Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seventeenth Symphony

Pareho kaming tahimik ni Timothy nang makapasok na kami sa sasakyan. Naiinis pa rin ako sa kanya. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung dapat pa ba akong maging mabait sa kanya kahit ngayon lang. But then, knowing my brother, he won't be silent for long.

"So," Panimula ni Timothy. Sabi na 'di makakatiis ang isang 'to. "How are you doing lately?"

"Good." Tipid na sagot ko. I'm still waiting for his apology.

"Are you still pissed because of my stint?" Natatawang tanong niya sakin, dahilan para pairap akong tumingin sa kanya.

"Nakakahiya ka." Humalukipkip ako at tumingin ulit sa daan. "Hindi mo na lang sana pinatulan pa 'yong babae. Geez, you really couldn't keep your mouth shut when needed, Kuya."

Mas lalo pa akong nainis nang tumawa ulit siya. "You should loosen up a little, Tiffanie."

Hindi ko na siya sinagot at napagpasyahan na lang tumingin sa labas ng bintana. I won't talk to him until he apologize which came earlier than I expected. "Fine, I'm sorry, little sister. That won't happen again."

"That was fast." Nakataas ang kilay na napatingin ako kay Timothy. Pilit kong inaninag sa mukha niya kung binibiro niya lang ako. Pero mukhang seryoso siya.

"It's my last day here in the Philippines. I don't want to spoil it just because you're mad at me, Tiffanie." Paliwanag niya. This is another first. Knowing my brother, he's not the type to let an opportunity to annoy me pass.

"May kailangan ka ba sa akin, Timothy?" Hindi mapigilang tanong ko. Nakakapanibago kasi ang trato niya sa akin. He's way too nice, it's making me nervous.

Binigyan niya ako ng 'di makapaniwalang tingin, kasunod no'n ay bumunghalit siya ng tawa. "Oh God, Tiffanie! Hindi na ba ako puwedeng maging mabait sa'yo?"

"Malay ko ba." Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa labas. Inuulit-ulit ko sa isip na maging mabait sa kanya kahit ngayon lang, dahil minsan lang naman ito mangyari.

"Wait, I've always been curious, why did you chose to study here instead na sumunod sa London?"

Napakibit-balikat ako. "I like it here. Alam mo namang ayaw na ayaw ko ng sudden changes, kaya naman hindi ako sumunod sa inyo doon." Paliwanag ko. Ayaw ko rin kasing mapalayo kay Yassi. Ang pinakamahirap sa pag-lipat ay ang paga-adjust sa bagong lilipatan. New place means new friends or new acquaintance and I hate adjustments. "Pero nag-promise naman ako kay Daddy na susunod ako doon after graduation. That's the reason why he allowed me even though Mom is so against it."

"How about you?" Nilingon ko si Kuya na diretso ang tingin sa daan. "Why are you working at the company? Akala ko ba ayaw mong malagi sa iisang lugar?"

"It just happened."

Tumaas ang kilay ko sa isinagot ni Timothy. I know my brother like the back of my hand, kahit pa lagi kaming nagbabangayan. Kaya naman naninibago ako sa ikinikilos niya ngayon. I've known him as a happy-go-lucky and out-going person. Naaalala ko pa nang sabihin niya kay Daddy na mas gu-gustuhin niyang i-explore ang mundo kaysa tumulong sa family business namin.

"Is it because..." Hindi ko magawang ituloy ang gusto kong sabihin dahil biglang nag-bago ang ekspresyon ng mukha ni Timothy. Nakaramdam ako ng lungkot. I've never seen my brother with those sad eyes. I really want to know what happened between him and Krystal, but I think this is not the right time for it. I don't want to spoil this day, kahit pa nauna akong mainis kay Timothy. "Nevermind."

Buti na lang at nakarating na kami sa Gourmet Bistro, kung saan nagpa-reserve ng table si Timothy. Palihim ko siyang tinitingnan habang tinatanggal ang seatbelt ko. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Napansin ko ring ilang beses niyang nabitawan ang susi ng sasakyan habang naglalakad kami sa parking lot. May nakabunggo pa nga siyang lalaki pero diretsong naglakad lang si Timothy at nilampasan ang lalaki. Mabuti na lang at mabait ang nabunggo niya, ako na rin mismo ang humingi ng tawad. Hanggang sa makapasok kami ng restaurant ay mukhang lutang pa rin ang kapatid ko. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng guilt.

'You just reminded him of his ex, Rinne.' Kastigo ko sa isip. It's so insensitive of me.

Agad kaming binati ng mga attendant nang makapasok kami sa loob. Hindi ko mapigilang ilibot ang paningin sa lugar. The place is giving off a rustic vibe. The interior is a mix of contemporary and industrial design. Karamihan ng mga muebles ay gawa sa metal. The tables accented with the white tablecloth calms the metal accents. Plus the warm light coming from the pendant lights on the ceiling makes the place more cozy and homely. Meron ding nakasabit na mga abstract paintings na nagbibigay-buhay sa tahimik na atmosphere ng lugar.

The bistro's ambiance is comforting and relaxing. Kung gaano kataas ang araw sa labas ay kabaliktaran dito sa loob ng bistro. Para bang bigla kaming napunta sa ibang dimensyon ng pumasok kami dito. 

Hindi ko nga sukat akalaing may ganitong lugar pala na malapit sa amin. Who would've thought na si Timothy pa ang makakahanap nito? Samantalang kami ni Yassi ang mahilig mag-explore sa mga ganitong bagay.

"Table for two for Mr. Timothy Ayala." Kumpirma ng isa sa mga attendant sa reservation ni Kuya. "This way po, sir, ma'am." Nakangiting giya nito sa amin.

Since lunch time na, medyo marami-rami na ring tao sa restaurant. Mukhang mga businessman at mga may sinasabi sa buhay ang mga kumakain. Ang nakakagulat ay halos mapuno ang lugar samantalang lunch time pa lang naman. Halatang sikat ang bistro, kaya naman nakapagtataka at 'di ko alam ang tungkol dito.

Tahimik pa rin si Timothy hanggang makaupo kami. Palihim ko siyang sinusulyap-sulyapan habang nakatingin ako sa menu. Should I talk to him? Or should I---

"What do you like to eat?" Napatingin ako kay Timothy nang magsalita siya. Nakatingin pa rin siya sa menu. Well, at least he talked already.

Ibinaling kong muli ang tingin sa hawak kong menu. Karamihan ng nasa menu nila ay western cuisine. No wonder, Timothy chose this place. Paborito kasi niya ang western dishes.

"I'll have the stuffed potato appetizer and the beef wellington." Dumako ang tingin ko sa dessert choices at nagningning bigla ang mata ko nang makita ang paborito kong dessert. "Strawberry trifle!" Tumikhim ako nang medyo napalakas ang pagkakasabi ko sa pangalan ng dessert. "For my dessert. . ."

Napatingin sa akin si Timothy dahil sa ginawa ko. Nakita ko ang munting ngiti sa labi niya kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Try mo itong Pimm's Cup." Ipinakita sa akin ni Timothy ang picture nito sa menu. Hmm, it looks good. "It's a classic British alcoholic drink. It kind of tastes like sangria but milder."

Napatango ako, saka sinabi sa waitress na idagdag iyon sa in-order ko. Nang maibigay ni Timothy ang order niya ay 'di ko na napigilang itanong ang kanina pa naglalaro sa isip ko.

"How did you know about this place?" 

"I accidentally found it during college. Hindi pa ganito ang itsura nito dati." Inilibot ni Timothy ang tingin sa paligid. He's smiling but it didn't reach his eyes. Parang alam ko na kung bakit. "Dito kami madalas mag-date ni Krystal noon."

"I don't want to pry into your private life, Timothy. Pero bakit dito mo pa naisipang magpa-reserve?"  Lakas-loob kong tanong sa kaniya. "I could say that you and Krys have too much memory here." Ngayon ko lang nalaman na may sa masokista pala 'tong kapatid ko.

"Because I like this place.Bago pa man maging kami ni Krystal ay alam ko na ang lugar na 'to. At isa pa, ayos na ako. Matagal ko ng tanggap na wala ng kami."

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa sinabi ni Timothy. Kahit pa sabihin niyang maayos na siya ay alam kong hindi. Pero hindi na ako nagtanong pa, lalo na at iniba na ni Timothy ang topic namin.

Buti na lang at dumating ang waitress na kumuha ng order namin. May dala-dalang tray na may lamang pitsel ng lemon water at dalawang baso na sa hinala ko ay ang order naming drinks ni Timothy.

Tinitigan ko ang highball glass na inilapag ng waitress sa harapan ko. This must be the Pimm's Cup that Timothy suggested. Mukha lang itong iced tea, ang kaibahan lang ay punong-puno ito ng sliced apples at oranges, may mint leaves rin. Hindi aakalain ng nag-order na may alcohol content 'to.

Tumaas ang kanang kilay ko nang makita si Timothy na iniinom na ang sinerve sa kanya. "Hindi pa nga tayo kumakain, 'yang dry martini na agad ang ininom mo." 

"Said the person who's also drinking an alcoholic beverage." Napaubo ako sa sinabi ni Timothy, na ikinatawa naman niya. 

Hindi ko na lang pinansin pa ang balak niyang pang-aasar. Sa halip, kinamusta ko na lang sila Mom and Dad, pati ang pamamalagi nila sa London. Buti na lang at likas na madaldal ang kuya ko, kaya naman kahit hindi na ako magtanong ay siya na ang kusang nagsabi. 

I also opened up about the stuff that happened to me after their last vacation here in the Philippines. At dahil likas na tsismoso ang kapatid ko, he insisted na sabihin ko ang totoong nangyari nang makita niya akong buhat-buhat ng isang lalaki at walang malay. At dahil wala na akong choice, I gave him the run down kung ano ba talaga ang nangyari kaya dinala ako sa hospital noon. 

"Wow, kung makatawa ka, Timothy, parang wala ng bukas ha." 

"Because that is really funny, Tiffanie. I couldn't believe that you let yourself get over fatigue." 

Imbes na sagutin ay inismiran ko na lang siya. Kinuha ko ang inumin ko pero muntik ko ng maibuga sa mukha ni Timothy nang makita ko si Azrael na papasok ng bistro, kasama ang isang may edad na lalaki. 

'Shit! What is he doing here?!'

Awtomatikong napayuko ako at saka inilusot ang ulo ko sa ilalim ng lamesa. 

'Sa dinami-rami naman ng restaurant, bakit dito pa sila kakain!'

'OMG, nakita ba niya ako? Sana hindi! Kausap naman niya 'yong kasama niya, eh.'

"Tiffanie, what are you doing?" Muntik na akong mapahiyaw dahil sa gulat nang sumulpot ang ulo ni Timothy sa ilalim ng mesa. Buti na lang at natakpan ko ang bibig ko.

"Geez, Kuya!" 

"Nandito na order natin. So get your head out of the damn table, Tiff." Inirapan ko na lang si Timothy saka umayos ng upo. 

Buti na lang at nakaharang sa line of sight ko ang waitress. Hindi ko tuloy kita ang entrance ng bistro. Duda ako aakung nandoon pa si Azrael at ang kasama niya.

"One Stilton Welsh Rarebit Bites and One Stuffed Potatoes." Nagawi sa waitress ang tingin ko nang dahan-dahan nitong ilapag ang rarebit bites ni Timothy. 

"Thank you." Oh God. Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko nang kindatan ni Timothy ang waitress. At para namang teenager ang naging reaksyon ng huli, nang hawiin nito ang buhok at ilagay sa likod ng tainga. And she's wearing a freaking hairnet for shit's sake.

Nang makaalis ang waitress ay pinandilatan ko si Timothy pero patay-malisya lang niyang inabot ang appetizer sa harap niya at saka sumubo.

Inirapan ko na lang siya saka ibinaling ang tingin ko sa paligid, na para bang may hinahanap. Nahigit ko ang hininga ko nang makitang nakatitig sa akin si Azrael, ilang mesa ang layo mula sa amin. 

'Kanina pa ba niya ako tinitingnan?' 

Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya at kinindatan ako. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hiya o dahil sa kindat na ibinigay ni Azrael. Kaya naman laking pasasalamat ko nang humarang sa paningin ko ang waitress kanina, na ngayon ay dala na ang main course na order namin.

"One Beef Wellington and one Sheperd's Pie." Pahayag ng waitress habang isa-isang ibinababa ang pagkain namin. "If may gusto pa po silang i-order, tawagin niyo na lang po ako."

"Ok. Thank you." Nakangiting saad ko. Tinanguan lang ako ng waitress at pasimpleng sumulyap sa kapatid ko.

Muntik na akong matawa nang makita ang panghihinayang sa mukha niya, nang makita niya ang kapatid kong nasa pagkain na ang atensyon. 

"Stop giving hints to that poor girl, Kuya. She's obviously crushing on you."

"Ayan ka na naman. Ang dami mong napapansin, Tiffanie. Kumain ka na nga lang."

Pinigilan ko ang sarili kong ibato sa kanya ang hawak kong tinidor at nagpasya na lang kumain. Mauubos lang ang lakas ko kung ive-vent out ko kay Timothy ang nararamdaman kong inis sa kanya.

Nangangalahati na ako sa kinakain kong beef wellington nang may lumapit na ibang waitress sa amin. May dala itong tray na may isang baso ng inumin. 

"Excuse me. Butterscotch Coffee Cocktail for the beautiful lady." Nakangiting inilapag nito ang inumin na nakalagay sa isang irish coffee glass. Aalis na sana ito pero tinawag ito ng kapatid ko.

"Who gave this?" Salubong ang kilay na tanong ni Timothy habang nakaturo sa inuming nasa harap ko. Naninibago man sa biglang pagpapalit niya ng mood ay hindi ko na lang pinansin.

Pasimple kong dinampot ang baso at palihim na tumingin sa direksyon ng mesa kung nasaan sila Azrael. Muling nagtama ang mga mata namin, and I could feel a slight blush creeping on my cheeks. 

"I'm sorry, sir, but the customer doesn't want to introduce himself." Hinging-paumanhin ng waitress bago yumukod at umalis. Kita ko ang pagguhit ng inis sa mukha ni Timothy.

Kahit hindi man sabihin ng waitress kung kanino galing ang inumin ay may hinala na ako. Sa simpleng pagtango at ngiti ni Azrael nang mapadako ang tingin ko sa kanya, ay sapat ng kumpirmasyon ng hinala ko. 

Tinikman ko ang inumin na binigay ni Azrael, at gumuhit sa lalamunan ko ang kaunting init mula sa halong alak ng inumin. Nag-aagaw din ang pait at tamis ng inumin. It's a little subtle compared to the Pimm's cup that Timothy suggested.

"Stop overreacting, Timothy." Napapailing na sabi ko sa kanya. Hindi ko na inalintana ang matalas na tinging ibinibigay niya sa inuming hawak ko. Gusto ko pa sana siyang asarin na mas masarap ang ibinigay ni Azrael kaysa sa Pimm's cup niya, pero itinikom ko na lang ang bibig ko nang makitang salubong pa rin ang kilay niya.

"Do you know what this means, Tiffanie? Kung nasa bar tayo at may nagbigay sa'yo ng inumin, it means that guy is making an investment." Paliwanag niya. Halata pa rin sa boses ni Timothy ang inis nang sabihin iyon.

"Technically, wala tayo sa bar, Kuya." Kanina lang ay ang light ng mood niya. Ngayon naman ay biglang lumabas ang pagiging over-protective ng kuya ko. "Ano ba ang ipinupunto mo?"

"In a bar, a guy buying a drink for a lady means only one thing. He wants to sleep with her." Nasamid ako sa narinig mula kay Timothy. Sunod-sunod ang ubo ko dahil doon at sa gulat. 'What the fudge? Azrael wants to sleep with--- Stop it, Rinne!'

"Isa pa, it's insulting on my part. Hindi ba nakikita ng taong bumili ng inumin mo na may kasama ka? Paano na lang kung nagkataon na boyfriend mo pala ako? Eh 'di, nagkagulo dito ng wala sa oras?"

"You're kidding, right?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 

"Mukha ba akong nagbibiro, Tiffanie?" Iiling-iling na sumubo muna siya ng pagkain bago niya itinuro sa akin ang hawak na tinidor. "At saka kung talagang gentleman ang nagbigay sa'yo niyang inumin mo, siya ang lalapit dito at mag-aabot niyan sa'yo. Ano? Nagpapa-impress siya? Kanino? Sa akin?"

"M-maybe he just bought it to say hello or as a greeting." Nakaramdam ako ng kaba dahil mukhang nag-iinit na ang ulo ni Timothy and it's not a good thing. "H'wag mo na lang bigyan ng ibang meaning kuya."

"So you know this guy? Who is he?!" Nagpalinga-linga sa paligid si Timothy. "Ituro mo siya sa akin, Tiffanie!" Bahagyang lumakas ang boses ni kuya, may mangilan-ngilan tuloy na mga customer ang napalingon sa table namin.

"Stop it, Kuya! Nakakahiya!" Gusto kong takpan ang mukha ko sa nararamdaman kong hiya ngayon. Sa dinami-rami ng oras na magpapaka-kuya si Timothy, ngayon pa talaga niya naisipan.

"So I'm embarrassing you, Tiffanie?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. I bit my lower lip and sigh. I need to find a way para tumigil sa pag-o-overreact itong si Timothy.

"Yes! You're overreacting, Kuya!" Mahina pero may diing sabi ko. "If you don't stop this nonsense, I'll walk out." Nakita kong natigilan si Timothy sa sinabi ko.

Wala na akong maisip na iba pang paraan para tumigil si Timothy, kaya naman kahit medyo mabigat sa loob ay kailangan kong gawin ang alas ko ngayong araw. I know that Timothy really wants to spend time with me. Nakita ko 'yon sa effort niyang sunduin ako sa condo, at the same time, ang magpa-book sa lugar kung saan alam niyang magpapa-alala ng tungkol sa nakaraan nila ni Krystal.

"Ok," I saw him sigh, kaya naman napangiti ako. Alam ko kasing kumalma na siya. "I'm sorry for overreacting. Ju-just don't walk out on me, Tiffanie."

Napangiti ako bago sumimsim ulit sa inuming binigay ni Azrael. 

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro