TSG 19 - Let Her Go
"But you only need the light when it's burning low. Only miss the sun when it starts to snow. Only know you love her when you let her go. And you let her go..." --Let Her Go, Passenger
----
He was staring at her picture for a long time now. It was taken when they went out once. They each got a cotton candy on one hand. Ang isang nitong kamay ay nakakapit sa braso niya. His other hand took the picture. He meant to upload it later that night pero nakalimutan na niya.
He zoomed in the picture hanggang sa si Jae na lamang ang nasa screen.
"You're in love with her," he remembered them say. Kahit anong pilit niya, hindi niya maalalang minahal niya ito. He just likes her. He knew the feeling of being in love. He should have realized it by the time that he did fall in love with her. But it completely eluded him.
And now he feels empty. Depressed daw ang isang tao kapag tulog ito nang tulog. Depressed yata siya. Palagi siyang tulog nitong mga nakaraang araw. Before the Christmas break, he was such a workaholic. Uuwi lamang siya para matulog ng ilang oras tapos para kumain at maligo. Ayaw niyang naglalagi sa bahay. Ayaw niyang wala siyang ginagawa.
Dahil kapag wala siyang ginagawa, nagsisimula siyang mag-isip. Nagsisimula syang umalala. Kaya nang magbakasyon, tulog siya nang tulog. At least his subconscious self can dream. And in his dreams, she's there.
Sabi ng mga kaibigan niya, tanga raw sya dahil hindi man lang niya naramdaman ang pagbabago. But that must be love, right? It's like a speeding bullet. You will only know you were hit when you see yourself bleeding. And when you finally see it, you're already losing blood.
He felt like he was hit straight in the heart. It didn't hurt at first, not until his mind recognizes the pain. He must be in love with Jae, but she left before he could even process the thought.
Now, she's already halfway across the world, ready to get over him. At ang mas masakit pa doon... hindi na ito babalik pa. He was in the past now. Jae will never look back, because she was so tired of hurting.
"Anak?"
He locked his phone and put it under his pillow. "Po?"
"Bakit hindi ka pa bumabangon? Hindi ka ba sasama sa pagsimba?"
Umiling siya. "Sa New Year na lang ako, 'nay."
His mother gave him a disapproving look. "Anak, Pasko ngayon. Kahit ngayon lang, magsimba ka."
Nagtalukbong siya ng kumot at naghintay hanggang sa mangalay katatayo ang nanay niya at lumabas na ito ng kwarto. Kinuha niya ang phone niya mula sa ilalim ng unan at binuksan iyong muli. Talaga bang natututo lamang magpahalaga ang tao kapag nawala na ang mga bagay na dapat niyang pahalagahan?
He sighed and closed his eyes.
--
"Mamamasko po!"
He was already half asleep with he heard their voices. Alam niyang sina Rico iyon. He had been avoiding them too. Naiinis siya sa sarili niyang mas nauna pa silang nakaalam kaysa kanya. Bakit sila, nahalata nila kahit minsan lang nilang nakasama si Jae? Dahil lang sa pagkikwento niya, nakapag-conclude na sila ng ganoon. Bakit siya, hindi niya nahalata?
"Mamamasko po!"
He grunted. Wala nang tao sa bahay kundi siya.
"Toby!"
Sighing, he got up the bed and went downstairs. Pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito saka pinapasok sa bahay nila.
"Wala akong pera. Kumain na lang kayo." Itinuro niya ang kusina. Then he headed to the stairs.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Femi.
"Matutulog."
"Paskong-pasko, tulog ka?" naiiling na tanong ni Rico.
"Inaantok ako e."
"Toby, alam naman naming depressed ka. Pero just for today, magpakasaya ka naman."
He knew that his friends mean well but he'd rather have them leave him alone.
"Pupunta kami kita Jazz ngayon. Sumama ka."
"Ayoko."
"Adik nito. Hinahanap ka kaya nya."
"Sabihin nyo, tulog."
"Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Akala ko ba hindi ka in love kay Jae?" tanong ni Femi. "Bakit para kang namatayan ngayong wala na sya?"
Naupo sya sa puno ng hagdan at isa-isang pinadaanan ng tingin ang mga ito. Napabuntong-hininga na lang sya. Naupo si Gale sa tabi niya.
"Sundan mo kaya?"
"Wala akong pera," sagot niya. To his surprise, she smiled. "Nakakatuwa bang wala akong pera?" kunot-noo niyang tanong.
"Hindi. It's just that, if you're not in love with her, you will answer differently. So ngayon, aminado ka na."
Nag-iwas sya ng tingin. "Ano naman ngayon?"
"Kung gusto mo, Toby, pwede kong ibigay ang contact number ng mommy nya. Para makumusta mo man lang sya," JT pitched in.
"Huwag na. Hindi rin naman nya ako kakausapin."
"Malay mo..."
He sighed. "Kumain muna kayo. Maliligo lang ako."
Tumayo sya at umakyat para kumuha ng bihisan. Tapos ay saka siya naligo. He made a note addressed to his family at saka nya iyon idinikit sa pintuan ng ref dahil pamihadong hahanapin siya ng mga ito mamaya pagdating ng mga ito.
Saka siya sumama kina Rico papunta kina Jazz.
--
Makulay na makulay ang bahay nina Jazz. They cartainly didn't hold back with the decorations. At masasarap ang mga pagkain. Nandoon ang pamilya ni Jazz. Nandoon din ang mommy at daddy ni Kent at ang bunso nitong kapatid.
Pasa-pasa ang pagkakalong sa kambal. Kabi-kabila rin ang picture-taking. Lahat ay nakangiti. Lahat ay masaya. Pakiramdam tuloy niya'y hindi siya nababagay doon. Mukhang siya lang ang walang pakialam sa Pasko.
He caught Kent's eye when he scanned the room. Sumenyas ito sa kanya saka ito lumabas ng bahay. Sumunod siya rito.
He handed him a beer.
"Thanks," he said.
"Gale told me," bungad ni Kent.
He frowned. "Huh?"
Kent gave him a sympathetic smile.
"Her name's Jae, right?"
"Ah..." He averted his gaze down his shoes. "Yeah."
"Akala ko talaga hindi ka na magmu-move on from Jazz."
Bahagya siyang napangiti. "Akala ko rin e."
Tinapik siya nito sa balikat. "Don't let her go. Baka pagsisihan mo."
He wanted to laugh at the irony. "I think it's too late for that."
Kent shook his head. "It will only be too late if she's already given her heart to someone else. Lumayo lang sya, it doesn't mean that she's over you. Trust me, as long as she loves you, you have a chance."
--
Of all the people who could give him advice, it was Kent's words that hit home. Alam niyang wala namang saysay kung bibili sya ng ice cream cake at dadalhin iyon sa bahay ni Jae. She's not there to eat it. Still, he indulged himself.
Call it rubbing salt on a fresh wound, but the pain reminds him that she was real and she did love him. Kahit pa saglit lang na panahon iyon.
He rang the doorbell twice. Akala niya'y walang lalabas sa bahay. Pero lumabas iyong matandang nakita niya dati. Bihis na bihis ito at nakangiti, mukhang may inaasahang bisita. Pero nawala ang ngiti nito nang makita sya.
"Ano na naman ang kailangan mo rito, hijo? Hindi ba't sinabi ko nang nasa America na si Loi? Hindi na sya babalik. Inaaksaya mo lang ang oras mo."
"Gusto ko lang pong ibigay 'to." Iniabot niya rito ang ice cream cake. "Paborito po kasi nya 'yan."
Lumungkot ang mukha ng matanda.
"Hijo, hindi nya rin naman makakain 'to e."
"Kapag nakausap nyo po sya, pakisabi na lang po na dumalaw ako. Merry Christmas po."
"Merry Christmas din, hijo."
Ngumiti siya rito at saka naglakad ng mabagal palayo.
--
Pagkapasok ni Manang Soling ay nakita niyang papalabas ang alaga niya. Bihis na bihis ito.
"Saan ka pupunta?" tanong niya rito.
"Lalabas. Bored na bored na ako rito, manang. Ilang linggo na akong nakakulong e. Ang putla ko na o!" reklamo ni Jae.
Humarang siya sa pintuan. "Naku, hindi ka pwedeng lumabas, Loi!"
"Bakit naman po?"
Inilahad niya ang ice cream cake na binigay ng binatang nakita niya sa labas kanina. "Nandyan sya sa labas."
"Po?!"
--
Jae groaned inwardly. Mula sa bintana na lamang niya nakikita ang araw. Ilang linggo na siyang nakakulong sa bahay dahil ayaw niyang makita siya ni Toby. Si Manang Soling ang sumasama at nag-aasikaso sa kanya.
The U.S. thing was a lie she made her tell Toby para tigilan na siya nito. Totoong inaaya siyang tumira doon ng mga magulang. At dahil sa nangyari'y pumasok na rin sa utak niya ang tumuloy. Pero hindi siya makaalis-alis.
"Binigyan ka nya ng ice cream cake, Loi. Paborito mo raw ito."
Iniabot nito sa kanya ang isang malaking box ng cake. Agad niya itong itinapat sa basurahan. Pinigilan lamang siya ng matanda kaya hindi niya iyon naitapon.
"Manang, sa susunod na may ipabibigay siya sa inyo, itapon nyo agad."
"Sayang naman ito, Loi. Masamang nagtatapon ng biyaya."
Ibinigay niya iyon sa matanda. "E di iuwi nyo na lang."
"Ayaw mo ba talaga?" tanong nito.
"Ayoko. Ayoko ng kahit anong galing sa kanya."
Bumuntong-hininga ang matanda. "Nakakaawa na sya, Loi. Aba'y nakakailang balik na 'yon dito. Hindi mo man lang ba sya kakausapin?"
"Hayaan mo syang magdusa, manang. Bagay lang 'yon sa kanya. Gago kasi sya."
"Nagdurusa ka rin naman," puna nito.
"Matagal na 'kong nagdurusa, manang."
Naupo siya sa sofa at nagsimulang magtanggal ng burloloy sa katawan. Isang araw na naman siyang magkukulong. Buryong-buryo na siya sa bahay.
"Doon ka muna kaya sa amin? Nandoon naman sina Mikoy, hindi ka malulungkot. Saka pwede kang gumala-gala roon."
"Huwag na. Sige na, iuwi mo na 'yan. May pagkain naman ako rito. Bukas ka na lang bumalik."
"Ayos ka lang ba talaga, anak?"
Tumango siya kahit na maging siya ay hindi naniniwala na ayos lang sya.
"Hanggang kailan ka magtatago sa kanya?" tanong nito.
"Hanggang sa tumigil na sya kakapunta rito," sagot niya. But that may take a few more weeks. Baka kapag nakalabas na siya, mukha na siyang bampira sa putla. She sighed.
"Alam mo, Loi, walang problemang naaayos sa pagtatago. Harapin mo sya at tapusin mo 'yan ng maayos," payo nito.
"E di nagmukha akong sinungaling. Ang alam nya nasa U.S. ako tapos bigla akong makikipag-usap? E di nalaman nyang nagtatago ako."
"E bakit ka ba kasi nagtatago ha? Kung ayaw mo na doon sa tao, sana ay umalis ka na nga lang. Bakit hindi mo ginawa?"
Wala siyang naisagot.
"Hindi mo kaya, Loi," dugtong nito. "Hindi mo kayang iwanan sa Pilipinas ang puso mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro