TSG 26 - Glowing
"I asked her why she's running away. Said she was born to live this way. I'll never let a bad man take you away, take you away. So I'll never gonna stop 'til the clock stops tickin'. Never gonna quit 'til my legs stop kickin'. I will follow you and we'll both go missin' (yeah). No I'm never givin' up 'til my heart stops beatin'. Never lettin' go 'til my lungs stop breathing. I will follow you and we'll both go missin' (yeah)." –Glowing, The Script
---
Nag-aalala si Toby tungkol sa sinabi ni Jae. Alam naman niya ang sitwasyon ng pamilya nito. Hindi lang niya maintindihan kung bakit sa lahat ng pwedeng pakialaman ng mga magulang nito, they chose to mind the two of them.
Kilala nya si Jae. Matigas ang ulo nito. She doesn't take orders from anybody. Not from him. Not from her parents. She will do things if she wants to and won't if she doesn't. Pero paano na lamang kung pwersahin ito?
Sa totoo lang, he meant it when he suggested that they elope together. It might seem foolish of him to think so. He has a family to take care of. But he also wants to take care of Jae. Ayaw niyang isipin na baka ilayo ito sa kanya ng mga magulang nito. He can't see himself going through a day without her.
When he came back from work, agad siyang pumunta sa bahay nito pagkabihis niya. Sakto namang pang-tatlong tao ang nilutong hapunan ni Manang.
Pagkakain nila ay nagpaalam itong uuwi sa bahay ng anak nito. The two of them were left inside the house.
"Ikaw na ang maghugas ng pinggan ha?" sabi nito sabay halik sa pisngi niya. Siya ang nag-impis ng pinagkainan. She didn't even help. Napabuntong-hininga siya. No, if they were to elope together, baka hindi na siya makaalis ng bahay dahil sa mga labahin at linisin.
He put the dishes on the sink and pulled her by the arm.
"Ikaw na."
"Hala, ayoko! Manunuod ako ng movie!" reklamo nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Jae."
She grunted. "Ikaw na lang. Bukas na lang ako."
"Tapos bukas ako na naman ang paghuhugasin mo ng pinggan." He went behind her and pushed her gently to the sink. He gave her the sponge. "Dali na."
"Baka makabasag ako ng pinggan."
"Ayos lang. Mayaman ka naman e. Marami kang pambili ng pinggan."
Wala na itong nagawa kundi magsimulang maghugas ng pinggan. Tinulungan naman niya ito para hindi ito tuluyang mainis sa kanya. If there's one thing that Jae's very allergic to, it's doing chores.
Dahil double effort, nahati ang length ng oras ng paghuhugas ng pinggan. They finished washing everything including the dirty pan in less than fifteen minutes. Kaso dahil clumsy si Jae, nakabasag ito ng isang pinggan at nag-damsak sa sahig. Kinailangan pa tuloy niyang magpunas.
--
Pagkatapos nilang maglinis, nagmarathon naman sila ng horror movies. Nakatatlong movies yata sila bago ito antukin. All the while, nakatago ito sa likuran niya. Kung hindi naman, nakatakip ang tenga nito at nakapikit ang mga mata.
"May naintindihan ka pa ba sa pinanuod mo?" natatawa niyang tanong.
"Oo naman!"
Pinisil niya ang pisngi nito. "Hm, sige. Uuwi na 'ko."
"Hoy teka!" Kumapit ito sa braso niya. "Dito ka muna hanggang makatulog ako."
"Bakit? Natatakot ka?"
She nodded.
"Pag tulog na 'ko, saka ka na lang umuwi."
"Adik ka ba? Nunuod-nuod ka, matatakutin ka naman pala."
"E maganda kasi yung movie!"
"Pa'no mo nasabing maganda e nakapikit ka the whole time?"
Sumimangot ito. Parang gusto na naman nitong manapak. He sighed.
"Fine. Dito lang ako sa sala. Sumigaw ka na lang kung nakita mo si Sadako."
And the slap on the nape came. "Kainis 'to!"
"And don't look under the bed, baka nandun si Toshio," natatawa niyang dagdag.
She glared at him and slapped his arm. Sa lakas, bumakat ang kamay nito sa braso niya. Sumiksik si Jae sa isang arm ng couch and covered her face with the throw pillow.
"Hoy, Jae..."
She didn't budge.
"Jae."
"Umuwi ka na!" Suminghot ito.
"Sorry. Nagbibiro lang naman ako." Tinanggal niya ang throw pillow sa mukha nito. "Halika na. Sasamahan na kita."
"Huwag na!"
"Jae, huwag nang maarte please. Halika na. Inaantok na 'ko."
Nagpahila naman ito patayo. Kumapit ito sa braso niya. She was cautiously eyeing the top of the stairs. Alam niyang dahil aksidente nitong nakita yung pagbaba ni nung multo sa The Grudge dun sa hagdanan. The ghost was very similar to Sadako of The Ring. Parehong parang bali ang mga buto ng mga ito. Sakto kaninang tinanggal nya ang kamay ni Jae na nakatakip sa mga mata nito kanina nang nasa scene na 'yon na ang movie.
She almost cried in fear.
Tinanggal niya ang pagkakakapit ng kamay nito sa braso niya. Then he held her hand with his. He smiled at her reassuringly, as if saying that he won't leave her side. Naupo siya sa bedside table after tucking her in.
"Sige, matulog ka na," sabi niya rito.
"Nakaupo ka lang dyan?"
He nodded. "Hindi ako aalis. Pangako."
She groaned and sat up. "Toby..."
"Hm?"
"Ang creepy kaya!"
"Ha? Ano namang creepy dun? Babantayan kita, di ba? Just think of Edward and Bella."
Binato siya nito ng unan. "Sa lahat naman ng pwedeng pagkumparahan, sa kanila pa talaga!"
Right. Jae hates Twilight. It has something to do with the fact that Twilight vamps sparkle when she grew up watching an entirely different scenario.
"E pano? Sa'n ako pipwesto?"
Tinapik nito ang space sa tabi nito. "Dito."
"Jae—"
"Wala namang malisya e. Wala ka namang gagawin, di ba?"
Wala naman syang planong gawing hindi dapat. Syempre may respeto sya sa babae, lalo na sa girlfriend niya. Naalala lang niya yung insidente dati noong muntikan nang may mangyari sa kanila. Baka maulit lang. Baka mawalan sya ng kontrol sa sarili.
"Think of it as a test, Toby."
"And what if I fail?"
She shrugged. "E di magbibreak tayo."
Agad siyang tumayo. "Uuwi na lang ako."
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?"
"Wala." Deretsahan niyang sagot. "Ikaw, Jae, may tiwala ka ba sa 'kin?"
She nodded. "I trust you more than I trust myself."
He sighed. So it's all up to him then.
"Fine. Matulog ka agad ha."
She smiled and nodded vigorously. He slipped next to her. Yumakap naman ito agad sa kanya.
"Good night, Toby."
--
She felt safety and danger beside him. Naalala pa niya yung pangaral ni manang nang malaman nitong natutulog si Toby sa bahay niya.
"Alam mo ba ang pwedeng mangyari kapag pinagtabi ang isang lalaki at isang babae sa kama?"
She knew what the old woman was talking about. Alam din niyang muntikan nang mangyari iyon sa kanila ni Toby. But the point is it didn't happen. He held back because he knew that it's not yet time.
"Manang, hindi ganon si Toby," sabi niya rito. "He won't take advantage of me."
"Lalaki pa rin sya, Loi."
Maybe manang Soling is right. He is a guy, after all.
"Jae?"
She felt his breath on her face. She didn't open her eyes. Natatakot sya sa pwedeng mangyari. He is a guy, after all.
"Hm?"
"Good night." She felt his soft lips on her lips and her stomach turned into a mosh pit of butterflies.
--
Kinabukasan, nagising silang dalawa sa malakas na pagtikhim ni manang. Nakapamay-awang ito at masama ang tingin sa kanilang dalawa. Agad silang naghiwalay.
"May nangyari na ba sa inyo?" deretsahan nitong tanong.
"Wala po!" agad niyang sagot.
"Hmp!"
"Wala po, manang," sabi naman ni Toby. "Sinamahan ko lang po syang matulog kasi natatakot sya kagabi."
"Kailangan talagang magkayakap kayo?"
"Ako ang yumakap, manang," depensa niya.
Umiling-iling lang ang matanda.
"Aalis na po ako," paalam ni Toby. "Good morning po, manang."
Tumingin ito sa kanya saka tumango. Tapos ay lumabas na ito ng kwarto.
"Ikaw talagang bata ka!" Akma siyang kukurutin nito. Nagtalukbong siya ng kumot. "Kapag ikaw, nagkalaman ang tiyan, lagot ka sa mommy at daddy mo!"
"Manang, wala nga kasing nangyari!"
"Wala pa kamo!"
Tinanggal nito ang kumot na nakatalukbong sa kanya.
"Kung magalit ka naman, parang 13 years old lang ako. Manang, I'm old enough."
Sumama lalo ang tingin nito sa kanya. "Handa ka na bang magkaanak? Paano kung hindi ka nya panagutan? Hala, sige nga!"
"Papanagutan nya ko."
"At paano ka nakasisiguro aber?"
"Kasi matino sya, manang," sagot niya.
Manang Soling gave out an exasperated sigh. "Bahala ka na nga. Basta ikaw, mag-iingat ka. Dyan nagkasira ang mommy at daddy mo."
Alam niyang totoo ang sinabi nito. And maybe she said that just to scare her. Pero masakit ang dating sa kanya. Alam niyang nagpakasal lang ang parents niya because they have to. She's already growing inside her mother's tummy.
They were so in love with each other back then. Sa sobrang pagmamahal, nagawa nilang isuko ang lahat-lahat sa isa't isa. Pero pareho ang mga itong hindi pa handang magkapamilya. May mga pangarap pa sa buhay ang mga ito na gusto nilang abutin bago sila mag-settle down.
She kept their dreams from happening. Dahil sa kanya kaya nasira ang buhay ng mga ito. Dahil sa kanya kung bakit hindi sila makatagal sa isang lugar ng magkasama.
Thinking about all those things made her realize that she's not ready yet. Paano nga kung matulad sila ni Toby sa mga magulang niya?
She can't think of putting her future child through all that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro