Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sixteenth Symphony

🌸 🌸 🌸 🌸
Back to Lorinne's PoV
🌸 🌸 🌸 🌸


Horror movie ang palabas sa TV pero hindi ko magawang matakot o magreact man lang. I've been continuously shoving popcorn in my mouth while staring blankly at the screen. Ugh! Even Freddy Krueger can't faze me.

Wala sa loob na napahawak ako sa gilid ng labi ko. Hindi pa rin talaga tuluyang nagsi-sink in sa akin ang nangyari kanina sa library. You could say that I'm in denial, because I really am.

"That really happened, right?" Bulong ko habang patuloy na nakatitig sa kawalan. I could still feel the lingering feeling from that accidental kiss.

Accidental kiss...

"Ahh! Nababaliw na yata ako!" Biglang sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko. Muntik pang mahulog ang bowl ng popcorn na nakapatong sa hita ko. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at nasalo ko agad iyon.

Dapat ngayon ang unang araw ko sa pagbalik ng school pero ang dami nang naganap. At heto ako ngayon, hindi na naman pumasok. Hindi ko alam kung paano pa ako makakahabol sa mga lessons sa bawat subject ko. Paano na ang pagiging consistent dean's lister ko?

"Ahh!" Muling sigaw ko, "This is all Azrael's fault!" Parang tangang bulyaw ko saka inis na inihagis sa sahig ang throw pillow na una kong nahawakan. It may seem stupid pero ito lang ang alam kong paraan para maibsan ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko.

'I hate this kind of feeling. I don't even know how to deal or react with it without making myself look stupid.' Napabuntong-hininga ako.

Nahahapong sumandal ako sa couch at idinantay ang ulo sa headrest saka tumitig sa kisame. These feelings were all new to me, kung sana alam ko lang kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala nang bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng couch. Napaigtad ako sa sobrang gulat at wala sa sariling naihagis ko ang plastic bowl na hawak ko.

"God! I nearly had a heart attack because of you!" Sigaw ko habang nakatitig sa hawak kong cellphone.

Napatingin ako sa sahig and I couldn't helped but groan. Nagkalat sa sahig ang kaninang kinakain kong popcorn. Buti na lang din at plastic ang bowl na ginamit ko, kundi pagagalitan na naman ako ni Yassi kapag nakabasag ako.

Laking-gulat ko nang bigla ulit mag-vibrate ang hawak kong cellphone. 'Di sinasadyang nabitawan ko iyon, buti na lang at sa couch iyon nahulog, hindi sa sahig.

Nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ay hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng isang 'to?

"Oh, ano na naman?" Iritang tanong ko nang sagutin ang tawag. Hindi ko maiwasang mapahalukipkip ng kamay na para bang nasa harap ko ang kausap.

"Well, hello too, little sister." Bakas sa tono ng kapatid ko ang amusement at naiimagine ko na ang ngising nakapaskil sa labi niya.

"Tigilan mo nga ako, Timothy. Masyado pang maaga para inisin mo ako at sirain ang araw ko." Mataray na sagot ko.

I can't help it. When it comes to my brother, I automatically get on defensive mode. Kahit wala pa siyang ginagawa o sinasabi, inihahanda ko na agad ang magiging bwelta ko sa kanya. Siya kasi ang numero unong bully sa buhay ko. Like I was born to be bullied by him. I can still remember clearly, kung paano niya ako asarin dati, lalo na kapag nataong wala ang parents namin o kaya wala ang yaya ko, siya kasi ang tumatayong babysitter ko. But thanks to him, natuto ako kung paano kilatisin ang mga taong nasa paligid ko.

"Ang aga-aga pero ang init na agad ng ulo mo. Is it that time of the month again?" I heard him laugh on the other line. Tingnan mo talaga ang isang ito.

"Shut up, Timothy." Kung nasa harap ko lang siguro siya, baka nasabunutan ko na. Makaganti man lang sa ginagawa niyang pangpa-power tripping ngayon sa akin. "What do you need now?"

"I'm going back to London by tomorrow."

"Wow, that's good news. Ingat ka. Bye." Akmang papatayin ko na sana ang tawag pero narinig ko ang biglang pagsigaw ni Timothy sa pangalan ko mula sa kabilang linya.

"Geez, Tiffanie. Can you talk to me nicely even for once?" Hindi ako sumagot kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Can we have lunch today? We haven't really did any catching up since I arrived here. It's either you're avoiding me or I'm busy. I won't be able to tell Mom and Dad about how you are if you keep on doing this." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Medyo nakaramdam naman ako ng guilt sa inasta ko.

"Plus paniguradong aabutin na naman ng taon bago kita makita. You know how busy I could be. So please? Even for once?" I bit my lip. It's true that it might take years for him to see me again. And I'm not even sure if I will be able to visit them during my semester break, lalo na at ang dami kong kailangang habuling lessons and papers.

Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Fine. Fine. Just tell me kung saan and I'll be there."

"God! Thank you, Tiffanie!" Nagulat ako nang biglang magpasalamat si Kuya, that's very unusual of him, para tuloy mas nadagdagan pa 'yong guilt na nararamdaman ko. It won't hurt naman siguro if I set aside the annoyance I feel when he's around, and just for now, treat him nicely. "I'll pick you up at twelve noon. I've already made a reservation. Laters, little sister!"

"W-wai---" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay binababaan na niya ako.

Tingnan mo nga naman, at talagang prepared ang kuya ko. Mas nauna pa siyang magpa-reserve ng table kaysa tanungin ako kung papayag ba ako o hindi. He's pretty confident that I'll agree. Damn.

Nang tingnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding na nasa tapat ng dining table namin ay nagulat ako. It's already ten-thirty in the morning. Hindi ako makapaniwalang halos dalawang oras na pala akong nakatulala sa harap ng TV.

'How could I be that pre-occupied? It's only a kiss, Rinne!'

'Is it really only a kiss, Rinne? That's your first kiss, right?' Napasabunot ako sa ulo ko.

"Ahh! Stop thinking about that, Lorinne!" Padabog akong tumayo saka ini-off ang TV.

Nagpasya akong pumasok na ng kwarto para magbihis. Knowing my brother, he wouldn't pick me up at exactly twelve. What he really meant about picking me up at twelve is:

'I will pick you up twenty or thirty minutes earlier. So you better get your ass up and prepare because we should be at the restaurant at twelve noon.'

Isang kulay puting spaghetti strap blouse ang napili kong suotin na pang-itaas, iti-nuck in ko iyon sa ripped boyfriend jeans na pang-ibaba ko. Kinuha ko rin ang isang kulay blue na office blazer para i-patong sa sleeveless top ko, siguradong sesermunan ako ni Timothy kapag nakita niyang naka-sleeveless lang ako. He lived almost all his life in London pero napaka-conservative ng loko.

Pinasadahan ko ng tingin ang repleksyon ko sa full-length mirror at nang makuntento ay lumabas na ako ng kwarto. Mamaya ko na susuotin ang white converse shoes ko, kapag dumating na si Timothy.

Napakunot-noo ako nang may matapakan ako habang papunta ng kusina. At natampal ko na lang ang noo ko nang makita ang nagkalat na popcorn sa sahig. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon. Nagmamadaling iniligpit ko ang lahat ng kalat, at inilagay ang plastic bowl sa dishwasher.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin kung anong laman ng ref namin, nang marinig kong tumunog ang doorbell sa condo unit namin ni Yassi.

'That must be, Timothy.' Dali-dali kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang lukot na mukha ng kuya ko. Ano na naman kayang problema niya ngayon?

"Do you always open your door without taking a peek on who's at the other side of it, Tiffanie?" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Dire-diretso siyang pumasok ng sala habang nakasunod naman ako sa kanya. "Para saan pa ang peephole sa pintuan niyo."

"You're overreacting, Timothy." Kinuha ko ang kulay puting sneakers ko sa may shoe rack, saka umupo sa sofa. "Wala naman akong ine-expect na bisita bukod sa'yo. Oh wait, parang ikaw nga ang may-ari nitong condo, pumasok ka kaagad even though I didn't invite you in."

"Kahit na! What if I happened to be an intruder or rapist? You're still a girl, kaya dapat mag-ingat ka pa rin." 'Di ko mapigilan ang pag-ikot ng mga mata ko habang sinisintas ang sapatos ko. Ang OA talaga ng kapatid ko. Dinaig pa niya ang daddy namin king maka-react.

"Geez, Timothy. Hindi mo ba napansin kung gaano kahigpit ang security dito sa condo namin? Kung 'di ko sinabihan ang mga guards sa baba baka dun ka sa lobby naghihintay ngayon." Umayos ako ng upo. Napaangat ang isang kilay ko ng makitang parang imbestigador na pinapasadahan ng kapatid ko ng tingin ang buong condo unit namin.

"Nice place, you got here though."

"Thanks. So are you just going to stand there and appreciate our interior or aalis na tayo?" Nakapameywang na tanong ko sa kanya.

"Sabi ko nga, tara na." Napailing na lang ako nang akbayan niya ako.

Nakaakbay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami sa hallway papunta sa elevators. We're not talking with each other, but there's no awkwardness between us. Napangiti ako. I couldn't even remember when was the last time na nag-sama kami ni Timothy na hindi nagbabangayan. Maybe it won't hurt if I treat him nicely even for today.

Nang makasakay na kami sa elevator ay may nakasabay kaming mag-asawa na mukhang bagong lipat lang. I don't really mingle with my fellow tenants kahit pa simpleng bati lang o ngiti, kaya minabuti ko na lang na 'di sila pansinin.

"You look good together." Napalingon ako nang marinig na magsalita ang babae. Oh, I think they're thinking that we're a couple. I internally hit my forehead, can't they see the resemblance? Eh mukha kaming pinagbiyak na bunga ng kuya ko.

I chose to just ignore her statement pero iba yata ang nasa isip ng magaling kong kapatid. "Ah, you must have mistaken. She's my sister. Isn't she lovely?" Sagot ni Timothy gamit ang English accent niya. Nagpakitang-gilas pa talaga ang loko.

"Oh..." Gulat na reaksyon ng babae. Laking-pasasalamat ko na lang at wala na itong dinagdag pa. But after that, the atmosphere inside the elevator became really awkward. And my brother is smiling like a stupid dog all throughout that time, na para bang tuwang-tuwa ito sa nangyari.

Nang makababa ang mga ito sa lobby ay agad kong siniko si Timothy. "Do you really have to do that?" Nakairap na tanong ko sa kanya. Nasa loob pa rin kami ng elevator dahil nasa basement ang kotse niya. "Ugh! Nakakahiya! What if they remember my face? What if that lady approach me in the future again? What if---"

"What if you shut up and get in the car already." Natatawang putol ni Timothy sa sasabihin ko. Kahit kailan talaga bully siya. Nakakainis!

Inirapan ko muna siya bago tuluyang pumasok ng sasakyan. Hindi pa man kami umaabot ng isang oras na magkasama, nagawa na niya akong iritahin. Now, I'm doubting if I should really treat him nicely today or not. Ugh! I hate him!

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro