TSG 33 - I Wouldn't Mind
"I'm not afraid anymore. I'm not afraid. Forever is a long time. But I wouldn't mind spending it by your side. Tell me every day I get to wake up to that smile. I wouldn't mind it at all. I wouldn't mind it at all." –I Wouldn't Mind, He Is We
--
"Ang sweet naman ng boyfriend mo. Talagang pumunta pa sya rito para dalhan ka nyan?"
Napangiti si Jae sa tinuran ng ka-opisina niya. Halatang may inggit sa tono ng pananalita nito. Tulad kasi ng ipinangako ni Toby, dinalhan siya nito ng makakain para hindi sya palabas-labas ng opisina para lang bumili.
Pumunta ito sa office niya para dalhan siya ng pagkain. Pwede namang ipadala na lamang nito iyon but he insisted on delivering the basket to her himself. He said he wanted to see her. Samantalang halos dalawang oras pa lamang ang nakakalipas simula noong inihatid siya nito sa office.
She looked at the basket. Kung tutuusin, ayaw niya ng fruits. She wanted lots of things. Gusto nya ng chocolates, ng chichiria at buto ng pakwan. But Toby gave her fruits. Pakiramdam niya'y magdadamdam ito sa kanya kapag hindi niya iyon inubos.
Ayaw naman niyang ipamigay iyon sa mga katrabaho. Hindi niya alam kung bakit nagiging sentimental siya kahit sa prutas.
Maya-maya'y nakatanggap siya ng tawag mula rito.
"Kinain mo na?" tanong nito.
"Malapit na kasing mag-lunch. Mamaya na lang hapon," sagot niya.
"Baka naman hindi mo gusto?" alalang tanong nito.
"Gusto ko."
"Gusto mong dalhan ulit kita bukas?"
"Huwag na. Nag-aaksaya ka lang ng pamasahe," sagot niya. "Bumili na lang tayo mamaya para may madadala ako bukas sa office."
"Okay. So sabay tayong magdi-dinner mamaya?"
"Sige."
"Okay. Titext ko na lang si manang para hindi na sya magluto."
"Sige, sige."
Biglang natahimik sa kabilang linya.
"Toby?"
"Hm?" Narinig niya itong tumikhim. "Jae, ano..."
"Ano?"
"A, s-san mo gustong kumain mamaya?"
"Kahit saan. Ikaw na bahala."
"Ganun ba? Okay."
Tumahimik na naman ito.
"May sasabihin ka pa?" tanong niya.
--
"May sasabihin ka pa?"
Napahimas siya sa batok. It's not like he can't say it. Pero minsan talaga, nahihiya siya. Maybe it's because he felt like it's awkward to just burst it out.
"A... ano... a-anong oras kita susunduin?"
"Same time," sagot nito.
He didn't really care about her answer. Wala na syang masabi pero ayaw pa niyang tapusin ang tawag. He just wants to hear her voice.
"May sasabihin ka pa ba? Sorry ha, may gagawin pa kasi ako," she finally said.
He sighed.
"Wala na. Sige, kita na lang tayo mamaya."
Tatapusin na lamang nya ang tawag nang magsalita ito ulit.
"Toby..."
"Hm?"
"I... uhm..." Bahagya itong natawa. "Sorry, ang hirap sabihin."
Napangiti siya. He was glad he's not the only one feeling the pressure of letting it all out.
"I know what you mean."
"I'll see you later, okay?"
"Okay."
--
Kaka-end pa lang ng call nang biglang may tumawag na naman sa kanya. Thinking that it was him again, she readily answered.
"Ang bilis a!" puna ng tumawag.
"Akala ko kasi—"
"I know. Tinatawagan kita kanina pero number busy. I figured na magkausap kayo kanina."
She smiled. "What's up, Gale?"
"Aayain sana kitang mag-mall mamaya," Gale replied.
They weren't necessarily the best of friends but she appreciates the fact that Gale is trying to reach out to her. Minsan ay nagyayaya itong lumabas na silang dalawa lang. Bonding daw nila. Hindi pa nga pala niya ito napagbibigyan.
"Sorry. Hindi kasi pwede mamaya."
"May date na naman kayo?" Gale scoffed. "Hindi kayo nauumay?"
Ngumuso siya. "Bakit? Kayo nga ni Rico, hindi mapaghiwalay e," she retorted.
Tumawa ito. "Fine. Touché."
"Next time. Or gusto mo, bukas."
"Papayag naman kaya 'yang boyfriend mo? Parang ayaw kang iwanang mag-isa e."
Mukha na naman syang tanga habang nakangiti. Ikinwento niya rito ang nangyari kanina. She felt at ease with Gale nowadays. Bigla itong bumait sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon. Sina Femi at Jazz nga, civil lang sa kanya e. Gale's the most vicious and crude among the three and yet ito pa ang nakasundo niya.
Maybe the saying is really true. Birds of a feather...
"Ang clingy ha!" kumento nito.
"I know, right?"
"Palibhasa ilang taon din syang hang up kay Jazz. Naku, matakot ka na. Hindi ka na papakawalan nyan!"
"Talaga? E di mabuti."
Mas matatakot pa siya kung pabago-bago ng feelings si Toby. Pero kung habang-buhay itong magiging fixated sa kanya, e di masaya. Ganoon naman talaga ang gusto niya noong una pa lang. She wanted to find someone who will make her believe that forever still exists. And she believes that Toby is that someone.
"Hey, hindi naman ako nakakaabala, right?" maya-maya'y tanong ni Gale.
"Actually... kanina pa masama ang tingin sa 'kin ng boss ko." Tumawa sya. "I'll call you later."
"Okay!"
--
Nag-take out na lang siya ng pagkain para makapagtrabaho siya during lunch. Halos wala siyang nagawa buong umaga. Ay deliverables pa naman siya ng araw na iyon. So she worked her ass off. Pero mahirap dahil distracted siya.
She was really looking forward for dinner. She never thought she could feel that way again. Yung tipong kahit maghapon na silang magkasama, malayo lang siya ng ilang oras ay namimiss nya na agad ito. His hold on her heart is slowly cementing. And she knew that it's only a matter of time before distance would become unbearable.
Mga bandang alas tres ay nilantakan na niya ang mga prutas na dinala ni Toby kaninang umaga. She wanted to finish the whole basket before 5pm. Akala niya'y imposible dahil marami ang laman noon pero pagkaubos ay pakiramdam niya'y gutom pa sya.
She was getting worried about her figure. May ilang damit na siyang hindi na kasya sa kanya. But for the baby's sake, hindi sya nagrereklamo.
"Grabe, Jae, hindi ka man lang namahingi!" reklamo ng officemate niya.
She smiled sheepishly. "Kulang pa nga e."
Naiiling itong nagbukas ng drawer. Kumuha ito ng dalawang balot ng Cream-O.
"Here."
"Uy, huwag na!" tanggi niya.
Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang biskwit.
"Kain lang ng kain hanggat may kakainin," nakangiti nitong sabi.
"Thank you."
--
Nasa pangalawang piraso na siya ng Cream-O nang mag-ring ang phone niya. Tumatawag ang guard sa kanya.
"Hello, kuya?"
"Ma'am Jae, may naghahanap po sa inyo."
Kumunot ang noo niya. Imposible namang si Toby iyon. Wala pang alas-singko. Unless, may pagkaclingy talaga ito at hindi siya malubayan.
"Sino raw po?"
But it's not like the guard on post to not tell her straight na boyfriend niya ang naghahanap. Kilala naman ng mga ito si Toby.
"Mommy nyo raw po."
Para siyang binuhusan ng isang pitsel ng tubig na may yelo. She felt the hairs on her nape rise. What was her mother doing here?
"S-Sure ka kuya?"
"Saka daddy nyo, ma'am, nandito rin."
Mas lalo siyang pinangilabutan. Her gut tells her that nothing will come out of the impending meeting. Pero hindi naman pwedeng hindi niya lalabasin ang parents niya. Baka mag-eskandalo pa ang mga ito. Alam niya ang ugali ng dalawa. Parehong matigas ang ulo. Saan pa ba sya magmamana?
Nagpasalamat siya sa guard na tumawag at tumayo na bago pa man gumawa ng eksenang pang-Jerry Springer ang mga magulang niya.
Nang makarating siya sa lobby ay muntikan na siyang mapanganga nang makitang pareho ngang naghihintay ang dalawa sa kanya.
Her parents are in the same room. They're even sitting together! Magugunaw na ba ang mundo?
"So apparently, nothing's really impossible."
Her mom ignored the snide remark. Tumayo ito at agad siyang niyakap.
"Eloisa, how are you?" Hinalikan siya nito sa pisngi. Her dad shortly followed.
"I was doing fine, mom. What are you doing here?" tanong niya sa dalawa.
"Don't look so surprised, anak," sabi ng daddy nya.
Nailing siya. "I still have work to do. Can we talk later?"
"Sure. Susunduin ka namin later. Let's have dinner together."
"Toby and I already have plans. But you're welcome to join us," she replied.
Umiling ang daddy niya. "We want to talk to you alone."
Huminga siya ng malalim. She can't quite shake this uneasy feeling off.
"Okay. But make it quick. I don't want to make him wait."
Pumayag ang mga ito. They went off to the mall habang siya ay pinipilit tapusin ang mga kailangan niyang tapusin. Gusto niyang mag-undertime. Magtago. She didn't want to be alone with her parents. Pakiramdam niya'y walang magandang mangyayari kapag kasama niya ang mga ito.
Siguro dahil na rin sa wala syang magandang alaala kasama ang mga ito. Kung mayroon man, natabunan na iyon ng mga hindi magandang memories.
Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang sabihin sa mga ito ang kalagayan niya nang mag-isa. Pero ayaw niyang idawit si Toby sa gulo. Her dad would surely go berserk. Siya lang naman ang may kakayanang sumalungat sa mga ito. What better way to deliver the news than alone?
She knew Toby wouldn't agree. Alam niyang dedepensahan lamang siya nito. He would take all the blame.
So to avoid that, sinabi niya ritong magkita na lang sila sa bahay mamaya.
"Bakit?" pamimilit nito. "Tinotopak ka na naman ba?"
"Hindi. May naisip lang ako."
"Ano?"
"Let's cook dinner together."
"Ha?"
"Please? I want to cook for you. But since I can't cook, then maybe you can teach me?"
Tumawa ito. "Adik ka ba?"
She sighed. "Ayaw mo ba?"
"Gusto!" mabilis nitong sagot. "Sige, deretso na lang ako sa bahay. Anong oras ka uuwi?"
"Nandoon na 'ko ng seven."
"Okay. Ingat sa pag-uwi."
--
Saktong alas-sais ay naka-log out na siya. She told herself to not eat too much para mamaya ay makakain pa siya ng lulutuin niya ni Toby. She was almost ready to break that vow when they brought her to her favorite Thai restaurant.
Um-order pa ang mga ito ng maraming putahe.
"Ayaw mo ng beef curry?" gulat na tanong ng mommy niya. She loves beef curry. Pero hindi ito umaayon sa panlasa niya ngayong buntis siya. She pushed the food away.
"I don't feel like eating curry tonight."
Pinagdiskitahan na lamang niya ang catfish at mango strips na nasa appetizer.
"You better start talking," she told them. "Aalis na 'ko ng bandang 6:30."
Her dad sighed. "Anak, Chase went home with us. He said he wanted to meet you."
Pabagsak niyang ibinaba ang pagkaing isusubo na sana niya.
"What?!"
"Gusto ka raw niyang makita," sagot ng daddy niya. Tumingin ito sa relo nito at saka nagpatuloy, "He'll be here any minute."
"No! Dad, I don't want to see him!"
"Eloisa, don't worry. Gusto lang naming mag-usap kayo," pang-aamo ng mommy niya.
"Ayoko nga, di ba!" pasigaw niyang sabi. Agad siyang tumayo at kinuha ang bag saka akmang aalis. Nakakailang hakbang na siya nang hilahin siya ng mommy niya. Pinipilit siyang papirmihin ng mga ito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Maraming nagugulo sa pagkain dahil sa eksena nilang mag-anak.
She knew something like this would happen.
Sana hindi na lang sya pumunta. Sana nag-eenjoy na sya ngayon, having dinner with Toby. Pero naisip din kasi niya, she can't avoid the problem forever. Alam niyang hindi umuwi ang parents niya to get nothing from her. Ipipilit pa rin ng mga ito ang gusto ng mga itong mangyari.
Nilapitan na sila ng mga waiter dahil handa na talaga siyang magwala. Ayaw siyang bitiwan ng daddy niya. She pinched his hand and yanked her arm away. Nang bigla itong bumitaw ay napasubsob siya sa katabing table.
Nag-panic agad siya nang maramdaman niyang napatama ang tiyan niya sa lamesa. Pinakiramdaman niya ang sarili.
"Sir, ma'am, please settle this outside," narinig niyang pakiusap ng manager.
Agad siyang sumunod. Nauna na siyang lumabas ng restaurant.
"Eloisa!"
Tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad. Nasa gilid na sya ng daan when her dad finally caught up with her. Pinaalis nito ang taxi na pinara niya.
"I am not going through this again, dad!" she said indignantly.
Pero nang lingunin niya ang ama ay namumutla ito. Not far away was her mom. Hindi niya alam kung bakit may takot sa mga mata ng mga magulang niya.
"What now?!" iritado niyang tanong.
Nakatakip ang dalawang kamay ng mommy niya sa bibig nito habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa kanya.
When her dad finally spoke, his voice was broken.
"Anak... buntis ka ba?"
Nanlaki ang mga mata niya. Paano nila nalaman? Did she give it away? Dahil ba hindi niya kinain ang paborito niyang curry? But the answer became obvious to her when she felt a hot flow of liquid down her thighs.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro