ulit lang itong nangyayari kay Mikael. Wala ng bago. Nasanay na ang mga mata niyang makakita ng iba't ibang paraan ng kamatayan. Aksidente man o brutal. Hanggang sa isang misteryosong babae ang magpapakita sa kanyang panaginip. Hindi lang isang gabi kung hindi mahigit tatlong buwan na hindi ordinaryong nangyayari. Hanggang sa nagkita sila at sa pagkakataong iyon, magbabago ang buhay niya.…

The Powerless Goddess

The Powerless Goddess

25 7 1

Lahat ng mga imortal na nilalang ay may simbolo at kapangyarihang taglay. Nagsisilbi itong kanilang lakas sa pakikipaglaban. Ngunit isang diwani ang inyong makikilala. Diwani na naiiba sa lahat. Walang kapangyarihan. Walang simbolong pinanghahawakan. Matagal na panahong nakakulong si Floresca sa kaharian. Labis siyang nalulungkot sa kaniyang sinapit. Hindi niya rin maiwasang mainggit sa kaniyang mga kalahi sapagkat nagagawa ng mga itong makapamasyal at makasalamuha sa iba pang nilalang. Hanggang sa isang araw, may traydor na nagpakalat ng kaniyang pinakanatatagong lihim dahilan upang mapadpad siya sa ibang lugar na kakaiba sa kaniya. One shot entry for Meraki Writing Contest…

Haunted Scars

Haunted Scars

74 29 1

[One shot story]Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para makalimot? O baka ang tamang tanong ay, ano ang kaya mong gawin para lamang sa isang taong napakahalaga sa iyo?Limang magkakaibigan. Isang masayang bakasyon. Iyon ang inakala nila.Dahil isa ito sa mga araw na pagsisisihan nila. Pagmumulan ito ng lamat na sisira sa kanilang pagkakaibigan. Lamat na sisira sa pagtitiwala nila sa isa't isa. Lamat na ang may gawa ay sino? Sino sa kanilang lima?Winner of the M&M's Writing Contest under Mystery-Thriller genre.…

Sapantaha

Sapantaha

38 11 1

Maraming tao ang nag-aasam na magkaroon ng abilidad na hindi makakayang gawin ng isang ordinaryong tao lamang. Namulat si Mikael na bawat taong mapapanaginipan niya ay makikilala niya sa mga susunod na araw. Sa oras na tumapat ang kaniyang mga mata rito, isang kahindik-hindik na pangyayari sa buhay nito ang kaniyang makikita. KAMATAYAN.Isang sumpa na babaunin niya hanggang siya ay nabubuhay.…

More Than A Lifetime

More Than A Lifetime

44 8 1

[One shot story]Sabay na nangarap sina Yesua at Levi. Balang araw, magiging ganap na doktor din silang dalawa. Nagsumikap silang pareho sa pag-aaral ngunit pakiramdam ng babae nagiging pabigat na siya sa lalaki. Alam niyang marami na itong isinakripisyo para sa kaniya. Kaya humantong siya sa isang desisyon na parehong nakasakit sa kanilang dalawa.Sa muli nilang pagkikita sa taong may kumakalat na pandemya, magiging maayos na ba ang lahat sa pagitan nila? Magkakaroon na rin ba ng linaw ang nangyari sa nakaraan? O baka naman ito na ang hudyat na nararapat lamang na tapusin na ang ugnayan nilang dalawa?…

Undesired Fate

Undesired Fate

81 21 1

[One shot story]Puno ng takot ang puso ni Rea na magmahal dahil sa kaniyang pambihirang kakayahan. Itinatak niya sa sariling isipan na ang pag-ibig ay hindi para sa kanya ngunit lahat ng iyon ay nabago nang dumating si Lance. Ipinaramdam ng lalaking hindi siya naiiba sa lahat. Na kaya nilang maging masaya hanggang sa isang gabi ang sisira ng lahat.…

Lean on my Shoulder

Lean on my Shoulder

35 12 1

They have different perspectives in life.They have opposite attitude. But then just like a magnet, Opposite, Attracts.…