Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twelfth Symphony

White walls, white sheets, white ceiling. Damn. This really feels like déjà vu. Ramdam ko ang bigat ng ulo ko pati na rin ng katawan ko. Para akong tumakbo ng ilang kilometro sa pagod na nararamdaman ko ngayon. Nasaan ba si Yassi? Bakit mag-isa lang ako dito? Para namang may nakarinig ng tanong ko nang biglang pumasok ang best friend ko sa kwarto kung nasaan ako. I could see her worried face and couldn't help but smile. She's like my mom kung mag-alala.

"I hate you..." Naiiyak na sabi ni Yassi sa akin. 'Di ko mapigilang tumawa ng mahina sa sinabi niya. "At nagawa mo pa talagang tumawa! Kainis ka!"

"Aray!" Napahawak ako sa noo kong pinitik ni Yassi. "Grabe ka, Yassi. Injured na nga 'yong tao, sinasaktan mo pa."

"Eh kasi ikaw!" I suddenly felt bad nang biglang may pumatak na luha sa mga mata ni Yassi. "You should've told me na 'di maganda pakiramdam mo. Eh di sana, hindi mangyayari 'to!" 

'Di ko napigilan ang biglang pag-ikot ng mga mata ko buti na lang at nakayakap sa akin si Yassi. As far as I remember, sinabi ko sa kanya nang araw na 'yon na masama nga ang pakiramdam ko but she still dragged me out of bed. Pero 'di ko na 'yon sinabi at baka mas lalong ma-guilty ang kaibigan ko.

"I'm sorry." 

Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Yassi saka pinunasan ang ibang luha pang kumawala sa mata niya. May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero biglang bumukas ang pinto ng hospital room ko. Pareho kaming napalingon ni Yassi at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang kuya ko na nakasunod sa papasok na doctor.    

"What the hell are you doing here!" Bulaslas ko. But wrong move, bigla na lang kumirot ang ulo ko na parang may mga tumutusok na malalaking pin dito. Damn. Nauntog ba ako or what?

"Wow. That's a very warm greeting for your brother, Tiffanie."

Gusto ko sana siyang sagutin pero talagang masakit ang ulo ko. Naramdaman ko ang malamig na kamay ng doctor na hinawakan ang noo ko.

"You have a mild concussion, hija. So it's best kung mahihiga ka na muna." Dumilat ako ng konti at nakita kong nakatingin na ito sa swero ko. "Sabi ng kaibigan mo, nauntog ka raw nang bigla kang bumagsak. Buti na lang at 'di malala ang pagkabagsak mo. You're also over fatigued. But all in all, you just need ample rest and you'll be fine."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. Buti na lang at hindi malala ang nangyari sa akin. I couldn't afford to skip school pero nang ma-realize ko ang sinabi ng doctor na kailangan kong magpahinga ay pinanghinaan ako bigla.

"I know what you're thinking." Napatingin ako kay Yassi and I saw her smiling. "I'll let you borrow my notes habang nagpapagaling ka. Don't worry, if magkaroon man tayo ng quizzes and stuff. For sure, papayagan ka naman ng mga prof natin na mag-take ng make-up quizzes for those."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Yassi. Alam kasi nitong hindi ako mapapakali rito with the thought of missing a few days of lessons. Napawi ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng pagtikhim. Sabay kaming napalingon ni Yassi sa kapatid kong kanina pa pala nakatayo sa may gilid ng pinto.

"Tapos na ba kayong mag-kumustahan?" Nakasandal sa pader na tanong nito. I gave him the stinky eye pero napailing lang ito saka lumapit sa amin ni Yassi.

"What are you doing here, Timothy?" I didn't even bother to mask the annoyance and suspicion in my tone.

Pero imbes na sagutin ako ay lumapit ito sa akin at bigla nitong ginulo ang buhok ko. "Wala ka pa ring pinagbago, Tiffa. Pasaway ka pa rin."

"Ano ba?!" Napapikit ako nang biglang kumirot ulit ang ulo ko.

"Ikaw muna bahala kay Rinne, Kuya Logan." Napatingin ako kay Yassi sa sinabi nito. I gave her the h'wag-mo-kong-iwan look pero pinandilatan lang niya ako bago umalis ng kwarto.

Napahalukipkip ako ng maiwan kaming dalawa ni Kuya sa kwarto. Ano ba kasing ginagawa nito dito? Akala ko ba nasa ibang lupalop ng mundo ang isang ito at nagliliwaliw.

"Hindi mo man lang ba ku-kumustahin ang guwapo mong kuya?"

"Ugh. Guwapo? Saang banda?"

"Hahaha!" At talagang hindi pa rin nagbabago ang isang 'to. Mas lalo akong naiinis kapag ganyan siya, sa tuwing aasarin o babarahin ko siya imbes na mainis ay tatawanan lang niya ako. Minsan nga ay sinasadya pa niya para lang asarin ako.

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko Timothy. Anong ngang ginagawa mo dito?"

"Namamasyal." Casual na sagot nito sa akin bago umupo sa may paanang bahagi ng hospital bed ko. "Kidding aside. I'm supposed to be in Palawan for a business meeting but decided to drop by your school to visit you and Yassi. And guess what kung anong sumalubong pagpasok ko ng school niyo?"

Alam ko na ang sagot kaya naman 'di na ako nagsalita pa. Para namang wala lang dito ang pananahimik ko at tuloy-tuloy pa rin ito sa pagsasalita. Bagay ngang maging businessman ang isang 'to. Napakadaldal parang si Daddy kung mag-kwento.

"My little sister being carried by a random guy. Such a hero---" Nagawa pa nitong pumalakpak ng marahan na para bang tuwang-tuwa sa kwine-kwento sa akin.

"Okay, tama na."

"Naawa nga ako dun sa bumuhat sa 'yo. Sa bigat mo ba namang 'yan, Tiffanie?" Walang ano-ano'y sinipa ko si Timothy paalis ng kama ko. "Aray! Hahahaha!"

Tumatawang tumayo lang ang walanghiya at lumipat sa sofa na nasa tabi ng kama ko. Bastos talaga kahit kailan 'tong kapatid kong 'to.

"Hoy! Magaan lang ako noh!"

"Saang banda?" Natatawang balik nito sa akin.

"Aba!" Akmang ibabato ko sana sa kanya ang unan ko pero inagaw niya 'to sa akin. "Akin na 'yan!"

"Hey, hey! Tama na, Tiffanie!"

Hindi maipinta ang mukhang sumandal na lang ako sa headboard ng hospital bed ko. Kung bakit kasi ngayon pa naisipan ng isang 'tong bisitahin ako. Kung kailan may 'di magandang nangyayari saka biglang sumusulpot. Don't get me wrong. I don't hate my brother. Sadyang ganito lang talaga ang relasyon naming dalawa. Love-hate relationship. Alam kasi naman niya kung kailan dapat magpaka-kuya, pero mas madalas na parang bata kung umasta ang isang 'to.

"Anyway, I missed you." Naramdaman ko ang biglang paghaplos niya sa buhok ko. Napapikit ako nang bigla kong maalala si Mama sa ginawa niya. "Mom and Dad misses you a bunch too, little sister. Hindi mo kami binisita last summer break mo kaya naman kulang na lang magpa-book si Dad ng roundtrip ticket mabisita ka lang."

Hindi ko siya sinagot pero tipid akong napangiti sa sinabi niya tungkol kay Dad. So typical of him. I promised them na bibisitahin ko sila noong summer break ko but thesis happened kaya naman hindi ako natuloy. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko at hindi ko sila mabisita since ako lang ang nakahiwalay sa kanila.

"I'm sorry." Napanguso ako. "It's just that ang daming ginagawa sa school. You know naman na graduating na ako 'diba? Kung alam mo lang miss na miss ko na sila Mommy and Dad, pati na rin si Khrys." Hinarap ko si Timothy nang maalala ko ang kaibigan. "Anyway, where is she? Naiwan ba siya doon?"

Pero imbes na sagutin ako ay sumandal muli si Timothy sa sofa at nagpakawala ng malalim na hininga. Bigla akong kinabahan sa inasta niya. Don't tell me...

"Khrys is not in London anymore, Tiffanie."

"Wa-wait, what?"

"She left for New York. The last time I heard about her was two months ago."

"Hindi mo man lang sinundan? What the hell, Kuya?!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Timothy. "I can't believe that you only call me kuya when you're mad or surprised." Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. "Sinundan ko siya, Tiffa. But she chooses her career over me, kaya naman 'di na ako nagpumilit pa."

I could feel the sadness in his voice. Alam ko naman na mahal o minahal niya ang kaibigan ko, so I don't blame him at all. Khrys is a model bago pa man siya sumunod kay Kuya sa London. They're childhood sweethearts at alam kong inaasahan ng lahat ay magiging sila in the end. But I think that will be impossible for now.

"Alright! Enough drama. My flight will be this afternoon but I'll be back after three days. Maybe I'll stay here for a while before going back to London. Nakaka-stress sa company. I need some breather."

"What?! No! Bumalik ka na sa London after your business meeting! Wala kang space sa condo!"

"Hahahaha! No, little sis." Tinabig ko ang kamay niya ng pinisil niyang biglang ang pisngi ko. "Whether you like it or not. I'll be staying here."

Oh sheez! Paniguradong mas gugulo na naman ang magulo ng buhay ko!

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro