TSG 5 - Love On The Rocks
"Here's a simplification of everything we're going through: you plus me is bad news." --Love On The Rocks, Sara Bareilles
---
"Ex?" kunot-noong tanong ni Femi. Masama ang tingin nito sa kararating lang na si JT.
"Eloisa?" tanong naman niya.
He had been calling Jazmin—or Eloisa—earlier. Nirereject nito ang tawag niya. She sent him a text message though, telling him to leave her alone for a while. Nakauwi na raw ito ng bahay. Siguro ay nagmumukmok.
JT sighed and sat next to Femi, who was looking glum.
"Her name's Jazmin Eloisa and she's my ex. Hindi ba nya nakwento sa 'yo?" tanong nito sa kanya.
He shook his head. Jazmin Clemente lang ang pakilala nito sa kanya. And though he knew the real score between her and JT, hindi naman nya akalaing ito pala ang ex na tinutukoy nito.
"She broke up with me about a year and a half ago."
"So, kung ikaw ang ex nya, e di ibig sabihin..." Bumaling siya kay Femi. "Ikaw 'yong babaeng sumagot ng tawag niya?"
"Tawag?" It was JT's turn to get confused. "Anong tawag?" tanong nito kay Femi.
Femi bit her lip.
"Ang sabi nya sa 'kin, sinubukan nya raw tumawag sa 'yo. Pero may babaeng sumagot. Ang sabi raw nito, masaya ka na rito. Nasaktan sya dahil doon. She even tried to end her life because of that."
Nagkatinginan sina Femi at JT. Si Femi ang unang nagbawi ng tingin. Mukhang nakunsensya ito sa nalaman nito.
"Sorry. Hindi ko naman kasi alam na may suicidal tendency sya..."
JT's shoulders slumped. "Akala ko okay lang sa kanya. Sya kasi ang nakipag-break. Kung alam ko lang..."
"Kung alam mo lang... ano? Makikipagbalikan ka sa kanya?!"
"Hindi naman sa ganoon. But I could have been there for her. Since high school kasi, mag-isa na sya. Her parents were separated tapos solong anak pa sya. She had no one but me back then."
Femi looked upset. JT tried to console her. Sina Rico naman ay nakaupo lamang doon, pabalik-balik ang tingin sa kanilang tatlo.
"So... kakain pa ba tayo?" tanong nito.
He saw Gale elbow Rico in the stomach. "Pagkain pa rin yang nasa isip mo!"
Ngumuso si Rico kay Gale. "Pati ba naman pagkain pinagseselosan mo pa?"
"Sira, that's not what I meant!"
"Joke lang naman e."
Jasmine, who was silent for a while, finally spoke. "Toby, seryoso ka ba na girlfriend mo 'yon?" tanong nito sa kanya.
"O-Oo. Oo naman."
Their focus zeroed on him. He groaned inwardly. Great, back on the hot seat.
"Kailan kayo nagkakilala?" tanong ni Gale sa kanya.
"Hindi ba kayo nagugutom? Kain na kaya tayo," aya niya sa mga ito. Tanging si Rico lang ang tumayo. But he sat down immediately when he saw na wala pang balak tumayo ang mga ito.
"I'm also curious about that," Femi chimed in. She was still grim about the whole thing.
He sighed. "We met about two months ago."
"Just two months tapos naging kayo na? Ano 'yon, whirlwind romance?" hindi makapaniwalang-tanong ni Jazz.
"Bakit? Akala mo ba sa 'yo lang pwedeng mangyari 'yon? Kung tutuusin nga mas maiksi pa 'yong iyo e," he retorted with spite.
Mukhang nasaktan ito sa sinabi nya. "Magkaiba naman 'yon."
"Oo nga pala. Hindi naman kasi kami tumira sa isang bahay," he scoffed.
"Toby!" saway sa kanya ni Gale.
"Wala naman akong masamang ibig-sabihin sa tanong ko a. Nagulat lang kasi ako. You don't seem like the kind of guy who falls for someone so easily," paliwanag ni Jazz.
"People change, Jazz," he said. "Now, if you'll excuse me, pupuntahan ko lang si Jazmin."
Hindi na niya hinintay pang may pumigil sa kanyang umalis. Masama ang naging dating sa kanya ng tanong ng best friend niya. Na para bang gusto nitong iparating na hindi ito naniniwalang girlfriend nya si Jazmin.
Technically, hindi talaga. But they weren't being discreet enough to hide their doubts. Dagdag pa na ex pala nito si JT. Mas lalo silang hindi naging kapani-paniwala. Parang nagmukha lang siyang tanga. Kung alam ba niyang mangyayari ito, e di sana nagpanggap na lang siyang may sakit para may excuse sya para hindi pumunta.
Pinuntahan niya sa bahay si Jazmin. Medyo suicidal nga ito. Walang pakialam sa sariling buhay. And though they're not romantically involved with each other, at the very least, they were friends. Alam niyang wala itong ibang kaibigan kundi siya lang.
She's not exactly friendly. Mas gusto nitong mag-isa. Probably because she's afraid to be left again, like her parents did.
Nang hindi siya nito labasin ay inakyat niya ang mababang bakod. Tuloy-tuloy siya sa may pintuan, hinanap ang susi na nakatago sa may halamanan na nasa gilid ng pintuan at binuksan ang pinto.
"Jazmin?" he called out.
Tahimik ang buong bahay. Sarado ang mga bintana at ni isang ilaw ay walang nakabukas. Hinanap niya ito sa kusina, sa likod bahay, sa dining area, sa banyo... Nang hindi niya ito makita ay umakyat siya sa itaas.
May apat na kwarto sa second floor. Ang isa ay CR. Ang dalawa, tingin niya ay guest rooms for each of her parents. He immediately knew which her room was. It's the only door that has a KEEP OUT sign posted to it.
He turned the knob. It wasn't locked.
"Jazmin?" tawag niyang muli.
Nang walang sumagot ay pumasok siya sa loob. Tulog na tulog ito, yakap-yakap ang isang malaking unan. Her room was full of stuffed toys. Sa kama pa lang nito, napakarami na. Mayroon ding naka-display sa isang malaking shelf sa gilid. May mga nasa sahig, animo'y nakaupo.
Napansin niyang mugtong-mugto na naman ang mga mata nito. She probably cried herself to sleep again. On her bedside table, he saw her phone and a small bottle of pills. Remembering that she has suicidal tendencies, he panicked. Niyugyog niya ito sa balikat.
"Jazmin!"
Nilakasan niya ang pagyugyog sa balikat nito. Maya-maya ay umungot ito at nagmulat ng mata. Nakahinga siya ng maluwag.
"Akala ko—"
Tumama sa mukha niya ang malaking teddy bear.
"Tangina ha! Hindi na pwedeng matulog ngayon?!" bulyaw nito sa kanya.
"Aray!" He raised his hands defensively, in case na manghampas na naman ito. "Akala ko kasi may ginawa ka na namang hindi maganda!"
Itinuro niya ang pills na nasa bedside table.
She grunted. "I wanted to sleep so I took one." Bumangon ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Tinitingnan ko lang kung okay ka. Bakit hindi ka nagla-lock ng pinto? Ang daling pasukin ng bahay mo. Kung killer lang ako, kanina ka pa patay."
"E di mabuti."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Huwag ka nang mag-iwan ng susi sa labas. Saka magla-lock ka ng kwarto mo."
She simply rolled her eyes.
"Have a little care for your life, Jazmin," he added softly.
"Why?" tanong nito. "Nobody cares about me. So why would I care for myself?"
"I care."
"Please." She scoffed. "You don't know me that well for you to care."
Naupo siya sa tabi nito. "Huwag mo kasing isiping walang may pakialam sa 'yo. Maybe you weren't just letting them. Kagaya ng parents mo..."
"Kaya ba may kanya-kanya na silang pamilya ngayon?"
"Kinukuha ka nila, di ba? Pinag-aagawan ka pa nga nila. They're trying their best to win you over."
"Para ano? Para mabawasan ang guilt nila? Hindi na 'no. I'm used to being alone anyway. I don't need them."
"Nobody gets used to being alone."
"I do."
"Kaya ba puro stuffed toys sa kwarto mo? Kasi kaya mong mag-isa?"
Nag-iwas ito ng tingin. "Inanimate objects make better friends. Kasi sila, hindi nila ako kayang iwan."
"At masaya ka ng ganyan? Kapag kakausapin mo sila, hindi sila sasagot. Yun ba ang gusto mo?"
"At least hindi nila ako sinasaktan."
"E wala naman silang ginagawa, di ba? Naka-display lang sila dyan."
"Alam mo, kung pumunta ka lang dito para pangaralan ako, mabuti pang umalis ka na lang."
"I came here to check if you're okay. Alam mo kung bakit? Because I care about you. Because I'm your friend. Because you're not alone. Ikaw lang ang nagpaparamdam sa sarili mong nag-iisa ka, Jazmin. It's because you don't let people in your life."
Nagsimula na naman itong umiyak. "Do you know why I don't let them in? Because once they see what's inside, they get scared. And they leave. People don't come into my life to stay, Toby. And you won't too. So why don't you just get out of my house and forget that you ever met me?"
"Jaz—"
"Please!"
He sighed and got up. "JT cared about you. And you shut him off. Hindi nya naman gustong iwan ka. Ikaw lang itong gustong magpaiwan."
"Alis na sabi!"
"Hindi rin kita gustong iwan. Pinapaalis mo lang ako. Don't you see? Nasa iyo ang problema. It's not that people don't want to stay with you. You make them leave."
"OUT!"
Pinagbabato siya nito ng mga stuffed toys. At one point, cellphone pa nito ang nadampot nito. Tumama iyon sa braso niya because he managed to block the hit with his arm on time.
"Kung kailangan mo ng kaibigan, alam mo kung saan ako hahanapin. Just don't do anything stupid," he said before leaving.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro