Sinner's (Book I : The Blood)
Taon 1427, nang maubos ang lakas pan sandatahan sa isang digmaan na hindi nagawa'ng pagtagumpayan, ilang taon mula rito ay naghain ng batas kung saan ang bawat lalaki, bata man o matanda ay maglilingkod sa pamahalaan upang magsanay bilang maging bahagi ng pagpapalawig ng lakas pang militar. Naging malaking dagok ito sa bawat pamilya at ilan lamang ang naging maswerte na nakaligtas.Sa lumang panahon kung saan uhaw ang tao sa kalayaan at pag-asa. Na tanging ang pakikidigma lamang ang sumasagot sa bawat katanungan at pangangailangan nila.Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pamilya?Hanggang sa mawala sayo ang lahat? Hanggang sa hindi kana makilala? Hanggang sa makalimutan mo kung sino ka talaga?Bata palamang si Carina ay namulat na sya sa kung ano'ng klaseng mundo ang mayroon sya. sa gitna ng masakim na sinapit ng kanyang Ama ay hindi sya nawalan ng pag-asa para sa magandang buhay para sa kanyang Ina at kapatid.Gagawin niya ang lahat, kahit pa ang magpanggap bilang isang lalaki - sa pangalan ng kanyang nakababatang kapatid, si Casimir.Isasakripisyo niya ang kanyang buhay, At upang muling makabalik sa piling ng kanyang pamilya. Tatahakin nya ang landas ng pagiging isang sundalo na sumasalamin sa naging buhay ng kanyang pumanaw na Ama. Makikilala niya ang mga tao na handa na tumulong sa kanya At mga tao na gagawin ang lahat para hatakin sya pababa. At kung ano man ang pipiliin na landas ni Carina, ay tanging siya lamang ang nakakaalam.At tangi na siya lamang ang makapag sasabi kung ano ang kasalanan na ihahatol sa kanya, katulad ng hindi makatarungan pagpaslang sa kanyang Ama.…