TSG 37 - Marry Me
"Together can never be close enough for me to feel like I am close enough to you. You wear white and I'll wear out the words 'I love you'." --Marry Me, Train
--
"So, ikakasal na ba talaga kayo?" tanong niya kina Rico at Gale. The two invited them to dinner. May sasabihin daw ang mga ito. Kakaupo pa lang nila nang halos sabay na sabihin ng dalawa na tuloy na ang kasal.
They have been waiting for the wedding for a long time. Magtatatlong taon na nga yata.
Nagkagusto si Gale sa kanya noong unang taon nila sa college. She was so obsessed with him. Pero hindi niya ito pinatulan because he was obsessed with someone else—Jazz. Saka ang isa pa niyang barkada na si Rico, malakas naman ang tama kay Gale. But Femi, Gale's best friend, turned out to be in love with Rico. And Jazz as well.
When college ended, things got messier. It's like the only thing gluing their friendship together is the desire to see the ones they love. And it hurt them all in the process.
But eventually, Gale learned to love Rico. Femi got over Rico. And he was able to move on from Jazz. When Rico proposed to Gale, tuwang-tuwa silang magbabarkada. Well, with the exception of Femi. Matagal nang plano ng mga ito ang magpakasal pero kabilin-bilinan ng parents ni Gale na kailangang makasal muna ang kuya nito bago sila makasal ni Rico.
Now, Gale begged Jasmine to make her brother fall in love with her. At ang best friend naman niyang gustong-gusto nang kumawala sa kanya, pumayag agad. It was when he was asked by her father to take his daughter's hand in marriage, which he would have gladly done, had it not been for Kent.
Mabuti na rin siguro iyon. Kahit masakit, at least he got over it. He was finally over everything now.
"Oo, naka-set na 'yong date," nakangiting sagot ni Gale.
"A month from now, we'll finally be married!" dagdag ni Rico.
"Huwag kang masyadong excited. Kapag 'yan hindi natuloy..." biro ni Femi.
"Matutuloy 'yan! Bago kayo, dapat kami muna!"
He saw Femi blush. Napakunot-noo siya.
"May dapat ba kaming malaman?" tanong niya kina JT at Femi.
Ngayon lamang niya napagtuunan ng pansin ang dalawa. Kanina pa nangingiti si Femi habang si JT naman ay hindi pa nagsasalita simula kanina.
"Hoy, huwag nyong sabihing ikakasal na rin kayo?!" gulat na tanong ni Jazz.
"E di hindi," kaswal na sagot ni Femi.
"Ano nga?!"
"Spill na kasi!" pangungulit ni Rico.
JT sighed. Si Femi naman ay itinaas ang kaliwang kamay na kanina pa hawak-hawak ni JT. Napamulagat siya nang makitang may engagement ring na nakalagay doon.
"Engaged na kayo? Kailan pa?!"
"Just last week," sagot ni JT. "Ayaw sana naming sabihin agad kasi nakakahiya naman kina Gale."
"Asus!" singit ni Gale. "Ano ka ba, dagdag saya nga 'yon e. At least we're all happy, right?"
"Kayo, Toby, kailan kayo ikakasal ni Jae?" tanong ni Rico sa kanya.
He glanced at Jae. Parang wala itong narinig. Nanatili itong nakatulala, nakangiti sa kawalan. Siguro ay kanina pa ito hindi nakikinig sa usapan nila. Or maybe she's just genuinely happy for all of them. Ngayong ikakasal na ang mga kaibigan niya, pumayag kaya ito kung mag-aaya na rin siya?
"Saka na siguro. Kayo muna," sagot niya.
"Baka naman hinihintay ka lang magtanong nitong si Jae?"
"Oo nga. You've been together for quite a while now. Wala naman sigurong masama if you guys would take your relationship to the next level."
"We're not going to get married. We can stay together without the blessing of the church. It's easier to escape."
Napamaang siya sa sagot ni Jae. Ngumiti naman ito sa kanya, na parang walang mali sa sinabi nito.
Nagkatinginan silang magkakaibigan. Maya-maya'y tumayo si Gale.
"Jae, samahan mo 'ko sa restroom," aya nito kay Jae.
Agad namang tumango si Jae.
"Excuse us," paalam nito.
Nang makaalis ang dalawa ay agad napukol ang atensyon ng mga ito sa kanya.
"Ano'ng nangyari?"
"Akala namin okay kayo. Bakit ganyan ang thinking nya?"
He sighed. "Ayaw nyang mag-end up kami kagaya ng parents nya. That's why she doesn't want to get married. Feeling nya pagkatapos ng ilang taon, maghihiwalay din kami."
"Kilala ka ba nya talaga? You and forever are practically synonymous. Why won't she take the chance with you? You're a great catch!" litaniya ni Jazz.
"If Kent could hear you right now..." panimula ni Rico.
"Totoo naman e!" depensa ni Jazz. Tumingin itong muli sa kanya. "I would vouch for you. We all will. If she needs testimonies, marami kaming pwedeng sabihin."
Umiling siya. "I don't think she'll believe you."
"So susuko ka na lang? Hanggang ganito na lang ba kayo?" tanong sa kanya ni JT.
"Hindi ko alam."
"We're back!"
He gave them the look that says keep quiet. Rico just rolled his eyes.
"So, where were we?"
--
Toby and Jae didn't talk about Rico and Gale's wedding when they got home. It's like the meeting didn't even transpire at all. He would look at her and wonder if she's still thinking about it. Pero kung iniisip pa nito iyon, hindi nito ipinapahalata sa kanya.
Like most nights, Jae asked him if they could sleep together. And like most nights, they just slept. Him, a few hours after she does. As he wrap his arms around her and let her fall asleep, he couldn't stop wondering when she will be ready. Or if she will ever be ready.
He's a family guy. Gusto niya ng pamilya. And his parents would love for him to have one. Hindi niya kaya iyong committed nga sa isang babae pero hanggang commitment lang. It's forever or nothing for him. But Jae doesn't believe in forever...
--
Kinabukasan, pagkagising niya'y wala na si Jae sa tabi niya. Napabalikwas siya ng bangon. Ito ang hirap kapag suicidal ang girlfriend, malingat lang ito sa paningin niya ay kinakabahan na siya. Jae's unstable, that's the problem.
Agad siyang tumakbo pababa ng hagdan para hanapin ito. He found her in the kitchen, sitting on a high stool and eating cereal. Kasama nito sa kusina si manang na nagtitimpla ng kape.
"Good morning!" nakangiting bati ni Jae sa kanya.
"Morning." Nilapitan niya ito. "Bakit hindi mo 'ko ginising?"
"Ang sarap kasi ng tulog mo. Palagi ka na lang puyat. Kagabi ka lang nakatulog ng maayos," paliwanag nito.
"Next time, wake me up. No matter how tired I am, just wake me up when you wake up."
Jae rolled her eyes. "Toby, stop treating me like a kid."
"I just want to make sure that you're okay," depensa naman niya.
"I am okay."
"Ang aga mong gumising."
"Kape," singit ni manang. Inilapag nito ang isang tasa ng kakatimplang kape sa harapan niya.
"Salamat, manang."
Tumango ito at pumunta sa likod-bahay.
"Toby," untag ni Jae.
"Hm?"
"Samahan mo 'ko."
He frowned. "Saan?"
Ngumisi ito. "Shopping."
He was quite surprised to hear her say that. Although he didn't like shopping, nabuhayan siya ng loob when she mentioned it. The normal Jae loves shopping. That's a promising start.
"Sige."
--
Nang makaligo at makakain ng agahan ay nagpunta silang dalawa sa mall para sa pagsa-shopping ni Jae. He wanted to give her his money, but he has no money. Ilang buwan na syang walang trabaho. Sinusustentuhan lang sila ng mga magulang nito, who felt so guilty for what happened.
Gustong bumawi ng mga ito kay Jae. At dahil ayaw nitong makita ang mga magulang, nagpapadala na lamang ang mga ito ng pera sa kanya. Hindi naman niya maiwanang mag-isa si Jae. Nag-aalala siya para rito.
They went to an expensive clothing boutique na tatlong items pa lang e kaya ng tumbasan ang isang buwang sahod niya. Niyaya niya si Jae sa ibang store, doon sa mas mura, pero dahil sanay ito sa mga mamahaling bagay, ayaw nitong sumama sa kanya.
"Sa department store, mas marami kang pamimilian."
"Ayoko! Pare-pareho na dun e."
"Pare-pareho rin naman dito a? Naiba lang ng kulay," puna niya.
"Mas gusto ko rito," giit nito.
He sighed. "Ano ba kasing bibilhin mo?"
"Dress."
"Marami ka ng dress, di ba? Umaapaw na nga sa closet mo e." Yung iba, hindi na nito sinusuot dahil madalas ito sa bahay. At kapag nasa bahay, mas gusto nito ang naka-t-shirt, because it reminds him of Jazz, according to her. Not that he needs reminding.
"I have nothing to wear for Gale's wedding."
"Next month pa naman 'yon."
"Kahit na. Mahirap maghanap ng damit ng madalian."
She pulled his hand and made him help her scan the racks. He wasn't of much help though. Malay ba naman niya kung ano ang gusto nito. Kahit anong klaseng dress ang ibigay niya ay inaayawan nito. Finally, someone from the store offered her assistance. Humugot ito ng limang dresses saka iniabot kay Jae. The latter accepted them with a smile saka ito nagsukat.
She looked good in all of them. In fact, she could try all the dresses there and he's sure, she'd look good in them. Kapag tinatanong siya nito ay wala siyang ibang masabi kundi 'maganda' o 'bagay sa 'yo'. He didn't know why she would scowl with his answers.
"You're not helping me decide!" reklamo nito.
"Ano ba dapat ang sasabihin ko?" he asked in frustration.
"Ewan!" Kinuha nito ang huling dress na isususkat at saka padabog na isinara ang pintuan ng fitting room.
--
Jae came out with an off-white dress. She tied her hair up to a messy side bun. May suot din itong sapatos na kulay beige. She looked so simple. Kung tutuusin, mas magaganda pa yung mga damit na nauna nitong isuot. But this one appealed to him the most, to the point na wala na siyang naikumento nang magtanong ito.
"Nakakainis ka naman! Sana si Gale na lang ang isinama ko!" inis nitong sabi.
"Maganda nga kasi. Wala na akong ibang masabi."
"Maganda? Saang banda? I need details!"
"Sa lahat ng banda. O, okay na?"
Her cheeks turned red. "Kainis!" she muttered saka ito bumalik sa loob ng fitting room para magbihis.
Pasalampak siyang naupo sa pabilog na upuan malapit sa fitting room at hinintay itong makapagpalit ng damit. Nang makalabas ito ay diretso nitong ibinalik ang mga damit na sinukat nito sa dati nilang lalagyan.
"Hindi ka bibili?" takang-tanong niya.
"Nawalan na 'ko ng gana," tamlay nitong sagot. "Take me home."
--
Hindi ni Toby alam kung may nasabi ba siyang mali. When they got home, hindi na siya nito kinausap. It went on until the next day. Thinking that Jae would forgive him for the thing that he did but know nothing about, he went back to that store to buy the dress. Sinamahan na rin niya ng sapatos at alahas. The whole set. The lady who helped them yesterday was very pleased to see him buy those things for Jae.
Sabi nito, gustong-gusto raw ni Jae yung damit. Ayaw na nga raw nitong hubarin. Hindi nya alam kung paano nya na-miss iyon. Kahapon kasi, bigla na lang itong tinopak. At hindi niya alam kung bakit.
Kung gusto naman pala nito yung dress, bakit hindi nito iyon binili? Ang gulo talaga ng utak ng mga babae.
--
Nang makauwi siya ng bahay ay sinalubong siya ng galit na si manang Soling.
"Saan ka ba nanggaling ha? Kanina ka pa hinahanap ni Eloisa!"
"May binili lang po. Nasa'n po sya?"
"Nandoon sa kwarto. Kanina pa umiiyak. Ayaw ngang kumain ng tanghalian!"
Agad niya itong pinuntahan sa kwarto nito. Nakasubsob ito sa unan, her shoulders shaking.
"Jae..."
He sat next to her. Tumunghay ito nang marinig ang boses niya. Mapulang-mapula ang ilong nito dahil sa pag-iyak.
Bumangon at bigla syang sinuntok sa mukha.
"Gago ka! Akala ko iniwan mo na 'ko!"
He flinched. "Aray ko naman!"
"Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka! Pinag-alala mo 'ko!"
"E galit ka kasi. Hindi mo 'ko kinakausap kagabi pa," paliwanag nya.
"Kahit na!"
"Okay. Sorry," sabi na lang niya para matigil na sila sa pagtatalo. "Eto o."
Tumingin ito sa paper bag na iniaabot niya.
"Ano 'yan?"
"Peace offering."
Hinablot nito ang paper bag mula sa kamay niya saka agad na tiningnan ang laman. Nanlaki ang mata nito nang makita ang damit na sinukat nito kahapon.
"T-This—"
"Please tell me you liked it."
Baka mamaya'y bili siya nang bili tapos hindi naman pala nito iyon gusto. Sayang ang pera.
"I love it," halos pabulong na sagot ni Jae.
He felt relieved.
"Bumili na rin ako ng sapatos na babagay dyan. Nasa sala."
Mabilis pa sa alas kwatro itong tumakbo palabas ng kwarto. Gusto niyang matawa. One moment, she's defiant, then she's happy the next. Ang bilis talagang magbago ng mood nito.
Kakaupo pa lamang niya sa gilid ng kama nang bumalik ito sa kwarto.
"You forgot something?" he asked.
She cupped his face and kissed him.
"Thank you," she said after, saka ito tumakbo pababa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro