Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥
Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)

Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)

2,603 93 8

BULONG NG PUSOBook 2 (Bakit Labis Kitang Mahal)Makalipas ang isang taon na malayo sa dalaga ay lubos pa in ang pangungulila ni Enzo rito. Mahal niya ito at higit niya itong nirerespeto kahit na ang hiling nito ay masakit at mahirap. Nakapagdesisyon siyang bumalik at tanawin na lamang sa malayo ang dalaga ngunit taksil ang kanyang puso at lumapit pa rin siya rito kahit na alam niyang lubos siyang masasaktan ng dalaga. Iba pa rin ang bulong ng kanyang puso at iyon ay ang ipursige ang dalaga hanggang sa matutunan siya nitong mahalin. Ngunit handa ba siya sa lahat kahit na alam niyang mahal pa nito ang lalaking una nitong minahal?A/N: 1 UPDATE EVERY WEEK…

Bakit Labis Kitang Mahal

Bakit Labis Kitang Mahal

383,314 7,683 46

Ang pamilyang Alonto ay isang mayaman at kilalang pamilya. Ngunit nang mamatay ang ina ni Alfonso ay ipinagbilin ng kanyang ina na alagaan ang isang batang babae na siyang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. Labag man sa kalooban ni Alfonso na mag-alaga ng isang batang babae ay wala rin naman siyang magagawa. Lumisan si Alfonso sa bayan ng halos na ilang taon dahil sa mga transaksyon na iniwan sa kanya ng kanyang ina. Nang makauwi si Alfonso ay nagulat na lamang siya nang makitang dalaga na ang batang babae at ibang-iba na rin ito. Sa kabilang banda si Amanda ay nagkaroon na ng lihim na pagtingin sa binata kahit sa mga litrato lamang nito. She fell in love with a ruthless and cold man. She fell in love first, but he fell harder in the end. She was a forbidden fruit that he needed to resist in order not to make a sin. Ngunit sa bawat paglapit ng kanilang balat at sa angking kagandahan ng dalaga ay nahuhulog nang husto ang binata.Kaya bang panindigan ni Alfonso ang kanyang pagmamahal kay Amanda? O sa huli ay iiwan niya na lamang ito dahil iyon ang mas nakabubuti sa dalaga?…

The Wife

The Wife

304,418 5,334 80

Isa lang naman ang hiling ni Alana at iyon ay mahalin din siya ni Knight.Hiniling niya sa kanyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala, bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap.Matitiis niya ba ang ilang taon ang kanilang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na?O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kanya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito? Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight?Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?…

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)

171,608 3,173 29

Si Yvo Razon, ang lalaking laging nakukuha ang kanyang gusto, and he makes it clear that he wants Astrid. Ngunit hindi ang ibigin ito, Yvo wants something else from her: to be his surrogate and carry his successor. Alam ni Astrid na masyadong naging mabilis ang lahat at alam din niyang wala na siyang masyadong oras. Kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot ng kanyang kapatid, at kailangan ni Yvo ng tagapagmana.As they navigate their unusual arrangement, feelings starts to develop between them, feelings they shouldn't have since this was just supposed to be a business deal. Gayunpaman, sa tuwing magdidikit ang kanilang mga balat ay kakaibang sensasyon ang kanilang nararamdaman, pareho nilang napagtanto na maaaring may higit pa sa kanilang relasyon kaysa sa isang transaksyon.Will their social standing drive them apart before they attain happiness? Or are they willing to face anything in the name of love?Book Cover: IEC Creations(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)…

My Husband is a Ruthless Darling

My Husband is a Ruthless Darling

272,207 5,233 50

Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay sa kanilang mga pamilya. They were arranged into a marriage but it has to be a secret because of Clay's career until it is time to announce it.Clay was a darling in the crowd yet he was ruthless whenever he is with Isla. He kept her as his secret. She loves him unconditionally. Ngunit lahat ay may hangganan. Hanggang saan aabot ang pagtitiis at pagmamahal ni Isla para kay Clay?…

My Husband, My Wife

My Husband, My Wife

2,034 47 4

Halos perpekto kung titingnan ang pagsasama nina Sky at Dominique, ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay halos natitibag na ang kanilang pag-iibigan nang mapagtanto ni Dominique na may karelasyong iba ang kanyang asawa.Mas nakagigimbal pang rebelasyon nang malaman niya kung sino ang kalaguyo ng kanyang asawa.Ipaglalaban ba niya ang kanilang relasyon o maghihiganti siya sa mga taong nanakit sa kanya?…

Roses Have Thorns (Soon to be Published 8letters)

Roses Have Thorns (Soon to be Published 8letters)

147 4 1

Soon to be Published under 8letters (Poem)…

Everything She Ever Wanted (SOON TO BE PUBLISHED)

Everything She Ever Wanted (SOON TO BE PUBLISHED)

7,653 151 14

PAGKATAPOS NG ilang taong pagsasama ninyo ng iyong asawa at nagkaroon na rin ng sari-sariling mga buhay ang inyong mga anak ay ano naman ang mangyayari sa'yo pagkatapos? Sabi nila pagkatapos mong magawa lahat ng mga responsibilidad bilang ina at bilang asawa ay magiging masaya ka na rin ngunit salungat no'n ang nararamdaman ko ngayon.Ang buong akala kong minahal ako ng aking asawa at ng aking anak ay purong kasinungalingan lang pala. Sa akalang matatapos lamang ang lahat ng sakit kapag kinuha ko mismo ang aking buhay ay nagising na lamang ako at nakita ang aking sarili sa gulang na eighteen, isang kolehiyala. Ang taon kung kailan ko nakilala mismo ang aking mapapangasawa.…

Akin Pa Rin Ang Kahapon

Akin Pa Rin Ang Kahapon

3,452 60 13

A YOUNG man proposes marriage to his girlfriend, but afterwards loses his memory because of an incident.Mula noon ay pinaniwalaan ng patay na ang binata ngunit ang hindi alam ng lahat ay nakaligtas ito sa trahedya. Nakaligtas siya sa isang malagim na trahedya dahil na rin sa tulong ng isang matanda at ang anak naman nito ang siyang nag-alaga sa kanya. Kalaunan ay umibig ang binata sa dalaga at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.Ngunit sadyang mapagibiro ang tadhana at bumalik ang memorya ng binata kung sino talaga siya bago nangyari ang insidente. Paano niya haharapin ang dalawang babae sa kanyang buhay?…

SIPOL

SIPOL

444 20 6

Sa isang baryo ay may nakatirang mag-ina at kahit na silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay ay masaya pa rin naman sila. Hanggang sa isang araw ay nagimbal na lamang si Lusiana nang humahangos patakbo ang kanyang anak sa kanya at sinabing may kumakanta sa kanyang kwarto.Simula noon ay ang pagkabukas at pagkagimbal ng katotohanan sa kanilang buhay.…

KNIGHT ALCANTARA (BOOK 2)

KNIGHT ALCANTARA (BOOK 2)

3,526 46 4

He made things better in his life. He promised himself not to treat any woman the same way he had treated the woman he had loved the most but had lost.They say that life must go on. Kaya mas gusto niyang manirahan sa isang lugar kung saan walang kahit sinumang nakakakilala sa kanya. Ilang taon na rin ang lumipas ngunit naroon pa rin ang sakit. Hanggang sa may nakilala siyang isang dilag na siyang babaliktad muli sa kanyang mundo.BOOK 2 OF THE WIFE…

Psst... Apo! (Published under BOOKWARE)

Psst... Apo! (Published under BOOKWARE)

1,112 28 5

Walang magawa si Kristina nang pagbakasyonin na muna siya ng kanyang tiyahin sa Mindanao kung saan nakatira ang kanyang mga magulang. Nang makarating siya sa bahay nila ay agad naman siyang hiningan ng pabor na alagaan ang lolo at lola nito sa probinsya. Dahil sa wala naman siyang magagawa ay agad din naman niya itong sinunod. Kailanman ay hindi niya pa nakikilala o nakita man lang sa litrato ang mukha ng mga ito. Ngunit pagdating niya sa kanilang liblib na tahanan, nasaksihan niya ang nakakatakot na mga pangyayari na nagtatanong sa kanya kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.Habang paunti-unti niyang natutuklasan ang katotohanan tungkol sa kasaysayan ng kanyang pamilya, dapat siyang magpasya kung tatakas na lang ba siya bago maging huli ang lahat o kahaharapin niya pa ang mga kahindik-hindik na mga rebelasyon na hindi niya makakaya?…