Unsettled Past
Lahat ng tao nagagawa ang mga bagay na hindi dapat ginagawa pagdating sa mahal nila sa buhay at isa na si Koko sa nakaranas ng ganu'ng sitwasyon, kahit masusugatan man kailangan niyang kumapit sa patalim mabuhay lamang ang ate Monina niya.Hindi niya alam kung ano at paano siyang mabuhay ngayong iniwan na siya ng tuluyan ng ate niya sa panahong kailangang-kailangan niya ng masasandalan.Kahit nahirapan man sinubukan niya pa ring mabuhay ng maayos para sa ala-alang iniwan ng ate niya, kaya nagtrabaho siya bilang sekretarya ng bilyonaryong si Ardouz Montevista, ang taong kinatatakutan niyang makaharap.Hanggang kailan niya kayang magsinungaling? Hanggang kailan niya tikisin ang sariling nararamdaman kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos nakikita niya ang lalakeng minsang naging parte ng buhay nilang magkakapatid?…