TSG 7 - Let The Flames Begin
"I can't let myself regret such selfishness. My pain and all the trouble caused, no matter how long, I believe that there's hope buried beneath it all and hiding beneath it all, and growing beneath it all, and..." --Let The Flames Begin, Paramore
---
That bruise from the latest punch didn't fade as quickly as the others. Mas malakas ang suntok nito. Ang dahilan nito, matagal itong nawala at dapat ay naka-dalawa o tatlong suntok na ito sa kanya. He accepted the punch willingly. He can lie to her but not to himself. At may pakiramdam siyang alam din ng mga kaibigan niya ang totoo. And maybe Jazz knew too. Hindi lang sila nagsasalita dahil wala namang dapat sabihin.
She's happy while he's just trying to get by. But whose fault is that, really? Masisi ba niya ito for not choosing him? Can they blame him for still being stuck?
He tried to focus all the attention to Jazmin. For now, it seem impossible. But maybe, just maybe, if he would just give it a chance, he might fall for her and move on from his past. She already said that there is something between them and if he guessed it right, she's also willing to take that chance.
So why can't they take the chance on each other? Maybe that's all they need. A chance. And maybe someday, things would find their way to their right places. Maybe they'd feel whole again. Maybe they're each other's missing pieces.
But it would be a very long shot. Base sa karanasan niya, hindi madaling mag-move on. Parang may bakal na nakakadena sa paa mo. Mabigat ang bawat galaw. Na para bang ayaw kang makausad.
He was glad that ever since she returned from Fiji, parang mas naging close silang dalawa. Yun nga lang, she would call him whenever she likes, regardless kung weekdays at kung may trabaho sya. At kapag ayaw nyang makipagkita, nagagalit ito sa kanya.
She would often sound like a demanding girlfriend when in fact, she's just a very spoiled friend. Palibhasa ay sanay itong nakukuha ang lahat ng gusto, kapag gusto nitong kunin ang oras niya, inaasahan nitong ibibigay niya iyon ng walang alinlangan.
Sometimes, she would bribe him with money, just so he could take a day off and be with her. It's absurd. She's absurd. But maybe she's just the right kind of absurdity that he needs.
"May trabaho pa nga ako."
"I don't care!" bulyaw nito sa kanya sa kabilang linya. "Tatapatan ko ang sahod mo for the day. I just need you to come with me. Gusto kong manuod ng movie!"
He sighed. "Hindi ka ba makakanuod nyan ng mag-isa?"
"Hindi masaya," sagot nito.
"E di sa weekend na lang."
"Gusto ko ngayon!"
He grunted. "Hanggang seven pa ako."
"Under time ka."
Napasapo siya. "I can't."
Napangiwi siya at dagliang inilayo ang cellphone nang sumigaw ito ng malakas. Being the middle child, he was kind of used to her tantrums. Pero sumasakit pa rin ang tenga nya sa tuwing sumisigaw ito. That's her way of letting him know that she's frustrated. Sinusuntok na nga siya sa mukha, sinisigawan pa siya through phone.
Bakit ba sya nagtityaga rito? Simple lang. It's odd but he somehow finds her endearing. Pakiramdam niya'y nadagdagan siya ng bunsong kapatid.
"Pwede bang kumalma ka? Movie lang naman yan e," saway niya rito.
"I've been waiting for this movie since last year!"
Napabuntong-hininga syang muli. How can you reason with someone who refuses to see reason? Ang tanging gusto lamang nito ay ang masunod ang gusto nito. Wala itong pakialam kung may maabala o masaktan. Masyado itong self-centered.
Akala yata nito'y dito lang umiikot ang mundo.
Minsan gusto na niyang kalimutan na lang ito. Pero palagi niyang naaalala yung ilang beses na nakita niya itong umiyak. And then the guilt would eat him inside...
"Fine. Last full show."
"Fine!"
Laking pasalamat niya nang pumayag ito. Hindi niya alam kung anong oras siyang makakauwi. He still needs to finish his design.
Mga bandang alas nwebe ay tinawagan niya ito. Kada kinse minutos yata ay tawag ito ng tawag sa kanya. Paputol-putol tuloy ang trabaho niya.
"Paalis na 'ko."
"Bilisan mo! Kanina pa 'ko rito!"
"Sabi ko naman sa 'yo, di ba. Pumunta ka kapag sinabi kong papunta na 'ko. Ang tigas kasi ng ulo mo."
"Tama na ang dada. Bilisan mo ha. Nasa G2 ako, sa may activity center."
"Oo na."
After 30 minutes, nakarating na rin siya sa mall kung saan sila manunuod ng movie. Hindi na nga siya naghapunan dahil kanina pa siya nito inaapura. He immediately saw her on the ground floor. Nakatayo ito sa tabi ng miniature stage. She started punching numbers again. For sure, tatawag na naman ito sa kanya.
Agad niyang pinatay ang phone para hindi siya nito ma-contact. Tiningnan niya kung ano'ng magiging reaksyon nito. As expected, nagdabog ito at sinamaan ng tingin ang phone. Shaking his head, he decided to sneak up to her.
Para talaga itong si Femi kapag nakatalikod. Sana lang pati ugali nito ay kamukha ng kay Femi, pero mukhang si Gale ang kapareho. Parang mas masahol pa nga.
Kasabay ng paglapat ng dalawa niyang kamay sa balikat nito ay ang malakas niyang pagsigaw ng HOY. Napatalon ito sa gulat at bahagyang naliay nang mapasama ang bagsak ng paa. Nakatakong pa naman ito na mataas.
Good thing he caught her on time.
"Okay ka lang?"
Parang tinakasan ito ng kulay sa mukha. Her eyes were as huge as saucers. Nakamaang lang ito. Hindi niya alam na sobra pala nitong magugulatin... to the point na nanginginig ang buong katawan nito. He straightened her up.
"Sorry. Magugulatin ka pala."
She pushed him away. Mukhang nahihirapan itong huminga. Agad siyang nabalisa.
"Hinihika ka ba?"
Nakahawak ito sa dibdib nito. The other hand was raised against him, na parang ayaw syang palapitin. Na-guilty tuloy siya sa ginawa niyang panggugulat dito. Hindi naman niya alam na may hika ito.
"May nebulizer kang dala?" nag-aalala niyang tanong dito.
"W-Wala akong hika."
"E bakit kinakapos ka ng hininga? Magugulatin ka ba?"
She shook her head vigorously.
"E bakit...?"
"Hindi ko alam!"
Kumunot ang noo niya. "Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?"
"No!" she spat out. "Manunuod tayo ng movie!"
"Okay! Kalma ka lang..."
Sinundan niya ito nang umuna ito papunta sa sinehan. Agad siya nitong pinapila. Last day na pala ng movie na gusto nitong panuorin kaya ayaw nitong pumayag na sa weekend na lang sila manuod. Nang makabili sila ng tickets ay nag-aya itong kumain. Hindi pa pala ito naghahapunan dahil simula alas sais ay hinihintay siya nito. Ilang beses ba nya kailangang makunsensya ngayong gabi?
Dapat ay ililibre siya nito ng dinner pero ipinilit niyang siya na lang ang magbabayad. Nakonsensya kasi siya sa ginawa niya kanina. Dagdag pa na naghintay pala ito ng matagal sa kanya. Nalipasan tuloy ito ng gutom.
Pagkatapos nilang kumain ay agad silang pumasok ng sinehan. Kokonti na lang ang tao sa loob. Siguro ay mga labinglima na lamang sila. Hindi ito tumabi sa kanya sa upuan. May isa sa pagitan nila. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa ginawa nya kanina. But she didn't look angry. Dahil kung galit ito, kanina pa siya nito nasabunutan. She might still be in shock though.
Bandang alas dos ng umaga nang sa wakas ay natapos ang movie.
"Magta-taxi na lang ako."
"Papuntang inyo? Ang layo kaya. Baka singilin ka ng mahal."
She gave him a bland look. "Money's not an issue."
"Delikado."
"Ayokong mag-bus!" she insisted.
"Ihahatid naman kita e."
"E di mag-taxi tayo!"
"Mahal nga kasi."
"Ililibre kita kung ikahihirap mo ang ilang daang pamasahe," sabi nito. "Ano?"
"Bus na lang."
Nagdabog ito. "Huwag mo na nga lang akong ihatid! Kaya ko namang umuwing mag-isa e!"
She was about to walk out so he grabbed her arm.
"Sinabi nang delikado." He tsk-ed. "Fine. Kung gusto mong taxi, e di mag-taxi."
Tinanggal nito ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso nito at saka ito tumawag ng taxi.
Nang maihatid niya ito ay binigyan siya nito ng 500. Pamasahe nya raw. Pero hindi nya tinanggap. Nagpahatid na lang din siya sa taxi pauwi. Pagkababa ng sasakyan ay agad niya itong tinext na nakauwi na siya. He assumed that she was already asleep when she didn't reply.
Pero pagkatapos ng panunuod nila ng movie, medyo naging distant na naman ito. Palagay niya ay may kinalaman talaga ang panggugulat niya sa ikinikilos nito. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit. He meant it as a joke. Wala naman itong hika. Hindi naman ito magugulatin. But why did she react like that?
Para tuloy biglang nabaliktad ang pangyayari. Siya na ngayon ang madalas mangulit dito. Nakakatatlong text na siya, saka pa lamang nito maiisipang mag-reply. Tatawag siya, hindi naman ito sasagot. It's like she's hiding from him.
One weekend, he finally decided to swing by her house. When she opened the door and found him standing outside her house, she had the same reaction. Namutla ito at nanlaki ang mata, like she had seen a ghost.
"Hi, pwedeng pumasok?"
"W-What are you doing here?"
Nagkibit-balikat siya. "Masamang dumalaw?"
"Wala akong sakit. Hindi ko kailangan ng dalaw."
"You know what I mean."
Hinawi niya ang daan para makapasok siya sa loob. Padabog naman itong sumunod.
"What do you want?" she asked.
"Hindi ka sumasagot ng tawag."
She crossed her arms. Naupo siya pero nanatili lang itong nakatayo. "Tinatamad akong makipag-usap."
"Kahit magreply?"
"Why is it such a big deal? Dati todo reklamo ka kasi ang kulit ko. Ngayon naman, ikaw ang nangungulit."
"I was just worried."
Her face softened. "You don't need to worry. I can take care of myself."
"Karamihan sa mga nagsasabi nyan, sila yung kailangan ng kalinga ng iba."
"Hindi ako isa sa karamihan," giit nito.
She sat next to him but left a few inches of space between them.
"Himala. Hindi ka na clingy?" taas-kilay nyang tanong.
Tumingin ito sa kanya. He saw confusion in her eyes. To what, he didn't know. Pero bigla na lang itong nag-iwas ng tingin. Ikinuyom nito ang isang kamay. Alam na niya ang sunod nitong gagawin. He mentally prepared himself. Parang kahapon lang yung huling suntok nito sa kanya a.
"Are you ready to let her go yet?" she asked, almost in a whisper.
"No."
And what she did next totally shocked him.
She cried.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro