Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twentieth Symphony

🌸 🌸 🌸
This is by far the longest chapter I've wrote for this story.
So please, bear with me. Masyado akong nadala. Lmao.
Word count: 4,169 words
🌸 🌸 🌸

Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Kanina pa 'di maalis sa isipan ko ang mga naganap kaninang tanghali. It's overwhelming. Nakakainis pa at kung kailan nandito si Timothy saka nangyari ang mga ganitong bagay sa akin. Naihilamos ko ang mga kamay nang maisip ang naganap kanina sa parking lot nang sundan niya ako. Minsan talaga napakaganda ng timing ng kuya ko.

"I'm Jared-Jared dela Costa." My mouth formed an 'O' when he said his name. Siya pala 'yong naririnig kong Jared dela Costa ng Architecture Department. I never thought na ganito ang itsura niya though. "And you are..."

Napaatras ako nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. Hindi ba alam ng isang 'to ang tinatawag na personal space? He acts like we've known each other for a long time already.

"None of your business." Pinagpatuloy ko ang pagpagpag sa blazer ko. Kung bakit kasi sumayad pa 'to, eh. Ang hirap-hirap pa naman matanggal ng dumi rito.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya nang bigla siyang sumipol. "Feisty, aren't we?" He is clearly amused by my retort which annoyed me. "But I already know your name, sinabi ni Iska sa akin dati," he matter-of-factly said.

Ayun na naman ang pagbanggit niya sa kung sinong Iska man 'yon. Hindi naman nito sinasabi kung sino ba ang tinutukoy nito. Well, as if I care.

I need to go back inside at baka mamaya ay sundan na naman ako ni Timothy. Mahirap na at kung ano na naman ang maabutan niya. Grabe pa naman mag-react ang isang 'yon. Akmang tatalikod na sana ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin akong muli kay Jared. Oh my god, ano na naman ba!

"Anong nangyayari rito? Tiffanie?" Muntik ko nang masabunutan ang buhok ko nang marinig ang boses ni Timothy. Bakit ba ang galing ng timing ng kuya ko? Kung kailan awkward ang sitwasyon saka sumusulpot.

Hinablot ko ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Jared. Yeah, first name basis na kami pero sa isip ko lang. Sinalubong ko si Timothy na papalapit sa pwesto namin, pero hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Jared.

"Are you harassing my sister?" Inakbayan ako ni Timothy. I could sense his protective brother instincts kicking in again. Oh god... This is like a replay of what happened kanina sa labas ng CR.

Umiiling-iling na itinaas naman ni Jared ang mga kamay niya. "Nope, I would never do that, dude. I mean she's pretty and all, but totally not my type."

"Aba't-" Ang kapal naman ng mukha mo! Gusto ko sanang isigaw sa kaniya pero pinigilan ako ni Timothy. Nanlilisik ang mga matang napatingin ako sa kapatid ko na mukhang cool na cool lang. Mukhang magkakasundo pa ang dalawang 'to sa pang-aasar sa akin ha.

"Timothy." Umawang ang mga labi ko nang iabot ng kapatid ko ang mga kamay niya kay Jared. What the freezing hell! Sinasabi ko na nga ba! "Would you like to dine with us?"

"Kuya!" Pero parang nabingi yata ang kapatid ko at hindi narinig ang pagpro-protesta ko.

"Sure, dude. Damn, I'm starving." Hindi makapaniwalang napatingin ako sa likod ng Kuya ko at ng lalaking kanina lang ay ininsulto ako.

Naihilamos ko ang dalawang kamay sa mukha. I endured two freaking hours listening to Timothy and that guy's exchange of stories. I almost lost my appetite kung hindi lang dahil sa Strawberry Trifle na naging suhol sa akin ni Timothy nang mapansin niyang iritang-irita na ako kanina.

"He even called me a playgirl when we're heading back home." Sinipa ko ang railing ng balcony namin sa sobrang inis.

"Whoa, someone's having a bad day." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses and I saw Yassi holding a glass of water. "What happened? Oh wait before that, mas gusto kong malaman kung anong meron sa inyo ni transfer student."

I groaned when Yassi smirked at me. I almost forgot about that slip I made. Tumayo ako at pumasok ng condo. Hindi ko pinansin ang pangfi-fish niya sa akin at pabagsak na naupo sa sofa.

"What is going on between you two? Mayroon ba akong dapat malaman?" I really hate it when Yassi's being persistent, not her greatest quality to be honest.

"Wala 'no!" Okay, that went out wrong. Napalunok ako nang makita ang naniningkit na mga mata ng best friend ko. Oh god, I have enough for today but knowing Yassi, alam kong hindi ako makakatakas sa kaniya.

Kailangan ko ng distraction sa pagitan namin, the atmosphere is so awkward. Inilibot ko ang mata sa sala, then I saw the remote control sa center table. Kinuha ko 'yon at binuksan ang TV. I sighed when I heard the commercial jingle. Kahit papaano ay nabawasan ang tension sa paligid.

"You sound so defensive, Rinne." Mukhang nasa kusina ang best friend ko.

"I'm not!" I bit my lower lip. Damn, I really sounded so defensive. Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit sa pwesto ko. Maybe I should ready myself, paniguradong tatadtarin ako ng tanong ng babae'ng 'to.

"I don't mind if you actually keep secrets from me, Rinne. That's your life. Ayoko lang na nagsisinungaling tayo sa isa't-isa." Inilapag ni Yassi ang dala nitong tray na may lamang pitsel at dalawang baso sa center table. Sinalinan nito ang isang baso at inabot sa akin. I muttered a thank you and took a sip. "Juice at 'yong isang bote ng red wine na lang ang meron tayo. We need to do some groceries this weekend."

"Kailan pa tayo nagka-red wine?" kunot-noong tanong ko kay Yassi.

"Ah, Greta gave me a bottle as a Christmas gift last year."

"So panulak na lang ang mayroon tayo sa kitchen?" I joked which she answered with a soft kick on my leg. Ugh, hindi na ba ako pwedeng mag-joke?

"Yeah, but don't worry I ordered pizza while I'm on the way home." Sakto namang pagkasabi ni Yassi noon ay tumunog ang telepono sa tabi niya. Sinagot niya 'yon habang nakatingin sa akin. She mouthed 'It's the pizza' before saying thank you and dropping the call.

"Paakyat na si kuya delivery guy with the pizza. Ba't kasi kailangan pa ng confirmation from us bago nila hayaang umakyat ang mga nagde-deliver? For sure, this is not the first time na magde-deliver sila rito sa condo." Napakibit-balikat na lang ako sa rant ng kaibigan ko.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Sa sobrang higpit ng condo namin, talagang hinaharang nila ang mga nagde-deliver sa lobby lalo na kapag walang abiso mula sa home owners na may ine-expect sila. It could be a hassle at times, but still safety first ika nga nila.

"Anyway Rinne, the pizza is coming so speak up." I groaned. Akala ko naman lusot na ako.

"There's nothing going on between me and Azrael." Inabot ko ang baso kong nasa lamesa at uminom. Pakiramdam ko nanuyo bigla ang lalamunan ko.

"Whoa, first name basis na pala kayo?" Nanlalaki ang mga matang sagot sa akin ni Yassi. "Wow, such fast progress."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, pero ramdam ko ang unti-unting pag-init ng magkabilang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina sa restaurant. I'm still torn if I'm going to tell her that or not. Ngayon ko lang napagtanto na ang dami ko nang hindi sinasabi kay Yassi, from the auditorium incident to the library fiasco, and the unexpected lunch with Azrael and his dad.

"I don't know how to explain it but palagi kaming nagkikita ni Az-transfer student kahit na hindi kami nag-uusap. It's like kismet?" Tinitigan ko ang basong hawak. Nilingon ko si Yassi nang mapansing wala man lang siyang snide remarks sa sinabi ko. Hindi ko alam kung maiinis o magpapasalamat nang makitang wala siya sa tabi ko. Oh god, nakakahiya 'yong huling sinabi ko. Kismet? Yuck, Rinne! Kailan mo pa ginamit ang term na 'yon?

Naputol nang biglang pagtunog ng doorbell ang self-talk ko. Nakita ko si Yassi na lumabas ng kwarto niya na may bitbit na kung ano at saka sumilip sa peep hole bago binuksan ang pinto.

"Finally!" Narinig ko siyang nagpasalamat sa delivery guy bago isinara ang pinto at naglakad papunta sa pwesto ko. Naramdaman ko na naman bigla ang kaba. I think the real interrogation is going to start since nandito na ang pagkain namin.

Umayos ako ng upo at pasimpleng inilapag sa lamesa ang hawak kong baso. Sakto namang ibinaba rin ni Yassi ang dalawang kahon ng pizza sa center table. Dalawang large size talaga ang binili niya? Paano namin uubusing dalawa 'to? Well, I don't mind eating a whole box as long as it's hawaiian pizza. People who says that pineapple on pizza is bad can fuck off.

I was about to open the box when Yassi put something on top of it. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano 'yon. Where the heck did she get that?

"No, no, no," umiiling-iling na sabi ko. "Akala ko ba it's okay to keep secrets?"

"But best friends don't keep secrets." Yassi smirked while eyeing the thing on top of the pizza box.

"Blackmailer!" Napunta ulit ang tingin ko roon at hindi ko maiwasang mapausal ng mahinang mura. Damn. Of all days, ngayon pa talaga naisipan ni Yassi na gawin 'to. I'm not prepared!

Hindi ko naman intensyon na maglihim sa kaniya. I'm planning to tell her all about it when I'm ready but I never expected her to be this serious, at kailangan pa niyang gamitin ang bagay na 'yan. I groaned before my mind started to wander when I first met Yassi. It was a vivid memory and one that I will never forget. Iyon din kasi ang rason kung bakit naging best friend ko siya.

"Do you still remember that kid who bullies you during fifth grade?" Umupo sa tabi ko si Yassi at inabot ang isang baso ng iced tea mula sa tray.

I groaned. "Yeah." Nanatili ang mata ko sa kulay brown na notebook sa ibabaw ng pizza boxes. "How could I forget that arse? He terrorized my elementary years."

Isang malakas na tawa lang ang sinagot ni Yassi sa sinabi ko. If I recall it right, it was shallow teasing at first, at akala ko titigil din kapag hindi ko siya pinansin. But it got worse to the point that I asked Dad to use his authority to transfer me to another section. But that boy was persistent, kahit lumipat na ako ng section, gumagawa siya ng paraan para lang asarin ako.

"Yeah, I could still remember that day na iniligtas kita mula sa kaniya. Nakasalampak ka lang no'n sa sahig, umiiyak. And I can't stand bullies so I helped you then."

Natawa ako ng mahina. Why are we reminiscing? Ano bang meron sa araw na 'to? "Hmm, you pushed him and he ended up kissing the floor. Poor boy got a taste of your Amazonian strength-Aray! Hoy Yassi ha!" Hinaplos ko ang braso kong hinampas niya.

"Amazonian strength ka diyan! Kung hindi dahil sa akin baka hanggang grumaduate ka ng elementary ay binu-bully ka pa rin no'n."

"Oo na! Oo na!" Inabot ko ang kulay brown na notebook na nasa ibaba ng pizza box. A small smile formed on my lips as I turned the first page. Bumungad sa akin ang cut-out letters na bumubuo sa salitang 'scrapbook'. "And I could still remember when we made this. Gosh, we're so corny, Yassi."

"Well, we're kids. What do you expect?" Mas lumapit sa akin si Yassi at sumilip din sa hawak kong notebook. Inilipat niya sa second page ang notebook at natawa ako sa nakita.

It was a picture of the boy who bullied me. Sa picture ay makikita na nakasubsob ang batang lalaki at likurang parte lang nito ang nakuhanan. Ewan ko ba kung bakit nagkataong may bitbit na camera si Yassi nang mangyari 'yon. Sa ibaba ng picture ay may nakalagay na quote na: Karma has no menu. You get served what you deserve.

Ako ba ang sumulat no'n? Napangiti ako lalo nang patuloy na ilipat ang mga pahina ng notebook. Every picture reminds me of the memories I had with Yassi. Good and bad. Karamihan ng pictures ay galing sa akin since sa aming dalawa, ako talaga ang mahilig kumuha ng pictures.

Sa bandang gitna ay bumungad sa akin ang litrato ng isang sirang bracelet na gawa sa beads. Sama-sama iyon para magkorteng bilog pero hindi nakaayos. "Why do you have this?"

Nginitian lang ako ni Yassi at nagkibit-balikat. She didn't answer me; instead she picked up her glass of juice and drank from it. Kainis!

Hinaplos ko ang picture at napangiti na rin. I remember that day when me and Yassi had our first major fight. It was during our second year in high school. I was absent for a day because of a flu. The day after that, nagpumilit akong pumasok because I hate skipping classes. Nang pumasok ako ay nagulat ako nang makitang may nakaupo sa upuan ko na katabi lang ni Yassi. I don't know what got into me and I snapped. Bangag yata ako noon dahil sa paracetamol o dahil pakiramdam ko ay pinagtataksilan ako ni Yassi.

Now that I remember it, napaka-petty ng reason ko nang time na 'yon. Nag-selos ako dahil akala ko ay ipinagpalit ako ni Yassi. She even tried to explain her side but being my stubborn self, imbes na nakinig ay mas pinairal ko ang pagiging brat ko. I broke our friendship bracelet and threw it at her.

More than two weeks kaming hindi nagpansinan hanggang tuluyan ng makialam ang mga magulang namin dahil nagsumbong si Timothy. Long story short, we made up and our friendship became stronger. But hindi ko alam na pinulot pala ni Yassi ang sinira kong bracelet at itinago.

"I had it framed, you know," wika ni Yassi. Napakibit-balikat pa siya na para bang hindi big deal ang sinabi niya. "I don't know how to preserve it. Ayoko rin naman ipaayos 'yon. I wanted it to remain like that to remind me how silly you reacted when we were in high school."

"Oh, god! Please stop." Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha dahil ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko. Now I realized how petty I acted that time. Ah! Talk about being immature.

"Don't worry, itinabi ko na iyon kasama ng bracelet ko," dagdag ni Yassi kasunod ang malakas niyang tawa.

Napailing na lang ako at sinimulang lantakan ang pizza. Buti na lang at naiba na ang topic namin nang banggitin niya ang tungkol sa mga na-miss kong lesson dahil sa mga absences ko. I groaned, my dean's list slot is totally compromised dahil sa pagliban ko sa klase.

"Hindi kita tinatakot, Rinne, but you really need some serious catching up." I groaned bago tinungga ang huling baso ko ng iced tea.

Bago ko mailapag ang baso ko sa mesa ay tumayo si Yassi at pumunta ng kusina. Nang bumalik siya ay bitbit na niya ang bote ng red wine. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Yassi. Seryoso ba siya? Red wine on a school day?

"I know what you're thinking." Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. "Lalasingin talaga kita kapag hindi ka nag-kwento, Lorinne Tiffanie."

"Fine, fine. Pero pwede bang dahan-dahanin lang natin? Ayoko kasi nang biglaang kwento. It's overwhelming." Sinalinan ko ang baso kong may iced tea kanina. Who cares about mixing flavors? It might turn out good. Humagod sa lalamunan ko ang pait ng wine pero nawala rin kalaunan at napalitan ng tamis.

"Ok, sige. Let's do it your way." Ngumiti si Yassi ng makahulugan pero hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at tahimik na sumubo. "Dahan-dahanin mo rin ang pagkain at pag-inom ng alak, Rinne."

I rolled my eyes in response instead, ibang topic ang pumasok sa isip ko. Umayos ako ng upo at humarap kay Yassi habang naka-indian sit sa sofa.

"Yassi..." I gave him the best puppy eyes that I can muster, pero ang best friend ko inikutan lang ako ng mata. "I'm serious kasi!"

"Fine. Go on." I saw her take a bite from her pizza.

"I know you have that 'love corner' sa University Herald" -Itinaas ko ang magkabilang hintuturo at hinlalato ko saka gumawa ng imaginary air quotes nang sabihin ko ang salitang love corner-"Can I ask you something?"

"Hmm. Shoot," wika ni Yassi. Binigyan niya ako ng isang seryosong tingin bago siya uminom ng wine mula sa hawak niyang baso.

"How would I know if I'm in love with somebody?" Muntik na ako matawa nang makitang bahagyang naibuga ni Yassi ang iniinom niya. Uubo-ubong tumakbo siya sa kusina at kumuha ng tubig na inumin bago bumalik sa sala.

"Wow, did you fall for the transfer student?" prangkang tanong ni Yassi.

Ako naman ang nasamid dahil sa narinig kong tanong niya. Uubo-ubong nailapag ko sa table ang hawak kong wine glass. Habang si Yassi naman ay malakas ang tawang iniabot sa akin ang baso ng tubig na ininuman niya kanina.

"Ahh! Sagutin mo na lang kasi!" Nanghahaba ang ngusong tiningnan ko siya habang tumatawa.

Mayamaya pa ay sumeryoso na rin siya. Akala ko aabutin na kami ng alas dose dahil sa kakatawa niya. Umupo muna siya sa sofa at saka seryoso ang mukhang humarap sa akin. Sana sagutin ako ng seryoso ni Yassi.

"Hmm, I know I give love advices but alam mo namang hindi pa ako nai-inlove 'di ba?" Tumango ako bilang sagot. Pareho kaming walang experience sa pag-ibig, though I had crushes here and there but that won't suffice na na-inlove na ako. "But as what they say in the books, when you can completely be your own self in front of someone, that means you're in love with that person."

"Fuck..."

"Did you just cuss at me, Lorinne Tiffanie!" Nanlalaki ang mga matang saad ni Yassi.

"Sorry, it's just a reaction." Napangiwi ako.

Maybe I should tell Yassi bit by bit of what happened to me. But where should I start? Napabuntong-hininga ako saka inabot ulit ang baso kong may alak at uminom doon.

"Anyway, you can tell whatever's going between you and the transfer student when you're ready. Tulad nga ng sabi ko, it's okay to keep secrets kaya naman hindi kita pipilitin." Tumayo na si Yassi at nag-inat ng mga braso niya. "Ahh! I still need to finish my article for this month's issue ng university herald."

"Are you sure, you don't want to know?" nagtatakang tanong ko kay Yassi. I mean, handa na akong sabihin sa kaniya kahit man lang 'yong auditorium incident man lang sana. Plus the alcohol from the wine was making me slightly brave to confess.

"I want to know, pero kita ko namang hindi ka pa handang magsabi." 'Di ko alam kung gini-guilt trip lang ba ako ni Yassi o ano.

Napabuntong-hininga ako. "H'wag mo nga akong i-guilt trip, Yassi."

"I'm not." Mataman siyang nakatingin sa mga mata ko. I can see that she really wants to know the truth about Azrael and me.

Uminom akong muli ng alak. Ramdam ko na 'yong init at pamumula ng mukha ko. But it's now or never, mas gusto kong sabihin na ngayon kay Yassi habang ramdam ko pa ang epekto ng alak.

"Hmm.." Napayuko ako at napatingin sa hawak kong baso. It's now or never, Rinne. "Do you still remember that time when you saw me in uniform and I told you that I went jogging wearing it?" Isang tango ang sinagot sa akin ni Yassi. "I didn't go jogging that time. I was stuck with Azrael sa auditorium."

"What!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Yassi. "Holy shit, Rinne. For real?"

Tumango ako bilang sagot. "I never thought na maaga palang umuuwi ang mga maintenance personnel. I was lucky enough na 'yong anak ng isa sa kanila ay maagang pumapasok, kaya naman maaga rin akong nakalabas that time."

Awang ang mga labing nakatingin sa akin si Yassi. I can't blame her though, kahit man ako kung magkapalit kami ng sitwasyon ay paniguradong pareho kami ng magiging reaksyon.

"I really didn't mean to hide it to you. Akala ko nga you'll see through my lie but you didn't." I bit my lower lip. "That's only the first secret though."

"What? First? Don't tell me marami pa 'tong serendipity shiz niyo ni transfer student?" Nahihiyang napatango ako. "Oh my god, Rinne..."

"They're accidents, okay? I didn't mean for them to happen."

Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin si Yassi. Ugh, paano na lang kapag sinabi ko pa 'yong nangyari sa library? Baka itakwil na niya ako bilang kaibigan. Nagtatalo ang isip at konsensya ko kung sasabihin ko ba ang tungkol doon kay Yassi. But then, I really want to keep that accidental kiss a secret between me and Azrael. Kahit pa hindi niya in-acknowledge na nangyari 'yon.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tinungga ang natitirang wine sa baso ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang hagod nito sa lalamunan ko. Tiningnan ko si Yassi at tutok na tutok ang atensyon niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.

"So...." Yassi trailed off, phishing for more.

"The other one is kanina. Timothy asked me to accompany him for lunch since flight na niya bukas pabalik ng London. Unexpectedly, sa resto na kung saan nagpa-reserve si Timothy ay doon din nagpa-reserve sila Azrael. We dined together since kakilala pala ni Timothy ang daddy ni Az-I mean ni transfer student."

"Wow..." Kitang kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Yassi. Alam kong marami na namang scenarios na naiisip 'yan. "Para kayong pinagtatagpo ng tadhana. What the, Rinne."

"Ugh, don't look at me like I've grown another head!" Itinakip ko sa mukha ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung dahil ba sa wine o sa fact na pinag-uusapan namin ngayon si Azrael ang pag-iinit ng mukha ko.

"So do you still have anything to share pa?"

Umiling ako bilang sagot. Sorry, Yassi. But I think this is not yet the time para malaman mo ang tungkol sa library fiasco namin ni Azrael. "Wala na. Buti na lang."

"Asus! If I know gusto mo pang magkaroon ng maraming encounter with transfer student."

"Hindi ah!" Napahawak ako sa leeg ko nang bigla akong pumiyok.

"See! You're expecting, don't deny it!"

"Whatever!" Tumayo na ako at pinulot ang tray na dala ni Yassi kanina pati na rin 'yong isang box ng pizza na naubos namin saka pumunta ng kusina. Sumunod naman sa akin ang best friend kong makulit.

"Wala na talaga? As in wala ng ibang fateful encounter?"

"Oo nga. Ang kulit mo, Yassi!"

"Naninigurado lang, mamaya may 'di ka pa pala sinasabi sa akin." Minsan talaga napapaisip ako kung may ESP itong best friend ko o sadyang malakas lang ang pakiramdam niya.

"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko na siya saka naglakad papunta sa direksyon ng kwarto ko. "I'm going to bed. I feel so exhausted today."

"Okay! Good night, Future Mrs. Sy!" sigaw ni Yassi sa akin.

"Oh fuck off, Yasmine!" sagot ko bago tuluyang pumasok ng kwarto ko. Ang lakas talaga minsan mang-asar ng isang 'yon.

Napasandal ako sa nakasarang pinto ng kwarto ko. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko. I could feel the heat emanating from it. Ugh! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"It must be the alcohol." I huffed and walked towards my closet. Maliligo na lang muna ako para mahimasmasan ang pakiramdam ko bago matulog.

Hindi sinasadyang nabaling ang tingin ko sa side table na katapat ng closet ko. There on top of it is Azrael's phone. Nilapitan ko ito at pinulot. He must be already looking for this. Sa sobrang intense ng nangyari kanina ay hindi ko na naisauli 'to. Sana lang ay pumasok siya sa subject ni Ms. Tuazon bukas. Out of curiosity, binuksan ko ang phone niya.

'I'm just checking kung may nag-text o tumawag sa kaniya.' Tsk. Sige, Lorinne. Kanina mo pa kinu-kumbinse ang sarili mo na tama ang mga pinaggagagawa mo.

"Oh..." Walang ibang salitang lumabas sa labi ko nang makita ang lock screen ng phone ni Azrael.

It's a picture of a girl, smiling at the camera . It's the same girl I saw at Azrael's socmed account photo album. One of her hands is extended to whoever is behind the lens while the other one is holding her beach hat. From the way she looks at the camera, kitang kita ko ang ekspresyon ng mga mata niya. She looks so happy and something else...

Yes, I remember that expression. It's the same way Mom looks at Dad, the same way Krys looks at Timothy before. Nanghihinang inilapag kong muli ang cellphone ni Azrael sa side table, saka umupo sa kama ko. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. What the fuck is this? Why is my chest hurting? Shit, don't tell me...

'Fuck no, that can't happen.'

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro