Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TSG 4 - For The First Time

"We just now got the feeling that we're meeting for the first time." --For The First Time, The Script

---

"O? Napano ka?" kunot-noong tanong ni Rico sa kanya.

"Nalaglag ako sa hagdan."

"Una ang mukha?"

He winced when Rico poke his cheek. "Sino'ng umaway sa 'yo? Kapag isa lang, resbakan natin!"

"Tsk." Pinalis nya ang kamay nito. "Hindi mo mapapatulan 'yon."

"Bakit? Malaki ba? Brusko?"

"Babae 'yon, p're."

Napamulagat ito. "E? Nasuntok ka ng babae?"

He nodded.

"Bakit? Ano'ng ginawa mo?"

Alam niyang magtataka ito. Sya yung tipo ng lalaki na palaging kasundo ng mga babae. He has the utmost respect for them. So getting punched in the face by a girl is totally out of character.

"May tinanong kasi sya tapos hindi ko nasagot ng tama."

"Huh? Ano namang tanong 'yon?"

Umiling sya. Rico didn't have to know. "Basta."

"Sabihin mo na sa 'kin. Malay mo alam ko pala ang sagot."

"Hindi na."

"O? Napano ka Toby?"

"Oo nga! Bakit may pasa ka?"

His two other friends examined his face with utmost curiosity.

"Tsk. Sa mukha pa talaga," naiiling na sabi ni Gale. "Mabuti na lang wala si Jazz. Pagagalitan ka no'n. Bakit ka kasi nakipag-away?"

"Babae ang sumuntok sa kanya," singit ni Rico.

Napataas ang kilay ni Gale. "Babae? Bakit, ano'ng ginawa mo?" tanong nito sa kanya.

"Wala," sagot niya.

"May tinanong daw sa kanya tapos hindi nya nasagot," singit ulit ni Rico.

He rolled his eyes. "Wala lang 'to. Huwag nyo kasing gawing big deal."

"It's unlike you to not be able to answer a question, Toby. Ikaw kaya ang pinakamatalino sa 'ting magbabarkada," sabat naman ni Femi.

"Depende naman kasi sa tanong 'yon," depensa niya.

"E ano nga kasi yung tanong sa 'yo?" pangungulit ni Rico.

"Basta nga," sagot niya.

Ilang araw din siyang may pasa. Nasita siya sa office dahil doon. Kung magpapatuloy ito, baka magtaka ang manager niya. Isipin nitong basag-ulero siya. He tried to make a new deal with Jazmin to avoid such issues.

"Pwede bang huwag na lang sa mukha? Doon na lang sa hindi kita. Baka mapagalitan ako ng boss ko e."

"Ayoko nga," tanggi nito. "Mas may impact kapag sa mukha."

"Nagtataka na sila."

"E di sabihin mo ang totoo."

Umiling siya. "I can't."

"Then bear it alone."

Bumuntong-hininga siya. "Wala na bang ibang paraan?"

"Meron. At alam mo kung ano."

"Then I'll just answer yes."

"If you want to lie to yourself, then do so. Ikaw rin naman ang masasaktan sa huli."

Wala syang lusot. Matigas ang ulo nito. Tumama nga ang hula niya. Nasita siya ng boss niya at pinagbawalang makipag-away or else, he'll get suspended. Nagtataka na rin ito sa nangyayari sa kanya. He's not the kind of guy who fights for no reason. At dahil sa halos linggo-linggo niyang pagkakaroon ng pasa, akala nito'y naging basag-ulero na siya.

Napilitan siyang umamin dito. He told him about the deal he made with this girl he met a few weeks ago. His boss didn't believe him at first. Akala nito ay lumulusot lang siya. Pero pinilit niya itong kumbinsihin. At dahil sa seryosong-seryoso siya ay naniwala ito.

"So she asks you the same question and if you answer no, you'll get punched in the face?"

"Opo."

His boss leaned forward. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa mesa at saka matamang tumingin sa kanya.

"Why don't you just answer yes?"

"Because she asked me to be honest, sir."

Nailing ito. "Toby, you're a good person. But for your own welfare, sometimes you have to lie too."

"Kaya ko namang magsinungaling sa kanya, sir. Pero hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko."

Pinagdaop nito ang mga palad nito saka bumuntong-hininga. "Ah, love. I'm so glad I'm way passed that."

"Sir, isu-suspend nyo pa po ba ako?" tanong niya.

Umiling ito. "Hindi na. But just try to be discreet about it. Kung anu-ano na ang tsismis na kumakalat sa office tungkol sa 'yo. Ikaw rin ang masisira dahil dyan," payo nito sa kanya.

"Sinabi ko na sa kanya 'yan, sir. Ayaw nyang makinig."

"It seems that she's giving you no other choice but to move on from this other girl. Why can't you?"

"Mahirap sir e."

"Pero hindi imposible, tama?"

"Hindi po."

Naniniwala naman siyang walang imposible sa mundo kundi ang mga bagay na hindi pa nasusubukang gawin. People can move on but it's hard. Fatally hard....especially when you think that the person you're trying to move on from is your life line, your saving grace, when in reality, they might as well be the very death of you.

Maybe that's what Jazmin's trying to teach him. Mind over matter. He can move on. But that's easier said than done. He knew that it's also possible for a person to remain stuck on the same spot until their dying breaths.

Sabado.

It's been a month since the wedding. Unang beses nilang makakasama si Jazz since then. May ibabalita raw ito sa kanila kaya ito nakipagkita. Hindi pa man nito nasasabi kung ano iyon ay parang may ideya na siya.

She was glowing when he saw her. Mas gumanda ito. Her eyes were twinkling. Her lips seem redder. Her hair appears to be shinier.

Alam na niya kung bakit and he wished that he doesn't have to hear it from her. Gusto sana niyang umalis na lang bago nito sabihin ang gusto nitong sabihin. And maybe he could still pretend like it's not happening.

But that will blow off his cover. And so he waited for her announcement, all the while trying to ignore the searing pain at the pit of his stomach.

"Guys, I'm pregnant."

Femi and Gale squealed in delight upon hearing the good news. Napangiti naman sina JT at Rico. He tried his best to smile. Naiiyak na siya. Gusto niyang umiyak. Pero kailangang pigilan kaya hanggat makakaya ay pinigilan niya ito.

"Congrats, Jazz!"

"Ninang ako!"

"Ako rin!"

"Congrats, best friend!" He tried to sound bubbly. Niyakap niya ito. At parang ayaw na niyang bumitaw. But he has to... She's not his to keep.

"Thank you!"

"Nasabi mo na kay kuya?" tanong dito ni Gale.

Umiling si Jazz. "Hindi pa. Gusto ko syang i-surprise e. Yun nga pala ang gusto kong ihingi ng tulong sa inyo. Can you guys help me plan the surprise?"

Bumigat ang dibdib niya sa narinig. Isn't it bad enough to hear the news? Kailangan bang kasama pa sya sa paghahatid ng balita kay Kent?

Nang abala sila sa pagwo-work out ng detalye ng surpresa ay kinuha niya ang phone niya at nag-send ng text message kay Jazmin.

Need your help. Can u call me now? Make it sound urgent. Please... I'm dying here.

Wala pang isang minuto matapos niyang ma-send ang mensahe ay tumawag ito. He excused himself from the gang.

"Bakit?" tanong nito.

"Nasa'n ka? Pwedeng makipagkita?" He could hear his voice cracking. Kaunti na lang, hindi na niya talaga kakayaning pigilan ang sarili sa pag-iyak. He needs to get away from this place. He needs to go as far away as possible from Jasmine.

"Nasa bahay ako. Pumunta ka na lang dito."

"Okay."

He went back to his friends and told them that there's been an emergency. He caught Femi's eye and saw that she didn't believe him. Pero mukhang naniwala naman ang iba. Sana.

Nagmamadali siyang umalis.

Dere-deretso siya sa sala ng bahay ni Jazmin.

"Ano'ng problema?" tanong nito sa kanya.

He didn't speak. He simply buried his face on the throw pillow on her couch. Naninikip na ang dibdib niya. Sobrang sakit. His shoulders began shaking as he cries his eyes dry.

Jazmin sat next to him and rubbed his back. Hindi ito nagsalita. And the silence was somehow comforting.

Matagal bago siya natapos sa pag-iyak. He'd never cried like this in his life. Pakiramdam niya'y naubos ang lahat ng tubig sa katawan niya.

"Okay ka na?" worried nitong tanong sa kanya.

Umiling sya. "Hindi pa."

"Gusto mong magkwento?"

Ilang beses siyang huminga ng malalim. He was trying to fill his lungs with air.

Sumandal siya sa balikat nito. "Mamamatay na yata ako," sabi niya.

"No one dies from heartbreak, Toby."

"You almost did."

"I almost got hit by a speeding truck. That's different."

Hindi na siya nakipagtalo pa. They just sat there quietly for a while. Hinihintay sya nitong magkwento. And when he's ready, he told her everything.

"Bakit kasi hindi mo aminin sa kanyang hindi mo pa kaya? E di sana may excuse ka para hindi mo marinig yung balita nya."

"She'll just worry about me. Ayaw ko namang pumagitna sa kanilang dalawa."

"Martyr ka talaga."

"Kailangan e. Best friend nya kasi ako."

Jazmin got up and went to the kitchen. Bumalik ito na may dala-dalang isang baso ng tubig.

"Heto, inumin mo para may maiiyak ka ulit mamaya."

"Pass muna ako sa deal ngayon, sabi nya rito nang makainom sya.

"Marunong naman akong maawa, ano. I won't ask you that question for now. Alam ko na rin naman ang isasagot mo."

"Salamat."

Tinapik siya nito sa balikat. "You're welcome."

Nagpakalayo-layo muna siya sa barkada. Madalas patay ang phone niya para hindi siya matawagan ng mga ito. Kay Jazmin siya sumasama. Kahit na magaan ang kamay nito at may pagkasadista, walang-wala ang mga hampas nito sa sakit na nararamdaman nya.

And in a way, gumagaan ang pakiramdam niya kapag kasama ito.

Sa mismong araw ng planong pangsusurpresa ni Jazz kay Kent, nasa malayong lugar siya kasama si Jazmin. He took a leave from work. Patay ang phone at walang internet connection. He's basically nowhere to be found for a few days.

Madalang na siyang sumama sa lakad ng barkada pagkatapos noon, lalo na kapag alam niyang kasama ang best friend niya. Idinahilan niyang may girlfriend na siya and they insisted na ipakilala niya ito sa kanila.

He wasn't able to tell disclose the plan with Jazmin. Parang ang lagay kasi, ginagamit lang niya ito para pagtakpan ang totong nararamdaman niya para sa best friend niya. Although she seemed to be cool with anything, it's still not right to play with anyone's feelings.

Ginawa na lang niyang abala ang sarili niya sa ibang bagay. He tried not to think about it as much as possible. Kapag kinukulit siya ni Rico sa phone, pinagbababaan niya ito.

May sariling mundo na si Jazz kaya madalas itong hindi nagpaparamdam but the news about him having a new girlfriend automatically reached her. Tuwing tatawag ito sa kanya ay palagi itong nagtatanong tungkol doon.

Nakiusap ito sa kanyang ipakilala sa barkada ang girlfriend niya. And because it's her, he just couldn't say no. So, napilitan siyang pakiusapan si Jazmin na magpanggap bilang girlfriend niya.

"Tuwing makikipagkita lang naman ako sa kanila," pakiusap niya. "There will be no strings attached. Pangako. Hanggang doon lang 'yon."

"And what is it to me? What would I get in return?" tanong nito.

"Kailangan bang meron?" nakasimangot niyang tanong.

"Aba syempre."

"Ano ba'ng gusto mo?"

Napaisip ito. "Well, there's this really expensive bag—"

"Wala akong pera."

She rolled her eyes. "Fine. Libre mo na lang ako ng dinner."

"Deal!"

So it's all set. Sinabihan niya ang mga kabarkada na makipagkita sa kanila one weekend. Tuwang-tuwa naman ang mga ito. And Jazz was the most excited. She had been rooting for this girl dahil gusto na rin nitong sumaya siya. And if this girl could, then she has her full support.

She didn't bring Kent, though. Thank God for that.

Nakaupo ang mga ito sa isang mahabang lamesa na pang-waluhan. Nasa buffet restaurant sila to celebrate. He knew why they made a big deal out of it. Lahat kasi sila, masaya na. Sya na lang ang hindi. Sya na lang ang single.

"Hi, guys."

"Oy, Toby!"

"P're!"

Hinawakan niya ang kamay ni Jazmin. Nanlalamig ito. Mukhang nininerbyos.

"Girlfriend ko nga pala... si Jazmin."

Nagkatinginan ang magbabarkada. Their eyes lingered on Jazz. He knew the name would be an issue.

"Hi!" they all greeted, almost in chorus, nang makabawi ang mga ito sa pagkagulat.

"Hello," nakangiting bati nito sa kanila.

Isa-isang nagpakilala ang mga ito kay Jazmin.

"I'm Jazz, best friend ni Toby," pakilala ng best friend niya rito.

"Jazz?" Tumingin si Jazmin sa kanya. Nakataas ang kilay nito.

"Yes. Jasmine ang real name ko."

"Cool. With S or Z?"

"With S and E. Ikaw?"

"Z, minus the E," nakangiti nitong sagot.

"Ah..."

"Are you finished with the introductions yet? Pwede nang kumain?" tanong ni Rico.

"Teka lang! Wala pa si Jenny," sagot ni Femi.

"Ayan na o!"

"Guys! Sorry, I'm late."

Parang tinakasan ng dugo si Jazmin nang makita ang bagong dating. JT stopped on track. Mukhang nagulat din ito.

"J-JT?"

"Eloisa?"

Agad na napatayo si Femi. "Magkakilala kayo?"

"Excuse me."

Biglang bumitaw sa kanya si Jazmin. She stormed out of the room, leaving everyone confused.

"What just happened?" tanong ni Gale.

JT sighed. "She's my ex."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro