Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula, Gitna, Wakas

April 30, 2021

Simula, Gitna, Wakas

***

"Sige, sinong makapagsasabi kung ano ang makikita sa simula?"

Nakatitig lang ako sa tablet ko, hinihintay na may sumagot. Tahimik na tahimik ang klase.

"Gumamela, nandiyan pa ba kayo? Teka lang, kinig pa ba ako?"

"Kinig pa po kayo, Ma'am."

Nakatatamad naman. Sumasakit na ang ulo ko kanina pa. Gusto ko na matapos ang klase!

"Oh, eh sino ang makapagsasagot ng tanong ko?"

"Ma'am, Gutierrez po," sabi naman ni Jayjay, ang isa sa mga bibo kong mga kaklase. Nawa'y lahat.

"Oh sige, Gutierrez."

"Ma'am, ang simula ang nagpapahayag o nagpapakilala ng mga tauhan. Dito rin makikita kung saan naganap ang istorya at kung kailan nangyayari."

"Magaling!" pagpuri ni Ma'am.

Huh, parang tayo lang. Nagkakilala tayo sa isang eskwelahan. Doon pa lang ay nagsimula na ang ating istorya.

"Sino naman ang maaaring makapagsabi sa'kin kung ano ang gitna?" tanong muli ni Ma'am.

"Perez."

"Mendoza."

"Cruz."

Marami ang nagsabay-sabay. Mabuti pa sila. Lutang pa rin ako hanggang ngayon at mas lalo pang sumasakit ang aking ulo.

"Sige, Perez."

"Ito po 'yung parang... katawan po ng istorya. Dito po ipinapahayag 'yung mga nangyari sa mga tauhan at dito po nalalaman kung mabibigo o mananalo ang pangunahing tauhan."

Ano nga ba 'yung gitna sa istorya natin?

'Yung pagiging malapit natin sa isa't isa ano? 'Yung nahulog na tayo sa isa't isa. 'Yung nagkaaminan tayo. 'Yung masasayang nangyari sa'tin. 'Yung mga pagpaplano natin. 'Yung mga pag-aaway natin. 'Yung buong relasyon nating wala namang tayo.

Do'n ko rin nalaman na hindi na nagiging maganda ang relasyon natin.

Pilit kitang binabago sa hindi naman ikaw at ikaw nama'y binabago ang sarili mo para lang sa kagustuhan ko. Wala rin akong oras sa'yo, at lagi mong 'pinapakita 'yon. Parang 'di tayo para sa isa't isa. 'Di kita maintindihan, at gano'n ka rin sa'kin.

Siguro totoo ngang masyado pang mura ang ating edad para doon.

"Very good, Perez! Eh ano naman 'yung wakas? Teka tatawag na lang pala ako. Uhm... Tenorio?"

Ay leche ako 'yon.

"Ma'am?"

"Paano mo ilalarawan ang wakas?"

Ang wakas?

Ang wakas...

Siyempre dito nagwawakas ang kwento 'no. 'Dito nagtatapos ang lahat.

Gaya ng ating kuwento. Nagwakas na. Wala na.

Dahil lang sa napagdesisyonan kong ayaw ko na. Dahil sinabi kong wag na. At itinanong mo kung paano na?

At saka nagwakas ang ating kwento. Nagwakas ito na parang wala lang. Nagwakas itong inaakala ko'y wakas na talaga para sa'kin. Hindi pala...

Parang isa na rin ako sa mga mambabasang nagtatanong bakit kailangan pang magwakas ng ganiyan.

Nagsisisi ako.

Ngayon, umaasa na lang akong may pangalawang parte ang ating kwento ngunit mukhang malabo. Siguro ako na lang 'tong umaasa at ikaw ay nakapagsulat na ng panibago mong istorya... kasama ang iba.

"Nako mukhang tulog na ata si Tenorio-"

"Ay Ma'am, nandito pa po ako. Uhh Ma'am, ang wakas ay ang katapusan ng kwento. Dito, ipinapakita ang mensaheng ipinapahiwatig ng kwento."

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ikaw na naman ang iniisip ko. Mas lalo mo pang pinapalala ang sakit ng aking ulo pero ikaw 'tong 'di matanggal sa isipan ko.

At hindi ko rin matanggal sa isipan ko na...

I wasted you. I wasted our chance to be together once we got older.

You were already tired chasing after me when I realized I still like you.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro