
Sixth Symphony
Pakiramdam ko ay mukha akong zombie sa laki ng eyebags ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa nasaksihan ko kagabi. Kung bakit ba kasi pinag-aaksayahan ko ng oras ang kakaisip tungkol dun.
"You look like crap, Rinne." Tinignan ko lang si Yassi na kasalukuyang kaharap ko ngayon sa counter table. We're having breakfast right now at kahit pa ayaw kong kumain ay pinilit ako nitong magaling kong best friend, because breakfast is the most important meal of the day daw. Ugh.
"Ugh whatever, Yassi." Binuhat ko ang bowl of cereals ko saka pumunta ng sala. Manonood na lang muna ako ng TV, 'di bale weekend naman. Pero kahit anong browse ko sa mga channels ay wala akong magustuhan, kaya naman pinatay ko na lang rin yung TV.
"By the way, Rinne, lalabas ka ba today?" Napatingin ako kay Yassi na kulang na lang ay idikit ang mukha sa screen ng laptop niya. Hindi pa nga niya nakakalahati 'yong kinakain niyang cereals.
"Siguro. Depende sa mood ko mamaya, bakit?"
"Nothing. I'm just asking."
"Oh okay . . ." Linagay ko sa dishwasher ang pinagkainan ko saka iniwan si Yassi sa kitchen. Sigurado akong magtatagal 'yon doon, kung bakit kasi binubuksan pa niya dito sa bahay 'yong email niya.
Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko para sana matulog but then I could hear my phone ringing. Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako ng rinig kaya naman mas pinili kong humiga ulit. I need sleep.
"Rinne! Answer your phone!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni Yassi mula sa kitchen. So hindi nga ako nagkamali sa narinig ko, pero I have another problem; Hindi ko matandaan kung saan ko huling ipinatong ang phone ko.
Halos baliktarin ko na ang kama ko, at ilabas ang laman ng bedside table ko pero 'di ko pa rin mahanap ang cell phone ko.
"Rinne! Answer your phone, damn it!"
"I can't find it!"
"It's in the bathroom!"
"Thank you!" Dali-dali akong tumakbo papunta sa bathroom namin, and there it is on top of the bathroom counter. Pahablot ko itong kinuha, and without looking at the screen answered it.
"Hello?!" May konting hingal pa na sagot ko. The sudden adrenaline rush woke me up. Pero pakiramdam ko ay sasabog naman ang ulo ko sa sakit.
"Are you yelling at me, Lorinne Tiffanie Ayala?!" I cringed when I heard my Mom's voice on the other line. Sinasabi ko na nga ba, eh!
"Hindi, 'My! OMG, I'm sorry. I didn't mean to---"
"I know. I know." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong kalmado ang boses ni Mommy. Mas strikto kasi siya compared kay Daddy na carefree lang. Minsan tuloy napapaisip ako kung paano sila nag-click. "Bakit ang tagal mong sagutin ang phone mo, Tiffanie? Kung saan-saan mo na naman siguro nilalagay ang mga gamit mo. Hay nako, you're almost nineteen pero burara ka pa ring bata ka."
"Sorry na kasi, 'My." I pouted kahit pa hindi niya ako nakikita. "I left it here at the bathroom counter last night but anyway, bakit ka napatawag?"
Umupo ako sa counter saka sumandal sa salamin. Pinagdadasal ko lang na huwag biglang pumasok si Yassi or she'll have a screaming fit again.
"You haven't changed a bit, Tiffanie. I'm amazed Yasmine could keep up with you." Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Mommy sa kabilang linya. Kung alam lang ni Mommy na halos mabaliw na minsan sa akin si Yassi. Natawa ako sa naisip. Bad Lorrine!
Pero bakit nga ba napatawag si Mommy? Nakaramdam ako ng konting kaba, sa pagkakatanda ko naman wala akong pinasok na gulo or kapalpakang ginawa these past few days. Minsan kasi nakakarating 'yon kina Mommy, and I have no idea how.
"Gusto lang sana kitang kamustahin. You're not calling or texting us these past few days which got us worried."
I let out a silent breathe of relief. "Busy lang talaga ako sa school, 'My."
"Don't be too hard on yourself, Tiffanie. We're not pressuring you naman or anything. Tignan mo tuloy sa sobrang busy mo, nakakalimutan mo na kaming kamustahin. Nakakatampo." Napangiti ako nang marinig ko ang pag-aalala sa boses ni Mommy. "Kung bakit kasi hindi ka pa sumunod dito."
Here we go again. "I promised naman that susunod ako diyan, Mommy, pero after I graduate. I only have this year left, so wait for me, 'kay?"
"Okay fine. Ano pa nga ba ang magagawa ko? You've already decided. Just don't forget to call or text your Dad. He's been whining about it for two days, and it's getting annoying. How I wish Logan is here to keep him busy."
Natawa naman ako sa narinig. I wonder where is my brother again at wala na naman siya kina Mommy. He's supposed to help them but he spends most of his time travelling. Malapit na nga yata nitong makalahati ang mundo.
"And don't forget to tell Yassi, I said hi. I love you, anak."
"I will, Mommy. I love you too." Sagot ko bago maputol ang linya.
Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos namin mag-usap ni Mommy. Pakiramdam ko nawala 'yong antok ko sa usapan namin. I should visit them on our sembreak para kahit papaano hindi na muna niya ako kuliting sumunod sa kanila sa London.
At dahil nawala na ang antok ko, I decided to prep up for the day. Siguro doon na lang ako tatambay sa paborito naming coffee shop ni Yassi. Sisimulan ko na lang ang iba kong projects para hindi na ako matambakan for this sem. Nagtanda na ako sa nangyari noong nakaraang sem, I slacked off, the result, aligaga ako nang patapos na ang sem.
"Yassi, pupunta ako sa Pink Oven, sama ka?" Sigaw ko mula sa kwarto. Pink Oven is the name of the coffee shop. Nasa kabilang kanto lang ito ng building kung saan kami nakatira. We usually hang out there during weekends since it's kind of boring staying in our unit for two whole days. Madalas din kaming dumaan doon bago pumasok. Nakakaligtaan rin kasi naming kumain ng breakfast, lalo na kapag late kami parehong nagising.
"Yeah, sure!" Pasimple akong sumilip sa kitchen habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. And she's still where I left her a while ago. Napailing na lang ako. Who reads a thousand emails in a day? Oh well, Yassi does.
Dumiretso ako sa kwarto para magbihis, 9am pa lang kaya siguradong kaunti pa lang ang tao sa coffee shop. Miss ko na 'yong blueberry cheesecake nila at ang paborito kong Coffee Pudding Frappe.
"Mauna na lang ako sa Pink Oven, Yassi." Kumuha ako ng tubig sa ref saka tinignan ang ginagawa ni Yassi.
"Sige, susunod na lang ako doon. Tatapusin ko lang 'to." Tuloy-tuloy sa pagta-type ang best friend ko, not minding na binabasa ko ang sagot niya doon sa letter. Masyadong focused.
"Minsan patitikimin kita ng paborito kong frappe para hindi ka naman ganyan kabitter sa mga senders mo."
"Hey! H'wag mo ngang binabasa tina-type ko!" Tinulak niya ako palayo at muntik ng matapon 'yong tubig sa baso ko. Natawa na lang ako.
Kunwaring tumikhim muna ako bago nagsalita. "You should ditch that jerk, insert your senders name. She doesn't deserve you." Pagkasabi noon ay tumawa ako nang malakas. "Ang bitter mo kahit kailan, Yassi."
"Hindi ka-bitteran 'yon, noh!" Inirapan niya ako saka muling tumingin sa laptop niya. "Every girl deserves to be treated like a princess or a queen. Niloloko na nga siya tapos magpapakatanga pa siya para sa lalaking 'yon? Plus the way she described the guy on her letter..." Nakita kong napailing si Yassi.
"Fine. Fine. He's a jerk and you hate jerks. Akala mo naman nagka-boyfriend na 'to!" Inilapag ko na ulit sa dishwasher ang inuman kong baso. "Sunod ka na lang doon, 'kay? Doon na lang din siguro ako gagawa ng mga projects. And ugh! Kung bakit kasi nauso pa ang thesis na 'yan! Dagdag pasakit, eh!"
Hindi na ako sinagot ni Yassi, she just waved me off without even glancing at me. Pinulot ko na lang ang laptop bag ko na iniwan ko sa sala at isang libro kong kasing kapal yata ng thesaurus. I glanced back at Yassi and she's still too immersed in her emails.
🌸 🌸 🌸
"One Coffee Pudding Frappe for Tiffanie!" Nakita kong ilinapag ng isa sa servers nila ang order ko sa gilid ng laptop ko.
"Sobrang busy niyo po yata ngayon, Ma'am." Nakangiting tanong ni Myke. Isa siya sa mga pinaka-friendly na servers nila dito. Mabait din 'yong iba pero hindi katulad ni Myke na talagang nakikipag-interact sa mga customers.
"Yeah, thesis and case papers, malapit na nga yata akong mabaliw." I took a sip and I almost felt it relieve the starting headache I'm feeling.
"Wala po yata si Ma'am Yassi?"
"Maya-maya pa 'yon, busy pa siya sa bahay."
"Ah ganoon po ba?" Kung 'di ko lang kilala 'tong si Myke ay iisipin kong may gusto ito sa best friend ko. Kapag 'di ko kasi kasama si Yassi, lagi niyang hinahanap. Nagpaalam sa akin si Myke at ipinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko. Sinimulan ko na ang ibang projects ko kahit due pa next week. Mahirap kaya mag-cramming.
I was about to sip from my frappe nang maagaw ng pansin ko ang pagkabasag ng isang bagay. Napalingon ako sa pinanggalingan nito pati na rin ang ibang customer ng shop. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babaeng nakatayo at umiiyak. Sa harap nito ay isang lalaking nakaupo na para bang wala lang dito ang nangyayari sa harap niya. Wow! What a jerk.
"You told me na ako lang ang liniligawan mo, pero sino 'yong nakita kong kasama mo kanina sa mall?!" I sipped from my frappe. Grabe naman dito pa talaga nila naisipang gumawa ng eksena. "Buti na lang hindi kita sinagot nung isang araw kung hindi magiging katulad lang din ako nang mga naging girlfriends mo. Buti na lang talaga at nakinig ako sa advice ni Minth! You're a selfish asshole!"
Binuhusan muna ulit ng babae nang kape ang nakaupong lalaki before she stormed out of the coffee shop. Wow, para lang akong nanood ng real life drama. Pero tama ba 'yong narinig kong name? Minth? Si Yassi 'yon ah? Nako, lagot na naman ang best friend ko. May pinaiyak na naman, for sure uulanin na naman siya nang mga hate mails coming from the other parties.
Nakita ko ang pagtayo ng lalaki at umalis. He looks crestfallen; maybe he's really serious about the girl. Nako, Yassi. May nadagdag na naman sa haters' list mo. Napailing na lang ako saka muling ibinalik ang atensyon sa project at report na ginagawa ko.
"Finally, natapos ko rin basahin ang mga emails ko." Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng best friend ko. Nakapantulog pa rin siya at mukhang naghilamos lang bago pumunta dito. Nothing new, minsan nga wala pang hila-hilamos 'yan kung pumunta dito, well, minsan ganoon din ako. Guilty.
"May pinaiyak ka na naman na babae, Yassi. Nako." Nakita ang pagkunot ng noo niya.
"Pinagsasabi mo, Rinne?"
"Well, a few moments ago, there's a scene here and I get to see it, para akong nanonood ng teleserye ng live. At narinig ko ang sinabi ng girl, na buti na lang sinunod niya 'yong payo mo kundi baka magaya siya sa ibang naging girlfriends nung guy. Poor girl."
"Oh well, maybe the guy totally deserves it."
Napailing na lang ako. "You should've seen the guy's face. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, mukhang seryoso siya doon sa babae. Kawawa naman."
"Whatever."
"Heartless." Inirapan muna niya ako bago magpaalam sa akin na mago-order daw siya ng inumin. Tumango na lang ako bilang sagot. Paniguradong aabutin na naman ng siyam-siyam 'yan sa pagpili ng dessert niya.
Habang hinihintay siyang makabalik, I decided to check my social media accounts. Napakunot ang noo ko nang makakita ako ng friend request sa Facebook ko, which is rare, kasi hindi naman ako ganoon ka-active sa social media, except sa Instagram, because pictures are lifeu!
"Azi Ortega wants to add you as a friend." Basa ko sa notifications ko.
Sino naman kaya 'tong Azi Ortega na 'to? I decided to open his profile bago ko i-confirm ang request niya. And my jaw almost dropped nang makita ko ang profile niya.
Azrael Sy, I mean, the transfer student just added me. Holy crap. . .
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro