Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirteenth Symphony

Three days.

Three days akong naka-hospital arrest or that's what I prefer to call it. 

Timothy ordered my attending physician to admit me for three days para raw siya mismo ang susundo sa akin. How could he be so annoying?! Pero laking pasasalamat ko na rin at hindi natuloy ang balak nitong pag-tira sa condo namin ni Yassi.

"I'll be staying at Kingsville, baka kasi umiyak ka kapag doon ako sa condo niyo tumira." Kapag naa-alala ko ang sinabi niya sa akin ng araw na 'yon parang gusto kong manapak.

Since three days na nga akong wala, idagdag pa ang weekend na wala akong ginawa kundi mangopya ng notes kay Yassi, napagdesisyunan kong pumasok ng maaga ngayon. 

This is my first time na pumasok mag-isa, kaya naman ingat na ingat ako. Mahirap na at baka bumalik na naman ako ng hospital. Tama na 'yong tatlong araw na lagi kong naririnig ang boses ng magaling kong kapatid sa telepono, wala na akong balak dagdagan pa 'yon. 

Just the thought of Timothy pestering me for another day or so is enough reason for me to take those medicines even though I hate taking them.

It's not that I hate my brother, I love him, and I really do. It's just that I hate how he does things in his own way without considering how other people around him might feel. Pero sino nga bang tao ang hindi nakaalitan ang kapatid nila 'diba? Nagkataon lang talaga na masyadong mapapel ang kuya ko, kaya naiinis ako ng very very light sa kanya. 

I do love Timothy, pero mahal ko lang siya kapag nasa ibang bansa siya kasama nila Dad at Mom. O kaya kapag nagli-liwaliw ito kasama ang mga kaibigan. Mahal ko siya kapag nagkikita kami sa pamamagitan ng Skype or video call sa Messenger. Pero kapag nagkasama naman kami sa iisang lugar, mahal ko pa rin naman siya pero 'yong pasensya ko, mas mabilis pa sa pag-evaporate ng tubig kung maubos.

Anyway, enough talk about my brother. Baka kanina pa nasasamid o natatapilok 'yon at mas mapatagal pa ang ilagi niya dito sa Pilipinas.

Nginitian ko si Manong Guard nang batiin niya ako pagpasok ko sa gate ng university. Sa library na muna siguro ako di-diretso tutal maaga pa naman. I still have two hours before our first period starts, I might as well read some of the notes I copied from Yassi. 

Para akong home-schooled when I was admitted, every after class pinupuntahan ako ni Yassi para dalawin, at the same time para i-explain sa akin ang mga lessons namin. Laking pasasalamat ko rin at pareho kami ng subjects ng best friend ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng tunog na nangga-galing sa music room. Madadaanan kasi ito kapag papunta ng library. Madalas walang gumagamit dito maliban na lang kung may practice ang school choir. Kaya naman nakakapagtaka at may gumagamit dito nang ganitong oras.

Daig ko pa ang nakakita ng multo sa harapan ko nang mga sandaling 'yon. Hindi ako makagalaw habang patuloy na pinapakinggan ang tunog na nangga-galing sa music room. Napailing ako. Maybe I'm just hallucinating. Epekto ng ilang araw na pagkaka-admit ko sa hospital. Wala sa sariling sinampal ko ang mukha ko.

"Fudge!" Ay tanga lang, Rinne?! Pero masakit that means... OMG!

Hindi ako pwedeng magkamali. After all these years of listening to his songs, I'm a hundred and one percent sure na si Stan nga ang naririnig ko ngayon. Hindi ko akalain na kung gaano kaganda ang boses niya kapag recorded ay mas maganda pa pala kapag talagang live mong maririnig. Idagdag pa sa kilig na nararamdaman ko ngayon ay ang kinakanta niya. Ed Sheeran's Photograph is one of my favorite song right now. 

Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob sa katawan para lang mag-lakad papalapit sa nakaawang na pinto ng music room. Nakailang lunok rin ako habang dahan-dahang humahakbang papalapit dito.

Isang nakatalikod na pigura ang tumambad sa akin pagkasilip ko. Nakaupo ito sa isa sa mga high stool na nasa loob ng music room. I am mesmerized just by hearing him strum the guitar he is holding. Ni hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha sa mata ko. The thought of seeing Stan in person is making me emotional. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng lugar kung saan ko siya makikita ay dito pa talaga sa university namin.

Wait...

Andito siya sa university, don't tell me magpe-perfrom siya dito?! Pero wala akong nabasa sa blog niya tungkol doon. Ang huling blog post niya ay two months ago pa at 'yon ay noong sinabi niyang magbabalik siya sa pag-aaral. OMG! Don't tell me dito nag-aaral sa university namin si Stan?!

'Focus, Rinne!' Piping saway ko sa sarili. Hindi ito ang tamang oras para isipin 'yon.

Panay ang dasal ko sa sarili na sana ay lumingon siya sa kinatatayuan ko. I couldn't force myself to call out his name. Ayaw kong putulin ang pagkanta niya, at ayaw ko ring mang-eskandalo at bulabugin ang university. Masyado pang maaga para gumawa ng eksena, okay lang sana kung medyo tanghali na. Gosh! Ganito pala kahirap i-restrain ang pagiging fan girl ko habang nakikinig sa pag-awit ni Stan.

'Yes, Baby Stan. I'll wait for you to come home.' Napabuntong-hininga ako. It feels like my idol is singing me a lullaby. Sana ganito na lang kami maghapon o kaya pwede ring forever na. When a sudden idea hit me. Bakit nga ba nawala sa isip ko na kunan ng litrato si Stan? I fumbled for my phone inside my bag.

Dalang-dala kasi ako sa pagkanta niya. Ramdam na ramdam ko 'yong sakit sa bawat pagbitaw niya ng lyrics. But why do I feel like he's so broken? And the way he sang the song, like he's trying to tell how hurt he is. Ilang segundo nang tapos ang kanta pero sige pa rin ako sa paghalungkat ng bag ko. Kung kailan naman nagmamadali ako saka nagiging black hole ang bag ko.

"Hey..." Napahiyaw ako sa gulat nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Naihagis ko pa ang bag ko nang dahil sa takot. Paglingon ko ay nakita ko ang nakataas ang kilay na mukha ni Scarlet.

"What the hell! Scarlett? Are you trying to kill me?!"

"Huh? No!" Iritableng sagot ni Scarlett sa akin. "But I was about to call the police when I saw you. Alam mo bang mukha kang magnanakaw sa malayo? Ano bang ginagawa mo dito?" Maarteng saad nito sabay kumpas ng kamay nito sa ere na animo'y may itinataboy na insekto.

"Wala ha!" Napapailing na pinulot ko ang bag ko. May mabuti namang naidulot ang pagkagulat ko kay Scarlet. Bukod kasi sa ibang gamit ko sa bag, lumabas 'din ang phone ko mula sa kung saan mang sulok ng bag ko ito nagtago.

"Ano bang sinisilip mo dito?" Nakita ko ang pagsilip ni Scarlet sa nakaawang na pinto ng music room. Kunot-noo'ng napatingin ito sa akin sabay sabing, "may nakikita ka bang 'di ko nakikita dito, Lorinne? Wala namang tao, e."

"Ano?!" Walang ano-ano ay tinabig ko si Scarlett para sumilip sa pinto. And to my utter dismay, Stan is no longer inside the music room. Mukhang nakalabas na ito sa kabilang pinto. I just missed my once in a lifetime chance to see Stan's face.

"Aray! Kung makatabig ka naman, Lorinne!"

Pero parang wala na akong naririnig sa paligid. Nakaramdam ako ng lungkot sa nangyari. Pakiramdam ko panaginip lang ang nangyari kanina at ginising ako ni Scarlet. Na ang narinig kong boses ni Stan mula sa music room ay epekto lang ng ilang araw kong pagkaka-ospital.

Wala sa loob na napabuntong-hininga na lang ako saka napapailing na tinalikuran si Scarlet at naglakad papunta sa library. Ni hindi ko na pinansin pa ang paulit-ulit niyang pagsigaw sa pangalan ko. All I could think of is the chance I missed para makita sana ang mukha ni Stan. Hay, sayang talaga.

Paulit-ulit kong rinereplay sa isip ang nasaksihan ko sa loob ng music room. Siguro hindi pa kami itinadhanang magkita ng baby Stan ko. Pero sisiguraduhin ko sa susunod na marinig ko siya sa music room, hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataon ko.


🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Song used in this chapter is Photograph by Ed Sheeran
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro