Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Third Symphony

Mint and vanilla. My two favorite scents in the world.

Kung hindi lang talaga parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit ay na-appreciate ko na ang mga amoy na 'yan. Pero parang mas nakadagdag pa yata sa sakit ng ulo ko ang mga ito. Daig ko pa may hangover, gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader.

Unti-unti kong sinubukang imulat ang mga mata ko pero konting ilaw pa lang ay parang mas lalong nanakit ang ulo ko. Ghad! Ano bang nangyari sa akin at ganito ang pakiramdam ko. I feel shitty as hell. Nakakaiyak.

Makalipas ang ilang segundo ay tinangka kong muli imulat ang mga mata, pero natigilan ako nang isang pares ng kulay blue-grey na mga mata ang bumungad sa paningin ko. Teka, mukhang namamalikmata pa yata ako. Pumikit akonng muli baka sakaling mawala ang imahe pero pagmulat kong muli ng mga mata ko ay nandoon pa rin ang mga ito. What the hell?

"Buti naman at gising ka na." Napako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa kama na katabi ng kinahihigaan ko. 

May konting punto ang pananalita nito na para bang galing ibang bansa. Pati ang itsura nito, mukhang foreigner lalo na ang mga mata nitong kulay blue-grey. May mga tao pa lang ganyan ang kulay ng mga mata, ang sarap titigan.

"Tititigan mo na lang ba ako maghapon?" I snapped out of my reverie when I heard his annoyed voice. Ay turn off agad, sungit ni Kuya, may PMS yata. 

Tumingin ako sa kanya and as expected, naka-kunot-noo nga siya. Sayang ang gwapo pa naman ni Kuya. Ugh, wait. Did I just said that? 'Di ko na lang siya pinansin, imbes ay inilibot ko na lang ang paningin sa kung nasaan man ako.

Puting dingding, puting mga bedsheets at kumot, puting mga kurtina. 'Di ko na kailangan magtanong pa kung nasaan ako.

"If you're wondering, you're at the clinic." Kalmadong saad niya, na para bang nabasa niya kung anuman ang nasa isip ko.

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para sana magtanong kung paano ako napadpad dito sa clinic pero bigla ulit nagsalita si kuyang masungit. "If you're also wondering how'd you got here, hinimatay ka lang naman habang papasok dito sa university."

Tumango na lang ako bilang sagot. Mind reader ba 'tong si Kuya at hindi pa man ako nagsasalita alam na agad niya kung anong sasabihin o itatanong ko? Kaloka. Ilinibot ko ang tingin sa paligid para hanapin ang orasan pero nang makita ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Holy carousel! I'm so late for my first subject! May long quiz pa naman kami doon ngayon and I'll be doomed if I missed that. Agad akong tumayo pero dahil na rin siguro sa ilang minuto o oras kong pagkakahiga ay bigla akong makaramdam ng hilo. Napahawak ako sa gilid ng kama saka sinapo ang noo ko. Damn.

Agad naman akong dinaluhan ni kuyang masungit. 

"Hey, are you okay?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Pero mas lalo yata akong nataranta nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Dahil sa gulat ay natabig ko ang kamay niya. Rumehistro sa mukha niya ang gulat sa ginawa ko. I suddenly felt guilty pero mas lamang pa rin 'yong pagmamadaling nararamdaman ko. Pag nagmadali ako, baka sakaling maabutan ko pa 'yong long quiz namin.

"I-I'm sorry! I didn't mean to do that pero I'm super duper late for my first class and we have a long quiz that I couldn't miss. I'm really sorry." Huminga ako ng malalim pagkatapos magsalita, ito yata ang unang beses na nagawa kong magasalita nang ganito kabilis.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad kong hinablot ang bag kong nakapatong sa side table na nasa tabi ng kama ko. Patakbo akong lumabas ng clinic pero bago ako tuluyang makalabas ay lumingon ako sa direksyon niya. 'Di ko mapigilan ang ngiting kumawala sa labi ko nang makita ko ang gulat na ekspresyon sa mukha niya.

"Hey!" Sigaw ko sa kanya. Lumingon naman siya sa direksyon and he still have that shocked expression on his face. 'Di ko na pinigilan at nginitian siya. "Salamat sa pagdala at pagbantay mo sa akin dito sa clinic."

🌸 🌸 🌸

Kung ano-anong mga bagay ang tumatakbo sa isip ko habang papunta ako ng classroom. Tulad na lang kung bakit ang lalaking 'yon ang kasam ko sa clinic at hindi si Yassi? Gusto kong batukan ang sarili ko kasi ngayon ko lang naisip 'yon. 'Di ako makapaniwalang iniwan ako ng best friend ko kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Paano na lang kung may ginawang masama sa akin 'yon habang wala akong malay? At ngayon ko lang din rumehistro sa isip ko na kaming dalawa lang pala ang nasa clinic. Mababatukan ko 'yong nurse na 'yon kapag nakita ko. Bakit nga ba ako hinimatay kanina? Kumain naman ako ng breakfast. Enough din naman ang tulog ko.

Hay nako, Rinne. Sasakit lang ulo mo kakaisip.

Halos manlumo ako nang marinig ko ang boses ni Mrs. Ducusin mula sa corridor. It only means one thing, tapos na ang supposed to be long quiz namin. Nanghihinang kumatok ako sa pinto ng classroom namin bago pumasok. Halos lahat ng atensyon ng mga kaklase ko pati ni Mrs. Ducusin ay napunta sa akin.

"Oh, Ms. Ayala, are you feeling okay already? Sabi ni Ms. Tuazon ay hinimatay ka raw." Bakas sa mukha ng propesora ang pag-aalala. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na isa pala sa rare species ng mga mababait na professors si Mrs. Ducusin. She's more like a mother than a teacher to her students. Kaya naman maraming may gusto at humahanga sa kanya.

"Uhm okay na po ako, konting hilo lang naman po 'yon." Nginitian ko si Mrs. Ducusin ng matamis. Tinanguan naman niya ako bilang sagot. Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Yassi, at tabi rin mismo ng bintana. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa paboritong anime ng kapatid ko.

Pasimple kong tinadjakan ang upuan ni Yassi nang mapadaan ako sa tapat niya. Pero ang amasonang best friend ko, inirapan lang ako at ibinaling muli ang tingin kay Mrs. Ducusin. Aba! Nakuha pa talaga akong irapan pagkatapos niya akong iwan kasama ang isang total stranger sa clinic. Pagkaupo ko ay linabas ko agad ang dala kong binder saka pumunit ng isang pahina nito at linukot. Pasimple kong ibinato kay Yassi ang lukot na paper dahilan para mapalingon siya sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na ako sa upuan ko.

"Ms. Ayala, Ms. Tuazon." Pareho kaming napatingin ni Yassi kay Mrs. Ducusin. She's giving us the stern look, na madalang lang mangyari. Patay. Nakita yata niya 'yong ginawa kong pagbato ng papel kay Yassi. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaklase kaya naman kunwaring tumawa rin ako habang tumitingin sa mga kaklase. Nang mapadako ang tingin ko sa propesora ay napalitan ng ngiwi ang ngiti ko. Napayuko na lang ako sa desk ko nang ipagpatuloy na muli ng propesora ang sinasabi.

'Aish! Nakakahiya ka talaga minsan, Lorinne.'

"Anyway, Ms. Ayala." Napa-angat ako ng tingin kay Mrs. Ducusin. Eto na yata 'yong tungkol sa long quiz namin. "You missed the long quiz. If you want to secure your slot on the Dean's List then you need to take a makeup quiz for it." Kagat-kagat ko ang labi ko habang nagsasalita si Mrs. Ducusin, pero nakahinga rin ako nang maluwag ng marinig ko ang sinabi niyang pwede akong kumuha ng make up quiz. Kailangan ko talagang ma-maintain ang pagiging DL ko, not because my parents expect too much from me, but because I need to prove to myself that I can.

"Sige po, Ma'am. I can take the makeup quiz after class. That is if it won't be a bother to you, Ma'am." Napakagat akong muli sa labi ko habang hinihintay ang sagot ng propesora. Pero agad rin akong nakahinga ng maluwag ng ngitian niya ako saka tumango. Napakaswerte talaga namin at naging propesora namin siya.

Mukhang may sasabihin pa sana sa akin si Mrs. Ducusin pero naantala ito dahil sa pagkatok na mula sa pintuan. Halos lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay napunta sa kung sinoman ang kumatok. Narinig ko naman ang biglang pag-ubo ni Yassi pero 'di ko na siya pinansin dahil halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa may pintuan. OMGosh! What the hell is he doing here? Don't tell me magiging kaklase naming siya sa subject na 'to? Oh no! No! No!

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko nang walang pag-aalinlangang pumasok si Kuyang Masungit sa classroom namin. Ang mga babae kong kaklase parang kinikilig. Well, 'di ko ikakaila na gwapo si kuya. Kung alam lang nila na may pagka-arogante rin ito. Pasalamat na lang ito at medyo wala pa siya sa huwisyo kanina sa clinic.

Kumunot ang noo ko nang makita ang papel na linapag nito sa table. New student? Ang late naman yata niyang pumasok? One month ago pa ang pasukan at nakakapagtaka dahil fourth year college na sila. Tumatanggap pa pala ang eskwelahan namin ng mga bagong estudyante? It's either matalino si Kuya or may kapit siya sa school administration kaya ito nakapasok. Pwede ring baka galing sa ibang university at na-credit ang lahat ng subjects na nakuha niya mula sa dating eskwelahan. Though she suspects that the guy knows someone inside kaya ito nakapasok.

'Hay, ang mean mo talaga minsan, Rinne.' Napailing siya sa naisip.

Kinuha naman ni Mrs. Ducusin ang papel saka ito binasa. Tatango-tango pa ito habang nagbabasa. "Ah, so you're the transferee that the dean informed me about." Tumango naman si Kuyang Masungit bilang sagot. Wow. Mukhang napipi si Kuya samantalang kanina ay napaka-angas nito. "Okay, but why are you late, Mr. Azrael—" Sinulyapang muli ng propesora ang hawak na papel. "Sy." Nakangiting tapos nito sa pangalan ng bagong estudyante. So 'yon pala ang pangalan niya. Ang lakas maka-gwapo. Pwe! Did I just say that? Gee, anong nangyayari sa akin?

"Ah, may binantayan lang po ako sa clinic pero bigla rin akong iniwan nang magising." He answered with a straight face. Hindi ba marunong ngumiti ang isang 'to? Pero ang gwapo pa rin niya kahit ganun ang mukha.

'Nakakainis ka naman, Lord. Bakit mo naman hinayaan na maging ganyan ka-gwapo ang nilalang na 'yan. Nagiging makasalanan kaming mga anak ni Eba, e! Kainis!'

"Is that so..." Tatango-tangong sabi ni Mrs. Ducusin habang binabasa pa rin ang hawak na papel. Binabasa siguro nito ang endorsement letter ng dean.

Mukha namang hindi nakikinig si Kuyang Masungit dahil inililibot nito ang paningin sa buong classroom namin. Nang biglang mapadako ang tingin niya sa direksyon ko, isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang mukha ko kaya naman dumukmo ako sa mesa ko. OH. MY. GOSH. Bakit niya ako tinitignan? Wala naman akong ginawang masama sa kanya diba?

Makalipas ang ilang segundo ay pasimple akong nag-angat ng ulo pero nakatingin pa rin siya sa akin. Ah! Ano ba 'yan! Ibinaling ko ang tingin kay Yassi pero ang bruha, patay malisya lang. Napakabait talaga ng best friend ko!

Inilibot ko ang tingin sa classroom namin, at pakiramdam ko ay mas lalong uminit ang mukha ko dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Eto na ba 'yung moment na magsisimula na akong magka-haters? Lord, h'wag naman! Last year ko na 'to sa college eh. My last three years are awesome and surely a peaceful one, ayokong magkaroon ng magulong senior year, please.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Mrs. Ducusin kaya naman napatingin ako sa kanya. She has a serious look on her face but when I looked at her eyes, I could see amusement playing on them. Pati ba naman professor namin? Ano ba 'yan!

"You may take your seat. Kanina pa nagsimula ang klase, if you want a copy of the course syllabus then you can drop by my office this afternoon." Tumango naman si Kuyang Masungit kay Mrs. Ducusin bago nagsimulang maglakad papunta sa upuan niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang naglakad siya papunta sa direksyon ko. Ano na namang trip ng isang 'to? Napalinga-linga ako sa buong classroom para i-check kung may ibang bakanteng upuan pa. Pero ang lakas makialam ni tadhana, dahil isa na lang ang bakanteng upuan at 'yon ang nasa likuran ko. Naman eh!

Habang nakikita ko siyang papalapit sa pwesto ko ay mas lalo namang lumlakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama sa kanya.

'Rinne, calm yourself. Inhale. Exhale.'

Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Literal na napapa-inhale at exhale ako. Pero laking gulat ko nang tumigil siya sa tapat ng upuan ko. OMGosh! 'Heart, behave! Baka marinig ka ni Kuyang Masungit! Nakakahiya!'

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla siyang yumuko. Ramdam ko ang hininga niya sa may tenga ko, pakiramdam ko ang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Napalunok ako ng ilang beses. Sinasambit ko sa isip na sana ilayo na niya ang mukha niya sa akin.

"Hi, we met again... Ms. Ayala." Bulong niya bago tuluyang umupo sa likuran ko. Hindi agad nag-register sa isip ko nang binanggit niya ang apelyido ko. Pero makalipas ang ilang minuto ay napalingon ako sa kanya, alam kong bakas ang pagtataka sa mukha ko. How did he know my name? Hindi ko maalalang sinabi ko ito sa kanya kanina sa clinic.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro