Hiling
August 3, 2021
Hiling
• • •
Isa lang ang hiling ko.
Isa lang.
At 'yon ay ang makasama ka hanggang sa huli mong paghinga.
Alam kong walang permanente at sa kahit anong araw ay ako'y iyong iiwanan.
Na malapit na ang 'yong oras ngunit hiling ko sana na ako ang iyong huling makita. Ang aking mga kamay ang iyong huling hawak.
Pero hindi.
Bakit gano'n?
Pasko, nagsisiyahan ang mga tao, nagsisiyahan kami tapos isang malakas na hagulgol ang bigla naming maririnig?
Ang pagtakbo namin sa isang kwarto kung saan isang tao ang walang malay. Walang buhay. Mahimbing na natutulog.
Ikaw 'yon, 'la.
Ang sakit lang kasi sa huling paghinga mo'y hindi ako ang nakahawak sa'yong mga kamay. Hindi ako ang taong huli mong nakita. Wala ka man lang kasama. Bakit gano'n?
Humiling ako ngunit bakit hindi natupad?
Bakit sa Pasko pa?
Bakit kung kailan wala kang kasama?
Bakit kung kailan wala ako sa tabi mo?
Bakit agad-agad?
Bakit gano'n lola?
Bakit gano'n?
Bakit iba ang nangyari sa hiling ko?
• • •
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro