Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TSG 9 - Sound of Fire

"Into your arms, when time was still and nothing mattered, you can take my heart and break it and shake it. Leave me forsaken." --Sound of Fire, This Century

---

She unblocked him already. Nang minsang tingnan niya ang profile nito sa Facebook ay nalaman niyang hindi na pala siya naka-block dito.

How many times do I have to die before you stop killing me?

That was her latest status. Hindi niya alam kung directed ba ito sa kanya. Pero nababahala siya sa tuwing may mababasa siyang 'death', 'died' o kill sa status nito. Pakiramdam nya lagi ay may balak itong hindi maganda sa sarili nito.

He sent her a private message. Usually naman, pagkalipas ng topak nito ay ayos na ulit sila.

Toby Ahn Legaspi:

--Hoy

--Galit ka pa ba?

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ito nagrereply. Her status indicator went gray. Bigla itong nag-offline. He checked her profile again. May bago itong status.

How can I not fall if you keep on giving me reason to?

Maybe that's what he wants exactly. For you to fall, he commented.

Maya-maya'y biglang may nag-pop up na chat box.

Jazmin Eloisa Clemente:

--Wag k ngang mag-comment sa stat ko!

Imbes na mapikon, napangiti pa siya.

Toby Ahn Legaspi:

--HI! :D

Jazmin Eloisa Clemente:

--BWISIT KA!

Toby Ahn Legaspi:

--HAHAHAHAHA

Jazmin Eloisa Clemente:

--Ulol!

Toby Ahn Legaspi:

-- :/

Jazmin Eloisa Clemente:

-- ..|..

Toby Ahn Legaspi:

--Para kang hindi babae

Jazmin Eloisa Clemente:

--Wala kang pake!

Toby Ahn Legaspi:

--Meron

Jazmin Eloisa Clemente:

--Can you fucking stop?????

Toby Ahn Legaspi:

--I can't :p

Nag-offline ito ulit. Saka nag-status. Mamatay na ang mga paasa!

Nag-PM ulit siya rito.

Toby Ahn Legaspi:

--Ako, paasa?

Jazmin Eloisa Clemente:

--Oo. Mamatay ka na

Toby Ahn Legaspi:

--Ayoko. Baka umiyak ka.

Jazmin Eloisa Clemente:

--Tangina mo

Toby Ahn Legaspi:

-- :/

--Wag ka ngang magmura

Jazmin Eloisa Clemente:

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

--TANGINA MO

Napasapo siya. Paulit-ulit niyang iniuntog ang ulo sa lamesa sa sobrang inis. Gustong-gusto na niya itong patulan pero alam niyang mas lalala lamang kapag ginawa nya iyon. Jae's only waiting for him to snap, to prove that she's right. What she needs now is someone who has unlimited patience.

That's what he needs to be.

He went offline, calmed himself and after a few series of inhales and exhales, he called her. And like always, matinis nitong sigaw ang sumalubong sa kanya. Halatang pikon na pikon na naman ito.

"Ano? Tapos ka na?" tanong niya nang matapos itong sumigaw.

"Bakit ka tumawag?!" pabulyaw nitong tanong.

"Bakit mo sinagot?"

"E kasi tumawag ka!"

Bahagya syang natawa. "Ang lakas ko pala sa 'yo e."

"Shit ka!"

He counted from one to ten bago siya nagsalita. Kalma, paalala niya sa sarili.

"Jae..."

"Ano?! Pwede ba! Huwag mo na nga akong guluhin!"

"Alam mo hindi na talaga kita mainitindihan."

"Hindi naman ako nagpapaintindi sa 'yo!"

"Akala ko ba gusto mo 'ko?"

"Akala ko rin!"

"So hindi pala?" gulat niyang tanong.

"Hindi!" nang-gagalaiti nitong sagot.

"Talaga?" paninigurado niya.

"Hindi nga!"

She hang up.

Muntikan na niyang ibato ang cellphone niya. Mabuti na lang at naalala niyang wala nga pala siyang pamalit. Saka iPhone ang model ng phone niya. Halos kalahating taon din niya iyong hinulog-hulugan. Sayang naman.

Natulog muna siya ng ilang oras. Sumakit ang ulo niya dahil kay Jae.

When he woke up two hours later, medyo refreshed na ang utak niya. Kalmado na rin siya. Naisipan niyang dalawin ito. May isang parte niya ang ayaw tanggapin ang sinabi nito kanina. Maybe she's just denying it. Baka sinabi lang nito na hindi siya nito gusto. Defense mechanism ba.

Still, that irritated him.

He bought her roses along the way. Hindi niya ipinatanggal ang tinik. Alam niyang magagalit ito kapag nakita ang mga iyon. Baka ihampas pa nito sa kanya ang bulaklak. But he can't help but give her that. Parang hindi bagay kay Jae ang bulaklak na walang tinik. Much like food without a lot of spice... 'cause she's anything but bland and docile.

Hindi siya nagsabing pupuntahan niya ito. Hindi rin muna siya kumatok. Tiningnan niya kung ibinalik nito ang susi sa dating taguan. And he's right. It was back on its place.

When he opened the door, sumalubong sa kanya ang makalat nitong bahay. More than the usual clutter, nagkalat din ang mga basag na pinggan, sira-sirang throw pillows at ang laptop nito na mamahalin pa naman.

"Jae!" tawag niya. He's pretty sure that she did this. With her temper, she could easily burn her whole neighborhood to ashes.

Lumabas ito galing kusina, dala-dala ang isang bowl ng noodles. Agad na sumama ang timpla nito nang makita siya.

"Yan ba yung expired na noodles?"

Walang sabi-sabi nitong ibinato iyon sa kanya. It's a good thing na mabilis siyang nakailag. The bowl was smashed to pieces.

Sunod nitong kinuha ang vase sa katabing estante at saka ibinato sa kanya. But it was heavy. It didn't even reach him halfway. Nagdabog ito at bigla siyang sinugod.

"Teka! Time out!" He showed her the flowers. Natigilan ito.

"Para kanino 'yan?!"

"Sa 'yo."

"Bakit?!"

"Bakit ano? Wala lang. Gusto lang kitang bigyan."

He sensed that she suddenly felt awkward. Nakatitig lang ito sa bulaklak, hindi alam ang susunod na gagawin. Nilapitan niya ito at iniabot ang bulaklak... with extreme caution.

Her cheeks flushed as she accepted it.

"Magbibigay lang ng bulaklak, yung may mga tinik pa," pabulong nitong reklamo. But he saw her smile as she turned to put the flowers on a vase.

Tinulungan niya itong magligpit ng kalat. Or more accurately, he cleaned up her mess. Umakyat ito ng kwarto para manuod ng TV, dahil basag ang TV nito sa sala—habang siya naman ay nilinis ang mga pinagbabasag at pinagsisira nitong gamit.

Matapos niyang maglinis, sinundan niya ito sa kwarto nito pero hindi sya nakapasok dahil inilock nito ang pintuan.

"Bakit nakalock?" tanong niya.

"Sabi mo mag-lock ako ng pinto, di ba? Sinunod lang kita!" sagot nito.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. She's really getting into his nerves. Konti na lang siguro ay masasakal na niya ito.

"Jae..."

"Nakapaglinis ka na, di ba? Umuwi ka na."

He sighed. "Pwede bang mag-asal tao ka naman kahit ngayon lang?"

Bigla nitong binuksan ang pinto. Muntik pa siyang mabara paunahan dahil nakasandal siya sa pintuan. Bumalik ito sa pwesto nito at hinayaan siyang pumasok. Nagulat siya nang makita ang loob ng kwarto nito. Nasa sahig lahat ang mga stuffed toys nito, pati na iyong nakalagay sa shelves dati. Tanging unan, kumot, tablet at phones nito ang nasa kama.

Sumandal ito sa headboard at nagkumot. The blanket went up to her waist. Naupo siya sa tabi nito. Hindi siya nagsalita. He waited for her to speak, to say something.

Few minutes later, she spoke. "Alam mo, nakakainis ka."

"Ako pa talaga ang nakakainis?"

"Kung kailan ayoko na, saka ka nagpakita. Ang pangit ng timing mo!"

"Hindi ko kasalanan yun."

Kumuha ito ng unan at niyakap iyon.

"Magiging miserable na naman ako. Kainis."

"Bakit ka magiging miserable? Ako na nga ang lumalapit sa 'yo e."

"Kaya nga ako nagiging miserable."

"Bakit nga?"

She sighed and buried her face in the pillow. Hinila niya ito sa balikat nang pakiramdam niya'y mauubusan na ito ng hangin. She looked helplessly at him.

"Because you're still in love with her."

"Mahal mo pa rin naman si JT, di ba?"

"Pero..." She looked away, a little tinge of pink evident on her cheek. "Pero nagugustuhan na rin kita."

"Nagugustuhan na rin naman kita," he said casually.

Maybe a little too casual. Mukhang hindi ito naniniwala. "Sinasabi mo lang yan."

"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Kasi... hindi ikaw ang klase ng lalaking magkakagusto agad sa iba. I know your kind, Toby. You're the kind of guy who falls for only one girl for forever."

He hopes she's wrong. Dahil ayaw niyang habang-buhay siyang in love kay Jasmine. She's already happy. Unfair naman kung ito lang ang magiging masaya.

"I think I'm more like a guy who falls for someone for a long time... pero hindi panghabang-buhay."

Nginitian nya ito. But she just frowned at him.

"Nakumbinsi ka ba sa sinabi mo?" tanong nito sa kanya.

That wiped the smile off his face. Dahil maging siya ay hindi sigurado. Ilang taon na lang at trenta na siya. How many more years before he gets over her? Sa panahon pa naman ngayon, maiksi na ang life span ng tao. Baka naman, sisenta o sitenta na siya ay si Jasmine pa rin.

Huwag naman sana. What a miserable life that would be. He could imagine himself, a few decades older; staring longingly at her while she plays with her great-grandchildren. Ang saklap siguro noon. But right now, that's the most probable future for him. Unless he falls in love with someone else.

"Siguro kailangan ko lang ulit-ulitin para maniwala ako," sagot niya rito.

Umirap ito sa kanya. "You're hopeless."

"Maybe not."

Halos mapatalon ito sa gulat nang hawakan niya ang kamay nito.

"Toby!" She tried to pull it from his grip but he's stronger.

"Jae... please be my girlfriend. For real this time."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro